BOOK 3: The Mafia Game (Hiatu...

By vixenfobia

409K 10K 982

SERIES 3 || Find the real enemy. Trust no one. ©2014 More

The Mafia Game: Troublemaker
TMG 01: Welcome Ad Infernum
TMG 02: Background Check
TMG 03: Meet and Greet
TMG 04: Be Tamed
TMG 05: Superiors' Pack
TMG 06: Wicked Ways
TMG 07: Rubik's Theory
TMG 08: Taunting Game
TMG 09: Killed the Cat
TMG 10: Obscure
TMG 11: Strange
TMG 12: Invitation
TMG 13: Lown
TMG 14: Acquaintance
TMG 15: Masquerade
TMG 16: Nightfall
TMG 17: Offbeat
TMG 18: Bezarius 1
TMG 19: Bezarius 2
TMG 20: First Move
TMG 21: Caught
TMG 22: His Obsession
TMG 23: Toxic Anticipation
TMG 24: The Mafia Empress
TMG 25: She, the Lass
The Mafia Game: Gamer
TMG 26: Bloody Monday
TMG 27: The Call
TMG 28: Indebt with Empress
TMG 29: Payback is a Bitch
TMG 31: Double Crosser
TMG 32: Lone Battle
TMG 33: Shadow Behind
TMG 34: Under Your Sleeve
TMG 35: Her Story
TMG 36: Sports Fest
TMG 37: Doubts and Trust
TMG 38: Guns and Roses
TMG 39: Confused
TMG 40: Repel
TMG 41: Damsel in Distress
TMG 42: Turning Point
TMG 43: Tell Me About It
TMG 44: Butterfly
TMG 45: Stay With Me
TMG 46: Unlost
TMG 47: Shattering
REST
TMG 48: Unmasked
TMG 49: Faded Kaleidoscope
TMG 50: Crestfallen
NOTICE
TMG 51: Amaryllis
TMG 52: Forget Me Not
TMG 53: Snake Bites
TMG 54: Bold Attempt
Hi?

TMG 30: Hidden Monster

5.8K 177 16
By vixenfobia

TMG 30 ♠

 

Tobi Ferrer

“What do you know about Vincent?”

Tumunghay ako mula sa pagkakayuko nang marinig ang boses ni M sa kanan ko. Kalalabas lang nito ng silid kung saan kasalukuyang nakakulong ang isa sa mga myembro ng Rogues.

“Call her Empress,” bagot kong sagot bago bumuga ng usok. Nangibit-balikat lamang ito bago pumwesto sa katapat kong dingding at sumandal. Inalok ko siya ng sigarilyo ngunit tumanggi naman ito.

“So B, what do you know about her?” tanong muli nito.

Sandali ko siyang tiningnan bago muling yumuko sa paanan ko. Hindi ko maiwasang pangunutan ng noo habang iniisip ang sagot ko sa kanya, “Everything.”

Mula pagkabata, kilala ko na si Vincent. Madalas ko siyang nakakasama noon ngunit siya lang itong hindi ako natitiis na makasama. Nag-iisa kasi siyang anak kaya hindi siya komportableng may kasama o may kumakausap sa kanya. Hindi siya sanay na may kasamang kaedaran niya. Hindi naman pwedeng hindi ko siya buntutan dahil ibinibilin siya sa’kin ni Sir Randal at late Empress Victoria noon. Kakambal niya kasi ang salitang trouble. She’s indeed a troublemaker since then and that is why I need to be there to look after her. She’s not of a handful yet a short-tempered feisty young girl and it’s not a good idea to let her all alone.

Masyadong masungit ang mukha at dating niya para sa mga bata kaya hindi maiwasan na kainisan siya ng mga ito. Madalas siyang awayin at pagtulungan ng mga batang kaedaran namin sa eskwelahan dahil sa malamig at maangas na asta niya. Add the fact that she’s not much of a talker. She’s approachable but not the friendly type. Isama pa ang kakaibang yaman ng pamilya niya na siyang kinaiinggitan ng karamihan. They say, “She has everything and that’s annoying.” “She’s so conceited because she has the wealth.” “Attention seeker.” Isang dahilan rin kung bakit ilag sa kanya ang mga tao at kung bakit naging malayo rin ang loob niya sa salitang ‘kaibigan’.

Lahat ng pinagdaanan niya noon, saksi ako.

Mali lang talaga ang pagkakakilala nila kay Vincent. She was judged by many even before knowing her. They judged her before knowing the truth. Yes, she maybe has the wealth they’re all jealous of. Yes, she maybe cold and feisty towards them. But do they even know the reason why she decided to build those walls instead of bridges?

Naalala ko pa noong unang beses ko siyang nakita sa mansion nila. Tahimik siyang nakaupo sa malawak na hardin nila habang nagpipinta. Mag-isa lamang siya pero may ngiti at saya ka sa kanyang makikita. Iniisip ng marami na hindi siya marunong magpakita ng emosyon. Iniisip ng marami na malakas siya pero hindi. Hindi ganoon ang totoong Vincent. Siya ‘yung tipo ng bata na masyadong maramdamin. Ayaw niya ng mga pangakong hindi natutupad. Dinaramdam niya ang masasakit na salita. Dahil tao lang din siya. Dahil bata lang din siya. Pakiramdam ko nga noon, mahipan lang siya, iiyak na. She will throw tantrums if she can’t handle it anymore. She will breakdown if it’s too much. She’s that innocent in my eyes. She’s like that… before.

But that bloody incident shattered her innocence. It killed the old her. It murdered the real Vincent.

Her innocence was taken over by the hidden sleeping monster deep inside of her. Imagine how she suffered from then on. Imagine how she managed to handle those all these years all by herself. She’s definitely living by her name. And that’s what I admire her the most. She’s a girl needed to be protected—the same reason why I always wanted her.

“B?”

“Hmm?” Napaangat ako ng tingin sa kaharap ko. Salubong ang kilay niya at tila takang-taka. What’s wrong with this girl?

“Deep.” Ngisi niya. “Kanina pa kita tinatawag, nandiyan na si Vincent.”

“It’s Empress.” I hissed.

“Fine. Magpinsan nga kayo, parehong mainitin ang ulo.” Rinig kong bulong niya bago naunang maglakad pasalubong sa paparating na itim na sasakyan.

Hindi ko naman maiwasang mariing mapakuyom ng kamao.

Pinsan. What’s wrong with this rotten world?

***

A heavy silence filled the four corners of the dark cold room, embracing the four of us—Vincent, M, the Rogue member and me. I unconsciously swallowed harshly. I know this is gay, but I can’t help but feel nervous and unease to what’s going to happen. It’s a mixture of anticipation and terror I’m feeling inside. This is the first time I am going to see her beyond violence, and I’m still wondering of what she’s capable of.

Tahimik kaming nakatayo ni M malapit sa pinto matapos palabasin ni Vincent ang ilan pang reapers na kanina lamang ay laman nitong silid. Nakaupo siya sa isang magarang kahoy na silya na nakapwesto sa mismong gitna ng kwarto may limang hakbang ang layo mula sa kaharap na lalaking hubad ang pang-itaas na damit habang nakatali ang magkabilang kamay sa kisame gamit ang makapal na kadena. Lupaypay ang ulo nito at wala pa ring malay-tao.

“What is she still waiting?” mahina at nagtatakang bulong ni M sa sarili na umabot sa pandinig ko. Kita ko ang pagsasalubong ng kilay nito habang pinagmamasdan si Vincent na tahimik pa ring nakamasid sa lalaking kaharap niya.

Hindi ko rin maiwasang pangunutan ng noo habang nagsisimula ng mapuno ng iba’t-ibang tanong ang isip ko. It’s scary to see her clenching her fist and jaw in annoyance and irritation; and I didn’t expect that it’s even scarier to see her with those blank eyes and pursed lips. Tila mas gugustuhin mo pa siyang marinig na paliguan ka ng mura kaysa ganitong tahimik at walang imik.

Hindi ko siya mabasa. Wala akong ideya sa kung anumang tumatakbo ngayon sa isipan niya. Ni hindi siya kakikitaan ng anumang emosyon. Blangko. Malamig. Ano ba’ng binabalak mo, Vincent?

“I never knew she could be this opaque.” Muli akong napalingon sa katabi ko nang marinig ang komento nito. Iiling-iling lang naman siya habang nakamasid pa rin kay Vincent. Marahil ay sinusubukan niya ring basahin ang mga bagay na posibleng tumatakbo sa isipan ngayon ng dalaga.

“M…” Awtomatikong napunta kay Vincent ang atensyon ko nang marinig ang malamig na boses nito. Narinig ko pang napamura ng mahina ang katabi ko hawak ang kaliwang dibdib niya. Maging ako man ay nagulat at sandaling pinangilabutan sa paraan ng pananalita nito. “Mula anong oras pa walang malay ang isang ‘to?”

“Apatnapu’t limang minuto, Empress,” mabilis na sagot ni M.

Agad namang napayuko si Vincent sa suot niyang relo. “May katagalan na rin pala.” Anito sa mahina at malamig na paraan bago tumayo. “Pakihandaan naman ako ng timba na may malamig na tubig. Naiinip na ako kaya’t ako na mismo ang gigising sa kanya.” Sabay lingon nito sa gawi namin. “Pakibilisan lamang sana.”

“Masusunod.” Mabilis na tumalima si M at nagtungo sa pintuan upang ihatid ang utos sa ilang reapers na nakabantay sa labas ng silid.

Ilang sandali pa ay may pumasok ng reaper bitbit ang timbang puno ng tubig.

“Ito na po ang ipinag-uutos niyo, Empress.”

“Sige, maaari ka ng lumabas. Manatili lamang sana kayong tahimik.”

Isang mabilis na pagyuko bilang paggalang ang naging tugon ng reaper bago ito lumabas.

Hindi ko mapigilan ang sariling mapatitig kay Vincent. Dahil sa paraan ng pananalita nito, tila naririnig ko si Sir Victoire sa kanya—ang aking ama. May parte sa pananalita niya na pormal at malalim. Nakakapanibago lang. But I decided to set that aside. This is not the right time for that.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. I don’t know if it’s just me or the room became even chillier. Add the deafening heavy silence that brings a slight shiver down my spine. Pakiramdam ko’y hindi pa ako handa. Hindi ako handang makita siyang kumitil ng buhay sa ganitong paraan. Hindi ko matanggap na ito ang magiging dahilan ng pagbangon ng galit na matagal ng natutulog sa loob niya. Galit na matagal niyang kinimkim sa mahabang panahon.

***

“Ahh!” Umalingawngaw ang malakas na sigaw ng lalaki matapos hiwaan ni Vincent ang kanyang noo. Isang panibagong mahaba at malalim na sugat na naman ang natamo nito. Muling lumupaypay ang kanyang ulo kasabay ng mas mabigat na paghinga. Halos hindi ko na nga ito makilala sa dami ng sugat ng kanyang sugat. Literal na siyang naliligo sa sarili niyang dugo. Para na siyang binalatan ng buhay.

“Shit.”

“Don’t tell me, you can’t handle this, M.”

Ramdam ko ang mabilis na paglingon niya sa’kin maging ang sama ng tingin nito. “Who the fuck can still handle this shits? Fuck those fresh bloods gushing from fucking huge slits,” she whispered, gritting her teeth. She then continued reciting tons of curses under her breath.

Muli ko na lamang ibinalik ang atensyon kay Vincent.

I can’t blame M for her sudden reaction. Kanina ko pa nga gustong pigilan si Vincent sa ginagawa niya pero hindi pwede. Not in her bad side. Not in the cold Vincent. Not in this situation. I can tell that no one can stop her now. I don’t even know if she’s still the same Vincent I’ve known. Masyado ng brutal ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Hindi ko na alam kung sino itong taong nasa harapan ko.

“Maswerte ka’t nagagawa mong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon,” walang emosyong turan ni Vincent habang pinagmamasdan ang hawak niyang maliit na patalim sa kanang kamay. “Samantalang ang babaeng ‘yon na wala namang kasalanan sainyo, nagawa niyo pang busalan ang bibig habang sinusugatan ang buong katawan.”

Isang mahabang minuto ng katahimikan ang namayani bago nagpakawala ng malakas na tawa ang lalaki. Lalong lumalala ang pagdurugo ng mga sugat niya sa maliit na galaw na kanyang ginagawa. Hindi makatatagal sa ganitong sitwasyon ang mga taong may mahihinang sikmura.

“H-Ha?” hirap na hirap na usal ng lalaki. “Su—per h-hero na p-pala nga—yon ang E-Empress.” Halata ang pagnanais nitong mang-insulto ngunit hindi na kinaya ng basag niyang bibig. Hindi pa rin siya nadadala sa pagsagot ng pabalang sa dalaga matapos siya nitong hampasin ng timba sa bibig kanina lamang.

Empress didn’t even bother to throw him a look. Para siyang walang narinig at patuloy lamang ang pagtitig sa hawak.

“Sino?” she paused, looking at the guy coldly, slowly tilting her head on the side. “Sino ang nag-utos sainyo na gawin ‘yon? Huling tanong na ito para sa buhay mo.”

At imbes na sumagot, binigyan lamang siya ng mapang-insultong ngisi ng lalaki.

“Damn it! Why does she have to tilt her head that way? She looks cool.” Napataas ang kilay ko nang marinig ang komento ng katabi ko. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Wala pang limang minuto nang magreklamo siya sa nakikita tapos ngayon natutuwa naman siya.

“What’s cool with that?”

“Man. Half of her cold face was covered with a shadow from the light above her, tilt head that’s popular from a paranormal horror movies plus her blood stained white school uniform. See? Everything about her is cool,” she whispered back enthusiastically.

And before I could even talk to point out her weirdness, a loud cry boomed the four corners of the room.

“Ginawa niyo rin ito sakanya ‘di ba?” walang emosyong tanong ni Vincent sa lalaki matapos niya itong saksakin sa kanang tagiliran. Doon ko lamang napansin na may busal na pala ang bibig ng lalaki. Halos mapatid naman ang mga ugat nito sa leeg sa kasisigaw sa likod ng makapal na tela. “Masyado kang maingay,” bagot na dagdag pa ng dalaga kasabay ng paghugot sa patalim.

Lumakad ito palayo sa lalaki at muling naupo. Binitawan niya ang maliit na patalim na siyang naglikha ng matiis na tunog sa buong silid. Nakita ko pang bahagyang napatalon sa gulat ang lalaki ngunit agad ring bumalik ang mapang-insultong tingin nito at nakipagtitigan kay Vincent.

“B.”

“Empress.”

“Give me your gun.”

Hindi agad ako kumilos kaya naman ay bahagya akong itinulak ni M sa likuran at sinenyasang lumapit kay Vincent. Napapikit na lang ako ng mariin bago sumunod.

“Here.”

Ilang segundo niyang tinitigan ang baril bago ito kinuha sa kamay ko. Wala na akong nagawa kun'di pagmasdan na lamang ang marahang paglakad nito palapit sa kanyang bihag. Marahas nitong inalis ang busal ng lalaki dahilan upang mapasigaw na naman ito sa sakit ngunit agad ring napatigil nang ipasok ng dalaga ang hawak sa kanyang bibig. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang takot na agad na rumehistro sa mukha ng lalaki. Parang bulang nawala ang maangas na titig nito.

“Binigyan kita ng huling pagkakataon para magsalita pero sinayang mo. Tutal, wala ka namang pakinabang maging ang bibig na ito,” sandali siyang huminto sa pagsasalita na siyang mas nagpalala ng takot sa mukha ng lalaki. Namilog ang mga mata nito at nagsimulang magsisigaw ngunit naging dahilan lamang ito upang muli siyang makatanggap ng malakas na hampas ng baril sa bibig. “Tch. Noisy shit.” Bakas ang pagkairita sa boses ni Vincent bago muling ipasok sa bibig ng lalaki ang baril na hawak. “Tapusin na natin ‘to.”

Meisha Steele

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao sa magkabilang gilid. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I know I shouldn’t be feeling proud with this kind of shit situation, but seeing her finally stained her hands for the sake of her loved ones—or atleast a friend or acquiatance, I can’t help but anticipate. I always thought that she’s not of a vengeful type ‘cause she let ‘that’ just passed but now, I proved myself wrong. She’s that type that will accept games to play.

“Tapusin na natin ‘to,” she said nonchalantly before tilting the gun she’s holding to 135 degrees. Nagsisigaw pa ang lalaki ngunit hindi rin nagtagal at napalitan ito ng malakas na putok ng baril na umaligawngaw sa buong silid.

Bumagsak ang kanang kamay ni Vincent sa gilid niya matapos ang ilang segundo na animo’y naubusan ng lakas. Dahan-dahan siyang yumuko dahilan upang matakpan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha habang ipinapahid sa uniporme ang mga kamay niyang puno ng dugo.

I don’t know. It felt like, the ambiance became blue and gloomy under the ice cold silence. It became heavier than earlier. Why?

“This sucks.” She bitterly laughed. Nag-angat siya ng tingin at walang sabi-sabing inihagis ang baril kay B. “Ipadala niyo sa kuta nila.” Patungkol nito sa bangkay ng lalaki bago walang lingon-likod na lumabas ng silid.

Naiwan naman ang mga mata kong nakatingin sa pintong kanyang nilabasan.

Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala. Hindi ako mapakali. Parang may mali sa mga nangyari.

Vincent Mc Garden

Pinagmasdan kong mabuti ang isang pares ng malamig at itim na mga matang diretsong nakatingin sa’kin. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang mukha ng kaharap. Wala akong makitang ekspresyon sa kanya. Magulo ang mahaba nitong buhok. May bahid ng tumalsik na dugo sa mukha at damit.

Kahit ako mismo, hindi ko na makilala ang sarili ko.

Anong nangyari sa’yo, Vincent? Oo nga pala, pumatay ka lang naman. Pero ‘wag mo ng masyadong intindihin ‘yon, gago naman ang pinatay mo. Tumulong ka lang sa pagbawas ng mga walang kwentang tao sa mundo. At isipin mo na lang din na naiganti mo na ang isang inosenteng taong binalak nilang patayin na ngayon ay kritikal pa rin at nasa bingit ng kamatayan. Tama, wala kang ginawang masama. Tandaan mo ‘yan.

The moment I set a foot in that room, the moment I laid my eyes on that Rogue, my mind became blank; cloudy with thoughts of nothing but killing him. Burry a bullet to his head and kill him right at the very moment. Nagdilim ang paningin ko. Literal na nanginig ang laman ko sa galit. At hindi ko maiwasang maalala ang itsura ni Devy nang maabutan ko siyang nag-aagaw buhay sa loob ng kanyang tinutuluyan. Hindi ko makalimutan. Parang isang malaking replay button ang lalaking ‘yon na awtomatikong ipinaalala sa’kin ang lahat ng nakita ko.

Isang malaking bangungot.

Muli kong tinitigan ang kaharap. Dahan-dahang umangat ang isang sulok ng labi nito.

“Sigurado ka bang kilala mo ang taong iginaganti mo ngayon, Empress?”

Wala sa loob na napahampas ako ng dalawang kamay sa lababo. Naalala ko na naman ang sinabi ng lalaking ‘yon. Anong ibig niyang sabihin do’n? Hindi ko alam kung narinig ‘yon nina Meisha at Tobi dahil halos pabulong lamang ‘yong sinabi sa’kin ng lalaki. Nang magtama ang paningin namin pagkadilat niya at nakita ang sitwasyong kinalalagyan, iyon ang mga salitang unang lumabas sa bibig niya.

I stepped closer, grabbing a fistful of his hair in my left hand. Jeez. Gustung-gusto ko ng gilitan sa leeg ang lalaking ‘to pero hindi pa pwede dahil hindi pa rin siya nagsasalita sa kung sino man ang nag-utos sa kanila. Masyado pa rin namang maaga para tapusin ang paghihirap niya. Wala pa ito sa kalingkingan ng dinanas ni Devy sa kamay ng mga hayop na ‘to.

“You better talk now, bastard,” gigil kong bulong sa kanya habang nanatiling nakatutok ang talim ng hawak ko sa gitna ng kanyang leeg.

Bahagya pang tumaas ang kilay ko nang unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito bago nagpakawala ng nakakainsultong malakas na tawa. Hindi ko na namalayang humihigpit na rin pala ang pagkakasabunot ko sa kanya ngunit tila hindi niya ito iniinda. May pagkakataong mapapangiwi siya sa sakit ngunit mas madalas niyang idaan ang lahat sa nakakainis na tawa.

“Find the real enemy,” mahinang sabi nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. He spat those words giving emphasis to word ‘real’. What the hell does he wants? Ginugulo niya ang isip ko.

Ramdam ko ang pagsasalubong ng kilay ko sa narinig. Palalagpasin ko na sana ang sinabi niya nang sundan niya na naman ito ng tawa na siyang muling ikinainis ko, dahilan upang ihampas ko sa bibig niya ang timba upang matahimik na siya.

Napasuklay ako ng dalawang kamay sa buhok nang maalala ang nangyari kanina. Sumasakit ang ulo ko sa organisasyon na ito. Hindi ko na maintindihan kung anong totoong pakay nila.

Matapos linisin ang sarili, naisipan ko munang mahiga sa kama. Hindi ko na nga alam kung anong oras na pero nakakaramdam na ako ng antok at pagod. Masakit na ang katawan at ulo ko. Gusto ko munang magpahinga bago mag-isip ng panibagong mga problema.

I was about to shut my eyes nang maalala ang nakuha ko sa pulsuhan ng lalaki. ‘Yon ang bagay na ipinapahid ko kanina sa damit ko upang maalis ang dugo.

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at pumasok sa bathroom upang kunin ang bagay na ‘yon.

“A chip?” bulong ko sa sarili nang mapagmasdan ang maliit na bagay na nasa ibabaw ng kanang palad ko. Naupo ako sa gilid ng kama at sinipat ang hawak sa liwanag ng lampshade.

Hindi ako pwedeng magkamali, chip nga ito. Pero para saan? Bakit nasa loob ito ng katawan ng lalaking ‘yon? Lahat ba ng myembro ng Rogues ay mayroon nito? Is this some kind of tracking device for the organization members?

I stared at the chip for a moment when a sudden thought hit me like wave. If this really is a tracking device, does that mean that they know that someone killed one of their members?

Namilog ang mga mata ko sa naisip. Pakiramdam ko, mabilis na umakyat lahat ng dugo sa ulo ko kasabay ng pagbilis ng kabog ng dibdib. Hindi ko na ininda ang kaninang nararamdamang antok at pagod saka dali-daling kumaripas ng takbo palabas ng mansion. I have to get to the hospital as soon as possible. This can’t be a freaking trap.

Jeez. Fucking Rogue Organization!

- - - x

Meisha Steele on the multimedia section.

Fact About TMG: Meisha’s reaper name was supposed to be A.

Salamat sa mga natatanggap kong magagandang feedbacks about TMG. Pati na sa mga nagsesend ng PMs nila \m/

Continue Reading

You'll Also Like

265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...