R U L E D (NGS #10)

By Ineryss

2.5M 85.1K 72.9K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... More

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
21st Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
24th Ruled
25th Ruled
26th Ruled
27th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
31st Ruled
32nd Ruled
33rd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
43rd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
49th Ruled
50th Ruled
Epilogue

28th Ruled

36.8K 1.3K 2K
By Ineryss

Ruled

Trust

"Lagi silang magkasama rito. Girlfriend ni Sir Ken?" rinig ko ang mga empleyado na nasa Restaurant nila Wayt sa tuwing naroon ako.

Madalas kami sa VIP area. Hindi lamang si Ken ang laging naroon lalo na't pati rin daw si Wayt. Ang alam ko, nagpresinta itong i-handle ang Restaurant.

"Bakit? Hindi ba mahihirapan si Wayt lalo na't nag-aaral pa siya. Tapos dito siya tuwing weekends? O gabi gabi?" tanong ko.

"Weird nga eh. Bigla niyang naisipan. Hindi ko alam kung nangungulila ba kay Nana kaya naghahanap ng mapagkakaabalahan para ma-distract o..."

"O ano?" kuryoso kong tanong.

"Hmm. He has no girlfriend. Imposibleng may nagugustuhan siyang empleyado rito lalo na't kabisado ko 'yan pumorma. Mabilis pa sa mabilis."

Papalit palit nga siya ng girlfriend noong mga nakaraang taon. Laging may nag-aaway na mga babae. Dumagdag pa si Tina at Sofia. Magiging talk show din kasi iyon sa buong school at kakalat pa sa ibang school pag taken na naman si Ryler Wayt Delafuente.

"Nahawa na siguro kay Hiro. Isa rin 'yon. Mailap pa sa mailap. Sobrang hirap hulaan kung may babae bang tinatago o kung sino man ang nagugustuhan. Konti nalang maniniwala akong bading si Hiro," ani Ken.

Naputol tuloy ang pag-iisip ko. Hindi na ako nagbigay ng komento sa parteng iyon. Nagtetext si Hiro pero hindi ko na rin kasi nirereply-an. I don't want to give him false hopes or what.

Lalo na't distracted din kay Ken. Kahit sina Philip, ang mga anyaya nila ay hindi ko masyadong pinagbibigyan dahil bigla biglang magyayaya itong si Ken kaya mabuti na rin iyong bakante ang mga araw ko.

Tinanggap ko na ang katotohanang parte talaga si Hiro sa buhay ko. Lalo na't noong  birthday niya, nang maimbitahan ang aming parents at nagpasya nang pumunta sina Dad ay kasama na rin ako.

My father is starting to like him. Iba niya na ito tingnan. He even tapped his shoulder after greeting him a Happy Birthday.

Bumati rin naman ako pero hindi na masyadong nakipag-usap at deritso lang sa aking table. As usual, they're loud. Kung may kumuha man ng atensyon ko sa gabing iyon... ang pamilyar na keychain na nahulog ni Zera at dinampot agad.

"That's very cute. Kanino 'yan?"

Did Ken give it to her? But that's my gift for him. Pinamigay niya? Kaso... naalala ko na si Hiro ang mga kumuha noong gamit sa kotse lalo na't pinapabigay rin ni North sa akin ang gamit ko.

Which means...

"Uh, kinuha ko lang sa kuwarto ni Kuya."

I knew it.

I smiled and nodded. Kinuha ni Hiro? Nasa paper bag 'yon. I also indicate a simple greetings for Ken. May pangalan din iyon ng kanyang pinsan.

Palihim kong tiningnan si Hiro at sinamaan ng tingin. He caught my eyes. Para bang may ideya na agad siya sa galit ko. Yumuko siya at nakita kong nagtipa sa kanyang cellphone.

Unknown:

Hmm? What's wrong? You're mad again.

Nabasa ko iyon sa screen pero hindi ko na binuksan pa. Hindi rin nagbigay ng atensyon pa. Hindi na sumama sa kanilang party sa sariling Bar at nagpasyang umuwi sa gabing iyon.

He called me. I didn't answer all his calls. Bakit niya iyon kinuha? That's not for him.

Sa school niya na ako natyempuhan pa. Nahuhuli akong lumabas sa classroom kaya naabutan akong mag-isa, na-corner na naman ako.

"I saw a familiar keychain. Your sister told me kinuha niya sa kuwarto mo. That... that keychain... is that yours?" deritso ang tingin ko kay Hiro.

I want to accuse him right now. But maybe may kaparehas? Kaso alam ko siya ang mga kumuha noong gamit sa kotse.

"If it isn't yours then... give it back to me," I abruptly said and looked at him seriously.

Binasa ni Hiro ang lani at hinaplos ang buhok.

"I'll give it back tomorrow. Nasa bahay. Iniwan ko," he explained coldly.

I nodded. No fights. No fights...

"'Yun lang naman. Aalis na ako," paalam ko nang marinig ang kanyang sinabi na nagpahinto sa akin.

"Tss. What's so special about him? Gustong gusto mo ang gagong 'yon eh kabi-kabilang babae nga ang—"

"Don't even go there," I warned him.

Ngumisi siya kahit hilaw. Wala ang tingin sa akin at nasa ceiling.

"Ipagtatanggol mo pa talaga?" Kitang kita ko ang kung paano sumeryoso si Hiro nang bumaba ang kanyang tingin. Tiningnan niya ako ng maigi. I equalled it with dark storms.

Nagkakamabutihan kami ng kanyang pinsan. Wala na dapat siyang pakialam sa bagay na iyon lalo na't malinaw naman sa kanya ang desisyon ko.

Hindi ko na uusisain kung bakit pati ito ay alam niya ngunit gusto kong maging malinaw sa kanya na hindi ako nakikipaglaro dito.

"I don't like him for you. He's reckless. Hindi ko pa nakakalimutang nasugatan ka at napahamak dahil hindi siya marunong magdahan dahan."

"It was an accident. Hindi niya iyon sinadya—"

"Because he's not thinking how to be gentle when you're around!"

"Then what is it to you, Hiro?!" sumabog agad ang aking tinig.

"Ingat na ingat ako sa'yo kaya nakakagago! How dare him handle you recklessly? How dare him hit on you while he's flirting these other girls!"

Medyo natinag ako ng kaonti roon ngunit hindi nahubad ang galit sa aking mukha. Ken is wellknown for being a playboy but our interactions were real! Ramdam ko ang sinseredad niya. Ramdam kong may gusto siya sa akin. Ramdam ko na magseseryoso siya!

"That's not your problem anymore," I said flatly.

He looked at me intently. I mirrored his expression in a cold manner.

"I am willing to break anything that would hurt you. Always remember that," he warned me.

Umangat ang aking kilay. So he's telling me that Ken will hurt me? Or he's just jealous?

I defended Ken. Hiro's just jealous. Totoo naman. Umamin siya sa akin. I know he's overreacting because he's jealous. Wala akong ibang naiisip na ibang rason kaya siya nangingialam.

I didn't listen to him. Nagpatuloy ang pagkikita namin ni Ken.

"What drink do you like?" tanong ni Ken nang tumigil kami sa isang convenience store na nadaanan.

Kakatapos lamang namin magdinner. Ihahatid niya na ako pauwi kaso nauuhaw kami kaya bumaba nalang muna para bumili ng drinks.

Everything feels familiar.

"Ikaw ang bahala, Ken..."

Kinagat ni Ken ang pang-ibabang labi at litong namili ng drinks.

"Chuckie?"

Tumango ako at medyo natawa. Ngumisi siya at kumuha ng dalawa noon habang ang kanya naman ay dalawang San Mig na lemon flavor.

May panibagong pumasok at mag-ina. Lumapit ang batang babae sa may mga drinks kasama ang kanyang ina at nagtuturo noong Mogu Mogu.

"Want! Mommy!" she said.

Ngumiti ako at binuksan ang fridge habang abala pa ang kanyang ina na mamili sa kabila.

Tumigil si Ken sa paglalakad at kuryoso akong nilingon. Nakita niya akong nag-aabot ng Mogu Mogu sa batang babae na mukhang nasa tatlong taong gulang lamang.

"Here..."

Kumurap ang ina nito at napalingon sa akin. She smiled sweetly and looked at her daughter.

"Thank you..." the little girl said cutely.

Ngumiti si Ken at hinintay akong makalapit sa kanya. I waved my hand to the little girl. She waved back cutely, sa isang kamay ay niyayakap ang Mogu Mogu.

"You love kids?" tanong niya.

I nodded. "Isa sa pangarap ko ang maging ina."

"Wow. Ang sarap tuloy pangarapin na maging ama ng mga anak mo."

"Pwede rin!" tawa ko at tumulong sa hawal niyang mga drinks.

"Pero pag naka graduate na siyempre..."

Ken nodded and unconsciously wrapped his arm around my waist since his other hand was vacant. Iginiya niya ako papalapit sa counter habang patuloy kaming nag-uusap.

"Alright. I'll take note."

Nanliit ang mga mata ko. "Bakit? May plano ka?"

Inilapag niya ang drinks na hawak at kinuha sa aking kamay ang dalawa pa. Dinukot niya gamit ang isang kamay habang hindi pa rin inaalis sa aking baywang ang kanyang kamay.

Binuksan niya iyon at naglapag ng one thousand bill saka muling isiniksik sa likod ng kanyang bulsa ang wallet.

"We'll see..."

Oh please... This playboy isn't ready yet! And we're too young! Third year pa kami ngayon. Pag naka graduate, magtatrabaho muna mag-iipon saka rin magpaplano ng pamilya. Ganoon dapat.

Dinala namin ang aming drinks sa isang overview looking. He's using his cousin's car. Pagmamay-ari ni Blue.

"Hindi ako pinapahiram ni Wayt. Si Hiro naman, ayaw rin. Humanda talaga siya sa akin. I'll make sure that girl will fall inlove with Wayt. Yabang nitong si Hiro," pagkukwento niya nang makapasok kami sa loob.

"Girl?" I asked curiously.

Tumango si Ken habang palipat lipat ang tingin sa akin at marahan lamang ang pagmamaneho.

"Nakipagpustahan ako kay Hiro. I challenged him. You know Wayt doesn't have a girlfriend right now. Ilang buwan na rin. Tahimik at mailap sa babae..."

I nodded while listening.

"Timing may bagong empleyado sa kanilang Restaurant. Maganda. Irereto ko kay Wayt," ngisi niya.

"Challenge? Like pustahan?" I insinuated.

Tumango si Ken habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Pinusta niya ang Mustang niya. That fucker knows how much I want to have my own car right now. Minamaliit talaga ako ng gagong 'yon... Paluluhurin ko talaga si Hiro. Yabang!"

Nakipagpustahan si Hiro sa kanya? That guy isn't shallow. Hindi ba nagtataka si Ken kung bakit uh... nakikipagpustahan si Hiro?

"Anong balak mo kung ganoon?" tanong ko.

"I'll set them up on a date. Ilalakad ko 'yung babae kay Wayt. It's just a piece of cake."

Ayos lang naman kung irereto niya 'yung babae kay Wayt. Kaso ang ikinakabahala ko, paano kung na-fall 'yung babae kay Wayt? Tapos pustahan lang?

"You shouldn't play with someone's feelings. Pag nalaman 'yan ng babae, masasaktan 'yon," sabi ko.

"I'll handle the girl with care don't worry," ani Ken, hindi ata napupunto ang ibig kong sabihin.

"Tapos maiinlove ka pala sa kanya?" biro ko at kunwari'y natawa.

Humalakhak siya. "Not my type of girl. Too simple. Sobrang taray rin. I like nice girls. You know. Angelic type. Like you..."

Ngumuso ako. Nakita ko ang pagdating namin sa pakay na lugar. Pinigilan ko ang sarili na magsalita lalo na't nagpark si Ken at naunang bumaba. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Dinala namin ang drinks palabas. Tinulungan niya pa akong makaupo sa ulo ng kotse. Tumabi rin siya sa akin at tahimik na tinanaw ang magandang City lights.

"So... you're saying I'm your type of girls?" I chuckled softly after sipping on my drink.

"Obviously," he chuckled back after opening his drink, too.

"Kung hindi lang ako takot sa Dad mo matagal na kitang niligawan." Nailing siya at dinala ang ulo ng San Mig sa labi.

Medyo namula ako. My heart started thumping. Humangin kaya nahawi ang aking buhok at napunta sa likuran. Lumingon si Ken sa akin. He gasped.

I glanced at him and smiled.

"Why don't you try?" hamon ko.

Ngumuso si Ken. "May pag-asa ba ako kung sakaling..."

"I'll say yes if you asked me..."

His eyes widened. Lumunok siya at napayuko. He flashed his smirked and chuckled softly. Nangingiti ko siyang tiningnan habang nilalagok niya ang inumin.

"But I won't rush you," I smiled.

Ken smiled at me. "Damn..."

Binasa ko ang labi at nangingiting dinala ang tingin sa langit. Sa gilid ng aking mga mata ay titig na titig si Ken sa akin.

There. I confessed that I like him. We're more than friends. We're both aware that we like each other. We're flirting. Ito na ang mga senyales na panghahawakan ko bilang proweba na hindi ako nag-iilusyon sa aming dalawa dahil totoong parehas kami ng nararamdaman. Totoong gusto namin ang isa't isa.

Hinatid din naman ako ni Ken pagkatapos. Binuksan niya ang front seat. Ngumuso siya nang magtama ang aming mga mata.  Nanatili siya saglit sa pagitan ng pinto at itinukod ang kamay sa gilid para magsilbing harang.

"So... goodnight. I'll call tomorrow," he whispered while smiling.

I nodded. Binasa ni Ken ng dahan dahan ang labi. Humawak ako sa kanyang balikat at tumingkayad. Yumuko ng kaonti si Ken para maabot ko siya. I kissed his cheek to bid goodbye.

"Goodnight..."

Noong magkatinginan muli, namumungay na ang kanyang mga mata at nakapaskil na ang ngiti sa labi.

"You're not doing this to me... Hindi ako makakatulog," he laughed a little.

Nailing ako at itinulak siya ng marahan para maalis siya sa aking harapan. Nanghihinang umatras si Ken ngunit hinapit niya pa ang aking baywang kaya natangay rin ako sa kanyang pag-atras.

Bumangga ako sa kanyang dibdib. Humalakhak si Ken at yumuko sa aking ulo kaya sumabog doon ang kanyang halakhak na humahalik sa aking buhok. He pressed his lips more and gripped his arm around my waist, his other hand on his pocket.

Pumikit ako at dinama ang sunod sunod na emosyong yumakap sa akin. I am so happy. Para akong lumulutang sa hangin. Hindi ko matanggal tanggal ang ngiti sa labi. Akala mo naman talaga hinalikan sa labi para ganito ako ka saya! Akala mo talaga niyakap ng buo para magdiwang! Well I'm contented! I'm happy. So what if we won't kiss yet? Pag naging kami naman na... sigurado ako sobra pa roon eh.

Kung gaano kasaya at parang langit ang nararamdaman ko pag kasama si Ken, para namang impyerno kung nakakasama ko si Hiro sa isang lugar. This time I planned on seeing him.

Palagi naming ginagawang sariling lungga ng aming mga pagtatalo ang mga classroom na walang estudyante. Ang dumidilim na langit ay nagiging repleksyon at tumatagos sa bintana sanhi para mag-agaw ang liwanag at dilim sa kabuuan.

Hiro showed up as usual. This time I waited for him. Kaya noong nakita niyang nakatayo ako, nag-aantay, bumabakas agad sa mukha niya na bangayan ang aking nais.

Tumayo siya sa aking harapan, ang repleksyon ng madilim na langit ay umabot sa kanya. He looked so dangerous when he's lurking on the dark, like a villain who's willing to be ruthless in order to protect his own territory.

"Nakipagpustahan ka kay Ken? Are you luring him to like that girl?" deritso kong tanong.

Knowing Hiro!

"Ano pa ang mga ginawa mo?"

Nanatili siyang tahimik. My eyes widened when I realized he got more plans. Basang basa ko iyon sa titig niya. Kahit misteryoso, kahit hindi magsalita, ramdam ko ang mga itinago niyang bomba sa lupain na siguradong matatapakan ng mga taong gusto niyang maalis sa teritoryo niya.

Humalukipkip ako sa kanyang harapan.

"Stop that nonsense game," I said.

"He's triggered. Hindi 'yon titigil hangga't hindi niya nakukuha ang Mustang ko. Let him."

"Let him? Magpustahan kayong dalawa at huwag niyong isali ang isang babae!" I spat.

Nag-angat siya ng tingin.

"Why don't you test him?" he suggested.

What the hell?

"Test him? Hiro you're slowly manipulating him! At paano kung nahulog sa kanya ang babae, huh? Mapapaasa iyon ni Ken lalo na't—"

"Lalo na't ano?" he stepped forward.

Natutop ang aking bibig. I won't tell him what's happening between me and Ken.

"Why are you doing this?" marahan na ang aking boses, naiiling at nadidismaya.

"Because I don't like him for you."

Napabuga ako ng hininga. Pumikit ako at huminga ng malalim. Natatawa na lamang dahil talagang pakialamero siya.

"At sino ang gusto mo para sa akin, huh? Ikaw?" I glared at him.

"Mamili ka ng kahit sino. 'Yung mapapanatag ako na hindi ka masasaktan," malamig ang hagod ng kanyang tingin, nakapamulsa at hindi nababali ang kompustura.

"I am willing to get hurt—"

"I won't risk it!" putol niya, galit na galit ang tingin sa akin.

"Ako ang lagi niyang kasama, Torrefranca. I know all his dirty secrets! All his sexual escapades! All his girls! At ayokong nasasama ka sa koleksyon niya!"

"Nasasama? He didn't fuck me! We're not even kissing! Paano ka nakakasiguradong itutulad niya ako sa iba niyang naging babae—"

"Stop turning a blind eye just because you like that fucker. Pinsan ko siya pero hinding hindi ko pahihintulutang saktan ka niya. Oh I'd rather pull him away from you. I'd rather distract him to other girls! He doesn't deserve you!" aniya sabay hakbang papalapit.

Lumingon ako at umatras.

"Nababaliw kana talaga! Pinapangunahan mo siya! Let him! Dahil kung sasaktan niya ako, labas kana dapat doon! Ako ang masasaktan hindi ikaw—" bumundol ang malamig na pader sa aking likuran.

"Triple ang sakit na mararamdaman ko kung nasaktan ka," putol niya at mariing tumitig sa akin habang itinutukod sa bawat gilid ko ang mga kamay.

I glared at him but I couldn't talk. His breath tickles on the skin of my face, nakayuko habang angat baba ang mga balikat sa matinding galit, ang titig ay nakakapaso at puno ng hinanakit.

"Hinding hindi ako makikialam kung alam kong hindi ka masasaktan. I will enjoy your happiness. I'm willing to watch you silently."

Nag-iwas ako ng tingin. His breath kissed my cheek. Binasa ko ang labi ng dahan dahan. Natatahimik, nababahala.

"I am willing to wait for my turn until it's my time. Until you're inlove with me. But I won't let them break your heart. I won't let them break you. Lahat ng mangangahas na saktan ka, dadaan sa kamay ko. Pipigilan ko."

Lumunok ako. I couldn't looked at him. What did I do to him? Bakit ganito ang malasakit niya? Bakit kailangan niyang masali rito?

"He won't break my heart..." I defended even if I'm not very certain.

"Oh yeah?" he chuckled insultingly.

Pumikit ako nang nadama ko ang mainit niyang hininga sa aking pisngi, humahalik at nagpapatindig ng aking balahibo sa batok.

"Hainan mo lang 'yan ng babae, mauulol na agad 'yan. Coz if he's serious with you, if he can take good care of you, I'll let him be. But how come he's flirting all these girls while he's hitting on you. Hmm?"

Irita kong tiningnan si Hiro. His eyes were full of anger. He looked calm but I can sense the storm in his eyes. The danger he's trying to hide.

"Ipagtanggol mo pa..." inunahan niya ang pag-awang ng aking labi.

Natutop tuloy at mariing tingin ang aking iginawad. Nailing si Hiro sa akin, hindi inaalis ang paninitig.

"Masasaktan ka sa kanya," he said like he predicted it.

"And I know you won't go easy on him once you're hurt. Kung pwedeng pigilan ko, gagawin ko."

"Hindi niya ako sasaktan," ulit ko, iyon na lamang ang nasabi.

Hiro chuckled again. It was full of insult, full of taunting. Para bang natatawa nalang siya sa kasinungalingang pilit kong ginagawang totoo.

"Kabisado ko ang galawan niya. The reason why he can easily get away with all of those girls he flirted, those girls he told lies, because of his friendly tactics. Like he's just being friendly. He's being extra nice. He's friendly to these girls he likes. And he's extra nice to these girls he wants to flirt. And once he's done, he'll explain that he's just being friendly. At ang mga babaeng umasa, iisiping kasalanan nila dahil nag-assume. When in fact he indeed showed them signals."

Pumikit ako at umiling ngunit nagpatuloy si Hiro.

"Mabait siya pero gago. Wala akong problema kahit pa lumandi siya sa iba. Basta huwag lang sa'yo."

"Sinisiraan mo siya," umiling-iling ako, lalo na't alam kong may pakiramdam si Hiro sa akin.

"Last Summer. He acted cold. Reason? He flirted this hot chic we met..."

Irita kong tiningnan si Hiro. Oo at hindi nga nagrereply si Ken sa text ko noon pero hindi ko naman masyadong kinukuli din. Baka naman kasi hinahain niya rin kay Ken? Oh please... hindi ko kayang pagtakpan ang anggulong iyon dahil alam ko naman talaga na babaero si Ken. He will purposely flirt all these girls...

"Kung seryoso siya sa'yo, bakit hindi niya kayang tanggihan ang mga babaeng ito?"

I remained silent. Hiro flashed a small wicked smile.

"Bakit? Hmm?"

Umirap ako at naiiling na hinaplos paatras ang buhok. Sumabog ang aking bangs at nagulo sa gilid. Nag-iwas ulit ng tingin saka humalukipkip.

"The reason why Naia can't confess she likes him because he's an ass. She'd rather remain friends with him."

Damn it. Pati iyon alam na alam ni Hiro.

Hindi na ako makatingin, nababahala, natatakot na maaaring tama nga siya ngunit ayokong magpalinlang. Ayokong maniwala. Baka sinisiraan niya lang din.

Sincere si Ken sa akin. Alam ko.

"And once he's done with you, sasabihin lang noon na katulad ka lang sa mga babaeng nagustuhan niya. Mababaw. Hindi ganoon ka seryoso. You think I will put you on that spot, huh?"

Iritang irita kong tiningnan si Hiro. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako sa paninira niya, o nagagalit dahil parang totoo.

Umiling ako sa kanya. He arched his brow. I don't like his confidence! Para bang basang basa niya ang mangyayari. I don't like it!

"Minamanipula mo kasi!" I fired aggressively.

"You can't manipulate someone's heart, Torrefranca. Kung mahal ka niya, mahal ka niya."

Fuck it! Pumikit ako ng mariin at ayaw nang makinig. This smartass villain is wise, unpredictable and ruthless!

"Stop it..." bulong ko.

"Don't fool your brain just because your heart wants him. Open your eyes and stop being blind—"

"I said, stop! Damn it, Hiro!" I pushed him away.

Napaatras si Hiro palayo sa akin, isang hakbang paatras. His jaw clenched. His eyes were cold. His expression hardened.

"Let me! Stop... stop involving yourself to my life! Stop guarding my heart! Stop it!"

His jaw clenched repeatedly. He bowed his head down. Ramdam ko ang pagiging dismayado niya.

"Hayaan mo ako! Kung nasaktan ako, wala kana roon! Don't force yourself to me!"

His eyes widened. Umiling siya.

"I will never force myself to you. I won't fit. You're not ready."

What... Ang galit ko ay nahaluan pa ng iba. Alam ko naman ang tinutukoy niya, na malaki ang nararamdaman niya kaya hindi iyon magkakasya sa lugar na inilaan ko para sa kanya lalo na't kaibigan lamang ang aking tingin ngunit... may ibang... may ibang nahahalo sa isip ko.

"Hayaan mo ako," giit ko.

"You'll get hurt..." he warned.

Ano bang topic namin dito? Bakit parang iba?

"Hindi ka patas lumaban..." nailing ako.

"Hindi rin naman patas ang laban. You have feelings for him. He can get you so easily without lifting an effort. Tama lang na hindi rin ako maging patas sa kanya lalo na't kagaguhan lang din naman ang alam niya."

"Because he doesn't know—"

"He doesn't know? He doesn't care! That's the real reason why he didn't realize all of these. Dahil kung nasa iyo ang buo niyang atensyon, mahuhulaan niya kung sino ang mga kakompetensya niya sa'yo. Mahuhulaan niyang nagseselos ako. But he's not serious that's why he doesn't care," giit niya sa nagbabagang tingin.

I was about to fire another words when he spoke with a deadly stare.

"Hahadlangan ko ang mga bagay na babasag sa puso mo," tila batas iyon kung banggitin niya.

Natutop ang aking bibig. Suko na talaga ako. Kahit anong lusot ko, matatakpan at matatakpan iyon ni Hiro. Kabisado niya ang mga nakapaligid sa kanya kaya malaking advantage iyon.

But no. Ken gave his words to me. At malinaw naman iyong sabi niya sa akin. He clearly explain he'll set her up on a date. Hindi ko kayang pagsabihan si Ken sa bagay na iyon lalo na't alam ko kung gaano niya kagusto ang Mustang ni Hiro.

I trust Ken. I trust his words to me. I trust him.

Continue Reading

You'll Also Like

791K 40.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
3.5M 98.4K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...
430K 11.6K 47
She entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she...
4.8M 126K 63
Lumaki si Christienne Red Valerio na nakukuha lahat ng kanyang gusto. She's a spoiled brat who loves to play and a well-known for breaking hearts. Wa...