Trigger Warning: Mention of rape and harassment
Kabanata 9
Harap
Hindi ko alam kung paano ako makauuwi nang mabilisan. Kung pwede ko lang buhatin ang van mula Pangasinan pabalik ng Pampanga ay nagawa ko na.
When I showed up in front of my team, I was trying to hold back my tears. Muntik nang pumiyok ang boses ko habang nagtatanong kung nasaan si Sir Karl. Nang itinuro sa 'kin ng isang adviser ay dali-dali ko siyang pinuntahan at sinabing kailangan ko nang umuwi.
"Ay, oo. Pauwi na tayo. Hinihintay nalang natin 'yung van."
"Gaano po kaya... katagal?" I asked slowly as I tried to refrain my voice from cracking. Punong-puno na ng emosyon ang dibdib ko. Kaonting tulak nalang—at kaonting pagtatagal pa rito—ay sasabog na ako.
Bahagyang naningkit ang mata niya. "Bakit? Hinihintay ka ng boyfriend mo?" pagbibiro niya.
I tried to smile a little.
"Si Papa po kasi..." I don't know how I should break the news, and if I should break the truth to them.
Pero tatlong taon na naming itinatago.
Bakit ngayon ko sasabihin?
"Emergency," pagtutuloy ko, hirap na hirap.
"Ilang oras pa kasi ang biyahe natin, hija. Pero maluwag naman ang daan dahil gabing-gabi na. Sa highway naman tayo."
I tried to calm myself down, but all that ever filled my senses was my mother.
Nasa Pampanga na si Mama, o kung nawala ba talaga siya sa Pampanga, hindi ko sigurado. Pero kasama na nina Papa't Rayleigh si Mama—ang bangkay niya.
Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang hikbi. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang van. Nang tinanong ako ng mga kagrupo ko kung bakit, ang sagot ko: emergency.
Totoo namang emergency. At least, sa bagay na 'yon, hindi ako nagsinungaling.
But did it change anything, Tamara? Did it redeem you from your lies?
Hindi ko nasagot ang tanong ko.
Punong-puno ng kaba at takot ang dibdib ko habang hinihintay ang van. Nang makarating na ay mabilis akong tumulong sa paglalagay ng gamit sa loob. Napansin nila ang pagmamadali ko kaya binilisan na rin nila ang galaw. Bahagya akong nahiya dahil do'n.
But I didn't speak that it was okay if we'd slow down a little. Magsisinungaling ako kung iyon ang sasabihin ko.
Mabilis akong nagpaalam sa mga kagrupong taga-ibang rehiyon bago sumakay sa van. Dalawa lang kaming taga-Pampanga sa grupo kaya si Pia, English scriptwriter, lang ang kasabay ko pauwi.
Nang tinanong kung saan ako bababa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I don't want to let them know that I was heading to a medical clinic because that's where my father wanted me to be. But today wasn't the time for that. I don't want to stall my time anymore. Gusto ko na silang puntahan.
Kaya ibinaba nila ako sa medical clinic.
I got a question on why, but my answer was: hindi ko po alam.
Hindi ko talaga alam dahil hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko ro'n. I was sure that my mother was gone. Iyon ang sinabi ni Papa, pero ayokong pangunahan siya—kahit na nilulubog ko ang sarili sa kaginhawaan—dahil umaasa pa rin ako kahit kaonti.
I went straight to the place they told me to go to, and I did it as fast as I could because I wanted to cry with them. I wanted to hear from them that the officials were wrong and that my mother was alive.
But it was impossible.
Naabutan ko sina Rayleigh at Papa na umiiyak habang nakaupo. May nakapalibot sa kanila na opisyal.
May nabasag sa 'kin. Hindi lang dahil umiiyak sila, kun'di sa kadahilanang hindi ako makaiiyak.
Panganay ako. Kailangan kong tumayo bilang pundasyon.
Humugot ako ng hininga, nanginginig na nga kung hindi ko nakalma ang sarili ko. Pinalis ko rin ang mga nagbabadyang luha at pinabanayad ang paghinga. Naghintay ako ng ilang segundo para masigurado na hindi ako pipiyok.
Hindi ako pipiyok. Hindi mababasag ang boses ko.
Dahan-dahan akong lumapit, Napalingon sila sa 'kin, ang tunog ng paghakbang ko ay umalingawngaw sa nakaririnding katahimikan.
Pero hindi ako napansin nina Papa. Masyado silang abala sa pag-iyak.
You need to be strong, Tamara. For your family. This is what your mother would do.
Tumigil ako sa harapan ng mga opisyal. May ilan pang naka-unipormeng tao na tingin ko'y galing sa istasyon ni Mama.
"Ano pong nangyari?"
Hirap na hirap akong napalunok.
Lumapit sa 'kin ang isang lalake na may badge sa bewang. "Detective Felix. Ikaw ba si Thomasina Ortegon?"
"Opo."
He nodded. He was in his sixties. Tall, a few white strands on his thinning hair, and had a gentle look on his face. Naalala ko ang lolo ko.
"Nanay mo si Isabelle Cano, 'yung reporter."
"Opo, iyon ang ginagamit na pangalan ni Mama kapag nag-re-report, pero kasal po sila ni Papa." I don't know why I had to explain that, or if there was a need to explain that. Maybe I just wanted to stall time so I could process this?
"Sige. Sa 'yo ko ba sasabihin ang nangyari, hija? O hihintayin nating mahimasmasan ang tatay mo at siya ang kauusapin ko?" When he glanced at my father, there was a bit of stress on his face. Baka kanina pa niya hinihintay na mahimasmasan si Papa.
From the looks of it, and from the times my father spent in wallowing in his grief, I was sure that he couldn't take this properly. Emosyonal si Papa sa mga nagdaang buwan, mabuti nalang at nakapagsalita pa siya sa tawag kanina.
"Opo, ako nalang po." Kasi panganay ako.
Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan ko.
Sila muna. Mamaya na si Tamara.
"Gusto mo bang umupo, hija? Iwan mo muna ang gamit mo r'yan. Ipababantay ko kina Roland." Kinuha ng isang pulis ang bitbit ko at inilagay sa upuang malapit kina Papa. Nang matapos ay nagpunta kami sa 'di kalayuang upuan.
He sighed when he sat down. May hawak-hawak siyang brown folder.
"Ilang beses na akong humahawak ng ganitong kaso, pero 'di pa rin ako masanay-sanay sa mga tao na... alam mo na. 'Yong pag-iyak nila 'pag unang beses na narinig ang pagkawala ng mahal nila sa buhay." Nilingon niya 'ko. "Ilang taon ka na ba, hija?"
"Seventeen po."
"Panganay?"
"Opo."
Tumango siya at nagpakawala ng maliit na ngiti. "Ang lakas mo, hija."
Three words, but I knew he meant more than that.
Binuklat niya ang folder na naglalaman ng litrato at papel.
"Kaninang umaga, may nag-tip sa 'min na nakita raw ang bangkay ni Isabelle Cano sa isang warehouse. Hindi namin alam kung sino ang may alam tungkol sa balitang 'yon. Sa usapan kasi namin ng istasyon ng Mama mo, hindi namin isasapubliko ang pagkawala niya kaya laking gulat namin nang may nakaalam nito. Kaya nag-baka sakali kami na totoo 'yon dahil may nabanggit siyang importanteng detalye. S'yempre, necessary protocols muna bago makapag-setup at makapag-imbestiga sa lugar na 'yon."
Inilipat niya ang pahina na nagpakikita ng litrato ng warehouse. "Sa isang warehouse sa may Arayat ang sinasabi ng caller. Kaya nagpunta kami. Nahirapan nga lang maghanap dahil malawak 'yon at walang sinabi kung saan sa warehouse. May ibang gamit pa kasing nakatambak sa labas, ilang shipping container kaya natagalan maghanap."
Unti-unting bumigat ang dibdib ko. Umaasim na ang panlasa ko ngunit pinipigilan ko ang pag-iyak.
"Halos maghapon 'yon kaya kailan lang namin na-recover ang bangkay. Tinawagan namin ang Papa mo para papuntahin at ikumpirma kung siya ba ang nawawala niyang asawa. Nang makita niya ang bangkay, hindi agad naka-imik ang Papa mo, hija. Hirap na hirap siyang magsalita at naunahan na ng pag-iyak. Bloated ang bangkay nang makita namin at wala ring suot pang-ibaba."
Humugot ako ng malalim na hininga.
'Wag 'kang iiyak, Tana. Hindi mo lubos na maiintindihan ang sasabihin niya.
Panganay ka. Kailangan mong umintindi.
Hirap na hirap akong napalunok. "Ano po ang... rason ng pagkamatay?" I spoke slow and steady, afraid that my voice could break.
Kapag dahan-dahan nga naman magsasalita, makapagninilay pa kahit ilang segundo. Mapipili ang mga bagay na sasabihin bago iparinig sa daigdig ang nararamdaman.
"May due process pa para malaman kung ano ang rason ng pagkamatay ng nanay mo. Ine-examine siya ngayon, pero ang initial findings ng medical examiner, dalawang araw nang patay ang biktima."
Humugot ako ng malalim na hininga at ipinagdaop ang kamay. Pagod ako sa biyahe kanina ngunit mas napapagod ako dala ng naririnig.
"Gusto mo bang makita ang litrato, hija?"
Do I want to? Kaya ko ba?
"S-Si Mama naman po 'yon, 'di po ba..." Nanghihina na ang boses ko.
"Oo. Kinumpirma ng Papa mo."
Gusto kong lumunok ngunit bukod sa pagkahirap, tuyo ang lalamunan ko. "P-Pwede po kayang... makahingi ng tubig..." halos bulong na ang dulo ng salita ko.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Detective Felix, sunod ay ang pagkawala sa tabi ko. Tahimik lang akong nakatitig sa sahig habang hinihintay ang pagdaan ng oras.
Tatlong taon para lang matapos sa isang araw...
I couldn't process what I heard.
Suminghap ako at tinakpan ang bibig. Mariin kong ipinikit ang mata at ibinaon ang hikbi sa panandaliang pagpigil ng hininga. Bahagya pang nanginig ang labi ko. Humahapdi ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil na ginagawa.
Ang bigat-bigat na ng dibdib ko. Gusto ko nang umuwi at sa kwarto isabog ang nararamdaman ngunit maraming oras pa ang igugugol ko rito.
When I got my water, I drank from it with my shaky hands. Nang matapos, ang uhaw ko ay nasagot na ngunit ang mga katanungan ay hindi. Naghintay pa ulit ako ng ilang oras at ilang araw bago malaman ang tunay na nangyari.
Nang tinanong kami kung sino ang huling kasama ni Mama, sinabi ko si Melani. Pinaghahahanap na siya sa mga sumunod na raw. Siya ang pangunahing suspect.
The past days had been stressful. Halos isang linggo akong hindi pumasok sa school, gano'n din ang kaso ni Rayleigh. Abala kami sa imbestigasyon pati na rin ang pag-aalaga kay Papa.
Hirap na hirap si Papa na maka-move on at naiintindihan ko kung bakit. He was so hopeful, until he wasn't, the next thing he knew—there was nothing to hope for. It broke him a lot that's why he couldn't function properly.
That's why I tried to stand as the family's foundation. Sasaluhin ko rin dapat ang pag-aasikaso kay Papa kaso sabi ni Rayleigh, siya nalang daw. Pero, madalas, ayaw magpa-asikaso ni Papa.
Pagkatapos ng ilang araw, nagpunta si Detective Felix sa bahay para sabihin ang mga detalyeng nakuha at nakumpirma na.
May nakakita raw na pumunta si Mama sa warehouse kasama ang isang babae. Nakumpirmang si Melani 'yon. Noong una, mga lalake raw ang palabas-pasok ng warehouse. Ilang araw na gano'n ang nangyari hanggang si Melani nalang ang lumabas. Wala na raw galaw sa mga nagdaang araw hanggang sa may makakita ng bangkay ni Mama.
Nang tinanong kung ano ang nangyari, sinabi na ilang beses daw pinagsamantalahan at binugbog si Mama bago namatay. Sumuko na rin daw ang katawan niya dala ng dehydration at ilang internal bleeding.
Sa ngayon, si Melani ang pinaka-suspect ng kaso. Hindi nga lang daw ma-track dahil ang mga credentials na ipinakita ay peke. Baka raw ang pangalan ay peke rin.
It was hard to mourn for the death of a beloved person, especially if it was unfair. Hirap na hirap akong tanggapin ang nangyari, lalong-lalo na sina Papa at Rayleigh. Iyak sila nang iyak, si Rayleigh ay nagkulong sa kwarto at hindi maka-usap. Gano'n din si Papa kaya ang nangyari, ako ang nag-asikaso ng burol at libing ni Mama.
The relatives of my parents did try to help me which I accepted. Si Tito Timothy, ang may ari ng archery zone, ay tumulong din. Hindi ko nga lang maiatas sa kanila ang lahat ng gawain dahil gusto kong ako ang mag-aasikaso nito.
While my family was busy to let out their emotions, I was busy keeping mine. Umiiyak lang ako sa gabi—sa oras na walang makakikita at wala akong inaasikaso.
Nirarason ko, kung iiyak ako kung kailan ako nag-aasikaso, sasakit ang ulo ko at mahihilo ako. Mahihirapan akong magawa ang dapat gawin at ang mangyayari, maiaatas ko ang responsibilidad sa iba.
I don't want that. I need this as a training because I know that this was not a one-time responsibility. Panghabambuhay 'to. Ako muna ang tatayong pundasyon hangga't hindi pa kaya ni Papa.
At ikaw?
There was no time to process my emotions. Tsaka nalang, kapag napalagay na ang lahat.
I was relieved that there was no media in front of our house. Alam ko, nang maka-usap ko ang istasyon ni Mama, na hindi nila hahayaang lumabas ang balita tungkol dito. Na hindi nila isasapubliko dahil nakasasama sa imahe nila.
While the rest of our friends and relatives knew about the lies that we fed them, we could care less. Hindi iyon ang problema namin ngayon.
Ano ngayon kung puro kasinungalingan ang sinasabi namin sa kanila? Na hindi talaga siya abala sa ibang documentary at research—na nawawala talaga siya? Pero ang sinasabi naman namin ay may katotohanan.
Nawawala si Mama dahil sa research na isinasagawa niya. Nagkataon lang na... napalala.
I sucked a deep breath and let out a smile, teary-eyed when I saw the certificate I got from my last NSPC.
I couldn't help feeling silly.
My award as an offering to the gods to safely guide my mother's return? Ridiculous.
Ang tanga-tanga ko para mag-isip ng gano'n.
Alam ko namang hindi gano'n ang proseso no'n ngunit nag-baka sakali pa rin ako. Nakatatawa lang na sa pagka-desperada ko at sa pagkawala ng pag-asa, gano'n ang mga ginagawa ko.
As I stared at our family picture and saw how broken we had become, I knew I couldn't take it anymore.
That's why I broke down without any sound.
Because if there was silence, there was void. And if there was a void, then it wasn't there.