MISSING HEART [Book2of BH] ON...

By ayuzawa_misaki18BW

25.5K 955 178

[BOOK TWO OF BLACK HEART] The story of Inoue Kagawa-Saga, the wife of a famous BLACK HEART,Saito Saga. Her l... More

Prologue
MH-1 "Three Hearts that Missing"
MH-2 "She missed him"
MH-3 "That Night"
MH-4 "The Painful Truth"
MH-5 "Dinner Date"
MH-6 "The HorseBack Rider"
MH-7 "Illusion"
MH-8 "Tambushi Family"
MH-9 "The VIP"
MH- AUTHOR'S NOTE
MH-10
MH-C11
MH-13
MH-14
MH- 15
MH-16
MH-17 "The Widow"
MH-C18
MH-19
MH- 20
MH-21
MH-22
MH-C23
MH 24
MH-25
MH 26

MH-12 "His Hand

898 32 2
By ayuzawa_misaki18BW


[Inoue's POV]

I took a deep breath bago ko muli subukan hawakan ang door knob. Muli ay natigilan ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba makita ang mga tao sa mansion, ang pamilya ko. Paano nila nagawa ito sa akin? Paano nila nagawa ilihim sa akin na nakita pala nila si Saito pero hindi man lang nila sinabi? Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko wari nagpipigil ng inis na nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko sana sila makita ngayon pero kailangan ko kunin si Aiko.

Binuksan ko ang pinto.

"Anak" Nakita ko ang mga magulang ko na nasa living room at mukhang hinihintay talaga nila ang pagdating ko.

"Good Evening po, nandito ako para kunin si Aiko" Lumapit ako kay papa na karga karga pa si Aiko. Kinuha ko ito sa kanya.

"Dahan dahan lang anak baka magising ang apo ko" bigla ko kase kinuha si Aiko kay papa.

"Nagagalit ka ba dahil hindi namin sinabi sayo, apo?" karga karga ko na si Aiko at aalis na sana ako nung nagsalita si Lolo. Natigilan ako.

"I'm sorry, anak" malungkot na sambit ni Mommy Lucia, si papa naman ay napa buntong hininga lang. Hindi ko pa kaya na magsalita ngayon lalo na at nagagalit ako sa kanila.

"Hindi iyon si Saito!" Matigas na sabi ni Papa at parang mas lalo uminit ang ulo ko sa nadinig. Huminga muli ako ng malalim para pigilan ang emosyon ko.

"Mauna na po ako" pag paalam ko. Hindi ko na pinakinggan ang pagpigil ni Mama sa pag alis ko.

"E hatid ka na namin, anak" pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto nakita ko si Mama Remika and si Kuya Lee. Napakagat ako sa labi na wari pinipigilan ko ang paglabas ng mga luha ko. Binuksan ni kuya lee ang sasakyan at sumakay na kami. Nakikita ko ang pag aalala ni Mama Remika sa akin, nakahawak lamang siya sa mga kamay ko na wari binibigyan ako ng lakas.

Nakarating na kami sa bahay. Balak pa sana bumaba ni Mama nung pigilan siya ni Kuya Lee. Naramdaman siguro ni kuya Lee na kailangan ko muna mapag isa ngayon, kailangan ko muna pakalmahin ang sarili ko sa inis na nararamdaman.

Inilapag ko na sa kama si Aiko. Nanatili lang ako nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ang mumunting anghel ng buhay ko. Hinaplos ko ang mukha niya. Kamukha kamukha niya talaga ang daddy niya. Nakuha ni Aiko ang singkit nito mga mata at ang matangos nito ilong. Kaya sabihin niyo paano ko makakalimutan si Saito kung araw araw ko siya nakikita kay Aiko.

****

"Ma'am sinabi hindi po pwede kayo pumasok, nasa meeting po si President" Sinamaan ko ng tingin ang mga guard ni Zeo.

"Papasukin niyo ako o matatanggal kayo sa trabaho!?"Pagbabanta ko. Nakunot lamang ang tingin sakin ng mga guard at parang natatawa. Muntik na ako mapahampas ng palad sa noo ko nung maalala ko na hindi pala alam ng mga tao dito na isa ako Tambushi. Argh! Muli ko sinubukan na pasukin ang office ni Zeo ng hawakan nila ang braso ko. Talagang ginagalit nila ako!

"Ma'am Inoue, wag na po makulit" Mas lalo ko sila tinignan ng masama. Naasar na talaga ako kay Zeo, kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kahit magreply sa mga text ko. Kaya lang naman ako nandito dahil meron ako importante bagay na e tatanong sa kanya.

"Ma'am Inoue?" napatingin kami lahat sa secretary ni Zeo na si Liza na gulat na gulat pa nung makita ako. Nakahinga ako ng maluwang nung makita ko siyal. Agad siya lumapit at yumuko na wari nag greet sa akin. Tinignan niya iyong mga guard na wari sinasabi umalis na. Sumunod naman sila.

"Ma'am Inoue, okay lang po kayo?" Pag aalala tanong nito.

"Ayos lang ako, Liza, buti na lang dumating ka, kailangan ko kase makausap si Zeo" aakmain bubuksan ko na ang pinto nung pigilan niya ako.

"Ma'am Inoue pasensya po nasa meeting po si President ngayon" Napanganga ako sa sinabi ni Liza. A-ano ibig sabihin nito? Pati ba naman si Liza pipigilan ako?!!!

"Tumabi ka Liza kung ayaw mo mawalan ng trabaho!" pagbabanta ko. Nakita ko na parang maiiyak na si Liza sa sinabi ko. Kahit kailan talaga napaka sensitive ng bata ito. Palibhasa twenty three years old pa lang.

"Hindi mo ako madaaan sa iyak mo,tumabi ka!" Shete lang! Ayaw tumabi ng bruha!

"M-Ma'am Inoue, p-please h-huwag po m-muna kayo *sniff* *sniff* pumasok, p-patay po ako kay President!" Pagmamakaawa niya. W-wait lang umiiyak na ba talaga siya? Tinignan ko siya ng mabuti, nanlaki ang mga ko ng makita umiiyak nga siya. Hindi ako makapaniwala magtitiwala si Zeo sa isang immature at mahinang secretary?

"Hindi mo ako madadaan sa drama mo, kulang pa ang mga luha mong iyan sa mga luha ko sa loob ng siyam na taon!" parang kung may ano kirot ako naramdaman sa puso ko ng dahil sa mga binitiwan ko salita.

***

"Ma'am Inoue?"

"Inoue na lang" Sabi ko kay Liza.

"Okay, Inoue s-salamat sa Ice cream" ngumiti na lang ako sa kanya. Matapos ang scene kanina wala ako nagawa kundi ang pagbigyan siya na huwag muna ako pumasok sa opisina ni Zeo dahil meron ito meeting. Nag iiyak kase siya dun, nagmukha siya tanga at napansin ko napatingin na sa amin ang ibang employees na dumadaan at parang sinisisi pa nila ako? Oo, inaamin ko ako na ang nagpaiyak sa kanya kaya para mawala ang guilt nilibre ko na lang siya ng ice cream, kainis.

Bumalik na kami sa office kase hinahanap na ni Zeo si Liza, ang secretary niya. Pagkarating namin doon ay wala na ako sinayang na oras. Meron siya mga kasama pero wala ako pakialam. Nilapitan ko kaagad si Zeo at gulat na gulat siya nung makita ako.

"Zeo, kanina pa ako dito at ayaw ko na magsayang ng oras" Nasa harapan na niya ako ngayon habang nakapatong ang dalawa kong kamay sa lamesa niya.

"I-Inoue" Parang sinasabi niya lower my voice. Hinawakan ko ang braso niya.

"Zeo, nakikiusap ako sabihin mo kung nasaan si Saito, saan siya nakatira?"

"mag usap tayo mamaya, umalis ka na"

"mamaya pa? No, hindi ko na matitiis na maghintay hanggang mamaya. Kailangan ko na siya makita. Kailangan ko ng makita ang asawa ko" wala na talaga ako pakialam kahit mapahiya pa ako sa harapan ng dalawa bisita niya ngayon. ANg gusto ko lang ay makita ko siya ulet. Makita ko ulet si Saito.

"patay na ang asawa mo. Please nakikiusap ako, lumabas ka na" tinignan niya si Liza. Lumapit ito sa akin.

"Ma'am Inoue, labas nap o tayo please" hinawakan ako ni Liza pero nagpumiglas ako. Ang lakas talaga ng loob ng secretary ito kahita kailan. Bigla ako natigilan nung maalala secretary pala ito ni Zeo. Hinarap ko si Liza.

"Liza, tell me saan nakatira si Mister Kitamura?" I shake her shoulder.

"Liza, please tell me, please I'm begging you!" Pagmamakaawa ko. Hindi siya sumagot at nakatingin lamang sa likuran ko. Parang gulat na gulat pa siya habang nakatingin sa likuran ko.

"What can I do for you, Miss Inoue?" Ang boses na iyon. Nang madinig ko iyon ay automatic na lumakas ang tibok ng puso ko. Halos hindi ako nakagalaw at binitiwan ko na si Liza. Dahan dahan ko nilingon ang lalaki nagsalita. Nakatingin siya sa akin ngayon habang nakangiti.

"S-Saito?" Hindi na naman ako makapaniwala. Siya ba talaga ito nasa harapan ko ngayon? Binalak ko hawakan muli ang mukha niya nung agad niya hinawakan ang kamay ko na wari pinigilan niya ako sa balak ko gawin. Tumikhim ito.

"I'm Keito, Keito Kitamura"

"K-Keito?" tumango siya.

"H-Hindi Keito ang pangalan mo... ang pangalan mo ay.."

"Saito?" ang pagdugtong nito sa sinabi ko. Mas lalo lumawak ang ngisi niya. Sa mga oras na iyon hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kase nahuhulaan ko na nag susunod niya sasabihin. Na alam ko sa sasabihin niya ay mas lalo ako masasaktan

"Tama na iyan" Lumapit sa amin si Zeo.

"Pasensya na Mister Kitamura sa inaasal ng pinsan ko" Paghingi nito ng paumanhin. Hinawakan ako ni Zeo at balak pa ata niya ako hilahin palabas ng office. Sa mga oras na iyon gusto ko magpasalamat sa kanya. Kase natatakot ako sa sasabihin ni Saito.

Halos mapatalon ang puso ko nung hawakan ni Keito ang kamay ko kaya natigilan si Zeo sa paghila sa akin. Pareho kami nagulat sa ginawa ni Keito. Tinignan niya ako ng seryoso. Tinignan niya rin si Zeo.

"bitiwan mo ang kamay niya" utos nito kay Zeo. Nanlaki ang mga mata ko sa mga oras na iyon lalo na ang klase ng tingin na ibinato niya kay Zeo. Dahil ang tingin nito ay parang nakakamatay. Binitiwan naman ako ni Zeo at para nanginig ang mga tuhod namin sa tingin niya.

Para siyang si..si... Black Heart?

"Pinalampas ko ang una, pero hindi ko na mapapalampas ang pangalawa na kung hilahin mo siya ay parang hindi siya babae!" Nanatili lamang tahimik ang lahat habang nakatingin kay Keito at maging ako. Ako na si Inoue, na isang matapang, muling natiklop ang dila ng dahil sa kanya.

"Mag usap tayo" tumingin siya sa'kin at sabay kami lumabas sa office ni Zeo. Napatingin ako sa mga kamay ko na hanggang ngayon hawak hawak niya pa rin. Tinignan ko siya.

"Wala ka pa rin pagbabago, Saito Saga!" Bulong ko sa sarili habang nakangiti.

Author's Note: Sana nagustuhan niyo ang update J

Continue Reading

You'll Also Like

696K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...