Ella
pag ka gising ko palang ng umaga kating kati na ako na tanungin yung mga kapatdi ni Atom pero di ako maka tyempo kasi laging nandyan si Atom siguradong gagawa yun ng paraan para hindi ko makausap yung mga kapatid nya
pag punta ko sa sala nandun yung tatlo..
wala si Atom eto na yung pag kakataon ko para makausap sila kaya lumapit ako at umupo dun sa sofa napatingin sila sa akin
"Asan si Atom?" Tanong ko para alam ko kung anong dapat kong gawin kung dadating nalang bigla
"Nag pa gas lang sandali saka may bibilin daw sya sa labas." Keni
"Di nag paalam sayo?" Lid
"Baka nambabae yun nako nako babaero yun eh." Lee
napairap ako sa sinabi ni Lee subukan lang mambabae ng lintek na Atom na yun puputulin ko yung ano nya ng hindi na nya magamit pa! ever!
"Kung ano ano yang pinag sasabi mo pinapaselos mo pa tong isa." hinampas ni Lid si Lee
"Hindi ako nag seselos no! Asa!" tumawa sila ewan ko kung bakit mga adik
"Okay sabi mo eh.." Keni
"Teka may tatanong pala ako kaya ako nandito.." hininaan ko yung T.V. napatingin naman sila sa akin minsan naiisip ko paano sila naging quadruplets hindi kasi sila mag kakamukha buti nalang gwapo silang apat ang swerte ng magulang nila kasi gwapo mga anak nila..
"Tungkol saan?" Lid
"Sabi nyo nung unang nag kita tayo kamukha ko sya, I want to know about her?" natigilan sila ewan ko kung bakit lalo tuloy ako na curious..
"I-I think si atom dapat tinatanong mo dyan.." Keni
"Saka ayaw namin makialam eh.." Lee
"She's Atom's Ex-girlfriend.." Sabi ni Lid napatingin kami sa kanya
"Gago ka talaga kakasabi lang namin na wag sabihin!" bintukan ni Keni si Lid
"Siguradong mag wawala na naman si Atom nito!" Lee
naintriga ako sa huling sinabi ni Lee.. si atom nag wawala? dahil sa babaeng yun? anong ibig nyang sabihin na mahal yun ni Atom? kaya sya nag wawala?
"Bakit naman mag wawala si Atom?" tanong ko gusto ko malaman kung anong meron sa kanila
"Ella. si Atom nalang ang tanungin mo ayaw talaga namin mag salita.." Keni
"Bakit ba kasi kailangan pa natin ilihim ano ba kayo kawawa naman si Ella kung hindi nya malalaman.. Ella makinig ka huh pero mangako ka muna na hindi mo aawayin ni Atom.." Lid
"Lid! don't do this!" Lee
"Just trust me okay.." Sabi ni Lid kay Lee nag tinginan sila tapos parang nag kaintindihan sila ganun ba talaga kapag kambal? may sariling way of communication...
"Nang makita ka namin akala namin ikaw sya.. kaya natakot kami sayo.. ang sabi kasi ni Atom she's gone.. totally gone.. isang beses lang namin sya nakita pero di namin alam kung anong nangyari sa kanya.." sabi ni Lid
"What's her name?" gusto ko kasi malaman kung anong pangalan nya para naman kahit paano meron akong alam tungkol sa kanya..
"Her name is also Ella.." Lee said
"Mag ka pangalan pala kami.." Ano yung Joke? talaga bang mapag biro ang tadhana na kailangan kamukha ko pa at kapangalan yung Ex ni Atom na mahal na mahal nya
"kaya nga nagulat kami ng makita ka namin.. akala namin nag ka balikan na sila yun pala ibang Ella ka.."
"Bakit ba sila nag hiwalay?" Eto na nga ba ang ayaw ko eh hindi na ako matigil sa kakatanong kasi gusto ko malaman lahat pakiramdam ko kailangan kong malaman lahat dapat ko yung malaman dahil Asawa ko si atom at karapatan ko yun at gusto ko malaman kung ano klaseng tao si Atom..
malalaman ko lang yun kung alam ko ang nakaraan nya..
"Hindi namin alam pero isang gabi umuwi nalang si Atom ng lasing nag wawala hiwalay na daw kasi sila bigla na lang syang umiyak.." Keni
"That was the first time we saw Atom cried like a baby.." Lid
"Awang Awa kami sa kanya.. pero wala kaming magawa dahil hindi namin alam kung saan hahanapin si ella.." Lee
"Ella.. Can we ask you a favor?" Lid
"Ano yun?"
"Don't leave him.." natigilan ako sa sinabi ni Lid.. Iwan si Atom? kanina pa kami nag uusap dito pero kahit minsan hindi sumagi si isip ko na iwan sya.. bakit nga ba hindi yun naisip pag katapos ko marinig yung mga sinabi nila diba dapat magalit ako kasi panakip butas lang ako..
"I won't don't worry.." Saka ako ngumiti
"Thank you.." Lid
Now I know why Atom is always there for me.. he thought I'm his Ex-girlfriend.. Shit! kaya pala ganun sya..kaya pala kahit na alam nya yung secret affair namin ni Kuya Jim pinakasalan nya pa din ako..kaya pala lahat kaya nyang tanggapin tungkol sa akin..
dahil kamukha ko yung Ex nya.. kaya pala...pero bakit ganito parang nasasaktan ako dahil dun dahil ang lahat ng meron sa pagitan namin ay puro kasinungalingan at pag kukunwari..
hindi naman kasi namin mahal ang isat isa.. kaya bakit kami nag sasama?
kailangan gumawa ako ng paraan para matigil na to..
Atom
Kanina pa ako naiinis kasi ang traffic nag pa gas lang ako saka bumili ng pag kain sa labas tinatamad ako mag luto tapos may tatlong asungot pa buti nalang talaga hindi sila dumaldal medyo kinabahan din ako nung mag tanong si ella ng tungkol sa sinabi nung tatlo
naalala na kaya nya?
pero mukhang hindi pa kasi kung naalala na nya makikilala na nya ako..
nag una ko syang makita halos hindi ako makapaniwala.. My Ella yeah she's my Ella 3months palang yung relationship namin ng bigla syang mawala ng walang paalam..
akala ko okay na lahat dahil mahal namin ang isat isa.. pero bigla syang nawala hinanap ko sya pero hindi ko sya nakita kahit anong gawin ko..
halos masiraan ako ng bait.. mahal na mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya sa akin kaya ginawa ko lahat para mahanap ko sya.. natutu akong mag dasal dahil sa kanya.. dahil araw araw kinakausap ko si God na ibalik na sya sakin..
until one time I saw her.. but she doesn't recognize me..
binantayan ko nalang muna sya..
pumasok ako sa school sa pinapasukan nya hindi ako lumalapit pero lagi akong nakabantay sa kanya lagi ko syang tinitingnan sa malayo..
hanggang isang araw nakita ko ang isang eksena na dumurog sa puso ko ng sobra..
I saw her making out with that bastard Jim..
I died that day..
Ella
Pag balik ni Atom parang normal lang parang wala akong nalaman na big revelation dating gawi kami pero syempre minus the making out thing.. nandito kasi mga kapatid nya pero mas sumaya kasi ang iingay nila eh
buti nalang nandito sila para hindi ko maalala yung nalaman ko kasi hindi ako matahimik dahil dun
di ko kasi alam kung anong dapat kong maramdaman kung dapat ba akong mag seloe or dapat akong magalit?
pero iniisip ko din anong karapatan kong mag selos eh ako din naman kagaya lang ni Atom nag mamahal din ako.. dahil Mahal ko si Kuya Jim at alam yun ni atom pero hindi sya nagagalit..
kasi nga kamukha ko yung Ex nya ako ang nag papaalala sa kanya ng tungkol sa Ex nya dahil mag ka mukha kami mag kapangalan pa..
"Atom.. ang kulit talaga ng mga kapatid mo no.." Sabi ko nandito na kami sa kwarto
"Ganun talaga yun wag mo nalang pansinin.." Humiga na kami natahimik kami sandali ng maramdaman ko yung kamay ni Atom sa bewang ko hinapit nya ako palapit sa kanya niyakap nya ako
"Goodnight babe....." He kissed my forehead
"Goodnight..." Yumakap ako sa kanya bago ako pumikit..
Saka nalang ako mag tatanong sa kanya ng tungkol kay Ella feeling ko kasi hindi pa ito ang tamang panahon para dun.. siguro dadating din kami sa point na yun.. at sana kapag dumating yun time na yun alam ko na kung anong dapat kong gawin..
Will I stay with him or will I go back to Kuya Jim..
bigla humigpit yung yakap ko kay Atom.. naalala ko kasi yung sinabi ni Lid.. pero paano kung si atom na ang nag palaya sa akin? anong gagawin ko ?
I need to move on and go back to my old life..
pero bakit ang sakit? parang hindi ako makahinga habang iniisip ko yun..
bakit ako nasasaktan?
pag angat ko ng mukha tulog na sya.. kaya dinampian ko sya ng halik sa labi
"kahit hindi mo sabihin.. alam ko na lahat.. alam ko na sinaktan ka ni Ella na dahil sa kanya nag ka ganyan ka.. ng dahil sa kanya pinakasalan mo ako.. pero wag kang mag alala hindi kita iiwan hanggat hindi mo pa sya nakakalimutan pwede naman siguro tayong maging mag kaibigan diba?"
para akong tanga kinakausap ang isang taong tulog.. kaya bumalik na ako sa pag tulog na yakap yakap parin sya..
Atom
She kissed me.. I want to kissed her back pero bigla syang nag salita kaya nag panggap ako ng tulog..
"kahit hindi mo sabihin.. alam ko na lahat.. alam ko na sinaktan ka ni Ella na dahil sa kanya nag ka ganyan ka.. ng dahil sa kanya pinakasalan mo ako.. pero wag kang mag alala hindi kita iiwan hanggat hindi mo pa sya nakakalimutan pwede naman siguro tayong maging mag kaibigan diba?"
What the hell! alam na nya lahat?! pero bakit nya sinabi na kung pwede kaming maging mag kaibigan? dahil ba hanggang ngayon si Jerk Jim pa din ang mahal nya?
shit! ang sakit.. kasi lahat na ginawa ko pero kulang pa din pala
hindi pala sapat.. siguro nga dapat na akong tumigil sa kahibangan ko..
dahil hindi na ulit ako mamahalin ni Ella
kailangan ko na syang pakawalan..
biglang may tumulong luha sa mata ko.. buti nalang tulog na sya kaya agad ko yung pinunasan..
Do you really wanna go Ella? talaga bang ayaw mo sa akin? at si Jim ang mahal mo? kapag sinabi mo na palayain kita kahit ayaw ko kahit ikamamatay ko papalayain kita..
para sumaya kana..
----------------
Celibate na yan si Atom for sure haha si Ella naman haba ng hair hahaha anyways ayoko ng huling sinabi ni Atom parang hindi sya.. Eto na UD guys!