Her Hidden Ability

By typicaldemure

2.6K 290 20

Grace Tanya Valencia used to be a typical high school student. Not genius, not sporty, not a head turner, but... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Raya
Chapter 2: Illusions
Chapter 3: Before The Accident
Chapter 4: The Start
Chapter 5: Who Are They?
Chapter 6: Revenge
Chapter 7: Not Just Her
Chapter 8: Selected List
Chapter 9: Faked
Chapter 10: Prime's Secret
Chapter 11: Against The Prime
Chapter 12: Shadow Eater
Chapter 13: Prime Selection
Chapter 14: Chaos Class
Chapter 15: Punishment and Reason
Chapter 16: Ability Coin
Chapter 17: Another Obstacle
Chapter 18: Regular Students
Chapter 20: Premier Organization
Chapter 21: Vision

Chapter 19: Consiquence and Confrontation

71 12 2
By typicaldemure

(TW⚠️:This chapter doesn't intend to make fun of, disrespect, or mock people's occupation and physical appearance; I also don't intend to stereotyping. Wala akong tinatarget na tao dito, ha? Don't imagine things harshly. Thank you.)
____________________________________
N

aiwan kami nila Zesha, Freya, Winter, Summer, Ako, at yung dalawang bruha.

Pare-parehas kaming nakatungo nang isa-isang dumating ang mga magulang nila Freya, Zesha at Althea, habang ang magulang naman ni Janice ay hinihintay pa .

Hindi naman ito ang unang beses na na-guidance ako pero first time kong ma-guidance ngayong highschool ako. Sabi ko mababago na ako, eh!

"As of now, one parent nalang ang kulang. Ms. Peñaflor, please call your parent or guardian, and ask them if makakadating pa ba sila. We can't let the other parents to wait for too long." Buntong hiningang sabi ng head guidance councilor.

Nasa kanang bahagi kami ng office, kasama ko sila Zesha, Freya at pati na rin yung kambal. Parehas na mommy ang dumating para kila Zesha at Freya habang kami ng kambal ay walang pinatawag na parent. Si sir Nics mismo ang tatayong guardian namin.

Sa kaliwang banda ng office ay sila Janice at Althea, Mommy ni Althea ang katabi niya habang si Janice ay wala pa.

"May tinapos lang po sa duty si Daddy, papunta na po siya." Magalang na sabi ni Janice at nilingon ang banda namin.

Tinaasan niya ako ng kilay. Kinalma ko ang sarili ko.

Huwag papatol sa tukso dahil baka makalmot ko ng wala sa oras ang babaeng ito. Dahil sa kanya nandito kami lahat ngayon!

Imbes na patulan ang ginawa niya ay diretso ko lang siyang tinignan at hindi binigyan ng reaksyon.

Nababasa ko sa isip niya ang kayabangan dahil sa katotohanang pulis ang papa niya.

Tsk!

Hindi nagtagal ay dumating ang daddy ni Janice. Nakasuot ito ng uniporme nitong pang-pulis. Malaki ang katawan ng daddy niya at may kalakihan din ang tiyan.

"Mr. Peñaflor, finally you're here." Tumayo ang guidance councilor at nakipagkamay pa sa papa ni Janice.

Hindi naman niya ginawa yon sa parents nila Zesha.

Nandito rin ang mga adviser namin. Si sir Nics, yung bagong teacher na si sir Trace at si Mrs. Domingo na adviser rin ni Althea.

"We're all gathered here because of the trouble that your children made." Panimula ng counselor.

"I know my daughter is well-behaved. Hindi niya magagawang makisali sa pakikipag-away." Seryosong sabi ng daddy ni Janice.

Wala pa nga eh... Todo tanggi agad.

"Kung well-behave po ang anak niyo edi sana wala kaming lahat rito." Masungit na sabat ni Summer.

Agad ko siyang siniko at pinanlakihan ng mata.

"Bakit? Siya naman nag-umpisa diba?" Bulong niya.

Nang nilingon ko ang banda nila Janice ay masama na ang tingin ng mga ito kay Summer.

"We're here to fix this mess Ms. Piedad." Istriktong sabi ng guidance councilor kaya napatahimik si Summer.

"We want to know how did you all end up beating each other?" Tanong ng head guidance.

"Summer started it!" Singhal na sagot ni Althea habang hawak ang namumulang pisngi niya. Iyong sinampal ni Summer.

"Pero kayo ang nauna! Tinapunan ako ng juice ng bruhang Janice na yan!" Sikmat ni Zesha.

"I-It was an accident! Nakaharang ka kase sa dadaanan ko!" Pagtatanggol naman nito sa sarili nito.

"Accident?! Nasa upuan palang ako tapos tinapunan mo'ko ng juice! Duling ka ba kaya di mo alam kung saan ka dadaan?!" Singhal ni Zesha.

Mukhang walang mahanap na dahilan si Janice at nakita kong sinamaan niya lang kami ng tingin.

"I-kwento niyo ang buong pangyayari. Yon ang gusto naming malaman, hindi ang pagsasagutan niyo." Nai-stress na sabi ng guidance councilor.

Walang nagsalita ni isa sa amin kaya bumaling ang councilor sa isa pang kasamahan niya.

"Take the CCTV footage," bulong niya rito pero rinig naman namin.

"Is that even necessary?" Alma bigla ng magulang ni Janice.

Lahat kami napalingon sa kanya.

"I mean, kahit kunin pa ang CCTV footage ay maririnig ba ang usapan nila?" Dagdag nito.

" I think it's not about the conversation but it's more on the action that has been done Mr. Peñaflor," singit ni Sir Trace.

Nakita ko agad ang pagtaas ng kilay ng ama ni Janice.

Sumang-ayonang head ng guidance habang tumikhim naman ang daddy ni Janice. Halatang hindi na sila komportable.

Akala ko ay maghihintay kaming dumating ang pinapakuha pero isa isa kaming tinawag at pinakwento sa amin ang nangyari.

Sinabi ko lahat mula umpisa hanggang dulo. Pati yung pagsugod ni Summer. Ipit siya rito dahil siya ang naunang namisikal sa parte namin.

"Do you have any idea kung bakit ganon ang pakikitungo nila sa inyo?" Tanong ng isang staff.

"Hindi ko po alam kung ano ang eksaktong dahilan pero nag-umpisa po nung magkasagutan kami.."

Ni hindi ko pa mabanggit na sa harap ng deans office nangyari yon.

Sumunod naman na na-interview ay si Winter. Halatang wala siyang ibang sinabi bukod sa pagsali niya para protektahan ang kapatid niya. Wala na siyang sinabing ibang rason, which is good. Para ma-lessen ang punishment niya.

Nang matapos kaming ma-interview lahat ay sandaling nag-usap ang iba sa mga staff ng guidance. Dumating din ang CCTV footage na siyang pinagbasehan nila ng kwento namin.

May ilan ring estudyante ang nasangkot nang makita ang record ng CCTV. Hindi ko kilala ang iba sa kanila dahil halatang galing sila ng ibang section.

Kabilang si Paul sa natawag. Tinignan ko siya buong oras at sinamaan ng tingin.

Ang lakas ng loob niyang iwan lang kami!

Kinausap nila Sir Nics at ni Sir Trace ang mga bagong pinatawag pero hindi namin alam kung anong pinag-usapan nila.

Nang matapos ay pinaalis nila ang iba at humarap sa amin ang dalawang guro.

"We, Sir Trace and me, were physically present at the cafeteria but we didn't have a chance to act instantly, so we are partly guilty with the commotion that happened just literally behind us." Unang litanya ni Sir Nics.

"We didn't witnessed it all but the other students that is also at the cafeteria that time said that it all started when Ms. Peñaflor 'accidentally' or 'intentionally' poured her drink on Ms. Vargaz." Buntong hiningang sabi ni Sir Trace.

"So, sinasabi mo na anak ko ang may kasalanan ng buong gulo?!" Nabigla kaming lahat dahil sa galit na tanong ng papa ni Janice.

Duh! Kasalanan niya naman po talaga!

"Malinaw niyo naman pong napanuod sa CCTV ang nangyari, Mr. Peñaflor. According to other students, your daughter insulted her victims and attempted to initiate a physical fight. Those can fall under bullying. I hope that all of us are aware of that." Paliwanag ni Sir Trace.

"Pero nakita niyo rin sa footage na unang sumugod tong estudyanteng to!" Nagulat kami nang muntik niya nang sugurin si Summer na katabi ko kung hindi lang siya napigilan ng anak niya.

Agad naman kaming humarang sa harap ni Summer.

"That was a disrespectful act, Mr. Peñaflor!" Galit na alma ni Sir Nics.

Nang lingunin ko naman ang kakambal nito ay nakakuyom ns ang kamao ni Winter habang si Summer naman ay mababakasan ng takot sa biglaang asta ng papa ni Janice. Pero kalaunan ay sinamaan niya iyon ng tingin.

Narinig namin ang tikhim ng head guidance."Mr. Peñaflor, please calm down! Bawal mong saktan ang kahit na sinong estudyante na nandito!"

Bahagya naman siyang kumalma pero masama ang tingin niya.

"Lahat ng estudyante rito ay makakatangap ng first offense warning. Sa susunod na maulit to ay makakatanggap na kayo ng suspension or worst, diretsong expelled na kayo. I hope everyone here would agree because each statements from the students are also being considered. Lahat kayo ay may kontribyusyon at may responsibilidad sa nangyaring eskandalo sa cafeteria." Buntong hininga ng guidance head. " For the mean time, all of the students except from the four people, Althea, Janice, Zesha, and Freya, who had the physical fight, would face a 1 week punishment of detention."

"Hindi ako sang-ayon. Anak ko ang nabiktima rito pero kasali siya sa mawa-warning-an? That's unfair!" Alma ng magulang ni Zesha.

"Hindi rin kasali ang anak ko rito. Pinagtanggol niya lang ang kaibigan niya. She didn't do any violent action againts these students pero may mga kalmot at galos siya! Tapos ngayon sasabihin niyong consider?! Bakit hindi niyo bigyan ng parusa ang mga estudyanteng nag-umpisa ng gulo?!" Alma rin ng parent ni Freya.

" What about these three students here?! That's unfair!" Bigla kaming tinuro ng magulang ni Althea.

" We understand your concerns, parents. We know that it would be unfair to your sides, so we had decided to give Ms. Janice and Ms. Althea to have their one week community service instead of detention just to be fair for all the people who was involve. And as for the three Prime class students, Sir Nics will be handling them with the right punishment."

" Community Service?! Bakit niyo pag---"

" Mr. Peñaflor, kung ayaw niyong mag-community service ang anak niyo, better transfer her to another school who would favor her wants. I suggest gawan niyo nalang siya ng sarili niyang school para batas niya ang masunod." Pigil ni Sir Trace sa muling reklamo ng papa ni Janice.

"What?!"

"As their classroom adviser, I don't like nor would tolerate students who only do things as they please specially when they can cause any types of harm to the people around them. Mga dalaga't binata na sila, they should already know how to act and think as to their age." Sabi niya.

Hindi makapaniwalang tumayo ang papa ni Janice.

"Let's end it here. Hindi ko nagugustuhan ang takbo ng usapan!" Banggit niya bago siya dire-diretsong naglakad patungo sa pintuan.

Agad naman na sumunod si Janice sa papa niya. Ganon na rin sila Althea at ng magulang niya.

Lahat nalang kami ay natahimik matapos non.

"I sincerely apologize, for what happened, parents and students. This kind of outcome wasn't the plan."

Ngayon ay papaalis na kami ng office ng guidance.

"People can be unpredictable sometimes. Depende rin kasi sa ugali na ipapakita ng tao ang magiging outcome. We can't predict or control things from happening." Singit ni Sir Nics na nasa unahan namin at nilingon pa ako.

"That's true. I'll just inform them that the decision will push thru." Sagot ng guidance head. "Thank you for your kind cooperation and please sana di na maulit to." Matapos niyang sabihin yon ay nagpaalam na siya dahil may aasikasuhin pa raw itong ibang mga estudyante.

"Thank you for coming here in a short notice Mrs. Vargaz and Mrs. Vergara. I sincerely apologize for not being able to avoid your children to this kind of trouble." Nagpapaumanhing sabi ni Sir Trace na nasa harapan din namin. Kausap niya ngayon ang parents nila Zesha.

Kahit seryoso ang mukha at malamig ang boses nito, alam mong sensiro siya sa sinasabi niya.

" Hindi mo kasalan yon, Sir. It is done by the students. Siguro dahil rito sa nangyari ay matuto na sila at hindi na sumali pa sa gulo." Sagot ng mommy ni Zesha.

Nag-usap usap pa sila hanggang sa makarating kami sa Prime building at hanggang sa humiwalay sila.

Hindi ko man lang nakausap sila Zesha para magpaalam.

"Mauna na kayo sa loob. I will talk with you Miss Valencia." Striktong sabi ni Sir at pumunta sa office.

Nakagat ko nalang ang labi ko bago ako sumunod kay sir Nics.

"Are you okay?"

Yan ang una niyang tanong kaya onti-onti naman akong tumango. Pumunta siya sa isang drawer at may iniabot sa akin na booklet. Napansin kong ganito yung binigay ni Kreed sa akin kanina bago mag lunch break.

"Read every rules there Raya dahil ayaw ko nang madawit kayo sa anumang gulo. This is the third time na nangyari ang ganitong bagay pero I'm telling you, hindi ganitong detention lang ang kinalabasan ng mga nauna. I hope you would understand every words you would read in that booklet."

Tumango ako bilang tugon bago ko binuklat ang booklet na hawak ko.

Maraming nakasulat pero tumutok ang mata ko sa isang number.

20th rule- distance yourself from past acquaintance.

Yon ang nakalagay kaya kumunot ang noo ko.

"Lahat ng rules na nariyan ay matagal ng ginawa at binase sa experience ng mga estudyante. Lahat ng mga estudyanteng nasa Prime Class ay required na sundin."

"Past acquaintance? Ano pong ibig sabihin nito?" Kunot na kunot ang noo ko.

" Mga dati mong kaibigan, kaklase, o nobyo bago ka mapunta sa Prime Class."

" Bakit ko naman po sila lalayuan?"

" Nakita mo naman kung ano ang nangyari kanina diba? Jealousy, hatred and wrath are the most reason of that."

" Hindi naman po galit sa akin sina Zesha." Tutol ko.

" Hindi mo sigurado. I'm telling you this now. It's either this will make you or break you... Or worst, this would break the whole class."

" Hindi po yon mangyayari---"

" Yon ang dapat mong gawin, Raya. Simula palang ng pagpasok mo sa Prime Class ay naglilihim ka na sa kanila. Sa mga sasabihin mong bagay kailangan mong magsinungaling at lokohin sila. Hindi maiiwasan yon, Raya kaya sana maintindihan mo." Putol niya sa sinasabi ko.

Tumitig ako sa mga mata niya. Alam kong may katotohanan sa sinasabi niya.

" Did you know that I instructed Summer to destroy your relationships with the other students?" Biglang banggit niya dahilan para kumunot ang noo ko.

" Ano pong ibig niyong sabihin?"

" Sinabihan ko si Summer na mas mabuting gumawa siya ng dahilan para mga mismong kaibigan mo na ang lumayo sayo. Kahit tutol siya ay wala siyang nagawa kundi sundin ako dahil gusto ka rin niyang protektahan."

" Bakit kailangang kayo ang gumawa non?" Inis na tanong ko.

" Alam kong wala kang balak na putulin ang koneksyon mo sa kanila, Raya. Alam kong iniisip mo ang nararamdaman nila pero naisip mo din ba kung anong mangyayari sa kanila kung lalo mo silang kinapitan? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman nila kapag kasama mo sila habang parte ka ng Prime? Hindi ba nila maiisip na makaramdam ng inggit?" Bumuntong hininga si Sir Nics at seryoso akong tinignan.

"Hindi naman po sila ganon---"

"Hindi pa sa ngayon. Ilang buwan na ba kayong magkakasama para malaman mo agad kung ano ang pakay nila?"

Natigilan ako sa tanong niya.

Mahalaga ba ang mga oras, araw o buwan ng pinagsamahan para malaman mong pwede mong pagkatiwalaan o makilala ng buo ang isang tao?

"Alam kong may kakayahan rin ang ability mo na makita kung ano ang emosyon na nilalabas nila. Sa ngayon siguro ay wala kang nakikitang masama sa nararamdaman nila pero siguradong sa pagtagal may mabubuo."

" Pero, Sir Nics... Kung nilayuan ko ba sila hindi sila makakaramdam ng galit sa akin?" Pagpapaintindi ko pa rin.

" Hindi maiiwasan yan pero mas mabuti nang magalit sila sayo habang putol na ang koneksyon niyo kesa maging malapit pa rin sila sayo habang may hindi sila magandang nararamdaman para sayo. Maproprotektahan mo sila, maproprotektahan mo ang sarili at ganoon na rin ang buong Prime Class."

Napaisip ako sa sinabi niya.

" Kailangan mong pag-isipan yon, Raya. I might sound selfish but this is our reality, there would always be a gap between the people with the special ability and with a normal people. Hindi natin sila katulad at wala sila sa lebel natin."

Wala na akong nasabi pa kundi nagpaalam nalang na mauuna na.

"I hope you will choose to protect everyone, Raya. Connection to people we want in our lives is important, I know that, pero we have a limit. No crossing boundaries." Makahulugang sabi niya bago ko maisara ang pintuan.

"Kung naulit pa ang nangyari sa cafeteria, hindi ko na kayo mapagtatakpan pa." Masungit na bungad ni Kreed nang makapasok ako sa living room ng Prime Building. Prente siyang nakaupo sa single sofa.

Napatigil ako sa pintuan dahil diretso siyang nakatingin sa akin. Bukod sa aming dalawa ay naruon ring nakaupo sila Winter at Summer sa kabilang sofa.

Napalingon sa akin ang kambal nang maglakad ako papalapit. Si Summer ay agad na yumakap sa akin at chineck pa ako.

Halos hindi ko siya pinansin dahil sa pinagawa ni sir Nics sa kanya. Nagsisisi rin ako dahil hindi naging maganda ang trato ko kay Summer nang malaman ko ang ginawa niya sa mga kaibigan ko. Ni hindi ko man lang inintindi o inisip kung bakit niya ginawa yon kung sa katunayan ay siya ang pinakamabait sa akin.

"Napagalitan ka ba? Anong sinabi sayo, Raya? Hindi ka naman nila papaalisin sa Prime diba? Sorry! Kung hindi ko lang sana sila pinatulan edi sana hindi tayo umabot s---"

Tinugunan ko ang yakap niya at hinaplos ang buhok niya.

"Okay lang ako. Walang sinabi si Sir na iba kundi pinayuhan lang ako. Hindi ako papaalisin. Wala kang kasalanan dahil ako lahat ang dahilan ng mga nangyari...okay? Kaya wag mong sisihin ang sarili mo." Sagot ko sa lahat ng sinabi niya.

Narinig kong banggitin niya pa ang pangalan ko bago umiyak ng sobra.

Si Winter ay napakamot nalang sa ulo niya habang si Kreed ay takip tengang umalis at umakyat na.

"Sorry kung kailangang madamay ka pa...sa susunod hindi na mangyayari to." Pag-aalo ko.

Naiintidihan ko na. Kung ang paglayo kila Zesha at Freya ang paraan para maprotektahan ko lahat ng mga kasama ko...sige. Ako na muna ang lalayo.

Continue Reading

You'll Also Like

82K 3.1K 37
*COMPLETED* ⚠️ UNEDITED SO EXPECT THE UNEXPECTED ⚠️ Queen Jasmine Alexandra Ella Hertzian Enchant and King Marishan josviel jose Enchant have a child...
34K 2.1K 79
Just read the book to know. This book is inspired by the book Enigmatic queen by @SuccessSmile. I have made a lot of changes in the story as then I...
Switched Souls By cmbewithyou

Historical Fiction

9.5K 619 49
Isang babaeng palaaway na maraming nakakabanggang naglalakihang gang na isang araw ay nagising nalang sya na nasa ibang katauhan. Ang mas malala pa...
386 86 44
Gangsters in the middle of an apocalypse?? What do you think will happen, kung sa apocalypse hindi lang zombies ang makakalaban nang ating mga bida...