R U L E D (NGS #10)

Galing kay Ineryss

2.6M 86.2K 73.3K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... Higit pa

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
21st Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
25th Ruled
26th Ruled
27th Ruled
28th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
31st Ruled
32nd Ruled
33rd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
43rd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
49th Ruled
50th Ruled
Epilogue

24th Ruled

42K 1.5K 1.5K
Galing kay Ineryss

Ruled

Accident

Humaba ang usapan namin ni Ken sa phone. Oh I missed him. I missed his voice. I missed his laugh. I really missed him.

Siya ang una kong gusto, lulubog man o lilitaw, alam kong mananatili ang nararamdaman na siya lamang ang nakakapukaw. Kaya ngayong heto na naman, nag-uusap na naman, hindi ko matanggal tanggal ang saya ko.

Nagmamadali akong umakyat sa aking kuwarto at nanghalungkat agad sa walk-in closet ng maisusuot. Puro talaga puti ang dress ko. Oh, I remember Florisse's gifts! May mga pulang dress siyang ibinigay sa akin.

Kinalkal ko ang mga paper bag na nasa gilid lang at hindi ko pa talaga naisasali sa ibang damit ko sa walk-in. My Chinese cousins loves the color of red. Like it's part of their tradition to wear some red colors.

Yumuko ako at kinuha ang dress na nasa H&M paper bag. Hinubad ko agad ang aking suot para masukat iyon at tiningnan ang sarili sa salamin.

It's just a simple sleeveless dress but it's flowy. Ekis ang likuran at sweetheart top ang parteng neckline. The strings were so thin so it really showed my deep collarbones.

I should wear some hair clip to match my dress! Oh right. That bow hair clip chanel. Meron pa 'yung isa na hindi ko nagagamit. Iyong isa ay nagamit ko noong birthday ni Christian.

Kaya sa gabing iyon ay abala na akong maglagay ng make-up sa aking mukha. Half ponytail lamang ang aking buhok at ginamit ang bow hair clip bilang pang tali. My curtain bangs hang freely. Sinuklay ko ang malambot na alon sa dulo ng aking buhok habang inaabot na ang isang perfume.

I pursed my red glossy lips while waiting for Ken's call. Eight-thirty pa lang! I mean, he told me mamayang Nine kami magkikita. Mas mabuti iyong ready na ako kaysa paghintayin ko pa siya. And my father's coming, later. Ayoko nang maabutan kami ni Dad. Nagtatampo pa ako sa nangyari noong nakaraan.

Ako:

Mom, may lakad ako. Kindly tell it to Daddy.

Ilang sandali lamang ay tumawag si Mommy.

"Makikipagkita ka sa lalakeng 'yon? Tell me so I can back you up once your father will get mad."

"Ah hindi po. It's Ken's uh... birthday."

"Oh... He invited you?"

"Yes, Mommy."

"Oh okay! Mapapanatag 'yang Daddy mo kung nalamang Delafuente ang mga kasama mo. Alright. Enjoy, sweetheart."

I smiled and nodded. Kahit hindi naman iyon makikita ni Mommy talaga.

"Thanks Mom..."

Handang handa na ako noong Nine. Kaso hindi pa nagtetext si Ken. Ayoko namang kulitin baka nag-eenjoy pa.

I smiled on the mirror while watching my reflection. Umikot ako ng kaonti sanhi para sumabay ng galaw ang aking dress. My crossbody bag matches my bow hair clip since it's Chanel, too. And it's also black.

Nabagot ako kakahintay. Malapit nang mag nine-thirty kaso wala pa rin ang text ni Ken. Should I text him? I should. Baka nakalimutan niya!

Ako:

I'm ready. Tell me once you're here para makalabas ako agad.

Ganyan nalang para hindi gano'n ka pushy. Ngumiti ako nang makita agad ang reply niya.

Ken:

Oh shit, sorry! Yes yes, I'll pick you up. Nagkayayaan pang uminom.

Ngumiti ako at nagreply.

Ako:

Ayos lang Ken. I'll wait :)

Kinuha ko ang maliit na paper bag na kulay itim. Naroon ang keychain. Ano kayang iisipin niya. I mean, wala kasi akong napaghandaang bilhin! Hindi ko naman inaasahang mangyayaya siya bigla sa mismong birthday niya edi sana mas may nabili akong mamahalin, like watch.

Mga bandang ten ay naka park na nga ang itim na kotse ni Ken sa labas. Tanaw na tanaw ko ang paglabas niya sa driver's seat ng kanyang Ford Ranger raptor suot ang puting shirt na bukas pa ang iilang butones.

Kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Ken nang matanaw ang paglabas ko. His eyes widened and his lips parted. I smiled and went to him.

"What the..."

I chuckled softly. Nang makita niya iyon ay dahan dahan din siyang napangisi.

"Happy birthday..."

"Thanks. God you're so..." pinasadahan niya ako ng tingin at ngiting ngiting hinaplos ang buhok.

Ngumuso ako at tumingin sa front seat.

"Oh right! Let's go," natatarantang si Ken sabay halakhak at binuksan ang front seat.

Naamoy ko agad ang kaonting alak sa kanya. Mukha namang hindi ganoon ka lasing lalo na't maayos pa rin ang mga kilos niya.

Pagkapasok naming dalawa sa kotse ay halos hindi ko ata mabilang kung nakakailang tingin siya.

"Hindi ko alam kung lalo ka bang nagdalaga o sadyang ang tagal nating hindi nagkita," ani Ken.

"You looked tall, too..."

"Tall lang? Hindi ako guwapo?"

"Guwapo kana Ken."

Humalakhak si Ken at naiiling na ibinalik ang tingin sa harap ng kalsada. Natawa rin ako kaya sumulyap siyang muli sa akin.

"Ang ganda talaga..."

I couldn't contain my feelings. Isang ngiti lang, isang tawa lang, isang tingin, heto na naman at parang umiikot na naman ako sa kanya. Talagang may epekto siya sa akin. Akala ko nawala na dahil nga at nagkakamabutihan kami ni Roche sa mga nagdaang araw kaso hindi pala.

Iniisip ko pa lang na ito ang unang alis naming dalawa, unang hang-out, ngiting ngiti na agad ako.

"Pag sa Restaurant tayo nila Wayt baka manggulo pa ang mga kumag. Ayokong may disturbo," ani Ken nang iginigiya ako papasok at nasa aking likod na ang kamay.

Oh right! Alam ko may Restaurant ang pamilya ni Wayt pero sa ibang Restaurant siya nagpa reserved para hindi kami madisturbo.

"Hindi pa ako nakakapunta roon."

"Don't worry. Madalas na 'yan sa susunod na mga araw. Dadalhin kita roon," ani Ken.

May susunod pa? So... hindi ito ang magiging unang beses na kakain kami sa labas? Magdidinner?

Hindi na ako nakapagsalita lalo na't kinausap siya noong sumalubong na waiter sa amin at iginiya kami sa reservation ni Ken.

The whole place looked elegant. Ang sarap mag-isip na baka... uh, date 'to? Kaso... sabi niya... bumabawi siya sa naudlot lang na pangako na hang-out.

Pero iyong mga susunod na planong dinner, ano kaya 'yon? Is it a date? Is he planning to uh... pursue me this time?

Coz if he's planning, with Roche's absence, sigurado akong gugulong na naman ako pabalik kay Ken. Lalo na kung kami ang madalas na magkikita, madalas na magkakasama, madalas na kakain, sigurado akong lagapak na naman ako sa kanya.

Ken pulled the chair for me. Hinaplos ko ang pwetan ng aking dress at marahang umupo. The waiter started giving some menu. Umupo si Ken sa aking harapan.

Kapwa namin inabala ang sarili sa pamimili ng order. Kaya noong iwanan ng waiter ay nagkaroon ako ng tsansa na ibigay ang maliit na paper bag na dala.

"What's this?" ramdam ko ang saya ni Ken habang tinitingnan ang paper bag.

"Huwag mo munang buksan! Nakakahiya. Sa ano nalang... sa bahay niyo," pigil ko sa plano niya.

Umangat ang kilay ni Ken ngunit malawak ang ngisi. God. He's so charming. Papatayin talaga ako nito sa ngiti niya.

"Nakakacurious ah?"

"Hindi gano'n ka bongga, Ken. Hindi ko napaghandaan. Baka ma disappoint ka," sabi ko.

"Bakit naman? Bigay mo tapos madidisappoint ako? I'll gladly use it, Franca. Baka halikan ko pa," halakhak niya.

Pumikit ako lalo habang may ngiti sa labi.

"Sa bahay na..."

"Fine. I'll open this later," sabay tabi niya noong dumilat ako.

Kumalma ako at hinaplos ang aking buhok. Napapansin ko na halos lahat ata ng nandito, parang may date, at ang iba ay family dinner ata. I know he can afford a luxurious dinner for the both of us since he's a Delafuente pero napapaisip talaga ako pag ginagastusan ako ng isang lalake.

Sino ba kasing friend ang it-treat ka sa dinner at mamahalin pa? Gusto ko talagang magtanong kaso ayokong sirain ang mood. I'm enjoying it, too.

"So... how's your life lately? Nakita ko 'yung celebration mo sa France. You looked so happy," ani Ken habang hinahaplos ang katawan noong baso, ang kamay ay nasa pisngi at deritso ang titig sa akin.

"Oo. Doon ko rin nabili 'yung regalo sa'yo, actually. It's cute so..."

His face lightened. "Naalala mo ako while you're in Paris? Wow..." he chuckled happily.

"Yes. I mean... you told me we'll hang-out so..." hinaplos ko ang buhok at humilig din sa mesa.

Ken licked his lip. "We'll start it, alright? Busy lang these days. Nagkataon din na sumabog 'yung issue ni Nana. Medyo nakaka-miss ang pagkawala niya rito. Wala na akong aasarin."

"I miss her, too," I smiled weakly.

Nai-serve din naman ang pagkain. Ganado ko iyong ginalaw, si Ken na pasulyap sulyap sa akin at iaalok din ang sarili niyang order para tikman ko.

"Here," abot niya sa tinidor.

Ngumuso ako at hindi alam kung paano iyon tatanggapin, kung ilalapit ba ang labi o kukunin iyon sa kanyang kamay para isubo ko sa aking sarili.

"Nahihiya pa..." tawa ni Ken sabay lapit lalo sa tinidor sa aking labi kaya napunto ko ang kanyang gusto.

Kinagat ko iyon ng dahan dahan. Ngumuso si Ken habang pinapanood ako. Nahulog ang aking tingin sa sariling pagkain ngunit hindi na maitago ang ngiti.

"Ganda mo talaga," si Ken na isinusubo rin ang tinidor sa kanyang bibig.

Ang tapang ko noong sinabi kong friendly date lang ito kaso hindi ko maiwasang hindi matuwa. I like him and it's inevitable to feel butterflies inside my stomach everytime he smiles, everytime he compliments me, everytime he does something nice.

Nararamdaman ko tuloy na baka... mutual kami? Like he also likes me secretly? But isn't it too early to think like that? Baka pala ito na rin ang huli at bumabawi lang talaga siya.

Hindi na namin namalayan ang oras. Doon ko nalang napansin na maghahating gabi na noong kaonti nalang pala ang tao sa loob, at medyo naghahanda na ring magsara ang Restaurant.

"God nakakahiya," natatawa kong sabi habang lumalabas na kami ni Ken.

"We can't blame ourselves. This is our first time, Franca. Nawili rin ako sa'yo lalo na't ang sarap mo na ngang kausap, ang sarap mo pang titigan."

Jesus! The bluntness! He's vocal! Alright...

Iginiya niya ako sa parking lot, pinagbuksan ng front seat habang kapwa kami natatawa sa nangyari.

"Ah... Umeepekto na ata 'yung nainom ko," si Ken nang pumapasok sa driver's seat at pumipikit saglit.

"You should rest first. Mamaya ka nalang magdrive," sabi ko habang kinakabit na rin ang seatbelt.

"Your father will surely kill me once you're late. Ano na bang oras?" tinanaw niya sa pulso ang suot na mamahaling relo at namilog ang mga mata.

"Fuck! It's almost twelve? Do you have a curfew or somethin'?" deritsong pinaandar ni Ken ang kotse, hinila ang gear, at mabilis na pinaikot ang manibela.

"Calm down, Ken... Hindi ako mapapagalitan lalo na't nagpaalam ako kay Mommy."

"Ikaw Franca. Pero ako? Your father will surely kill me!" aniya at mukhang seryoso sa bagay na 'yon.

Tumingin ako sa harapan. Buhay na buhay pa rin ang ilaw sa dulo ngunit may parte ng kalsada na madilim na. Nilingon ko si Ken at kitang pumipikit pikit, lilingon sa akin at ngingiti.

"Eyes on the road please..."

"Oh sorry. Can't help it. You're just too..." sabay lingon ulit sa akin.

Nangingiti kong ibinalik ang tingin nang matanaw ang itim na pusang nagmamadaling tumawid.

"Oh my God! There's a black cat!" taranta kong sigaw.

Napamura si Ken at mabilis na iniwasan ang pusa ngunit tuloy tuloy ang pagmamaneho hanggang sa nabangga kami sa isang poste.

Ang malakas na pagkakatama roon ay gumawa ng ingay, halos matilapon ang aking katawan paharap ngunit mabilis na nahila ng seatbelt.

"Fuck!" Ken cursed loudly.

Nakita ko kung paano umusok ang harap na nayupi sa pagkakabangga. Tanaw ko ang nakapansing mga sasakyan na huminto, ang mga taong naglalabasan at nagugulat. I couldn't feel myself. Para akong lumulutang nang nilingon si Ken. My eyes widened when I saw some blood on his head.

"Ken you're bleeding!" turo ko sa gilid ng kanyang ulo.

Sa halip na unahin ang sarili ay mabilis niya akong sinuri.

"Tell me you're not hurt. Fuck!" natataranta niyang inalis ang seatbelt at hindi maalis ang mga mata sa akin.

May mga taong lumapit sa aming kotse, ang iilan ay kumakatok sa bintana, at may mga tumawag sa cellphone na para bang nanghihingi na ng tulong.

"Damn it! May sugat ka!" namimilog ang kanyang mga mata nang hawakan ang aking braso.

Kunot-noo ko iyong tiningnan at nakitang may gasgas ako at dumudugo pa. Hindi ko alam kung saan nakuha lalo na't hindi ko naramdaman, marahil na rin siguro sa gulat kanina sa pagkabangga ay hindi ko na namalayan.

Naunang lumabas si Ken sa driver's seat at agarang umikot. May mga kumausap pa sa kanya na tinanguan niya lang at itinuro ang front seat, alalang alala sa akin.

Binuksan niya ang pinto at mabilis akong inalalayan ni Ken. I almost lost my balance because of my wobbling knees. Sinalo niya agad ako at seryosong dinungaw ang aking kabuuan.

"Damn it, Franca. I'm sorry... I didn't... fuck..." paulit ulit niya iyong binubulong at nagawa pa akong yakapin.

Umiling ako lalo na't hindi niya iyon sinadya, aksidente ang nangyari at kapwa hindi namin inaasahan. Ramdam ko ang nginig ni Ken, takot hindi para sa nangyari, kundi dahil nasaktan ako.

Dumating ang ambulansya. Nasa loob na kami at nilalapatan na ng first aid ngunit kabado pa rin akong tinatanaw ni Ken, ayaw alisin ang mga mata sa akin.

"We'll do an x-ray to your girlfriend, Sir. Huwag na po kayong mag-alala," ang nurse na mukhang napapansin na rin ang nerbyos ni Ken.

"Buhay ko ang nakasalalay dito, Nurse... Makaligtas man ako, mapapatay naman ako ng ama niya," halakhak niya ngunit ramdam ko ang nerbyos.

Sa sarili kami nilang ospital dumeritso. Naging priority agad lalo na't Delafuente ang kasama. May mga ginawang test, check-ups, at noong napatunayang wala naman kaming natamong seryoso ay ginagamot nalang ang aming sugat.

"Malalim po ba ang sugat?" tanong ko sa nurse na umaasikaso kay Ken sa kabilang kama.

Kakatapos lamang gamutin ang aking sugat. Nakaupo na ako sa gilid ng kama habang kaharap din ang kamang inuupuan ni Ken. Sa ulo lamang ang sugat niya, siguro ay nabagok dahil sa biglaang pagbreak at marahas na pagkakatama ng sasakyan niya sa poste.

"Mababaw lang naman, hija... Huwag kanang mag-alala sa boyfriend mo," aniya.

"Sarap namang pakinggan niyan, nurse..." nakangising si Ken.

Bumuntonghininga ako at pinanood ang ginagawang paglalagay ng bandage sa kanya.

"Na-contact niyo na ba ang parents niyo?" tanong ng nurse.

"May natawagan ako kanina. Sa sobrang taranta ko si Wayt na pala. Papunta na siguro 'yon. Kasama niya ata si Hiro..." si Ken na tinitingnan ang paggagamot sa kanya.

What... Oh fuck. Hindi ko pa narerehistro ng buo sa aking utak ay marahas nang bumukas ang pinto.

Napaangat kami ng ulo ni Ken sa pumasok. Natanaw ko agad si Wayt, magkasalubong ang kilay at nag-aambang pumasok ngunit nahawi agad dahil sa pagsingit ni Hiro papasok dala ang madilim na ekspresyon.

Mabilis na nagtama ang aming mga mata. Natigilan si Hiro sa paghakbang at nalaglag ang tingin sa braso kong may patch band-aid. His shoulder loosened. His both hands turned into a fist. His lips parted. Naging makulimlim agad ang kanyang mukha habang nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit na dumaplis.

"We're fine. Wala namang natamong malalim na sugat," paliwanag ni Ken nang makita ang mga pinsan.

Gumalaw ang panga ni Hiro at nilingon ang pinsan sa matalim na paraan. Nasundan ko kung gaano kabilis ang kanyang kilos patungo sa kama ni Ken at mabilis itong kinwelyuhan.

"Tangina ah? Nandamay ka ng babae sa kagaguhan mo?" Hiro's voice thundered.

"Ano ba, Hiro? Gets ko na nag-aalala ka dude! Pero mamamatay ata ako sa pagkakahawak mo!" reklamo ni Ken lalo na't umaangat pa siya ng kaonti.

Kitang kita ko ang pagkakasalubong lalo ng mga kilay ni Wayt na pumapasok at tahimik na sumulyap sa akin, sabay balik kay Hiro, at sa akin ulit.

"Sir... masasaktan po lalo ang pasyente," awat ng nurse kay Hiro.

I saw Hiro's moving shoulders. Mabibigat ang hininga at gumagalaw ang panga ganoon na rin ang ugat sa kanyang kamao na mariing nakahawak sa kwelyo ni Ken habang nasisilip pa rin sa mukha ang kulimlim na dala ng kanyang galit.

"Gago, dude! Bitaw!" sigaw ni Ken.

Wayt walked towards me. Imbes awatin ang pinsang magwawala na ata ay hinayaan niya lamang. Nilingon niya si Hiro na abala pa kay Ken at hindi niya pa rin tinatantanan saka ibinalik ni Wayt sa akin ang tingin. He looked curious, like he found something interesting.

"Patingin nga..." si Wayt na yumuko at sumilip sa aking sugat.

Ang ambang paghawak ni Wayt sa akin ay hindi natuloy lalo na't hinila agad ni Hiro ang kanyang braso palayo sa akin.

"Don't even go there," si Hiro na ngumisi ngunit naghahalo na ang galit at panganib sa tinig.

Ken groaned on his bed. Hindi na halos napagtutuunan ang mga pinsan ng pansin pakiramdam ko ay nasaktan sa marahas na pagkakabitaw ni Hiro sa kanya.

Nag-angat lamang ng kilay si Wayt at nilingon ako. Binitiwan siya ni Hiro at ibinulsa ang nakakuyom pa rin na kamao.

"Ano bang nakain mo at umalis ka sa party?" si Wayt nang lapitan na ang pinsan, umaalis sa harapan ni Hiro.

"Nagdinner kami ni Franca. May ipinangako akong hang-out—"

"Gago ka talaga," si Hiro na sinipa ang kama habang nakapamulsa pa rin sanhi para kumalabog ang kama ni Ken.

"Sir," awat ng nurse at kinakabahan sa galit ni Hiro.

"I know you're worried, dude. I'm fine!" natawa lang ito sa pinsan, tila ba nag-aalala lamang sa kanya ng sobra kaya hindi niya mapagdudahan ang galit.

"Isang lapit pa..." banta ni Hiro ngunit dumadaing na si Ken kaya mukhang hindi narinig ang sinabi ng pinsan.

Humalukipkip si Wayt sa may pader, itinagilid ang ulo at muli akong sinilip na tahimik lamang.

"Are you okay, Franca?"

"Uh... oo," I smiled.

Lumingon si Hiro sa akin. Halos daplis lamang ang nagawa ko at nag-iwas ng tingin habang ramdam ko kung paano lumipad ang kanyang mga mata sa aking buhok.

Malalim ang binugang hininga ni Hiro, parang nagtitimpi na naman sa galit na gustong kumawala.

I couldn't digest anything. Para bang ngayon pa nagsisink-in sa akin ang nangyari kaya late reaction ako at natutulala nalang.

"Did you call your Dad?" malamig na tanong ni Hiro nang bumaling sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. Namilog agad ang mga mata ni Ken nang marinig iyon. Kumurap naman ako at nakalimutan ang parteng iyon.

Dinukot ni Hiro ang cellphone at ibinigay sa akin. Tumingala ako at kitang kita ang kontrolado niyang galit, pinipilit na magmukhang seryoso ngunit sa tuwing napapasulyap sa bandage sa aking braso ay gumagalaw ang panga at nagiging triple ang pagiging irita.

Inabot ko iyon. In-on ko ang screen. Natanga pa ako lalo na't hindi ko alam ang password kaya nag-amba akong ibalik sa kanya.

"082229," ani Hiro.

Kumurap ako at tinipa iyon. Bumalandra agad ang homescreen. Medyo nagulat pa nang makitang... ako... ako ang homescreen niya. Iyong picture kong nakikita ang kalahati ng aking mukha at nakatingin sa camera.

Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo. Yumuko si Hiro at pinindot ang call button.

"Type your father's number," aniya.

Huminga ako at wala sa sariling tinipa ang numero ni Dad. Inilagay ko iyon sa aking tainga habang kitang kita ko ang panonood sa amin ni Wayt, tahimik lamang habang kinakausap ni Ken at nagkukwento sa nangyari.

"May itim na pusang dumaan. And I was a bit drunk—"

"Nakainom ka tapos magmamaneho? At may kasamang babae? Eh kung tuluyan nalang kita?" nakangising putol ni Hiro nang nilingon ang pinsan.

"Dad..." I called and shut my eyes.

"Franca?"

"Uh... something happened and... uhm... nasa ospital ako—"

"What hospital?" rinig ko agad ang kalampag sa kabilang linya.

"Uh, Delafuente's..." huminga ako lalo na't alam kong mapupunto niya na iyon.

Wala na ata ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung paano magsasalita lalo na't nadidistract ako sa galit ni Hiro, sa dumudugong ulo na naiisip ko kay Ken, at sa sugat na natamo. Dumagdag pa sa aking alalahanin ang magiging reaksyon ni Dad sa bagay na ito.

Kaya noong bumukas ang pinto, nauunang pumasok si Daddy kasama ang tatlong tauhan at deritso ang lakad, kabado na ako. Hindi para sa sarili, kundi para sa mapagbubuntunan niya ng galit sa aksidenteng ito.

Kitang kita ko ang pagtayo ng tuwid ni Wayt sa pagkakahalukipkip at medyo naalarma, ang pamumutla ni Ken, at ang paglingon ni Hiro sa aking ama na mabilis siyang kinwelyuhan at inambahan ng suntok lalo na't siya agad ang unang nakita.

"Dad! Hindi siya ang kasama ko!" sigaw ko, natataranta.

Hiro's eyes squinted. Nasa mga bulsa niya pa ang kamay at dahan dahang lamang dumilat nang huminto sa harapan niya ang kamao ng aking ama.

"Who's with you?" tanong ni Dad sa madilim na ekspresyon at marahas na binitiwan si Hiro.

Yumuko si Wayt. Malamig na nilingon ni Hiro si Ken na sunod sunod ata ang paglunok. Hindi ako halos makapagsalita at maisambit ang pangalan ni Ken kahit halata naman na siya iyon lalo na't may natamo ring sugat.

I saw my father's murderous stares when his eyes went to Ken. Namumutla siya, hindi na halos makapagsalita at parang gulat na gulat sa nasaksihan.

"It was an accident, Dad," sabi ko.

I saw how Hiro arched his brow and looked at me. Para bang may mali sa aking sinabi, o may kulang, kaya ganoon ang naging reaksyon niya.

"I-I'm sorry, Tito..." si Ken na hindi makatingin ng deritso sa aking ama.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.1M 61.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
2.5M 76.8K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
3.9M 115K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...
736K 25.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...