R U L E D (NGS #10)

By Ineryss

2.5M 84.1K 72.5K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... More

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
21st Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
24th Ruled
25th Ruled
26th Ruled
28th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
31st Ruled
32nd Ruled
33rd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
43rd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
49th Ruled
50th Ruled
Epilogue

27th Ruled

35.1K 1.2K 1.3K
By Ineryss

Ruled

Like

Nangingiti akong nagtipa ng mensahe habang nakikita kong nagb-blower na ng buhok si Florisse. Nasa kuwarto kami, kung saan din matutulog kasama ang mga babae pa naming pinsan.

Ako:

Thanks Ken. I miss you too

Ken:

I'll call? Are you busy?

Ako:

Hindi naman. Sure!

Tumayo agad ako at itinuro ang veranda lalo na't lumingon si Florisse. Tumango siya habang tuloy tuloy na ang pagbubukas ko sa glass door.

Natanaw ko agad ang ilaw na nanggagaling sa kabuuang Subdivision. Sa ibaba ay kitang kita ko ang pool at iilang kalat na galing sa aking party at sinisimulan nang linisin ng mga katulong.

Humilig ako sa railings at sinagot ang tawag ni Ken.

"So you're having a pool party? Bikini huh..." he chuckled.

Ngumuso ako. It's actually a one piece white bikini. Hindi naman masyadong revealing pero... it's sexy.

"By the way. I bought a gift for you. Ibibigay ko once you're here in Manila. Say... let's have dinner again?"

Pumikit ako at hindi ko na naman mapigil ang ngiti sa aking labi. Humampas ang hangin. Sumabog ang aking buhok. Dumilat ako at isinabit iyon sa gilid ng aking tainga habang tinitingnan ang nangingislap na mga ilaw sa kabuuan.

"Ibabangga mo na naman?" I chuckled.

"I'll be extra careful, I promise. Badtrip nga. Ayaw na akong payagan magdrive ng aking parents. Mom is too strict. Kahit sarili naming kotse bawal," he groaned.

"Ayos na rin 'yon. Baka maulit pa at malala ang mangyari this time..."

"Paano tayo lalabas nito kung wala akong kotse? Man. I hate this..."

"Pakabait ka muna, Ken... Baka next year malay mo..."

Umikot ang topic namin sa kotse niya. Ramdam kong gustong gusto niya talagang may sarili ulit siyang kotse. Kung nasa harapan ko lang ito, baka nakabusangot na.

Suot ko pa ang ngiti noong matapos ang tawag at muling bumalik sa loob. Nakahiga na si Irah sa kama. Naroon si Rina, sinusuklay pa ang basang buhok ngunit humihikab, si Florisse naman ay bihis bihis na at nakapajama.

"Ano 'yung kwento ni North na nabangga ka raw?" tanong ni Florisse nang inayos niya ang kabilang kama lalo na't kaming dalawa ang magkatabi.

Tumulong ako sa pag-aayos. Si Rina ay humihiga na ng tuluyan at pumipikit pikit na, lalo na't si Irah ay nakaidlip na agad.

"Nabangga kami sa poste habang papauwi. Sobrang gabi na rin kasi," sabi ko habang umuupo na sa kama at hinihila ang kumot para talkpan ang kalahating katawan.

"Boyfriend?" she insinuated.

"Uh. No. Family friend," I smiled.

Tumango siya at gumapang sa aking tabi. Hindi na nagtatanong ngunit nagpatuloy ako sa pagkukwento dahil parang handa siyang makinig.

"May tumawid kasi na itim na pusa. And he's a bit drunk. Iniwasan namin kaya ayon... sa poste—

"A black cat?" putol ni Florisse habang tumatabi na sa akin.

Amoy na amoy ko ang strawberry shower gel ko na ginamit niya.

"Oo. Kawawa naman kung masasagasaan kaya iniwasan namin," paliwanag ko habang napapansin ang pagtatagal ng tingin niya sa akin.

"Did it cross from left going to right or right going to left?"

Inalala ko agad ang gabing iyon.

"Right going to left. Lalo na't ako ang nakapansin sa itim na pusa."

Kita ko ang pagkakasalubong ng kilay ni Florisse.

"It's a bad omen," aniya.

Kumunot ang aking noo. Inabot niya ang lampshade at pinatay. Bukas pa ang pinto galing sa veranda kaya natatanaw ang liwanag galing sa buwan na pumapasok, nagsisilbing ilaw sa loob kaya hindi ganoon ka dilim kahit patay na ang mga ilaw.

"What do you mean?"

"It means misfortune... or death," si Florisse na naninimbang ang tingin.

Umihip ang malamig na hangin kaya medyo gininaw ako. Gumalaw ang kurtina at sumayaw. Na-distract ako saglit doon habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Florisse.

"May kasabihan na kung may itim na pusang tatawid patungong kaliwa, dapat iwasang masaktan ang pusa o magkaroon ng disgrasya habang umiiwas. It's a curse. Either a misfortune or you know... death."

Hindi ko alam kung bakit kinikilabutan ako sa sinasabi niya, maybe because the word death is involved.

"Pero we're safe. Gasgas lang din ang natamo. I mean... nothing bad happened."

Nagkibit si Florisse. "Perhaps future. But I hope not."

"Parang babala?" I laughed.

Tumango si Florisse. "But it's just one of the superstitious beliefs. Mamamatay rin naman tayong lahat."

Natawa na lamang ako at ipinagkibit balikat ang bagay na iyon. Hindi naman ako masyadong naniniwala sa mga kasabihan ngunit marami rin kasing paniniwala sa side ng mga pinsan kong pure Chinese.

Umuwi rin naman kami sa Manila pagkatapos ng New Year lalo na't klase na ulit. Babalik din sa Davao sa Chinese New Year kaya excited ulit ako.

Kaso naalala ko iyong sabi ni Ken na magdidinner kami kaya iyon na ang nagpapangiti sa akin.

"Manang Jema..." bati ko nang makababa sa kotse.

"Hija!" Nangingiti niya akong sinalubong.

Yumakap agad ako sa kanya, ganoon din siya. Hinaplos niya ang aking likod at noong humiwalay ay pinisil agad ang aking pisngi.

"Namiss kitang bata ka!"

Ngumiti ako at pinanood ang iilang tauhan na inilalabas na ang aming mga gamit sa likod ng kotse at pinaghahakot papasok. Mommy looked tired. Dad was giving orders.

Tumunog ang aking phone kaya taka ko iyong dinungaw. Nakita ko agad ang unknown number, at kahit pa walang pangalan, alam kong si Hiro 'yon.

Unknown:

Nakauwi na kayo?

Hindi ko iyon pinansin ngunit may sumunod ulit.

Unknown:

I have a gift for you. Idadaan ko diyan tapos uuwi din ako agad.

What? Alam kong ginawa naming tradisyunal ang pagbibigay ng regalo ngunit buong akala ko ay naputol na ito ngayong taon lalo na't noong birthday niya ay hindi na ako nagkainteres pang regaluhan siya.

Hindi ko ulit iyon pinansin kaso nagtext na naman si Hiro. But when I received another text from him, sa huli ay nahanap ko nalang ang sariling naglalakad patungong gate dahil sa kakulitan niya.

Unknown:

I'm outside.

Nilingon ko si Dad na abala pa rin sa mga gamit, si Mommy na humihikab at pinapanood si Daddy, ang mga tauhan na distracted sa ginagawa, at si Manang Jema na nakikisali rin doon. Lumabas ako ng tuluyan.

Bumungad agad si Hiro, nakasandal ang pwetan sa pinto ng pulang Mustang niyang kotse habang nakatingin sa kanyang sapatos suot ang panibagong hoodie na hindi ko na mabilang kung ilang pares ang meron siya.

Nag-angat siya ng tingin at napatuwid sa pagkakatayo. Bumagal ang paglalakad ko patungo sa kanya. Binuksan niya ang front seat at yumuko para may abutin doon. Noong tumuwid ay may hawak na siyang itim na paper bag.

The luxurious brand of chanel flashed. Kumunot ang aking noo. Isinara niya ang pinto ng kanyang kotse at humarap sa akin. Inilahad niya iyon.

"Belated Happy Birthday," he greeted.

Ibinalik ko ang tingin kay Hiro. He looked at me seriously but he's calm.

Nahulog ulit ang tingin ko sa paper bag. I'm a bit hesitant. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba, kung iiling at iiwan siya rito para pumasok nalang ulit sa bahay, o ano.

The suggestion on my head is quite harsh. Don't take his gift and just leave him. Tumatanggap naman ako ng mga gifts. Kahit sa mga male friends ko nang walang iniisip na malisya lalo na't bigay rin naman.

Kaya anong kaibahan nito kay Hiro?

"You wore red last time so I'm thinking you like red colors..." ani Hiro.

Napaahon ang tingin ko sa kanya.

"Uh, black..." I said to correct him.

"Black?" he looked surprised.

Tumango ako at muling tiningnan ang paper bag.

"You always wear white but you like black?"

Ngumuso ako at tumango. Right? I'm weird.

Hiro chuckled. "I'll take note..."

"Nagsuot lang ako ng red lalo na't mga Chinese ang pinsan ko. Regalo iyon ng babae kong pinsan," sabi ko.

Tumango tango si Hiro. Nahulog ang tingin niya sa paper bag. Nahulog ulit ang tingin ko roon. Ayoko talagang tanggapin. Baka may iba siyang maisip 'di ba?

"You looked so curious. Take it..." he wiggled it.

"Baka isipin mo..."

Umiling agad siya. Natutop ang aking bibig. Kinuha ko iyon ng dahan dahan. Noong nasigurado niyang hawak ko na, saka niya lang binitiwan at ibinulsa ang mga kamay.

"How's your birthday celebration?" Hiro asked.

"Ayos lang naman..."

"I saw your posted pictures."

Nilingon ko ang aming gate. Noong ibinalik ko kay Hiro ay tiningnan niya rin ang aming gate.

"Pumasok kana. I know you're tired..."

Tumango ako at ngumiti ng tipid. "Uh... thanks..."

Hiro nodded. Tiningnan ko ang kotse niya. Nanatili siya sa kinatatayuan at mukhang desididong panoorin akong maunang pumasok.

Naglakad ako pabalik sa gate. Nilingon kong muli si Hiro. Tahimik niya akong tinanaw. Binawi ko rin ang tingin at tuluyang pumasok.

Dinala ko sa kuwarto ang gift ni Hiro. I curiously opened it. Parehas lamang ang box noong huli niyang bigay. Noong binuksan ko ay panibagong pares ulit ng hair clip but this time it's red.

Pumunta ako sa salamin at kuryoso iyong sinubukan sa aking buhok. The luxurious golden brand logo of Chanel sparkled. I took a photo of my hair and send it to him. I typed another message.

Ako:

Maganda :)

Nakita ko agad ang nakalagay na read sa ibaba. Hiro automatically reacted on my photo. He also reacted loved on my text. Bumalandra agad ang typing.

Unknown:

I'm glad you like it :)

Ibinaba ko ang cellphone at hinubad iyon sa aking buhok ng dahan dahan. I should wear this on Chinese New Year. I will match it to my red dress.

Nakita ko sa screen ang typing ni Hiro.

Unknown:

I wanna post it on my story. Is it okay?

What? Akala ko ba he won't post something that's so private? Kinuha ko ang aking phone at mabilis na nagtipa ng mensahe.

Ako:

Akala ko ba ayaw mong magpost pag masyadong private?

Hiro automatically read my message. Parang nakatambay lamang siya roon kaya mabilis na nababasa. He reacted on my message first before typing another reply.

Unknown:

Hindi naman kita ang mukha.

Ako:

Kahit na. Everyone will assume that you're dating someone secretly.

Unknown:

Alright. Your rules.

Hindi pa halos ma-proseso ang text niya, may sumunod agad na isa.

Unknown:

Wait I'll just park my car.

Huh? He's driving? And he's texting? Nailing ako at nagbihis na muna. Naghalfbath din. Medyo hinihila na ng antok ang talukap ng aking mga mata noong nakita kong bumalandra ang FaceTime sa screen.

Hiro's requesting for a FaceTime! Kunot-noo ko iyong tiningnan. Ano naman kayang kailangan niya? Kakatitig ko ay nawala rin naman. Ngunit noong tumawag ulit, sinagot ko na lamang habang humihiga na sa kama.

Lumabas ang screen at nakita ko ang magandang ceiling. Mukhang nakalapag ang phone kaya sa itaas agad ang bumalandra. I looked at my perfect thick brows on my camera. Kapansin pansin ang medyo singkit kong mga mata at medyo nabuhaghag pa ang iilan kong bangs. Kalahati lamang ang kita ng aking mukha habang sabog ng kaonti ang alon ng aking buhok na nakikita rin.

Ilang sandali lamang ay nakita ko ang pagyuko ni Hiro sa camera na topless lamang at sumabit pa sa ere ang suot na kwintas. Dinampot niya iyon at dinala sa kanyang mukha. Dim ang kuwarto ngunit dahil din sa liwanag galing sa screen ay nagiging malinaw ang bawat anggulo niya.

"What?" I asked, a bit irritated.

Hiro's gaze were deep. I pressed my lips on my pillow while watching him fix his disheveled hair.

"I just called to try my luck since it's your first time to reply on my messages."

'Yun lang? Akala ko pa naman kung anong importante! Inaantok pa naman ako. I saw my sleepy eyes on the screen of my phone. I'm sleepy but I couldn't help to looked at him since I'm curious.

"What's this call all about?" I asked using my tired voice.

"I just want to see you," aniya habang sumasandal sa itim na headboard ng kanyang kama, ang isang palad ay dinala pa sa likuran ng ulo para gawing unan.

Umangat ang aking kilay. "Ibababa ko na."

"Thought we're friends?"

Nanliit ang mga mata ko. Gamit na gamit talaga 'yang pagiging magkaibigan kuno namin. It's obviously one sided. Ako lang ang nakikita siyang kaibigan, at siya, ang nakikita sa akin ay... hmm... babae niya?

"Anong ba kasing gagawin natin? Tititigan ang isa't isa?" irita ko pa iyong sinabi.

"I can watch you all night. It's up to you on how you want to deal with your friend..."

It's really up to me, huh? Hindi ako umimik at panay lang tingin sa end button.

"Lemme see your—

"My what? Huh?" I leered at him aggressively. This villain!

"Your hair clip. Patapusin mo nga muna ako? Jesus," he groaned.

Huminahon ako. He looked pissed, siguro dahil alam niyang mapagbibintangan na naman ng iba.

"Pinakita ko na 'yon sa'yo ah?" hindi ko maiwasan dahil sa reaksiyon niya, para bang naiinis siya sa ibibintang ko sa kanya.

"Whatever," pagsusungit ni Hiro. "Pagbibintangan na naman akong bastos..."

I copied his expression.

"Linawin mo kasi..."

"You didn't let me finish," he argued.

"Teka..." napaahon ako at irita siyang tiningnan. "Pinapagalitan mo ba ako?"

Hiro sighed and shut his eyes. Napatingala siya saglit kaya nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya nang lumunok ito. I put my phone down. Yumuko ako at sumilip sa camera habang iritang irita pa rin. Dumilat si Hiro, medyo kumalma.

"I'll end it. Don't ever call!" I hissed.

"Hindi kita pinapagalitan," pilit niyang pinalambot ang tinig.

"You said 'whatever'. And you're mad."

"Was it so harsh? I'm sorry. I'm not mad. I'm just pissed because—"

"You're pissed at me," putol ko sa marahan niyang tinig.

"Pissed at what you're about to say. Not pissed at you," he defended calmly.

"Gano'n pa rin. I'll end this."

"Calm down. Let me explain first. Nang-aaway ka talaga..."

"Ano? Ako pa huh?" Dinampot kong muli ang cellphone kaya nagzoom ang aking mukha sa camera.

Hiro groaned and licked his lip.

"Fine, ako ang may kasalanan. Ako ang nang-aaway. Ako ang may mali..."

"Sina-sarcasm mo ba ako, Hiro?"

Umiling siya, pinipilit na lang atang maging kalmado kahit gustong gusto niya nang ipagsalubong ang kanyang kilay.

"I'm trying to apologize here so we'll not fight all night. My bad. I'm sorry..." mas maamo niyang bigkas.

"Whatever," gaya ko sa sinabi niya kanina saka ko pinatay ang tawag.

I flipped my phone and went back to sleep. Marahas kong hinila ang kumot at mariing ipinikit ang mga mata, parang pinipilit nalang na matulog. Kaso panay na naman ring ng aking cellphone.

Bahala ka. Friend huh?

Panay iyon ring. Nakakarindi. Kinuha ko at tiningnan. Akmang papatayin nang madulas pa ang aking kamay at nasagot kaya bumungad agad sa screen ang magkakasalubong kong itim na kilay, inis at nakabusangot.

Ngumuso si Hiro nang makita ako. Papatayin ko na ulit sana nang magsalita.

"Goodnight..." he said softly.

I nodded without smiling and turned the call off. Nakatanggap agad ako ng mensahe.

Unknown:

Cute hahaha

Hindi na ako nagreply dahil hahaba na naman. Sumimangot lamang ako. Goodness. So much for being his friend huh? Hindi ko na dapat sinagot, e. Kuryoso pa ako at baka importante.

Weekend noong natuloy ang aming dinner ni Ken, lalo na't iyon din ang nabanggit niya noong call. Sa Restaurant kami kumain ng kanyang pinsan.

"Nakakainis. Puro ako taxi dahil ayaw talagang magpahiram ni Dad. Batas din kasi si Mommy sa bahay," kuwento ni Ken habang isini-serve ang pagkain.

Kanina ay kuryoso ko pang ginagala ang tingin sa kabuuan lalo na't maganda ang interior design. Cove lightning at hindi masakit sa mga mata ang ginamit na kulay. It's relaxing. Nasa second floor kami, ang mismong VIP area ng loob.

"Kumusta na pala ang sugat mo sa braso? Naghilom na ba?" Tiningnan niya ang braso ko.

"Yes. Mababaw lang din naman 'yon na sugat," I explained and smiled.

Nagtuloy tuloy iyon tuwing weekends kaso naputol din noong marami nang gagawin sa school. Dumagdag pa talaga ang nararamdaman kong inggit ng isa sa mga kaklase ko.

"Yes Ma'am?" taka kong tanong nang ipatawag sa Discipline's Office.

Napatingin ako sa nakahalukipkip kong kaklase na si Janneth. May kasama siyang iilan pang kaklase kong mga babae.

"Put your things here," ang head na sinenyasan ako.

I nodded and put my things on the table. Sinenyasan niya akong maupo. Tahimik akong umupo roon at muling sumulyap kay Janneth na kaklase ko sa iilang minor at major subjects ko.

Kinalkal nila ang aking gamit. Tiningnan ko iyo at nakaramdam agad ng kakaiba. Kaya noong may makitang isang puting papel na nakatupi at binuklat, alam ko na agad.

"Miss Buenaventura, you know the rules. Bakit ka may kodigo?" Ipinaharap niya sa akin ang papel.

My eyes slowly widened when I saw the exam's questionnaire with some answers. Kakatapos lamang ng exam ngayong Enero. Nakakuha ako ng malaking marka sa isang minor subject pero dahil nag-aral ako ng mabuti.

"Ma'am I didn't..."

"Liar. Nakita ka namin. And it's unfair," si Janneth na nakahalukipkip, mariin ang tingin sa akin.

Natutop ang aking bibig. I looked at her innocently. Ah... this annoying bitch. Did she set me up?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Janneth," I said with tremble lips, trying to act scared. Lame.

She snorted and shook her head. "We saw her. She cheated. Kaya ang laki ng marka niya noong exam! 'Di ba!" she accused and pointed me.

Tumango ang iilan ko pang kaklase. What?

Sinenyasan siya ng head na kumalma. Hinubad nito ang glasses at mariing tumingin sa akin. Yumuko ako.

"We'll give you another examination, Miss Buenaventura. Your last score won't be recorded. Gusto ko ring makausap ang parents mo. I won't let this slip."

I nodded defeatedly. Nilingon ko si Janneth, she's trying to hide her smile. Tingnan natin ang tapang mo. Humanda kayo sa'kin.

Pagkalabas naming lahat ay humalukipkip agad si Janneth sa aking harapan. Her bitchy face screams power. Nakaangat ang kilay, matangkad at tuwid ang buhok.

"Aww... poor little angel..." she teased.

I looked at her blankly. Medyo nilambutan ko lang ang ekspresyon dahil baka makita niyang hindi ako nasasaktan, 'di ba? I'll satisfy her.

"Ikaw ang naglagay noon?" marahan kong tanong.

"Parang iiyak na, Janneth. Kawawa naman," isa sa kaklase namin pero natatawa.

"Buenaventura pa naman 'yan. Magsumbong pa 'yan sa Daddy. Sa pinsan," ang isa pa pero tumatawa rin.

Tumawa si Janneth.

"Look at you! Para kang anghel na itinapon sa lupa at nalaglag sa langit! Your pretty face won't save you. Next time, know your place," giit niya.

I bowed my head down. Pinisil pisil ko ang aking mga daliri. Tumawa sila.

"Let's go girls..."

Nilagpasan nila akong lahat, nakangisi at nangmamaliit. Tahimik ko silang tiningnan. Bakit ba may mga ganitong tao? Hindi nila nasisikmura ang mga umaangat kaya hinihila nila pababa?

For what reason? Dahil inggit? Kaya papakialaman ang buhay ko? Kaya bubutasan ako? And they really think I won't fight back, huh? Doon sila nagkakamali.

Malapit na ang finals. Tingnan natin kung makakaahon ka. I will bring you down to the pits of hell until you scream for help. Isasama ko ang mga kasabwat mo. And when that time comes, you will see me smiling at you, clapping my hands and enjoying your pain.

I took the examination for the second time. Minor subject ko iyon. Luckily I passed it. Pumunta rin si Dad sa araw na 'yon sa school kasama ang dalawang tauhan.

His tats made him looked superior. His dark piercing gaze were powerful. Deritso ang kanyang lakad at nagtitinginan lahat ng mga students sa kanya.

"Dad..." I smiled apologetically.

"Let's go home," si Dad na sinenyasan ang tauhan.

Kinuha agad nila ang aking gamit. Sumabay ako sa paglalakad. This is a disappointment to my parents. Kaso sigurado akong hindi sila basta bastang maniniwalang nagcheat ako. O kahit totoo man, baka hindi rin i-big deal ni Dad.

"Hindi ko nga rin nabilang kung pang-ilang beses akong nagcheat noon. Sinusulat ko pa sa legs ko," si Mommy nang malaman din iyon.

"Really? Sa legs?" si Dad na iritado.

"Pati 'yang Daddy mo. Nakakailang cheat 'yan," si Mommy na dinamay pa si Dad.

Tahimik lamang ako, nakikinig. Pinapagaan nila ang aking loob. Hindi naman pinapagalitan pero napagsabihan ng kaonti. Ngunit hindi sa puntong ikakadismaya ko.

"Don't take it as a competition, hija. Ayos lang sa amin ng Daddy mo kahit low grades."

"You can fail multiple times. If it's making you stress then drop it—"

"Dos naman! Hindi nakakatulong," iritang sabi ni Mommy sabay kalma nang tingnan ako. She smiled and caressed my cheek. "No pressure, sweetheart. We're not mad. Nanggaling kami diyan kaya naiintindihan ka namin."

Hindi ko na sinabi ang totoo lalo na't baka aksyunan pa ni Dad at lumaki lalo. Knowing him. Ako nalang ang maglilinis. There's probably a minor damage but I won't let this slip.

Pinadaan ko ang mga buwan, katulad ng aking nakasanayan. Ibabalik ko sa kanila kung saan niya ako tinira ngunit sa tripleng paraan.

I started creating my plans before our final exam. Siyempre lahat naman talaga gusto ng malaking marka, lalo na sa major subjects.

"It's a good idea, Jack. Maraming stress at gustong pumasa sa major subject. Kung may discussion tayo at group study ay baka makatulong din," I smiled to my classmate.

Nakatitig siya sa akin at inayos pa ang salamin nang sulsulan kong gumawa ng group chat. I shared all my wrong ideas to him and claimed that it came from a reliable source. Kumalat agad iyon sa bawat kaklase ko lalong lalo na kina Janneth kaso hindi naman talaga lantarang galing sa akin lalo na't ipinadaan ko lahat kay Jack at siya lamang ang naglapag.

Kaya noong lumabas ang highest score, ako ang nangunguna na pumunta sa harapan at nakita ang reaksyon ni Janneth, matamis na ngiti agad ang aking ibinigay sa kanya.

Siya ang unang sumugod at galit na galit. Una sa lahat, ako ang iniisip niya na gagawa ng ganoon dahil alam niya kung ano ang ginawa niya sa akin noong mga nakaraang buwan.

The boys defended me of course. Janneth was so mad since it's our major subject. Siya ang pinaka apektado, pati 'yung iba pang kasama niyang mga kasabwat. They got fool so easily because they don't have time to study. They have more time to ruin people's lives.

At kung ikakanta niya man ang nangyari, marami siyang makakalaban, hindi lamang ako dahil buong kaklase kasali roon. She won't reveal it. Sigurado ako.

Doon ko rin napansin ang malamig at makahulugang paninitig ni Naia habang nagkakagulo ang lahat. I smiled. No need to pretend coz I know she's thinking I'm behind this mess.

I left a bad impression to this girl and she will remember it for sure. She'll think of me as a demon who's trying to looked like an angel. Judgemental pa naman...

"Do you like parties? Like Clubs? Bar?" si Ken sa gabing iyon noong tumawag.

Unang pasok ng Summer, imbitasyon niya agad ang sumasalubong sa akin.

"Hmm... Sino bang kasama?"

"My friends. And Naia."

Madalas niyang yayain si Naia sa ganoon simula noong naging close sila. Napapadalas din ata ang pagkikita nila?

"I can't Ken. My father is strict."

"Sayang naman... Kung hindi lang nakakatakot si Tito Dos ipagpapaalam kita," halakhak niya.

Hindi pa rin ba umaamin si Naia sa kanya? She likes him. Baka nga ayaw ni Naia na naroon ako. Kasi kung ako, at kasama siya habang kasama ko si Ken, ayoko rin.

I don't really hate her but I don't like her so much, too. Sakto lang. Hindi rin kasi kami kaibigan. Gustong gusto ko lang din siya asarin lalo na't babalandra talaga sa kanyang mukha ang pagiging judgemental at parang naglalakbay na agad ang isip niya ang mga pangit na iisipin niya sa'yo.

"Next time nalang, Ken..."

Doon ko siya hindi pinagbibigyan. I don't want to be pull as one of his circles nor as his friend. Ganoon din naman kasi ang totoong pakay niya kay Naia. Baka pag nakihalo ako, parang magiging kaibigan nalang din ang tingin ni Ken sa akin?

"Hmm, dinner nalang ulit?" he suggested and chuckled.

Kinagat ko ang aking labi at napakulob sa aking kama.

"Kailan?"

Humalakhak si Ken.

"Parang gusto mo akong nasosolo ah?"

"Gano'n na nga..." pag-amin ko na muling ikinahalakhak ni Ken.

Kumakagat na ako sa mga malalandi niyang salita. I'm starting to send signals that I like him. In a romantic way.

"Fuck... I like that, too," namamaos ang tinig at humalo ang tawa niya roon.

Pumikit ako at pinigilan lamang ang sariling mapaamin. Take it easy! Ayokong dito sa call aamin! At nagtuloy tuloy ang pagkikita naming dalawa na lumalim lamang noong third year na kami.

Continue Reading

You'll Also Like

535K 20.1K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.3M 73.5K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
4.6M 137K 63
Alyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae. Bata pa lang ay namulat na siya sa est...
3.4M 96.8K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...