R U L E D (NGS #10)

By Ineryss

2.5M 84.5K 72.7K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... More

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
21st Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
24th Ruled
25th Ruled
26th Ruled
27th Ruled
28th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
31st Ruled
32nd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
43rd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
49th Ruled
50th Ruled
Epilogue

33rd Ruled

40.7K 1.5K 1.7K
By Ineryss

Ruled

Familiar

Naiinis ako sa sarili ko. I noticed it when I was in Davao. Those years I was trying to forget everything, trying to fix what they broke to me, trying to heal myself, I slowly realized I like him.

Marahil ay kakaisip ko ng nangyari kaya ganoon. I was never the defensive type of person. Mahuhulaan ko agad kung nagugustuhan ko ba ang isang tao, kung nahuhulog, o kung may nararamdaman na ba.

But it didn't last. Lalo na't habang iniisip ang lahat ng nangyayari, nakakatakot na rin.

I noticed and I immediately killed it. Given to our situation right now, parang ayoko na. I'd rather stop it than fall inlove right now.

It's a disaster. I don't want this feelings. Lalo na't alam ko, pakiramdam ko ay aasa lamang ako at masasaktan. And I don't want to inflict another pain once I'm hurt. Parang takot akong... masaktan siya. Kahit ang totoo ay nasaktan ko na siya noong huling pagkikita.

It wasn't for me. I'd rather kill it.

His efforts, his care for me, everything. Oo at nakakaabot sa akin ngunit hindi ako deserving para doon. I will fail him. Baka matulad lang ang sinapit niya sa nagawa ko kay Ken. Masyadong malaki ang pagmamahal na iyon na pakiramdam ko'y manliliit ako dahil alam kong may mas karapat dapat doon.

Hindi ako.

Hindi ko na siya nakita pa simula noon. At kung babalik man siya sa bahay na iyon, sisiguraduhin kong wala na ako sa Woodridge Subdivision. Sisiguraduhin kong hindi nila ako mahahanap.

I couldn't finish my school. Nasa ikaapat na sana na baitang, halos limang taong lumipas pagkatapos noong nangyari sa Manila. I don't feel safe. Ayokong nadidikit sa mga tao. They're giving me too much anxiety. Pakiramdam ko kahit wala namang gagawin sa akin ay pag-iisipan ko ng kakaiba. At baka may magawa ulit ako dahil sa takot ko.

And everytime I'm outside, I feel like someone's watching me, someone's trying to follow me. I don't know if I'm just paranoid, ngunit sigurado akong may nagtatangka sa aking buhay. Sigurado akong pinagtangkaan niya akong patayin noong gabing iyon.

My father sent a bunch of guards for me after that incident. Hindi ko naman nakwento. Wala naman akong pinagsabihan lalo na't noong gabing iyon, noong sumulpot si Florisse, marahil sa lasing din siya ng kaonti ay napagtakpan ko pa kung bakit ako umiiyak.

"It was for your own safety. Wala ako minsan dito sa Davao. Your grandfather is busy sometimes. Wala si North sa tabi mo. South's busy, too. Kahit 'yang sila Rehan, hindi 'yan palaging kasama mo," si Dad noong Christmas.

Mom agreed, too. I understand it was for my own safety ngunit sa tuwing nakikita ko ang mga umaaligid na bodyguard sa akin ay parang dumadagdag pa sa alalahanin ko.

"I only want one, Dad. Ayoko ng marami," sabi ko habang nakahalukipkip sa sofa, pinapanood si Lola at Mommy na abala sa countertop para sa Noche Buena.

"Five," si Dad ang nagdeklara.

Umiling ako. I don't want five bodyguards! Masyadong marami!

"It's for your own good," si Dad na tinitingnan ako ng maigi.

"One," I declared without looking at him.

"Five—"

"I said one," giit ko at tiningnan si Dad.

I saw how he stopped from talking. Kumurap ako at nagsisi. Hininahon ko ang ekspresyon at bumuntonghininga.

"One please," I said in a soft voice.

My father nodded. He looked at me suspiciously, para bang may mali kaya ganoon makatitig.

"Franca. Just one word. Who hurt you?" madilim ang ekspresyon ni Dad. "Delafuenfe ba?"

No... I don't want more troubles! Ayoko nang may koneksyon kami sa pamilya nila! Ayoko nang makagawa na naman ng panibagong kasalanan na hihila sa akin pabalik sa nakaraan.

I'm still chained from the past. Hindi pa lubusang nakakalabas at napapapakawalan ang sarili, parang madadagdagan na naman ng harang kung malalaman ni Daddy ang lahat.

I may be cruel for what I did to Ken, ngunit alam kong walang wala iyon sa gagawin ng aking ama sa oras na nalaman niya ito. He's ruthless. Hindi siya magdadalawang isip na makipaggyera sa angkan nila kung sakaling nalaman niya ang nangyari.

Ayoko na sa ganoon. Kung pwedeng ako na lamang ang umiwas, ako nalang ang magpaka-layo layo gagawin ko. I don't want another version of misfortune. That's enough.

Umiling ako at ipinagsalubong ang kilay.

"Please stop thinking that someone hurt me, Dad. Malayo na ako sa mga Delafuente. Nandito ako sa Davao. Stress lang ako sa aking kurso at nag-aadjust pa."

"Are you sure?" si Daddy.

Tumango ako kahit hindi ako makatingin sa kanya. Graduating ako sa susunod na taon. Ngunit baka ang mga sumunod na klase ko ay homeschooled nalang. Ayokong lumabas. Ayokong makihalubilo. Ayokong may naiisip na iba.

"Do you want to date? May irereto ako," si Florisse sa New Year na iyon.

Wala si Irah. She probably spent her New Year with Toshi. Ayos lang naman sa akin. Isa pa, Toshi is Tita Aly's nephew. Pinsan ni Tita Aly ang ina ni Toshi. Sila nila North at South ang may koneksyon.

"Pass, Florisse," tanggi ko.

Kumunot ang kanyang noo. "You've changed a lot. You're so quiet. Always distracted. I missed your playful side."

I'm just tired. I feel like I'm slowly losing myself. Ayoko'ng may pumapasok na bagong tao sa buhay ko. Ayokong may pagbigyan. I don't want to meet new people.

"Just tired with it. Sa sobrang friendly ko sa Manila, naumay rin siguro ako," I chuckled.

Tumititig si Florisse ng malalim sa akin. Nauna siyang naka-graduate. Lalo na't ako ay nag-umpisa rin kasi ulit mag-aral sa Ateneo.

I don't consider love as romantic anymore. Siguro noong bata ako, noong highschool days o noong kolehiyo.

I find it exciting. I am always eager to confess. Para sa akin, wala namang mali total gusto ko naman iyong tao. I didn't think too much about it. Hindi ganoon ka lawak ang isipan ko sa salitang iyon.

I witnessed how my father loved my Mom. I witnessed that falling inlove is indeed a perfect fairytale. Kaya siguro hindi ako natatakot na sumugal, hindi natatakot mahulog.

Minahal ko nga siguro si Ken ngunit dahil mas mahal ang sarili, noong sinaktan niya ako ay hindi ako nagdalawang isip na gumanti. Dahil kung mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya, baka kahit saktan siya ay hindi ko kaya. But I did.

It scarred me.

Nakatatak naman sa aking isip na tama lamang ang ginagawa ko sa mga taong nangangahas na saktan ako, sa mga taong walang pagdadahan-dahan at nang-aabuso.

I am not like the rest. I am not like the majority. I have my own belief. I have my own rules. Nirerespeto ko ang tingin ng lahat sa bawat anggulo ng buhay ngunit hindi ko maipagkakailang naiiba iyon sa aking pananaw.

Some might say I'm desperate and weak. Desperate for seeking an explanation, and weak for hurting these people back who hurt me first.

Why do they call it weak? Saan masusukat ang katapangan ng isang tao? Kung paano indahin ang pang-aabuso ng nakapaligid sa'yo? Kung paano manatiling tuwid at hindi nababali sa mga problemang haharapin mo? Ganoon ba ang sukatan ng katapangan?

Dahil kung ganoon man, then I am weak. Coz I will never let them hurt me. Na kahit alam kong hindi tuwid iyong tingnan sa mata ng ibang tao, na ang pagganti ay walang naidudulat na mabuti, naging bulag ako.

But indeed, they're right. Coz if I could turn back the time, I'd rather kill the feelings I have for him. Iyon nalang siguro para hindi ako nasaktan, hindi ko rin siya nailagay sa posisyong sumugat sa buong buhay naming lahat.

Hindi lahat ng nasaktan at nanakit ay ituturing na biktima. Ang kakaawaan ay ang mga may mabigat na pinagdadaanan kahit ang totoo, sila naman ang nanakit sa umpisa.

And because the pain in their hearts are deeper, their lives became miserable. They will automatically earn sympathy from the people around them. As if they were indeed the true victim. But little did they know, some victims are actually the first assailant. They were the ones who gave the first blow. And the the villains they know of now actually suffered because of them.

Kung 'yon lang ang sukatan ng pagiging biktima, I'd rather face the wrath of people around me. If they can't see or realize that I'm hurt too, then why would I even consider their unsolicited advices and false opinions?

People judge others based from what they can only see on the surface. Just the tip of the iceberg. But turn a blind eye on what's underneath. The pain hidden underwater—masked by the darkness.

Hindi naman interesado ang mga tao kung bakit naging masama ang isang tao. They will always side the victim of those so-called 'villains' because they revealed themselves as the devils.

Ngunit meron bang nakakapag-isip na ang mga demonyong ito, ay minsan din namang naging anghel?

I doubt it. Most people don't give a flying fuck about what's behind the curtain. All they care about is what's outside the box.

And I don't want to chain myself from those norms.

Five years of misfortune. It didn't stop. Minsan hinihiling na lamang na sana ay masagasaan at makalimot. I want all those pain to stop. Pagod na pagod lagi ang isip ko. Those nightmares, they're scary.

Kusa kong nilibing ang sarili sa lupa. Kusang humiga at kusang tinakpan para magsilbing patay sa aking panaginip. I killed myself. I buried myself alive. Palaging ganoon. Magkakaiba man ang sitwasyon ngunit lagi kong sinasaktan ang sarili para lang huminto ang mga humahabol sa akin. Para lang tigilan nila ako.

At sa tuwing hinahabol ako, abot kamay na halos, sa tuwing nahuhulog ako sa itim na tubig at hinahayaan ang sariling makaabot sa pinakailalim at pagod na lumangoy sa itaas, bago pa man makarating sa dulo, bago pa mahawakan ng mga taong sumusunod, agaran akong nagigising.

It felt so real. Pakiramdam ko'y dilat na dilat ako at nasa reyalidad kaya pag nagigising ay parang nakakatakas sa sarili kong kamatayan.

And there's always that girl. That girl who always speak to me. She's not nice. She's always smiling, like a devil who's trying to deceive me that she's an angel in disguise.

And everytime I'll face her, everytime I'll see her, I will see my own reflection in the mirror wearing a wicked smile.

It was my evil side. The villain who defeated my heroine. The villain who conquered me. The villain who protected the angel Franca and pushed herself out. The villain who broke my mask.

"Do you like it?" nangingiti kong tanong kay Illisha, ang batang babae na anak ko.

She nodded and smiled a little. She liked cute things. She's very angelic. Sa liit ng kanyang mukha, mga matang maamo, matangos na ilong, perpektong hugis ng labi, talagang magmumukha siyang manika.

Her hair has curls. Ngunit hindi lang sa ends ng buhok. Kalebel ito sa kanyang mga mata pababa sa dibdib.

Maliit siyang tingnan kaya mas lalo siyang nagmumukhang cute. Siguro kung madadagdagan pa ang kanyang edad ay lalaki rin siya.

"Gusto mo bang lumabas?" tanong ko habang kapwa kami naka squat lalo na't kakatapos ko lamang talian ang kanyang buhok.

Umiling siya ng marahan. She's distance. She's scared to people. Snob siyang tingnan na bata lalo na't tahimik.

"Ayaw mong maglaro?" I asked more just to convince her. "Mangabayo sa labas?"

"Where's my father, Mommy?" she asked out of curiousity.

Natigilan ako kakayuko, kakasilip sa munti niyang ekspresyon. Hindi ko iyon masasagot. Dala dala niya ang aking apelyido. Alam niyang Buenaventura siya.

Siguro dahil lumalaki na rin, kaya kuryoso.

"Do you want to see him?" I asked softly.

Hindi ko kayang basagin ang pag-asa niya. Wala akong maipapakilala. Ngunit hindi ko rin masabi ang totoo dahil ayokong masaktan siya.

Hindi ko pahihintulutan ang mananakit sa kanya. Kahit ang aking sarili. Walang mananakit sa anak ko.

Wala na kami ni Illisha sa Woodridge. Wala ring nakakaalam sa kanya. Itinago ko siya bilang proteksyon. Kahit sa aking pamilya ay hindi ko inilantad. Kahit sa aking mga magulang.

She's hidden. Nasa Davao pa rin kami ngunit sa tagong parte na rito sa Crocodile Park. May nabili akong tanging bahay rito, ang unang makikita pagkapasok mo sa Park.

Hindi naman talaga sa mismong loob ng Crocodile Park kundi sa labas lamang, kung nasaan ang malawak na field. May dalawang daan pagkapasok. Hindi pa nakakarating sa mismong field, nasa gilid ang aming bahay ni Illisha.

Sa harap ng aming bahay na two storey ay ang malawak na field. May mga puno at patag ang bermuda grass, mga daang nasa bawat gilid ay lilim ng puno na pinoprotektahan ka sa sinag ng araw.

May mga taong pumapasok sa Park na ito lalo na't bukas siya sa publiko at walang entrance  ngunit kaonti rin at puro mga nagjojogging ang natatanaw ko, ang mga batang lalake na nagkaka-interes na maglaro sa malawak na soccer field sa dulo. May mga nagbabadminton din lalo na't sa sobrang lawak ng Park na puro lamang kahoy, mga kabayo, patag na kalsadang walang kotseng dumadaan, nagiging tahimik at payapa tingnan kaya paboritong puntahan.

Noong nakaraang buwan, may natanaw pa akong prenup shoot na pinanood ko lang sa terasa. The whole place is solemn. It's a perfect place for me and Illisha.

"Do you want to see your father?" ulit ko sa aking tanong.

Hindi sumagot si Illisha sa aking tanong ngunit ramdam ko ang kanyang pagiging kuryoso.

Patay ang cellphone ko at madalang kong ginagamit. Parang bigla ko nalang pinutol ang koneksyon ko sa mga taong nakapaligid sa akin.

I asked for my space. I asked for my own privacy. Ayokong pakialaman ngayon ang buhay ko. Ayokong may magsasabi sa akin kung paano ako mamumuhay.

May kumatok sa pinto. Napatingin kami doon ni Illisha. Tiningnan ko ang aking anak na kuryoso ngunit parang takot. She's shy.

"Calm down... Ako muna ang titingin," I said.

She nodded. Hinaplos ko ang kanyang pisngi saka tumayo at naglakad patungo sa pinto. Sumilip ako sa maliit na butas. Oh... 'yung naghahatid ng fresh milk na paborito ni Illisha.

Dahan dahan kong binuksan ang bawat tarangkahan. May lock sa ibaba, meron sa dulo, iba rin iyong sa gitna.

Sumilip ako. His eyes twinkled with admiration. Ngumiti siya at nangingiting ibinigay ang basket.

"Gatas para sa anak niyo, Ma'am..."

I nodded and smiled a bit. Kinuha ko iyon.

"Kukuha lang ako ng bayad..." sabi ko at inilapag muna iyon.

Tumango agad ito at nakikita kong sisilip pa sa loob. Sinara ko muli ang pinto at nagtungo sa kuwarto. Kinuha ko ang wallet saka rin bumalik para buksan ang pinto at iabot iyon.

Minsan, pinapaiwan ko lang naman sa labas ng pinto. Kaso minsan din ay kusang iaabot sa akin lalo na't may bayad din.

Medyo pinagkakatiwalaan ko na kahit papaano kaso hindi rin buo. Isang taon na rin kasi itong naghahatid ng fresh milk dito at paborito pa ni Illisha kaya hinayaan ko nalang.

Nag-iingat din naman ako dahil baka nagmamasid lang pala ang lalake. Noong una ay naglalagay lamang ako ng note sa labas ng bahay na iwan doon pero at ngayong month lang talaga nagbubukas ng pinto.

Nakita ko ang unti-unting paglubog ng sikat ng araw. Nagiging kulay kahel na ang langit na humahalo sa dilim.

Tulog si Illisha. Antukin siyang bata. At sa tuwing tulog siya ay nagpapasya akong mangabayo sa labas.

Simula noong dumating siya sa buhay ko ay naging payapa na ang aking pamumuhay. Naging masaya ako. Para akong nakapasok sa mundong para lamang sa amin, iyong makakasigurado akong wala akong pangamba at alalahanin.

"Hello Ma'am Ganda! Ang anak niyo po?" tanong ng isa sa caretaker ng mga kabayong madalas kong gamitin.

"Tulog eh..." sabi ko at lumapit sa malaking puting kabayo.

"Antukin talaga ang anak niyo, Ma'am..." ngiti niya.

I only smiled.

Hinaplos ko ang katawan ng kabayong si Basty. Maamo ito sa akin kahit siya ang pinaka delikadong kabayo sa lahat dahil nagwawala at agresibo.

"Paborito ka talaga ni Betty..." si Eric.

Sumampa ako sa kanyang likuran. Ibinigay ni Eric ang tali. I am just wearing a sleeveless white dress. It's long and flowy. Nakita ng kaonti ang maputi kong binti. Sumabog ang na nakalugay kong buhok dahil sa hanging humalik.

Nangingislap ang mga mata ni Eric habang pinapanood ako. Isang patid sa gilid ng katawan nito ay nagsimula na itong tumakbo ng marahan.

May mga tao pa sa Park ngunit kaonti na lamang at bilang lagi sa daliri. Nililibot ko lagi ang kabuuan. Tumingala ako habang natatanaw ang dilim na nanunuot na sa lilim ng mga dahon. Matatayog ang mga puno sa bawat gilid ng kalsadang may tuyong mga dahon na nagkalat.

Kasama ko naman minsan si Illisha na mangabayo at lagi siyang sa harapan. Mahilig siya sa hayop. Hindi siya natatakot. Ngunit sa tao, mailap siya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagpapalaki ko, o ganoon talaga siya.

"Para talagang diwata. Kung palangiti itong si Ma'am nako... baka anghel na talaga," rinig ko ang nadaanang pamilyar na mga tao at nag-aalaga noong mga manok.

May mga ostrich na gumagala. Nakikipaghabulan pa naman minsan si Illisha diyan kaya nakakatakot din talagang pabayaan iyong naglalaro sa labas dahil makulit!

Nadaanan ko ang malaking gate ng isang school. Dito ko paaaralin si Illisha kung sakali mang hindi na mahiyain lalo na't ngayon ay homeschooled siya. Isa rin ako sa kanyang guro. Ako lagi ang nagtuturo sa kanya.

Medyo madilim na noong ibinalik ko si Betty at umuwi rin sa bahay. Gising na si Illisha, naabutan ko sa kanyang mat at nakakulob doon habang nagd-drawing.

Nangingiti akong lumapit. Sinilip ko ang kanyang ginagawa. Nakita ko ang stick figure na ginuhit niya gamit ang iba't ibang kulay. Kami lagi iyon, kami lamang dalawa.

"Can you draw my Papa, Mommy? Put him here. Beside you," aniya sabay turo ng bakanteng gilid.

Hindi ko agad nagawa. Ngunit bilang masunurin sa kanya, nagsimula akong gumuhit gamit ang itim na krayola. Humilig si Illisha sa dalawa niyang mga palad, ang mga paa ay piniko at ginalaw galaw habang pinapanood ang aking gawa.

"He's tall... handsome... hmm..."

"And a superhero," dugtong ni Illisha.

Superhero?

"He's a superhero," ulit ni Illisha habang pinapanood ko ang aking guhit.

Natigilan ako saglit ngunit ngumiti nalang sa kanya at yumuko para ikiskis ang aking ilong sa maliit niyang ilong.

"A superhero who saved Illisha?" I asked.

"Who saved Mommy!" she giggled.

Ngumuso ako.

Kumuha ng krayola si Illisha na kulay pula at tumulong sa pagguguhit. Nilagyan niya ito ng kapa na mahaba at kumuha pa ulit ng dilaw na krayola para guhitan ito ng korona.

"He's like a prince..." si Illisha na naaaliw sa kanyang ginuguhit.

Naaliw siya roon kaya tumayo ako para gawan siya ng pancake at ihanda ang kanyang paboritong fresh milk.

Ganoon lagi ang aming mga araw. Payapa lagi. Tulog ulit noong tanghali, sa terasa ako lumabas dala dala ang kapeng sinisimsim para namnamin ang hangin.

Tumayo ako at pinanood ang malawak na field, ang tahimik na lugar. Nag-aagaw na naman ang dilim at kulay kahel sa kabuuan. Sumimsim ako at may napansing nangangabayong lalake gamit si Arthur, isang itim na kabayo.

Nadaplisan ko ang mukha nito lalo na't sumasayaw ang itim nitong buhok habang swabe ang kanyang pagpapatakbo. It was so vivid, like a sudden slowmotion.

Noong umukit at nakita ang buong mukha, ganoon nalang ang aking gulat at naibuga ang iniinom na kape.

He's very familiar! Tatlong taon noong huli ko siyang nakita ngunit alam kong siya iyon!

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 153K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
2.4M 74.3K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
3.7M 108K 53
Shanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appe...