Monasterio Series #6: Trapped...

By Warranj

1.7M 74.6K 13K

Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to l... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Reon Alexis
ANIA
Kabanata 43
Adrianna Grace
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 68 ll
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas Access

Kabanata 7

20.1K 1.1K 234
By Warranj

Kabanata 7

Lagnat

Pinilit kong hindi lumabas ng bahay sa buong maghapon. Hindi mawala wala sa isip ko ang naging eksena sa pagitan namin ni Nero kanina. Sa tuwing naaalala ko ay parang nag iinit ang buong mukha ko dahil sa hiya na nararamdaman.

Kung sana ay hindi na siya tumingin pa sa katawan ko, hindi sana ako mahihiya ng ganito. Pero wala naman siyang kasalanan talaga. Ako ang dapat sisihin kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Hindi na dapat ako pumayag pa sa alok ni Nanay Martha na doon maligo. Nung dalhin niya ako sa kwarto ni Nero, doon pa lang ay dapat na akong umatras.

“Hay, Isha! Sana kasi hindi ka na lang nagtagal sa kwarto niya. Tiningnan mo pa ang mga litrato na naroon kaya tuloy naabutan ka niya!” paninisi ko sa sarili at tinakpan ng unan ang mukha.

Maging sa tindahan ay hindi ako lumabas maghapon kahit na anong tawag sa akin ni auntie. Nag alala ako na baka kapag ako ang nagbantay ay aksidenteng makita ko siya. Wala na akong mukha na maihaharap sa kaniya.

“Isha, sandali muna at pumarine ka dito! May bumibili lang!”

Nag alis ako ng unan sa mukha nang marinig ang pasigaw na boses na ‘yon ni auntie mula sa labas.

“Ano raw?” bulong ko. “Ano po, auntie?!”

Bumangon ako sa kama at tumayo na. Sinuot ko ang tsinelas pang bahay at binuksan ang pintuan. Pagkalabas ay sinilip ko sa tindahan si auntie at abala naman ito sa pagbebenta.

Bumuntonghininga ako at bumalik na papasok sa bahay. Tamad akong naglakad patungo sa banyo nang maramdaman kong naiihi ako. Ngunit tila ito umurong nang makita ko ang paglabas ni Nero mula sa roon.

Nagtama ang mga mata namin. Bumusangot siya nang makita ako, tila hindi ako kaaya aya sa paningin niya.

“Ba’t ka n-narito?” natatarantang tanong ko.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. May hawak siyang parang gamit sa pagkakarpintero. Hindi ko alam ang tawag pero hindi na ‘yon importante. Ang gusto ko malaman ay bakit siya narito? At bakit siya nanggaling sa banyo namin?

Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako, mas kalong lumalim ang simangot sa mukha. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya papunta sa bamboo set. Yumuko siya at doon ko lang napansin ang isang itim na tool box.

“Mabuti at bumangon ka na, Isha. Ano ba ang nangyayari sa’yo?” si auntie pagkapasok ng pintuan.

Wala sa sarili ko siyang nilingon. Kunot noo siyang naglalakad palapit sa akin bago biglang sinalat ang noo ko.

“Aba’y mainit ang balat mo! May lagnat ka, Isha?”

Napatingin ako sa gawi ni Nero. Naabutan ko siyang nakatuon sa akin ang mga mata. Umiling ako nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

“Wala po, auntie.”

Sa sobrang kahihiyan na nangyari sa akin kanina ay para akong lalagnatin ngayon. Tila hindi pa humuhupa ang buong pagkatao lalo pa ngayon na nasa harapan ko si Nero.

Hindi ba at kaya nga ayaw ko lumabas ay dahil baka makita ko siya? Iniiwasan ko ‘yon dahil baka tuluyan na akong kainin ng lupa sa pagkahiya sa kaniya.

“O, e bakit nga ganiyan ang temperatura ng balat mo? Namumula pa iyang pisngi mo.”

Bakit ang daming tanong ni auntie ngayon?

Hindi ako kaagad nakasagot, ang mga mata ay nananatiling nakapako kay Nero.

“Ay oo nga pala! Narito si Nero para ayusin ang gripo natin sa banyo. Hindi ko alam kung bakit nasira. Naghanap ako ng puwedeng gumawa at nagprisinta naman siya. Napakabait talaga ng batang ito. Salamat ulit, Nero, ha?”

Muling nilingon ni Nero ang direksyon ko ngunit si auntie naman ang tiningnan niya.

“Wala pong anuman,” seryosong sagot nito saka nagbawi ng tingin at ibinalik sa kung ano mang inaayos sa toolbox niya. “Sandali na lang po at matatapos na rin.”

“Manang Shirlie, pabili ako ng patis!” sigaw mula sa labas ng tindahan.

“Sandali lang at palabas na!” sagot ni auntie. “Isha, ikaw na muna ang bahala kay Nero.”

Hindi niya na ako hinintay pang sumagot at lumabas na ng bahay. Naiwan kami ni Nero sa sala. Hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko. Para bang nilagyan ng pangdikit ang mga paa ko at kahit pa ang mga tuhod at tila nanghihina.

Ibinaba niya ang hawak na toolbox at naglakad palapit sa akin habang malamig na nakatitig sa mga mata ko. Halos mahigit ko ang hininga nang huminto siya sa harapan ko at dalhin ang kamay niya sa aking noo at sinalat ‘yon. Napaigtad ako sa karagdagang init na hatid ng palad niya.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay, marahil ay nagulat sa naging reaksyon ko.

“May lagnat ka?”

Lumunok ako, tila nanuyo ang lalamunan.

“W-Wala.”

“Mainit ang balat mo...” dinala niya ang likod ng palad sa aking leeg. Muli akong napakislot na ikinasimangot niya. “Ano’ng nangyayari sa’yo?”

“W-Wala nga!” ungot ko saka nag iwas ng tingin.

Nilagpasan ko siya at naupo sa silya. Sinundan niya ako ng tingin, salubong pa rin ang mga kilay. Umiling siya saka nagbuntonghininga.

Nagtungo na siya hindi kalaunan sa banyo bitbit ang isang gamit sa pagkukumpuni. Nang makapasok ro’n ay saka ko lang ibinuga ang hangin na kanina ko pa pinipigilan sa dibdib ko.

Bakit naman kasi siya ang gumagawa ng gripo? Trabaho niya rin ba ‘yon? Ang dami naman niyang alam gawin. At saka siya ba ang nagprisinta na gumawa o si auntie? Imposibleng si auntie dahil alam kong mahiyain siya kahit papaano. Baka si Nero nga?

Magkakalahating oras na at hindi pa rin natatapos si Nero doon. Sinabi ko kanina na naiihi ako dahilan ng pagpunta ko sa banyo pero dahil nakita ko si Nero doon ay naudlot ito. Pero sa mga oras na ito, parang hindi ko na kayang pigilan.

“Bakit ba lagi na lang ako naiihi at saktong narito pa si Nero?” ungot ko at tumayo na mula sa silya para pumunta sa banyo. “Nero? Matatapos ka na ba?”

“Malapit na.”

Sumilip ako. Nakaupo siya sa harap ng gripo at may iniikot doon. Bahagya akong pumasok para silipin ang ginagawa niya. Gano’n na lang ang pag irit ko nang biglang sumirit ang tubig mula sa gripo dahilan para mabasa ako!

Sandali lang ‘yon dahil kaagad rin napatay ni Nero. Inihilamos ko ang mga kamay sa basang mukha at sinulyapan siya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinarap ako. Bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. Basang basa rin siya at ang suot na puting t-shirt ay humahakab roon. Muling kumalat ang init sa pisngi ko sa kabila ng malamig na tubig. Nag iwas ako ng tingin.

Sinalat ulit ni Nero ang balat. Sa mga sandaling ito, pisngi ko ang dinama niya dahilan para mapakislot na naman ako.

Tumaas ang gilid ng labi niya nang mapansin ang reaksyon ko.

“Why do you keep on jolting whenever I touch you, hmm?” tanong niya sa napapaos na boses.

Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig kung gaano kaganda ang boses niya nang sabihin niya ‘yon. Parang nang aakit.

“Hindi, ah!” ungot ko.

Matunog siyang ngumisi bago walang salitang hinawakan ang kamay ko na ikinadilat ng mga mata ko!

“Malamig ang kamay mo...” sabi niya. “Wala ka ngang lagnat.”

“Wala nga kasi!”

“Pisngi mo lang ang mainit.” dagdag pa niya.

Hindi ako nakasagot lalo na nang mahimigan ko ang pang aasar sa boses niya. Nag iwas ako ng tingin at itinuon na lang ito sa basang sahig.

“Anong nararamdaman mo, Isha?” marahang tanong niya na ikinaangat ng tingin ko sa kaniya. “Bukod sa nahihiya ka sa akin, ano pa ang nararamdaman mo?”

Humakbang siya palapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa dumikit amg likod ko sa pader.

Mas lalong dumilim ang mga mata niya matapos siya matitigan ng malapitan. Itinuon niya ang kamay sa pader at tila ba ikinukulong ako. Pakiramdam ko ay inalisan na ako ng karapatan huminga sa mga sandaling ito.

“What else, baby? Hmm?”

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 113K 39
ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he can move mountains for the one and only...
12.8K 68 5
A quick guide on how to join in my private space to read advance chapters and exclusive stories for an affordable membership fee.
4.3M 110K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
7.2M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...