Knock, Knock, Professor

By irshwndy

24.3M 912K 1M

The Wattys 2022 Winner PUBLISHED UNDER PSICOM Highest Rankings: #1 Mystery, #1 Genius, #1 Psychological, #1 D... More

ABOUT
CHARACTERS & SETTING
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
KKP AFTER-PARTY šŸŽ‰
Dr. Xalvien Vouganville
HUSH LOUDER
XV SERIES IS COMPLETE!
#TripleXposed
NOW on Spotify!
Wattys 2022 Winner!
NOW A PUBLISHED BOOK!
Available at National Book Store!
#MIBF2023
Special Edition at MIBF 2023!
Special Edition ON SHOPEE!

CHAPTER 13

511K 22.4K 28.1K
By irshwndy


"KANINA ka pa nakatitig diyan. Ano ba 'yang binabasa mo?" tanong sa'kin ni XV nang mapansin ang hawak kong flyer.

Nakanguso akong sumagot sa kaniya. "May street festival daw na gaganapin mamayang gabi sa gitnang bayan. Magtatayo sila ng perya na may iba't ibang mga palaro at food stalls. Gusto ko sanang pumunta..."

"Puwede ka namang pumunta kung gusto mo, wala naman tayong nakapilang trabaho ngayong gabi," mungkahi ng propesor.

Bumaba ang malungkot kong mga mata sa sahig. 'Gusto ko sanang pumunta kasama ka,' ang tunay na gusto kong sabihin. Kaso alam ko namang hindi maaari, dahil hindi puwedeng lumabas ang propesor sa mansyon. At isa pa, magkatrabaho lang naman kami. Hindi naman kami magkaibigan o ano para yayain ko siyang lumabas.

Palihim akong bumuntong-hininga at nagpaalam munang lumabas upang mamalengke. Ang totoo niyan, gusto ko lamang maglibot-libot muna para malibang, baka sakaling humupa ang namumuong lungkot sa dibdib ko.

Habang nag-iikot ay nakakita ako ng tindahan ng mga salamin sa mata. May isang pares ng shades na umagaw sa'king atensyon. Dinampot ko ito at pinagmasdan.

"Makapal ang mga 'yan. Hindi ka masisilaw sa araw kapag suot ang salamin na 'yan," bida ng lalaking nagtitinda nito. "Tama lamang ang dilim nito para makakita ka pa rin kahit sa gabi mo suotin. Maganda 'yan kung ayaw mong maaninag ang mga ilaw."

Napalunok ako sa galing ng pagbebenta niya, tila ba saktong-sakto ito sa kailangan ng propesor.

"M-Magkano po ito?" Umiling ako at naglabas ng pitaka. "Bibilhin ko na po! Pahingi po ako ng pares na bagay sa lalaki."

"Regalo mo ba ito para sa nobyo mo?" hirit ng tindero habang ikinakahon ang pares ng itim na salamin.

"Ay, hindi ko po siya nobyo..." Biglang may kapilyahan na sumingit sa isipan ko. "Para sa asawa ko 'yan."

***

PUMATAK na ang gabi at alam kong bukas na ang perya sa gitnang bayan. Nakatapat ako ngayon sa pintuan ng propesor at mahigpit na nakakapit sa kahon ng shades na binili ko kanina. Kakatok ba ako?

I clenched my little fist and nervously reached for the knob. My knuckles were only inches away when the door suddenly opened, making my heart jump.

"P-Professor! Ikaw pala!" Sinubukan kong itago ang aking gulat at kaba sa pamamagitan ng pagtawa.

"Ako pala?" Tumaas ang isa niyang kilay. "Kuwarto ko 'to, Fift. Malamang ako 'to."

Minsan talaga gusto ko 'tong bugbugin kahit boss ko 'to, eh.

"A-Ano, tungkol doon sa perya..." I twiddled my fingers as I tried to come up with an excuse to ask him out. "Ah! Naalala mo ba ang binigay mo sa'king salamin para makakita sa dilim?"

Inabot ko sa kaniya ang kahon na naglalaman ng binili ko para sa kaniya. "Ito, binilhan kita ng sunglasses bilang kapalit. Binigyan mo 'ko ng salamin para makakita ako sa dilim... k-kaya ito, salamin para makakita ka sa liwanag."

"Fift, this isn't enough to cure my—"

"Don't you miss going outside?" pagsingit ko.

"Why would I want to go outside?" He lifted up my long face and stroked my chin with his thumb. "Everything I need is right here."

His gentle touch and endearing words stirred my heart. Hindi ko alam kung bibigyan ko ba ng malisya ang sinabi niya. Baka ang mga libo-libo niyang libro ang tinutukoy ng propesor. Hindi naman siguro ako.

"Pero salamat sa regalo—" Natigil ang propesor nang suotin niya ang salamin. Makikita sa nakanganga niyang bibig ang pagkagulat. "Hmm, saan mo nabili ang salamin na ito?"

"Sa palengke lang..."

Pilit kong ikinukubli ang pagkamangha sa kaniyang hitsura habang nakasuot ng shades. Lalong lumitaw ang kaguwapuhan ng propesor, at dumadagdag ito sa pagkamisteryoso niya. He looks like a high-profile celebrity who just arrived at the airport.

"It's well-crafted. It's designed specifically so you could see clearly at night while filtering the bright lights... Parang gawa ng isang taong kilala ko," saad ng propesor habang sinusuri ang salamin.

Napatingin siya saglit sa kisame ng mansyon na ganoon din ang pagkakagawa. "Anyway, thank you for this. I'm sure it'll come in handy."

"D-Do you want to test it?" nahihiya kong suhestiyon. "Mamaya sa perya, sigurado akong maraming ilaw. Puwede mong subukan doon kung gagana ba. P-Puwede rin kitang samahan para kung sakali mang mahirapan ka, maaalalayan kita."

Ngumiti nang malumanay ang propesor at tinapik-tapik ang aking ulunan. Ang maiksing sagot niya ang nagpakawala sa mga paruparong nagtipon sa tiyan ko.

"Sure."

***

"TARA!" masaya kong usal habang hinihila ang mahabang manggas ng propesor.

Alas siyete na ng gabi at narito na kami ngayon sa kalagitnaan ng perya. Buhay na buhay ang paligid dahil sa ingay mula sa mga naghihiyawang maglalako at maraming taong nagkakasiyahan. Hindi na tumigil sa pagsinghal at pagbuntong-hininga ang propesor dahil hindi siya sanay sa ganito kagulong lugar.

Nakasuot siya ng itim na kapa sa ibabaw ng kaniyang pormal na amerikana. Nakatalukbong sa kaniyang ulo ang hood ng kapa para siguradong walang makakapasok na ilaw. Suot-suot niya rin ang binili kong itim na salamin.

He looks like a mysterious noble from the Victorian times. Nakakainis! Bakit ang guwapo niya pa rin kahit balot na balot?

"Laruin natin 'to, dali!" Dinala ko siya sa stall kung saan kailangang magpaputok ng mga balloon gamit ang darts.

"This is too easy," komento ng propesor habang nagbabayad ng barya sa maglalako. Pagkaabot sa kaniya ng mga suligi ay nagsimula na siyang pumuwesto.

"Kailangan mo lang hanapin kung aling mga lobo ang may pinakamaraming hangin. Kapag mas may hangin, mas lalo itong manipis kaya madaling mapaputok," salaysay ni XV. "Tatalsik lang kasi ang suligi kapag hinagis mo ito sa lobong makapal. Kaya sinasadya ng mga maglalako na hindi lagyan ng gaanong hangin ang mga lobo."

Napatingin ako roon sa lalaking maglalako na pinagpapawisan dahil sa sinabi ng propesor. Ngumiti na lang ako at humingi ng paumanhin.

"You just need to find the dart's center of gravity, and calculate for the most vulnerable surface tension of the balloon..." XV licked his lip and threw the darts.

Sunod-sunod niyang inihagis ang tatlong suligi—at tatlong lobo rin ang sunod-sunod na pumutok nang matamaan ang mga ito. "See? Easy."

Pagkabigay ng maglalako ng premyo ay agad ko nang hinila ang propesor palayo bago pa kami itaboy at ireklamo.

"D-Doon naman tayo! Kailangan lang i-shoot ang mga bola sa basket!" Wala naman na sigurong physics-physics dito dahil ihahagis lang ang bola.

Ako naman ang sumubok kasi mukhang madali lang. Sinadya kong piliin ang larong ito para hindi ako mahirapan. 'Yon ang akala ko no'ng una, ngunit lahat ng mga bolang nakakapasok ay tumatalbog din palabas.

"Bakit gano'n?! Ang daya!" reklamo ko.

Dinampot ng propesor ang mga nagkalat na bola. "Don't throw it forward, throw it upward at a low angle. Aim for the base of the basket instead of its center to avoid rebound."

Napasinghap ako nang biglang kinuha ng propesor ang kamay ko at nilagay roon ang bola. Pumuwesto siya sa'king likuran at inalalayan ako sa pagbato habang nakahawak pa rin sa kamay ko. He rested his chin on my shoulder and guided my hand in throwing the ball.

Nararamdaman niya kaya ang lamig ng kamay ko sanhi ng sobrang kaba?

Na-shoot ang mga binato naming bola, ngunit na-shoot rin yata ako ng pana ni kupido. Hindi na nawala ang init sa mga pisngi ko buong gabi na kasama ang propesor.

"O, ano pa ang tinutunganga mo riyan? Akala ko ba gusto mong makarami ng laro rito sa perya?" Umangat ang sulok ng bibig ni Xildius. "Let's go play another game, Fift."

"F-Fine!" singhal ko habang nagmamadaling maglakad papunta sa kasunod na stall.

Ang laro naman ngayon ay patumbahin ang magkakapatong na lata. As usual, all my attempts have failed. Pagtingin ko sa propesor, sunod-sunod na naman niyang napatumba ang mga lata.

"Instead of the actual cans, aim for the gap between the two bottom cans," paliwanag niya. "That's the weakest spot of the pyramid."

Ngumuso ako bilang pagtugon. Eh 'di ikaw na magaling.

***

HINDI namin namalayan ang oras dahil sa sobrang pagkalibang. Madaling araw na pala at nagbabadya na ang umaga. Nagpasya na kaming bumalik sa Villa Vouganville.

Habang naglalakad pauwi ay may nadaanan kaming balon. May karatulang nakasabit sa gilid nito kung saan nakaukit ang mga salitang Wishing Well.

"Puwede ba 'kong sumaglit ng wish?" paghingi ko ng permiso sa propesor.

"Take your time, malapit na rin naman tayo sa mansyon." Kinapa ni XV ang kaniyang bulsa at nag-abot sa'kin ng mga barya. "Ilan ba ang hiling mo? Marami akong barya. Ako na mag-sponsor ng mga wish mo."

Tumawa ako at kumuha ng tatlong pirasong barya mula sa kamay niya. "Alright! Just three wishes!"

I threw the coins at the well and clasped my hands. Nakapikit na binulong ko sa isipan ang aking mga simpleng hiling. I wish that my brother gets well soon. I wish I could earn enough money to treat him. And lastly, I wish that...

Pagdilat ko ay napansin kong nanonood pala sa'kin ang propesor.

"Naniniwala ka bang matutupad ang mga hiling mo sa wishing well na 'to?" sarkastikong tanong ni XV. "Alam mo bang scam lang ito ng mga taga-bayan para makaipon ng mga barya mula sa mamamayan?"

"Tse! Wala namang masama kung maniniwala ako," daing ko. "Malay mo, magkatotoo."

The professor chuckled and gazed at the well. "Actually, there's a sure way for us to find out if this wishing well can grant wishes. Do you want to know how?"

Kumislap agad ang mga mata ko. "Talaga? Oo! Gusto kong malaman!"

Dumukot ang propesor ng barya at binato ito sa balon. He then said, "I wish my assistant would give me a kiss tonight."

As soon as I heard his wish, a low static sound filled my ears. Lumabo ang aking pandinig kasabay ng pag-init ng aking mga pisngi. Namula ang buong mukha ko at ramdam na ramdam ko ang hindi mapakaling pagkabog ng puso ko.

"Now... Let's see if this wishing well does grant wishes," sambit ng propesor na humarap sa'kin at ngumisi. "I specifically wished for it tonight."

Siguro ay dahil gusto kong magkatotoo rin ang mga sariling hiling ko, siguro ay nagdadahilan lang din ako para sa gagawin ko... pero hinawakan ko nang mahigpit ang kapa ng propesor at inabot ang nakaabang niyang mga labi.

I shut my eyes tight and pressed my lips hard over his soft lips. His hand supported the back of my head as he opened his mouth, letting me inside.

Sinalubong niya ang aking dila na hindi alam kung ano ang gagawin. Just like earlier, he guided me in our kiss, carefully teaching my tongue how to move.

Malambot ang mga labi ng propesor, at lalong mas malambot ang kaniyang ekspertong dila na gumagabay sa'kin sa bawat galaw. Halos malunod na ako sa sobrang lalim ng aming halikan. Our heads were tilting, moving according to the urges of our tongues.

Nakalimutan ko na kung bakit namin ito ginawa, nakalimutan ko na ang tungkol sa mga hiling. Ang tanging alam ko na lamang ay gumagaan na ang aking mga paa at lumulutang na ako sa sarap.

Napadilat ako nang mapansin ang pasikat na araw.

"P-Professor," sambit ng matinis kong boses, "magliliwanag na..."

"Just five more seconds," he uttered while licking the softness of my tongue. Instead of stopping, he kept on kissing me hungrily.

"One, two, three, four..." I counted in the middle of our kiss.

"Four point five, four point six..." mahinang bulong ng propesor habang dinidiin ang kaniyang paghalik. He combed his long fingers between the strands of my hair and pulled my head closer. "Four point nine... Four point ninety-five..."

Nakapikit at nakanganga pa ako nang bigla kong naramdaman na wala na ang mga labi ng propesor sa'kin. Pagdilat ko ay nakaluhod na pala siya sa sahig at nanghihina.

"Professor XV!" nag-aalalang hiyaw ko.

Tumataas na pala ang sikat ng araw. Tinakpan kong maigi ang kaniyang mukha at inalalayan siya hanggang sa makabalik kami ng mansyon. Dumiretso kami sa kusina at agad niyang ininom ang mga gamot na pampakalma.

"D-Don't do something so foolish like that!" sermon ko sa kaniya. "Pa'no kung napaano ka?!"

Tinanggal ko ang suot niyang salamin at inalis ang talukbong sa ibabaw ng kaniyang mukha. His face was flushed, and sweatbeads are all over his forehead.

"Ikaw naman kasi!" malungkot kong daing. "Bakit mo hinayaang tumagal tayo sa labas..."

The professor gave me a weak smile and said, "At least my wish came true."

"Nadedeliryo ka na..." mahina kong bulong habang nakatitig sa kaniyang namumutlang mukha.

"Tingin ko nga," nakangiting tugon niya.

He closed his eyes and dozed off in a sleep. I tucked him in his bed and went to the telephone to dial Xalvien's number.

Mukhang kailangan ko na ring magpakonsulta sa doktor. Mababaliw na yata ang puso ko habang nasa loob ng mansyong ito.

Continue Reading

You'll Also Like

653K 23.7K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
402K 5.4K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...