R U L E D (NGS #10)

By Ineryss

2.5M 84.1K 72.5K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... More

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
21st Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
24th Ruled
25th Ruled
26th Ruled
27th Ruled
28th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
32nd Ruled
33rd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
43rd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
49th Ruled
50th Ruled
Epilogue

31st Ruled

38.2K 1.3K 1.6K
By Ineryss

Ruled

Kabaong

Mariin akong pumikit nang unti-unti kong nararamdaman ang sakit.

"Ayos ka lang?" tanong ng lalake.

I nodded while he's slowly poking it. Binasa ko ang labi at kinagat.

"Calm down. Just relax..." ang lalake na bumubulong bulong.

I nodded again, eager to continue. Nararamdaman ko iyon. Tumutusok nang paulit ulit. Dumilat ako para tingnan ang lalake.

"Masakit?" marahan niyang bulong.

"A bit. But it's bearable..."

The guy chuckled. "Matapang ka..." saka niya pinagpatuloy ang ginagawa.

Parang may nahihiwa sa akin. Pumikit na lamang ako, hindi alam kung tama ba ang desisyon ngunit desidido.

"First time mo pala!" gulat niyang sabi pagkatapos.

Obviously. Tumayo rin at medyo ininda ang sakit. Inabot ko ang aking damit para makapagbihis.

"Maganda ba ang pagkakatattoo ko, Miss?" nakangiting tanong ng lalake.

I nodded and smiled. "Thanks..."

Masakit ang tusok ng karayom at parang hinihiwa ang iyong balat ngunit kaya namang tiisin lalo na't minimal lang din ang aking pinalagay.

Saka ako tuluyang tumayo. Itinagilid ko ang ulo nang humarap sa salamin. I pulled the neckline of my top so I can see the tattoo branded on my upper boob.

It's nice. Bumagay sa kaputian ko. Minimal lang at hindi ganoon ka laking tingnan. May meaning din ito.

"Hot miss..." the guy commented.

I only smirked and payed for the service. This tattoo will be a reminder that I am the only one who can rule myself. Ako lamang ang may kakayahang kontrolin at mamuhay sa paraang gusto ko.

Hindi ko halos nabilang sa aking daliri ang mabilis na pag-usad ng panahon. Ayos naman. Medyo nakakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Ken. It didn't last for so long. Mas nanatili ang galit ko, ang alalahanin sa aking nakalap na walang kasiguraduhang impormasyon.

Naia didn't told me things about that girl when she confronted me. Hindi rin noon ugali ang magkwento ng ganoon ka pribado. Baka kahit pilitin ko rin iyon, matigas din.

Noong umalis ako ng Manila, hindi ko na kayang harapin pa si Marione. I don't know. Ayoko ring... kumpirmahin. Ngunit palaisipan lagi sa akin ang pagkukusa ni Naia na lumapit. Ganoon ba 'yon ka babaw para makipag-usap sa akin dahil lang na-brokenhearted si Ken? Edi i-comfort niya! Girl bestfriend siya. Gawain niya 'yon.

Kaso... bakit talagang nagkusa? That girl isn't petty. Sa tinagal tagal ko 'yung inaasar, ngayon lang nagsalita. And the way she throw her words... halatang may pinanghuhugutan din ito.

Ganoon siya ka galit na parang nabubulag siya at gusto ring iparamdam sa akin ang sakit.

Pinipilit ko laging kalimutan ang parteng iyon ng aking buhay. It's not my fault. Ang nangyari kay Ken, karma niya na.

Ngunit talaga bang pinalaglag niya?

Wais din talaga ang Naia na 'yon. Hindi nadudulas ang bibig. Sana pala ginalit ko 'yon lalo kasi baka magsalita siya tungkol sa bagay na 'yon. Kaso, handa ba ako?

"Natutulala kana naman," si Florisse na pinitik ang aking noo nang maabutan akong tulala sa sun lounger.

"Let me see your tattoo," ani Florisse nang yumuko at sinilip ang aking dibdib.

Hinawi ko ang buhok para makita niya iyon. She raised her brow and nodded. Inilagay ko ang palad sa aking tiyan at pumikit. Ramdam ko ang init na tumatama sa aking balat dahil na rin sa two piece bikini na suot.

It's Summer. Maraming plano si Florisse na outing. We already told Rehan about it. Pumayag naman at baka next week ay magtatravel na kami.

Tumabi si Florisse at humiga sa kabilang sun lounger.

"I'm still curious why you changed your mind and didn't finish your study in Manila," ani Florisse nang inaabot ang kanyang orange juice.

Kuryoso rin si Mommy lalong lalo na si Dad. Sila ang naghatid sa akin dito. Ilang beses nila akong tinatanong at hindi sila naniniwala sa aking rason, para bang nakukulangan lagi.

"Ang Daddy mo iniisip na may tago kang boyfriend at na-brokenhearted. Maiintindihan namin if you want a new environment for yourself coz you're hurt..." si Mommy na katabi ko.

"Hindi mo talaga sinasabi. Malaman ko lang 'yan..." si Dad na nagbabanta nang tingnan ako sa itaas ng salamin.

"Huh? Wala akong boyfriend. Wala ngang nanligaw, Dad. Tinakot mo pa nga iyong huli kong lalake..."

Binawi agad ni Daddy ang tingin sa salamin at nagpokus sa daan. Humalakhak naman si Mommy.

"Eh kasalanan mo naman pala, Dos!"

I don't want to involve my parents to my own trouble. Mananatili iyong tago. Lalo na't mukhang pili lang din sa Delafuente ang nakakaalam ng nangyari sa amin ni Ken. Baka nga si Hiro lang ang may alam ng lahat.

Si Hiro...

I appreciate his concern but I'm mad at him, too. Hindi pa rin tama iyong pakikipagpustahan niya. Kahit malinis ang intensyon niya sa akin, na gusto lamang akong protektahan, mali pa rin.

That villain! He's willing to dirty his hand in order to protect me! He's willing to ruin his relationship to his cousin once I'm hurt. Oh... that...

Ayoko nalang isipin pa lalo. Isa siya sa mga gusto kong kalimutan. Ngayon na malayo na ako sa Manila, wala nang rason para magkita kami. Hindi ko na siya makakasalubong, matatanaw, o makakausap pa.

But whenever I think about it something feels weird. Kumukunot nalang ang aking noo. He's the least I like. Kaya parang... nakakapagtaka rin kung bakit iniisip ko siya.

"Ako sa front seat!" si Rina nang sumigaw kaya natauhan ako.

Tumayo ako ng tuwid habang pinapanood ang iilan kong pinsan na pumapasok na sa Ford Ranger ni Rehan.

Abala siya sa paglalagay ng mga gamit sa likuran. Kasya naman kaming apat lalo na't wala si Irah. Nanatili sa Manila. May ibang mundo rin kasi iyon. Isa pa, busy rin sa pagmomodelo kaya hindi maiwan iwan ang meron doon.

O sadyang may hindi rin siya maiwan kaya nagpasyang doon na lamang magpatuloy pa. Sanay naman 'yon mag-isa. She won't bore herself. Eh kahit magkasama kami ang dalang lang din naman magsalita.

Distracted ako sa Summer dahil sa aming mga outings. Masaya naman. Kaso napapaisip talaga ako lagi.

Totoo kaya 'yon?

Sa Ateneo ako nag-aaral. Nagshift ako ng kurso. Parang hindi ko na rin kayang i-pursue ang Psych. I lost my connection to it. Ayoko ring... nakakarinig ng topics regarding... pregnancy.

But I'm not even sure if it's true. Parang ang hirap paniwalaan na nakaya niyang, uh ipalaglag? That's her own child. Kung ang rason ay ang galit niya kay Ken, ang galit sa nalaman dahil sa sinabi ko, hindi ko alam kung kaya ko bang lunukin iyon.

Kanino kaya ako makakapagtanong tungkol sa bagay na iyon?

"Pinsan ka 'di ba ni Florisse? Nila Rehan?" nangingiting tanong ng grupo ng mga babaeng lumapit sa akin.

Tumitig ako ng ilang sigundo sa kanya lalo na't may iniisip pa ako. Nakalimutan kong ngumiti agad kaya napawi ang ngiti niya at nahila noong kaibigan palayo sa akin.

"Huwag na natin kaibiganin. Mataray na ngang tingnan si Florisse tapos 'yan parang triple pa."

Hindi ako ganoon ka approachable hindi katulad ng aking nakasanayan. Medyo naiilang ako. Kung saan saan din kasi umaabot ang aking utak.

Si Florisse ang lagi kong kasabayan sa school. Nagiging close ko rin naman ang mga circles niya. Madali akong naka-adjust lalo na't kilalang kilala rin sa Ateneo ang mga Chua, idagdag pa si Florisse na Chen, mas naging madali lamang sa akin na makilala rin.

"Hindi ka pure Chinese?" tanong ni Ashton nang tabihan ako.

Nagkasalubong ang aking kilay. Medyo umusog ako ng kaonti at umiling. Paulit ulit na tanong ah? Dapat ba ilagay ko sa noo ko na hindi ako pure Chinese?

"Kaugaling kaugali mo talaga si Florisse," halakhak niya at umusog lalo.

Nairita ako kaya tumayo. I don't like these men giving signals that they like me, or they want to be my friends. Ngunit sa huli ay babaliktarin ka lang pala.

These men really know how to play smooth at first. Kakaibiganin ka. Kukunin ang atensyon mo. Unti-unting magpaparamdam. Tapos bigla biglang mawawala.

At sila pa ang malinis ang konsensya niyan ha? Sila pa ang akala mo inapi.

"Ang kuripot talaga pag Chinese. Kuripot magbigay ng atensyon," isa sa mga lalake sabay tawa nila.

Bahala nang walang kaibigang lalake. Huwag lang mabiktima ulit noong sinasabi nilang friendly gestures. If they want to court me then they should be straight to the point! Baka kahit nasa kama na nila ako, nakahubad at may nanyari, sasabihin pa ring friends lang!

"Nag-eenjoy ka naman dito?" tanong ni Dad noong Disyembreng iyon.

Dito sila lagi nag C-Christmas ni Mommy. Hindi nila maiwan iwan ang trabaho sa Manila. The company needs my father. Ayos lang naman ako lalo na't nandito sina Lola at Lolo, pati pa ang mga pinsan ko.

"Yes Dad..."

Kitang kita ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa aking tattoo. Dahan dahang nagkasalubong ang kanyang kilay.

"Your Lolo informed me about this but I didn't expect it's really true..." he looked bothered.

"I told you," si Lolo nang marinig ang sinabi ni Dad habang umiinom ng wine dito sa sala, naroon siya sa countertop kasama si Lola na may pinagkakaabalahan na mga prutas para gawing shake.

Nakaupo ako sa sofa at nagbubukas ng regalo. Si Daddy na tumabi at parang kuryoso na kung ano itong pinagkakaabahalan ko rito.

"Pinagalitan mo rin sana," si Dad na sinipat ng tingin si Lolo. "You smacked the shit out of me when I put a tattoo on my skin."

"Bakit ko pagagalitan? It looks cute on her. 'Yang sa'yo... para kang nademonyo," biro ni Lolo kaya nagtawanan kami.

My father glared at my Lolo. Lolo winked at me and smiled. I chuckled.

"Si Israel pa ang nag-udyok sa bata na magpa-tattoo, Dos. Sabi ng ama mo 'Oh you want a tattoo? Let's go I'll give you a ride,'" si Lola na ginaya ang tono ng pananalita ni Lolo na gayang gaya niya.

"Sumama ka rin, Lola..." buking ko.

"Kasi excited din akong makita ang tattoo..." si Lola na umaangat ang dalawang kilay.

Huminga si Dad at sinamaan lalo ng tingin si Dad. "You scarred my teenage life. Halos mapalayas ako sa pagtatattoo ko tapos ang anak ko... inihatid mo pa? What kind of betrayal is this, Dad?"

Humalakhak si Lolo. Natawa rin si Lola.

"Ako ang palalayasin ni Tracey kung pinalayas ko si Franca. Besides, if she wants it then she can have it. That's her skin anyway..."

"And my own skin was yours, Dad?"

"Ngayon ka pa ba magtatampo? Ang tanda mo na. Bumabawi din naman ako. Sa anak mo nga lang."

Ngumisi ako dahil sinasamaan ng tingin ni Dad si Lolo. Noong ibinalik ang tingin sa aking tats, pilit nalang pinapalambot ang ekspresyon.

"You don't like it, Dad?" tanong ko.

"Sus makapag-inarte, Dos. Tingnan mo nga 'yang katawan mo," si Mommy naman na lumabas ng kusina at may dalang bagong bake na brownies.

"I like it..." si Dad na parang nadala na sa pressured kaya nagustuhan nalang.

Ang angkan lang talaga namin ang may kayang sabunin ng ganito si Daddy.

New Year noong nagkita kita rin kaming lahat. I hugged Irah. Ang nakasanayan kong itutulak ako, hinayaan niya. Hinaplos ang aking likod at magkasalubong ang kilay.

"I missed you!" I said.

"Bakit ba kasi naisipang dito mag-aral? Sa sobrang bait mo sa Manila, iisipin ko na talagang may lihim kang pinag-aaway doon. Demonyita ka pa naman..."

Humalakhak ako. Sinamaan ng tingin ni North si Irah.

"Ano 'yang mga pinagsasabi mo?"

Umirap lang si Irah kay North at umalis na sa aking harapan. Nakapamulsa namang lumapit si North, sinusundan ng tingin si Irah na umaakyat na.

North's face calmed down. Binasa niya ang labi at nahulog ang tingin sa akin. Naglakad kami ni North palabas. Malawak ang backyard. Sa gilid ay garahe at dadaan ka sa kaonting pathway ay naroon ang pool area.

Malalim na ang gabi. Hinihintay nalang na tumuntong ng alas dose para makapag-ingay ang lahat. Inilagay ko ang aking mga kamay sa likuran habang binabaybay namin ang pathway patungong pool area.

"How are you?" marahang tanong ni North.

"I'm fine," I smiled.

Umawang ang kanyang labi ngunit walang lumalabas na salita sa kanyang bibig. Huminga siya at nagkasalubong ang kilay, para bang pinipilit na ikimkim ang mga gustong sabihin.

He's friends with Hiro. Hindi ako magtatakang may alam siya. Kaya posibleng... baka alam niya rin ang totoo talaga?

Baka sakaling nakwento ni Hiro? Kung ano talaga ang nangyari kay Marione?

"May nakwento ba si Hiro sa'yo?" maingat kong tanong nang tumigil kami sa harap ng mga halaman.

Kumurap kurap si North, tingin tingin sa paligid, umiiling at hindi makatingin.

"Wala naman. Bakit?"

"Kahit ano?" I asked more.

Umiling iling si North.

"Wala..."

"Hindi niya sinabing... naging kami?"

His eyes slowly widened. Nalaglag ang kanyang panga.

"Wala siyang nabanggit na ganyan. Naging kayo?" he looked so shock, but he's not mad. "Tarantadong 'yon sabi ko hindi maglilihim!"

"Hindi kasi naging kami, North. Kaya hindi niya talaga sinabi," ngiti ko at mas hinanap ang kanyang tingin. "So you mentioned wala siyang nabanggit na ganito. Which means... may mga napag-usapan kayo?"

North looked cornered. Binasa niya ang labi at nagulo ang buhok. Umiling siya, kahit nahuli na, tatanggi pa rin!

"Wais ka talaga..." halakhak niya.

"Ano nga?" I asked since I'm eager to know what really happened.

Umiling si North, nagkakasalubong ang kilay, sumeseryoso.

"Nangako ako roon. Hindi ko pwedeng sabihin."

Which means ay alam nga ni North! Kinabahan ako. North isn't secretive but he's willing to keep a secret if it will hurt someone's feelings.

"Ano nga..." pangungulit ko.

Umiling pa rin si North, desidido.

"Huwag kanang makulit..."

North didn't mention anything. Kahit kaonti, ni isa ay wala at nililiko ang topic. Ni hindi niya nakwento si Ken. Hindi rin nabanggit ang aking pag-alis ng biglaan sa Manila at paglipat dito.

Para bang ingat na ingat siya sa sariling salita at ayaw madulas. Ayaw may masabi.

Buo naman ang aking pasya na dito nalang sa Davao manatili kaso noong nalaman ang nangyari kay Irah, iyon din ang naging rason para muling makita ang mga Delafuente.

Ang pag-iingat kong huwag silang makahalubilo ay parang isinusubo sa akin ng impyerno.

Kakadating lamang, dumeritso na ako sa aking angkan. Irah looked at me curiously, like something's wrong with my body.

I looked at myself. I'm wearing black stilletos, fit sky blue jeans, and black sleeveless top while the tattoo on my upper boob was revealed.

Siguro dala na rin na ngayon niya lamang nakitang naka cat eyeliner ako. I always wear it in Davao.

"You've changed," she commented. "Not the angelic type..."

I arched my brow. Pinasadahan ko ng haplos ang buhok paatras. Sumabog ang aking curtain bangs na naramdaman kong nagkumpulan sa bawat gilid ng aking mga mata, ang iilan ay umatras at medyo gumulo ng kaonti ang malambot na alon ng aking buhok.

"Boyfriend?" I asked and looked at Toshi from the Delafuente clan.

Nahuli ko ang pagsulyap ni Hiro, ngunit walang pake ko ring binawi ang tingin bago pa magbanggan ang aming mga mata.

I don't want to looked at his image. I don't want to see his details, the changes, everything. Ayokong mamalagi sa isip ko.

Irah didn't answer but it's obvious. Noon pa man ay alam ko nang gusto niya si Toshi. Ilang beses ko rin siyang inasar asar sa bagay na 'yon. At ang pikunin, mabilis na magagalit.

Ngayon na sila na, medyo may parte sa akin ang hindi na rin nagulat pa. Humalukipkip ako at hinaplos ang pendant ng aking kwintas, ayaw na lamang magbigay ng komento sa bagay na iyon.

Si Irah naman ang magiging pamilya nila, hindi ako.

Seryoso lamang ako at tahimik habang nakaupo na. Walang sinasalubong na tingin sa kahit isa sa magpipinsan. Zera looked at me with curiousity. I can see her watching me on my peripheral vision. Magtatagal ang tingin pero babawiin din naman.

Siguro ay naninibago rin sa ayos ko, sa halos limang taong lumipas ay bigla akong nakita na malayo sa nakasanayan nilang dating imahe ko.

I know I looked prim and proper back in highschool and college days in Manila. Parang hindi makabasag pinggan. Laging may hair clip sa buhok at palangiti.

Unlike now.

Malayong malayo na ako sa dati kong sarili. Humaba ng kaonti ang aking buhok, hindi naman nadagdagan ang katangkaran, siguro alam kong may pagbabago sa pisikal at nagmature din ang katawan.

After the hearing, lumapit si Ken sa akin. He looked serious but calm. I can sense the temper he's wearing. Parang bomba na sasabog at pinatay lamang ang oras para hindi makapagpatuloy.

"Can we talk for a bit?"

Naalala ko ang huli naming pag-uusap pagkatapos kong sabihin ang lahat kay Marione. It was seconds.

Pahapyaw lamang ang aming naging pag-uusap sa araw na iyon at siniguradong wala siyang maiisip na mali sa akin. He's probably blaming Hiro until now. Ang kagustuhan kong baliwin siya kakaisip, magmukhang maamo sa kanyang mga mata ay naisakatuparan ko.

Bakit ganoon? Why can't he admit that he hurt me? Talaga bang friendly gestures lang ang tingin niya sa nangyari sa amin noong mga araw na 'yon? Ano ba ang may malalim na ugnayan sa kanya? Nasusukat ba iyon sa kama? Sa halikan? Dahil hindi kami umabot doon pakiramdam niya ay walang tunay na namagitan sa amin at pawang magkaibigan lamang?

Disappointing.

Pinagbigyan ko ang gusto ni Ken. Lumabas kami at naghanap ng pwedeng lugar kung saan makakapag-usap. Kinakain na ng dilim ang kabuuan at six-thirty na ng gabi. Hindi kami masyadong lumayo lalo na't iniwan ko lang din ang aking angkan.

May nakitang café kaya doon nagpasyang pumasok. I didn't order much. Nakikita ko ang kawalang gana sa mga mata ni Ken, nakasandal sa upuan at nakabukaka habang ang kamay ay pinaglalaruan ang hawak na card sa lamesa.

"Kumusta ka?" Ken asked softly, like he's trying to be gentle.

I've changed. Looking at him right now, I felt like he's not the person I liked from the past years. Hindi siya ang taong nagustuhan ko.

Nakatatak sa aking isip na tama lamang ang ginawa ko. He hurt me first. Kaya wala dapat akong pagsisihan. But then looking at him right now, his weak eyes, his pale smile, I couldn't help not to think if... it is right to punish him.

"I'm fine. Ikaw?"

"Gusto ko lang linawin ang nangyari years ago, Franca. Were you mad at me?"

Hindi ko inaasahan. He looked devastated. He looked so lost. Kung wala lamang akong narinig, baka palihim akong mapangiti dahil dinanas niya ang gusto kong maranasan.

Ngunit hindi ko maiwasang isipin na baka... maaari ngang totoo?

I was so lost to my own thoughts when his face darkened, his hand turned into fist. Lumingon ako sa ibang dako, tiningnan ang waiter na abalang nagseserve sa kabilang table.

"My baby died..."

My eyes slowly widened. Nanatili akong kalmado ngunit pakiramdam ko'y gusto ang buo kong sistema. The confirmation I've been trying to confirm was finally here.

Kahit nakaupo, parang may lindol na naganap kaya hindi tuwid ang aking tingin, hindi deritso ang pakiramdam, at parang nahihilo sa narinig.

"She aborted our child. Ayaw niya raw matali sa akin kaya iyon ang naisip niya," he chuckled but I can feel his anger.

Hindi ako makapagsalita. Hindi makagalaw. Pakiramdam ko'y parusa ang bawat salita, isang hatol na kailangan kong pagbayaran.

Oo at pinaghihinalaan ko ito. Na marahil ay totoo. Kung sa nagdaang taon ay nakaya kong isawalang bahala, ngayon ay parang ako mismo ang humihila sa aking mga paa pabalik sa hukay.

Buong akala ay nakagapang palayo, buong akala'y nakatakas sa libingang nakahanda, ngunit isang salita lang ay kusa ko na atang itatapon ang sarili sa bangin.

"I'm mad at her for killing our child," he continued.

Nanatiling tikom ang aking bibig. Pag bubukas iyon ay parang bubuhos agad ang iyak na nag-aabang at bumubukol na sa aking lalamunan.

"Bakit mo dinamay si Marione sa araw na 'yon?" deritso ang kanyang tingin sa akin.

Nanatili akong tahimik. Funny. This is so funny but the sudden revelation of the death of his child weakened me. Parang tinahi ang aking bibig ng mga isiniwalat niya.

"Enlighten me..."

Binawi ko ang kamay na nasa table at inilagay sa aking hita. Kumuyom iyon. Parang umurong ang aking lakas. Gusto kong tumakbo at umalis. Gusto kong magtago sa sulok, malayo sa lahat ng Delafuente.

He licked his lips.

"Gago talaga si Hiro," may galit ang kanyang tinig, kumuyom ang kamao at dumilim lalo ang ekspresyon.

I couldn't talk. Oo at gusto kong isipin niya noon na si Hiro ang kalaban niya rito total sila ang nagpustahan para magsilbing patikim ko rin iyon kay Hiro na mali ang pangingialam niya ngunit ngayong mas mabigat na ang dahilan, ngayon na may batang nadamay, parang hindi ko na alam.

Ayokong si Hiro ang nadidiin. Ayokong si Hiro ang maging malinaw na maisip sa lahat ng naging kagaguhan niya noon sa akin ngunit hindi ako makapagsalita.

I don't want more of these trouble! I don't want to hear more of these! Gusto ko nang umalis!

"Hindi ko masikmura ang pagiging mapangmanipula niya," dagdag niya at parang manununtok na ata kung kakalibitin man.

Hindi ko halos marehistro sa aking utak ang nangyari at mga pinagsasabi ni Ken, ang mas matimbang ay ang katotohanang sumampal sa akin. Pakiramdam ko'y nasa butas ako, iniisip ang desisyong ako mismo ang nagtulak.

I pushed Marione in order to kill her child! I was the one who pushed her!

Nanginginig, hindi ko halos matingnan si Ken nang tumayo at handa nang umalis.

"I.... I need to go..." atras ko.

Ken just stared at me, nodding defeatedly. Pagkatalikod, deri-deritso na ang aking lakad ngunit nanlalambot ang mga paa. Nakaya ko pang makarating sa parking lot. Nakayang hanapin ang susi sa aking bag ngunit sa taranta'y nahulog ko.

Dinampot ko iyon ngunit bigong napaupo sa sahig, deri-deritso ang hikbi at mariing pumikit dahil sa sunod sunod na patak ng luha sa aking mga mata.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang isang kamay ngunit isang malakas na iyak ang aking nailabas. Yes Ken deserved my wrath but he doesn't deserve to lost his child! Hindi na ako ganoon ka sama para pangarapin ang ganoon ka sakit na mararanasan niya!

Ang tanga tanga! Hinampas ko ang sahig nang paulit ulit, kung pwedeng iuntog ang ulo para lamang makalimot ay gagawin ko.

I didn't mean... I didn't mean to kill their child! I didn't mean to hurt Marione! Hindi ko binalak na maging ganoon! Ang gusto ko lang ay maramdaman ni Ken na mawasak ang puso niya ngunit hindi ko pinangarap na mamatayan sila!

At mismong anak... mismong anak nila! He's mad at her for killing their child! Hindi dapat ganoon! Hindi ganoon ang gusto ko! Hindi iyon ang plano ko!

I clutched my chest and punched myself repeatedly. Sumigaw ako sa labis na sakit, dahil pakiramdam ko, malalagutan ako ng hininga sa nalaman.

"Ma'am... ayos lang po ba kayo?"

Binging bingi ako sa mga oras na iyon. Hindi ko matanggap at hindi rumerehistro ang buong pag-uusap namin.

Ramdam kong pinagkakaguluhan ako sa parking lot, ang guard na parang nagtatawag ng ambulansya, at ang iba na nakikiusyoso. My cries were loud, uncontrollable and disturbing.

May dumalo sa akin, umalalay at pinatayo ako. I couldn't stand. Gusto kong bumalik sa sahig at magpalamon. Umiling ako, tinutulak kung sino man iyon. Para akong nabali at hindi na maibabalik ang pagkakatuwid kaya hirap tumayo.

"Ang susi niyo po," isa sa mga lalake ang nag-abot.

Kinuha ko iyon habang umiiyak at muli iyong isinaksak sa gilid ng pinto. I can feel my shaking hand while trying to open the handle recklessly.

"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" they asked repeatedly.

"Baka mabangga pa 'yan!" usisa ng iilan.

Hindi ako nakinig, deritso ang pasok at handang paharurutin ang kotse makalayo lamang.

Ang mga nakiusyoso ay nahawi. Hinayaan niyang makaalis ako. To my panicked, I even bumped on someone's bumper. Siguro'y nagasgasan ngunit desidido ang pag-alis.

Hindi ko na iyon inisip pa, iniliko ang manibela at pinaharurot iyon. My tears flowed like a river. Pabalik balik sa aking isip ang mga mata ni Ken, ang salita, ang pagkabigo.

Hinampas ko ang manibela at inuntog ang aking ulo. My car made a loud noise. I maneuvered my car from the side and made a loud cry.

Hindi ko... hindi ko gusto ang ganoon! Wala akong intensyon na may batang madamay! Dahil kung alam ko lang... kung totoong buntis siya noong araw na iyon, hindi siya mismo ang aking lalapitan!

Nanginginig ang aking mga kamay, nanlalabo ang mga mata at hirap pang huminga dahil sa tiyan kong hinuhukay, sa hanging bumabara na lamang sa aking lalamunan.

I parked the car recklessly, ni hindi tuwid at basta basta ko nalang inihinto sa gilid. I couldn't breathe! The size of the car is just too small for me! Isang kalabit sa pinto ay nahulog agad ako palabas dahil wala nang pagdahan dahan pa, halos gumapang para lamang makahinga at nagsisimulang magsuka.

My cries coated to my vomit. Pumikit ako ng mariin habang nanghihinang yumuyuko sa bermuda grass at nauubong niyakap ang humihigpit na pakiramdam ng aking tiyan.

Parang walang hangin sa paligid. Parang ang sikip sikip ng aking damit. Impit halos ang iyak, at sa tuwing naririnig ang boses ni Ken sa aking tainga ay paulit ulit na tinutusok ng karayom ang aking dibdib.

What have I done? Hindi iyon ang aking gusto! Hindi ko intensyong maging kabaong sa walang kamuwang muwang na bata!

Continue Reading

You'll Also Like

18K 1.1K 57
Silent Sanctuary Series #1 "Ano ba ang dahilan at nakuha mong lumisan? 'Di ko alam ang nais na mangyari ng iyong isipan." Joey Cassandra, an elegant...
3.4M 96.7K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
3.7M 112K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...
2.3M 73.5K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...