R U L E D (NGS #10)

By Ineryss

2.5M 84.5K 72.7K

Mara Torrefranca Buenaventura is one of the "deadliest" girl in her clan. She wears innocence as a mask that... More

R U L E D
P R O L O G U E
1st Ruled
2nd Ruled
3rd Ruled
4th Ruled
5th Ruled
6th Ruled
7th Ruled
8th Ruled
9th Ruled
10th Ruled
11th Ruled
12th Ruled
13th Ruled
14th Ruled
15th Ruled
16th Ruled
17th Ruled
18th Ruled
19th Ruled
20th Ruled
22nd Ruled
23rd Ruled
24th Ruled
25th Ruled
26th Ruled
27th Ruled
28th Ruled
29th Ruled
30th Ruled
31st Ruled
32nd Ruled
33rd Ruled
34th Ruled
35th Ruled
36th Ruled
37th Ruled
38th Ruled
39th Ruled
40th Ruled
41st Ruled
42nd Ruled
43rd Ruled
44th Ruled
45th Ruled
46th Ruled
47th Ruled
48Th Ruled
49th Ruled
50th Ruled
Epilogue

21st Ruled

38.7K 1.4K 948
By Ineryss

Ruled

Fond

Hindi ba siya nagpaalam? And ilang taon na ba siya? She doesn't looked like a minor to me. Baka mas matanda pa pala ako sa kanya? May lahing Western din naman kasi kaya hindi ko alam kung sobrang bata pa ba eh ang mature tingnan.

Nanatili na lamang ako sa loob at gusto nalang maghintay hanggang may sumundo sa kanya. Baka may mangyari sa kanya pag umalis ako. At ako ang kasama niya kanina na nagsasaya. Hindi ko pa nabilang kung nakailang shot siya.

Pamilyar sa akin ang mga ganitong eksena. Naalala ko ang kuwento ni Mommy kaya mahigpit sila sa akin pagdating sa parties. Hindi talaga maiiwasan na may mangyaring hindi maganda lalo na kung sobrang lasing na at mag-isa pa. Suwerte nalang kung may mga taong ang intensyon ay tumulong.

Biglang bumukas ng marahas ang pinto na ikinatigil ng aking pag-iisip. Nagulat ako at napalingon. Bumungad ang magkasalubong na kilay ni Hiro at ginala pa ang tingin sa loob. Nang makita niyang ako lang, si Keyla na nakahiga ay unti-unting kumalma ang kanyang ekspresyon.

Huminga siya at napayuko. Noong umahon ang ulo ay seryoso na ulit. Kapansin pansin ang basa niyang shirt, coz maybe he washed his stomach, at ang basa niya ring buhok na nakaatras.

"Are you okay? Nahihilo ka?" he asked calmly.

Kumurap ako at itinuro ang knock-out na si Keyla. Natapon 'yung inumin ko kanina habang sumasayaw kami at mukhang noong naipakilala ako sa kanya ay nakailang shot na siya kaya mabilis na nalasing.

Humalukipkip si Hiro sa may pinto at tamad na isinandal ang ulo sa gilid.

"Your friend passed out," aniya.

Pumasok ang hangin dahil sa bukas na pinto. Keyla purred like a kitten.

"Close the door, Hiro," utos ko nang irita siyang tingnan.

Ibinalik ko ang tingin kay Keyla. Hindi ito nagising ngunit iniba lamang ang posisyon. Nahulog pa ang unan na sinalo ko at muling ibinalik sa kanyang tabi.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. Mukhang lumabas din si Hiro.

"Where's your hair clip? Hinubad mo na naman?" nagulat ako sa tinig ni Hiro.

Nilingon ko siya at nakitang nakahalukipkip pa rin sa gilid ng pintong nakasara. Magagalit na sana ako kung bakit pati siya ay nandito sa loob kaso nang maalala ang sinabi ay mabilis kong kinapa ang aking buhok.

Wala nga roon ang clip ko! Napatayo ako sa pagkagulat.

"Nasaan?!" I panicked. "I love that clip! It's elegant!"

His lips parted. He looked so stunned. Napatuwid siya ng tayo at parang handa nang solusyunan ang aking problema.

"You probably dropped it... Hahanapin ko," aniya at deritso nang binuksan ang pinto para lumabas, nagmamadali.

Halatang hindi marunong magkabit! Ang luwag siguro! Naglaho rin siya sa aking paningin. He even locked the door. Kaya noong bumalik ilang minuto at kumatok na ay tumayo pa ako para pagbuksan siya.

Inilahad niya iyon sa akin. Kinuha ko ito sa kanyang kamay at deritso ko nang isinilid sa suot na sling bag dahil baka mawala pa.

"You're not planning to wear it again?"

Umiling ako habang abala sa ginagawa.

"Mawala pa 'to ulit..." medyo simangot ko.

"I'm sorry. My fault. I don't know how to put it correctly..." may pag-iingat sa tinig niya.

"It's fine. Nahanap mo naman," wala sa sariling sabi ko.

Hiro chuckled and nodded with amusement.  "Kung nawala man, reregaluhan nalang kita ulit. Simple..."

Natigilan ako at napaangat ng tingin sa kanya. Nasa labi niya pa ang ngiti habang hinahangin ang kanyang buhok. May sasabihin pa sana nang sumenyas na siyang isara ang pinto.

"Malamig. At maninigarilyo ako rito. Diyan kana muna sa loob," agap niya.

Natutop ang aking labi. Ang balak kong sabihin ay hindi tuloy natuloy. But it wasn't nice and it's confrontational. Mapagsisimulan 'yon ng away...

"Mukha mo talaga pag mang-aaway..." rinig kong sabi niya bago ko isinara ang pinto.

Tumabi lamang ako kay Keyla at humiga higa. Pumikit pikit ako kaso may humuhukay na ata sa aking tiyan idagdag pang nakalutang lamang sa dagat. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang bawat alon. Medyo nakakahilo kaya bumangon ako lalo na't nasusuka.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at sumilip. Lumakas agad ang kantang galing sa harapan habang natatanaw ko si Hiro na nakayuko sa barandilya at bumubuga ng usok. Malayo ang kanyang tingin at tila malalim ang iniisip.

Ilang sigundo pa lang ay napalingon na siya sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig kaya mabilis siyang tumuwid ng tayo at lumapit.

"Nasusuka ka?" tanong niya nang daluhan ako.

Tumango ako at pumikit pikit. Nakakahilo dahil humiga ako!

Inipit ni Hiro sa labi ang sigarilyo at kinapa ang kanyang bulsa. May dinukot siya saka ako binigyan ng mint candy.

Akmang kukunin nang binawi niya iyon at binuksan ng mabilis. Muli niyang inilahad iyon sa akin.

"Stand here so you can get some fresh air," ani Hiro at tinutukoy ang pwesto niya kanina.

Lumabas ako ng dahan dahan. Inabot niya ang handle at hinila iyon para maisara ang pinto. Sumabog agad ang aking side bangs dahil sa hangin.

Nginuya ko ang candy habang lumalapit sa barandilya. Mabilis ang tingin ni Hiro sa aking kilos, pinong pino ang pagkakasunod at walang pinapalampas.

I crossed my arms and rested it on the aluminum railings of the yacht. Palingon lingon si Hiro sa kinatatayuan ko, sa posisyon ko, at halos hindi naipapanatili ang tingin sa dagat na tahimik kong pinagmamasdan na paea bang mawawalan ako ng balanse ano mang oras o malalaglag nalang bigla sa dagat.

I curiously glanced at him coz he's distracting me. Nakatuwid siya ng tayo sa aking gilid at nakahawak sa barandilya bilang suporta habang malapit ng kaonti sa akin.

He's really tall. Parang balikat lang ako. Idagdag pa sa build ng katawan kumpara sa aking kanipisan, talagang kapansin pansin siya.

Tiningnan ko ang dulo at napagtantong pabalik na kami. The party is almost over. Pasado alas onse na rin ata.

Medyo nawawala ang pakiramdam kong nasusuka. Sumilip ako sa kasiyahan na nangyayari sa harap at nakitang nagsasayawan pa ang mga girls, tila sinusulit ang bawat minutong natitira. Iniwas ni Hiro ang katawan ng kaonti para makita ko sila ng maigi.

Noong makontento ay tumigil ako sa kakasilip at dinala ang tingin sa harapan. Kalmado ang dagat at halos naging salamin ang madilim na langit habang may kaonting liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan.

Bumalik naman ulit si Hiro sa pagkakahilig sa barandilya.

"You still want to have fun? I'll guard the room so you can join the girls. Panonoorin kita rito."

Naibalik ko tuloy ang tingin ko kay Hiro.

"Wala si Keyla. No one will guide me how to dance," sabi ko.

Ngumuso siya at tila ba may naalala. Pinanood niya akong sumayaw kanina.

"You're a bit good at it. Swabe lang at..."

"At?" Napaangat ako ng kilay.

He licked his lips and smiled. Nagdududa na tuloy ako.

"At ano?" kuryoso kong tanong.

"Aawayin mo na naman ako kung hindi mo nagustuhan ang sasabihin ko," he said carefully.

Tingnan mo na! Ano kaya 'yon?

"Hindi naman. Ano ba 'yon?" marahan kong tanong.

"Stop being curious," he smiled.

"Ano nga!" halos ma-frustrate ako.

Pumikit si Hiro at nangingiting hinilot ang sentido. Sinilip ko ang kanyang ekspresyon.

"Bastos ka ha..." bintang ko.

Dumilat siya at umismid agad. "Anong bastos?"

"Hindi mo sinasabi kasi bastos," sabi ko.

He sighed and shook his head. "Hindi bastos..."

"Ano nga kasi," pamimilit ko.

"Sexy," bulong ni Hiro sabay iwas ng tingin.

Natahimik ako. Binalikan ko pa sa isip ang panghahagod ng tingin niya sa oras na iyon. Swabe at sexy?

Natahimik kami saglit. Aawayin ko pa ba siya sa parteng iyon? It's a compliment.

Dinama ko nalang ang hangin. Pumikit ako at hinayaan itong halikan ang aking mukha. Noong dahan dahang dumilat ay sinisilip na ni Hiro ang aking mukha habang nakayuko rin sa barandilya.

"Bakit ba ang hilig mong tumingin sa akin? Hindi ka naman ganyan sa ibang girls. Tapos itatanggi mo na wala kang crush sa akin."

"What's the problem if I stare too much? Marami rin namang tumititig sa'yo. Hindi lang ako."

"Hindi ako ang tinititigan mo noon kaya nagdududa ako."

Iniyuko niya ang ulo at sinuklay ang buhok. Nasilip ko ang munting ngiti sa kanyang labi ganoon din ang perpekto at mapuputi niyang ngipin habang pumipikit.

"Tumitingin ka pabalik kaya nakakaduda ka rin," at talagang nailusot na naman ni Hiro.

Siya na.

Nakita ko si Christian na pinagdidiskitahan ng mga girls.

"Ang saya noong body shot," I said out of nowhere nang bigla kong maalala.

"You looked so curious. Gustong gusto talaga," aniya.

"Nagpass ka nga noong una pero gusto mo rin naman pala," sabi ko.

"Nakakapagtaka nga. Gustong gusto mo rin pero hindi mo itinuloy. I'm curious why..." makahulugan agad ang kanyang tingin.

Sinasabi ko na nga ba't ipang-aasar niya 'yon sa akin! Tama lang ang desisyon ko na hindi tumuloy dahil baka triple pa ang pang-aasar na mararanasan ko sa kanya.

Pumikit ako lalo na't alam ko na kung saan patungo ang usapang ito. Hindi na nga nahihilo pero sa daloy ng usapan, parang doon ata iikot ang isip ko.

Humarap ako at sumandal patalikod sa dagat. Humarap din si Hiro at namulsang sumandal sa railings. He looked at me silently.

Tiningala ko siya at tahimik ding tiningnan. His eyes were full of emotions but I couldn't name any of it. The mysterious villain is slowly revealing himself after lurking in the dark for so long.

"Coz everyone's watching. And I realized you're gonna tease me again," rason ko.

"O baka naman... nagkakagusto kana sa akin?"

"What?" halos matawa ako sa kanyang bintang sa halip na maasar. It's funny coz I didn't think about it in a romantic way.

Gusto kong magdabog sa mga bintang niya kaso nahihilo pa ako ng kaonti at ayokong galit na naman pag-uwi.

Gumalaw si Hiro. I saw his slow movements. My eyes were wide opened while watching his effortless trance. Nasa harapan ko na siya.

Tumikhim ako habang yumuyuko siya at itinutukod ang bawat kamay sa aking gilid. He's watching my reaction like he's gonna find an answer to his question.

Nanatili akong nakahalukipkip. Tiningnan ko ang kanyang labi at bumalik ulit sa kanyang mga mata.

"Should I kiss you first this time?" nanghahamon ang kanyang tinig.

My eyes widened. He's using my tricks in order to answer the curiousity that's circulating inside his head! Iniisip niya talagang may gusto ako sa kanya, o inaasar na naman ako, o sadyang gusto niya lang talagang maghalikan kaming dalawa?

"Wala akong gusto sa'yo, Hiro," mataman kong sabi ngunit nangingiting napatingin sa kanya.

"Wala?" he smirked playfully and crouched a bit.

"Wala nga..." pissed with his accusation I tried to push him.

Hindi natinag si Hiro.

"Then let me kiss you so I can confirm if you won't kiss me back."

Namilog muli ang kanilang mga mata. Nakadungaw si Hiro sa akin, yumuyuko at nakangising tumitingin sa aking labi.

"So what if I kissed back? You will kiss me first. Meaning... it's a confirmation that you liked me," sabi ko.

Humalakhak si Hiro, marahil ay pamilyar sa kanya ang aking mga sagot. I arched my brow confidently and watched him with a smile, too.

"Galing ah?" he chuckled and licked his lowerlip sedcutively. "Nakakaisa ka talaga..."

"Siyempre nakakaisa ka rin," sabi ko at binawi ang kamay na ipinantulak ko sa kanya para muling humalukipkip.

Ngumuso si Hiro. I chuckled when I realized our fights were funny. Remembering how I tried to kiss him? Ano 'yon? Hindi ko alam kung dahil ba lasing ako kaya ko naiisip ang kahibangan o natatawa lamang ako sa pinaggagawa ko noon.

Tiningnan ko ang kanyang mga matang matamang nakatingin sa akin. Bumaba sa labi niyang nakaawang. At ibinalik agad sa kanyang mga mata.

Kaya siguro ang daming nababaliw rito. Gets ko naman ang parteng iyon. Hindi lang guwapo kundi hot din. Lahat ng babae ay mahuhulog sa ganoon.

Ngunit ngayong tinitingnan siya sa positibong paraan, kinakalimutan muna ang mga pangit na alaalang baon baon ko sa aking isipan, napagtanto kong nakakamangha pala talaga ang mukha niya.

"Silence means yes," si Hiro na nawiwili na ata akong asarin.

Wala rin akong takas lalo na't nasa bawat gilid ko pa rin ang kanyang kamay.

"I won't kiss you back, Hiro," I explained calmly.

He angled his face, tilting it. Lumunok ako dahil binabalak niya na talaga.

"Subukan nga nang malaman..." palapit na halos lalo na't naunang humalik ang mainit niyang hininga sa aking labi.

Talagang inuulit niya ang ginawa ko sa kanya noon. This villain is so good!

"Gusto mo lang talaga akong halikan," I said.

Humalakhak siya at umahon muli ang ulo. Nailing ako lalo na't basang basa ko ang kilos niya. Sa huli, Inilayo niya rin ng kaonti ang mukha, marahil ay suko na sa pang-aasar at binabalak. He smiled while watching me. I smiled back to mirror it.

Nagsibabaan na rin isa isa ang lahat sa yate. May iba na nawawalan pa ng balanse na mabilis inaalalayan at may iilang nagsusuka pa. Some were wasted and some were sober. Nahihilo pa ako ngunit kaonti nalang.

Umakyat agad ang isang lalake na deri-deritso ang lapit kay Christian kasama ang dalawang bodyguards.

Kuryoso akong sumilip dahil mukhang galit na galit ito. Nailing ang lalake at malalaki na ang hakbang patungo sa kinaroroonan namin ni Hiro.

"Where's Keyla?" tanong ng lalake nang tingnan kami ni Hiro.

"Nasa loob po," ako ang nagsalita.

Nailing ito at nahilot ang sentido habang binubuksan niya na ang pinto. Sumunod ang dalawa pang bodyguard at inalalayan na si Keyla palabas na halos wala pang malay.

"Where's her things?" tanong noong lalake na nanatili sa loob. I think he's Cholo.

Pumasok ako at tumulong sa paghahanap. Nauna kong makita ang paperbag lalo na't ako ang kasama kanina ni Keyla noong ibinalik niya ang mga gamit.

Iniabot ko ito sa kanya habang nakikita kong napapasulyap pa siya kay Hiro na nakahalukipkip sa pinto at nanonood.

"Hijo... May picture ba kayo? Gusto ko sanang humingi ng pabor na huwag i-upload lalo na't patong patong na ang issue niya at kakasimula pa lang sa pag-"

"We didn't interact and I don't know her, Sir," si Hiro sa pormal na tinig.

Kumurap ang lalake at natutop ang bibig. Kumunot ang kanyang noo at para bang lito sa nangyari ngunit ngumiti rin naman at tumango. Nilingon niya ako.

"Thank you..."

I smiled and nodded. "Pakisabi po kay Keyla na natutuwa po akong makilala siya."

"Oh? She won't remember you once she's sober, hija. Makakalimutin ang batang 'yan pag nalalasing..."

Oh...

Tumango na lamang ako at ngumiti. Muli siyang sumulyap kay Hiro at ngumiti habang nagpapaalam na sa amin.

Hindi ako maaalala kinabukasan? Natigilan pa ako ng ilang sigundo hanggang makita ko ang tingin ni Hiro sa akin. Nakalabas na iyong lalake na nilingon ulit ni Hiro pero mabilis na ibinalik ang tingin sa akin.

"Do you want her number? Hihingiin ko sa kanyang manager so you two can communicate," ani Hiro.

Kumurap ako at unti-unting ngumiti para asarin siya.

"Tipo mo siguro 'no? Ako pa ang gagamitin mong alibi..."

Hiro rolled his eyes like I said something offending. Natatawa akong lumabas. Namulsa siya at tumuwid ng tayo.

"Ayos lang. Baka magkita kami sa iba pang parties," sabi ko.

Tumango siya at lumipat pa sa gilid para doon pumwesto. Siya ang nasa may bandang barandilya habang lumalabas na rin kami sa maliit na pathway.

Kaonti nalang ang nasa yate at nakababa na halos lahat. May grupo pang babae na palingon lingon sa amin ngunit pababa na rin habang kausap pa si Christian. Noong napansin kami ni Hiro ay may sinabi siya sa mga babae saka rin lumapit sa amin.

Nagkamot ng batok si Christian nang sinalubong kami. May pulang pantal pa ang kanyang leeg ganoon din ang dibdib.

"Badtrip pinagalitan ako noong manager niya. I can't post some pictures! Tumakas na naman pala."

"Huwag kanang magpost. Mukhang maraming issue ang babaeng 'yon," si Hiro.

"I really can't post, bro! Sikat ang Mommy noon pati ang kapatid. Dadayuhin ako ng mga fans niya. Baka i-bash pa ako," si Christian na naiiling habang pumupwesto sa aking gilid.

"Nag-enjoy ka, Franca?" nangingiti niyang tanong nang lumingon sa akin.

"Oo..." ngiti ko.

"You're not drunk? Nakita ko sumasayaw kana kasama si Keyla. Wild talaga 'yon."

"Ilang taon na ba siya?" kuryoso kong tanong.

"Hmm... I guess I'm three years older than her. Bata pa 'yon. Baka sixteen? Hindi ako sigurado."

"Wala kang number, Chris?" tanong ni Hiro na umikot at sumingit sa aming gitna.

Wala sa sariling napalayo si Christian sa akin lalo na't distracted din sa tanong ni Hiro.

"Wala eh... Mailap 'yon kasi alam mo na... strict 'yung manager. Bakit? Tipo mo 'yon? Ganoon pala ang tipo mo bro?" halakhak ni Christian.

"Hindi," si Hiro na pasimpleng tumingin sa akin.

"Nakakacurious na talaga kung sino 'yang tipo mong babae! Simula ata noong maging kaibigan kita ni isang babae wala kang pinopormahan! Dinaig mo pa ang mga pinsan mo. Hakot awards pagdating sa pangchichix!"

Nagkibit na lamang si Hiro at naunang bumaba sa hagdan. Tumigil siya sa ikalawang baitang at inihad ang kamay.

"Give me your hand," si Hiro.

Wala sa sariling inilahad ni Christian ang kamay kay Hiro. Iritang tinabig ni Hiro ang kanyang kamay.

"Gago. Hindi ikaw," si Hiro.

Humalakhak si Christian.

"Bro... Nakakaiyak. Mabait ka sa babae," kantiyaw niya.

Tiningnan ako ni Hiro, naghihintay. Kinuha ko ang kamay ni Hiro. Hinawakan niya iyon sa maingat na paraan at iginiya na ako pababa.

"Iba talaga pag family friend ang mga Buenaventura... Deritso bait," si Christian na nakapamulsang sumusunod.

Dumeritso kami kung saan nakapark ang kanilang mga kotse. Kinausap pa kami saglit ni Christian bago tuluyang lumapit sa iba pang grupo para kumustahin ang mga ito.

May iilan pang naroon at mukhang hindi pa nakakamove-on habang ang iba ay nagpapakalma pa ata.

Nagtipa ako ng mensahe kay North habang si Hiro ay tahimik na nakasandal sa pula niyang Mustang.

Ako:

North. Where are you?

Hinaplos ko ang mga braso. Malamig na ang ihip ng hangin. Bumukas ang pinto ng kotse ni Hiro at may inabot siya roon.

Nang nilingon ko ay inilalahad niya na sa akin ang isang hoodie. Naalala ko tuloy ang hoodie niya na hindi ko pa naibabalik.

"Wear it. It's cold," aniya.

Mag-iinarte pa sana ako kaso malamig talaga lalo na't galing sa dagat ang hangin. Kinuha ko ang jacket at isinuot. Namulsa siya at sumandal ulit sa kanyang pulang Mustang.

Tinanaw ko ang dulo. Hindi pa dumadating si North. Muli kong nilingon si Hiro na tahimik lang na sumusulyap sa akin. Binawi ko ang mga mata at muling hinaplos ang buhok nang mapagtantong wala roon ang aking clip.

"My clip!" I shouted.

"Nasa bag mo. Check it," ani Hiro.

Kumurap ako at naalalang nahanap niya pala iyon kanina. Huminga ako at pumikit. Am I drunk or somethin'?

Noong dumilat ay nahuli ko naman ang pagyuko niya habang ngumingiti. Nakakailan na ba siya ngayong araw?

Tahimik kong niyakap ang sarili. Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang kotse ni North. Pumikit ako nang umilaw ang headlights at dahan dahan na itong nagpapark sa aming harapan.

Kita ko ang paghinahon ng mukha ni North nang matanaw din si Hiro na kasama kong naghihintay. Lumabas siya at lumapit sa akin.

"Sorry. I'm late..."

"Ayos lang," sabi ko.

Pinasadahan ako ng tingin ni North at tila ba sinisiguradong wala akong galos o ano. Nilingon niya si Hiro at nginitian.

"Thanks, Hiro."

"No problem."

Nilingon ko si Hiro habang hawak ko ang sling bag. Inakbayan ako ni North at iginiya na sa kotse. Hiro silently watch us. Nilingon siya ni North at sinenyasan. Noong nilingon kong muli si Hiro ay hinuli niya agad ang aking mga mata.

Pinagbuksan ako ng pinto ni North. Pumasok ako sa front seat. Nakita ko kung paano tinawag ng ibang grupo si North at mukhang yayayain pa ngunit ngumisi lamang si North at umiling habang binubuksan na ang pinto ng driver's seat. Pumasok na rin si Hiro sa kanyang kotse.

"You looked happy. May naging kaibigan ka ulit?"

I smiled when I remember Keyla. Kaso malabo eh. Sikat ata 'yon. No one has her number. Baka kung nagtext din ako ay limot niya na ang nangyari? Sa dami rin siguro ng kanyang nakakasalamuha lalo na tuwing lasing at nagpaparty.

"Nag-enjoy ako sa party," sabi ko.

North nodded and smiled. "That's good."

Wala sa sarili kong dinala ang tingin sa labas ng bintanang nakabukas ang salamin at nakita ang paglebel ng pulang Mustang ni Hiro sa amin. Nakabukas din ang salamin ng kanyang bintana at nakasandal ang isang kamay roon kung saan nakaipit sa daliri ang stick ng sigarilyo, ang isa naman ang nakahawak sa steering wheel.

Dinala niya iyon sa kanyang labi at hinithit sabay lingon sa akin. I watched him curiously. Ibinuga niya ang usok ng marahan nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Kuminang ang kanyang earring nang matamaan siya ng lights.

"Sa bahay, Hiro. Inuman," rinig kong anyaya ni North.

Hiro nodded. North is so fond of him, kaya rin tipo niya itong ireto sa akin. Madalang magkagusto ang aking pinsan sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na't kinikilatis niya pa ng maigi. Namimili ng kakaibiganin. And I guess he likes him so much. Maybe they vibe.

Sumandal ako sa upuan lalo na't malalim na ang gabi at nakakaantok na, idagdag pa na nakainom ako ng kaonti. Hindi na ganoong nahihilo o nasusuka man. Inaantok na lamang.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 113K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...
3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
847K 145 1
Anneska Enriquez or 'Anne' is willing to do anything just to have him all by herself. She wants her crush 'Tyrone Alexander Santiago' to make him str...
18K 1.1K 57
Silent Sanctuary Series #1 "Ano ba ang dahilan at nakuha mong lumisan? 'Di ko alam ang nais na mangyari ng iyong isipan." Joey Cassandra, an elegant...