Aeipathy

By hannarie_21

412K 27.8K 11.8K

I looked helplessly, trying to search something aside the hunger-filled lust in the eyes of the rich filthy p... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue
Extras

Chapter 36

9.9K 687 394
By hannarie_21

Eris

"Sulking in the corner is really your cup of tea?"

Mula sa pagkakayuko sa mesa ay napaangat yung tingin ko sa nagsalita. Harrice is already standing infront of the table I am currently in.

"Mine, not yours." I nod my head before leaning my forehead against the table again.

Tahimik na humatak ito ng upuan sa harapan ko. Doon sa mismong inuupuan ni Tris kanina bago ito nagpaalam na aalis sandali dahil natanawan nito si Kaylee na hinahabol yung ex-girlfriend nito na date ng kung sino man na politiko na nandito ngayon sa party.

"What do you need, Harrie?" Walang ganang tanong ko para umalis na ito agad. Wala ako sa mood na makipagtalo ngayon dito.

"Where's Tris?" tinukod nito yung siko sa ibabaw ng mesa at inangat yung mukha ko paharap dito.

Tinatamad na tinanggal ko yung kamay nito sa baba ko. Kasabay ng pag-iwas ng tingin. "Kaylee."

"Oh, the troublemaker bestfriend?"

Hindi ako sumagot. Alam ko naman na alam na ni Harrice iyon kahit hindi ko sabihin.

"Claim your spot, Is. Ano ba yan. Wala kang ka-thrill thrill." nang-iinis na ibinaba din nito yung pisngi sa mesa para magtagpo yung mga tingin namin. "Gayahin mo si Carrie. Di nagpatalo sa bestfriend lang. Fighting!" pinasigla pa nito yung boses na parang chin-cheer ako.

"Tapos gayahin din kita na inagaw yung bestfriend ng girlfriend ng ate mo?"

"Excuse you, patay na patay sakin si Elle. Hindi ko inagaw. Sya yung nagpupumilit no."

"Walang naniniwala."

"Tanungin mo pa si Elle kung gusto mo no! Tse!"

Iminuwestra ko yung kamay ko para itaboy.

"Tsoo! Dun ka na Harrice. Nakaka-attract ka lang ng atensyon dito. I don't want any unnecessary attention. Sikat ka na. Lahat na ng mata nakatutok sayo. Wag mo ko idamay."

"Ayaw mo ng spotlight ko?"

I shake my head. Who wants attention? Obviously, not me. Tanging atensyon lang ni Tris yung gusto ko. Kaso yung lintik na Negra na iyon, natataranta na naman kakarescue sa best friend nyang nababaliw na naman sa ex.

"I have chika, Is. Hot pa."

"Chika?"

Tumango tango pa si Harrice. She's grinning from ear to ear. "I got this chika from Elle."

"What's chika?" lalong kumunot yung noo ko.

That made Harrice giggles. "Tsismis, Is. Ano ba yan, di umabot yung term na yon sa Isla nyo? Boooo."

Umangat lang yung kilay ko. Gusto kong hampasin yung ulo nito para tigilan na ako. Kaso pag naaalala ko yung pagsalba nito sakin noong family dinner namin, di bale na lang.

"Kelan ka pa naging tsismosa, Harrice?"

Defensive na inangat nito yung dalawang kamay nito sa ere. "Nakuha ko nga lang 'to kay Elle. Naisip ko lang na baka interesado ka."

"Alam mo buti na lang maganda yang asawa mo. Kundi ikakaturn off ko talaga na dakila syang tagadala ng tsismis. Tigilan nyo nga yan. Di maganda."

"Maturn-off ka talaga, Is. Akin lang si Elle. Hindi mo sya pwede magustuhan." Mukhang tanga na nagsasalubong pa talaga yung kilay ni Harrice. Akala nya naman aagawin ko yung asawa nya. E pinsan nga ni Mommy yung Mommy non.

"Sayong-sayo na. Hindi naman masarap yang Elle mo. Mas hot pa si Tris ko."

"Oh!" Harrice snaps her finger in mid-air, nanunukso. "Are you just affirming na masarap si Tris?"

"Sabi ko hot! Sinabi ko ba masarap?"

Ngumiwi ito. Nagulat pa nga ako ng tapikin ako nito sa balikat at bahagyang bumulong, "Hindi marunong? Hot lang?"

Awtomatiko yatang umakyat lahat ng dugo ko patungo sa pisngi ko.

Is Harrice just implying that...?

"Sabi nga ni Elle freak yan si Tris. Pag nagkikiss kayo sumusuka din ba sya gaya nung nangyari non nung hinalikan ni Elle si Tris sa leeg nung family dinner natin?" dire-diretsong tanong pa nito na hindi nahihiya.

Ang siste tuloy kahit wala akong kinakain ay literal yata akong nasamid. Tinapik tapik lang ni Harrice yung likod ko.

"Sabi kasi ni Elle ayun daw yung secret ni Tris. Kawawa ka naman, Is. Pumili ka na lang ng iba. Tulungan pa kita."

Anong pumili ng iba? Si Tris lang yung gusto ko. I've fallen in love countless times, always to Tris. Just to Tris. Kung hindi lang din sya ang endgame ko, pack up na lang ako at magkukulong sa Isla.

"Grabe naman kasi yung sumusuka, Is. Ang gross."

Napastraight ako ng upo sa upuan ko. Pansamantalang nakipagbreak muna yung pisngi at noo ko sa mesa.

"Excuse you, Harrie. Hindi ganyan si Tris sakin no. Baka sa asawa mo lang at sa ibang babae. Kadiri daw kasi silang lahat. Sakin lang hindi nandidiri si Tris." I don't know why my voice sounds a little boasting than it should be.

"Oh?" tinitigan ako nito. "Seryoso?"

I unabashedly nod my head. Wala ba syang tiwala sa karisma ko?

"Tanungin mo pa si Tris. Ayaw na nga noon umalis sa tabi ko. Sinasabi ko sayo patay na patay din sakin yon. Nahihiya lang umamin." dagdag pagyayabang ko pa.

Hah! Hindi por que saksakan ng ganda yung asawa nya, ay may karapatan na syang laitin si Tris sa harap ko pa. Saksakan kaya ng karisma at appeal si Tris. Ilang tao ba ang nagawa nitong palingunin sa tuwing dadaan ito kanina? Ilang mga sulyap at titig yung hindi mapagkit sa maganda at kaakit akit niyong mukha? Kulang na nga lang ay maglaway lahat sa ganda ng katawan at haba ng legs ng Negra na iyon.

Taob na taob yang Elle ni Harrice!

"E ganoon naman pala. Bakit iniwan ka nya dito mag-isa at sinundan si Kaylee? Hindi ba dapat ikaw ang priority nya ngayon? Ganyan na ba patay na patay ngayon?"

Hindi ako nakasagot. Tama naman kasi si Harrice sa bagay na yon.

Tinatamad ulit na ibinagsak ko yung mukha ko sa mesa. A part of me wants to hate Tris for putting me in this awkward situation. But there's also another part of me that understands on why she had to do that.

Kawawa naman kasi si Lee kung gagawa iyon ng eksena sa mismong party ng kapatid nya dahil lang iba yung kasama ni Payne ngayon. Mapapahiya ito ng husto.

"Woy, Is." Kinalabit ako ulit ni Harrice. Mukhang wala talaga itong plano na tantanan ako. "Ayaw mo talagang alamin yung chika ko?"

"Anong chika ba kasi yan? Sabihin mo na. Tungkol ba kay Tris yan? May basis yan o pure hearsay lang?"

"Tungkol kay Tris." Nagmamalaking sulsol pa nito. "Sabi ni Elle wag ko daw sasabihin sayo. Pero dahil pinsan kita kaya sasabihin ko pa din. I think you had the rights to know though."

Sa sinabi nito ay nasaling yung kuryusidad ko. Hindi naman ako tsismosang tao. Sa mga gaya kasi namin na laging nasasabihan ng hindi maganda, balewala na lang yung mga tsismis na hindi naman napapatunayan.

Pero kung gaya nga nitong sinasabi ni Harrice na galing mismo kay Elle na nag-iisang legal na naging girlfriend noon ni Tris, baka nga may basehan iyon o katuturan.

"What is it ba?"

Harrice shrugged her shoulders. "Sabi ni Elle si Kaylee daw mismo yung nagset-up kay Tris doon sa exclusive dungeon na pinagbilhan mo kay Tris."

"What!?" napabalikwas ako ng upo pagkarinig niyon.

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Harrice bago nito binasag ulit yung katahimikan sa pagitan namin.

"Plano daw bilhin ni Kaylee si Tris doon kaso masyadong mataas yung bid mo kaya hindi na nahabol. Nagulat yata sa presyo mo."

Lalo akong naguluhan. Sigurado ako na wala doon si Kaylee nung gabing binili ko si Tris. Kahit noong nag-issue ako ng tseke noon kahit hindi ko pa napopondohan, wala akong nakitang Lee. Kaya sobrang labo naman niyon.

"Wala si Lee doon, Harrice. Imposible yan. Sinisiraan mo ba si Kaylee?"

"If I were Lee, tingin mo ba ipapaalam ko na ako yung nagset-up? Syempre hindi. I'll most probably ask someone to do the nutty job for me. Pag nabili na si Tris, I could just ask that someone to drug her so I could just do what I want to do with that woman. Easy peasy."

Napakuyom naman yung mga kamao ko. The idea that Harrice is putting in my head is making my insides churned.

How could she do that to Tris? Napakabait ni Tris sa kanya. Halos lahat na nga ginagawa ng Negra na iyon kahit ikapahamak pa nya tapos ganoon lang ang gagawin nya?

Goodness! Required bang maging obsess at baliw yung mga best friend sa best friend nila? Nakakaloka.

"Nalaman daw ni Payne iyon kaya hiniwalayan na si Kaylee." dugtong pa ni Harrice. Tsismosang tsismosa talaga ang datingan.

"But that's ridiculous, Harrice. Si Payne yung alam ko na nagloloko sa kanila. Hindi si Kaylee. I even have proof and evidences na may iba't ibang kadate si Payne."

"Tita Leigh's doing. Alam mo naman na ayaw non kay Payne di ba? She's setting up Payne to meet other people, inuutusan nya para makakuha kuno ng mga projects at sponsors. Nagiging iba lang yung tingin natin sa sitwasyon kasi puro mga mukhang dirty-old-man yung mga yon."

I am literally shocked upon hearing that. Alam ko na ayaw ni Tita Leigh kay Payne dahil madalas nitong sinasabihan si Lee noon na wala itong mararating pag yung babaeng iyon daw yung sineryoso niyon. Pero grabe naman kung ganoon nga ang gagawin ni Tita Leigh.

Sobrang manipulative.

"But here's the juicy details pa." akala mo propesyunal na din talaga yung pagiging tsismosa ni Harrice habang ibinibitin yung chika nito.

"Ano?" naiinis na ako. "Diretsahin mo na Harrice. Jusko! Pabitin ka pa!"

"Eto nga nga," kinumpas nito yung kamay nito sa ere. "Tita Leigh paid Payne fifty million. The same amount you've bought Tris with. Siguro naman daw sapat na yon para layuan ni Payne si Kaylee. Si Tris nga daw na gusto ng anak nya, fifty million nabili sa auctioned. Sya pa daw ba na wala man lang sa kalingkingan ni Tris? That was so low right, Eris? Kawawa naman si Payne."

I suddenly felt sorry for Payne. Alam ko yung pakiramdam kasi na ikinukumpara ng mga tao dahil sa pamilyang pinanggalingan.

I know Payne doesn't came from a wealthy family. Bali-balita pa nga na pineperahan lang nito si Kaylee dahil yung unit nga na pinag-stay-an nito ay si Kaylee ang bumili. The car she's using, the expensive jewelries she's wearing, the luxury clothes, and other precious things, lahat si Lee ang nagbibigay.

Naalala ko pa yung kwento ni Kaylee noong pumunta ito noon sa bahay nila Tris. Na nakipaghiwalay na nga daw dito si Payne at sinabi na nabili na daw ito ng kung sinumang poncio pilato at binayaran ito ng limampung milyon.

Had Payne lied about it or Kaylee was just lying to Tris?

Hindi ko na alam tuloy kung saan at kanino ako maniniwala.

To be honest, I am just judging Payne kasi iyon nga yung nakikita ko. Na kung kani-kanino ito sumama noon na makipagdinner date. Kung tama naman yung kwento ni Harrice, posible nga na naging iba lang yung pagkakakilala ko kay Payne kung ganoon.

"Kanino mo nalaman yang mga ganyan? Bakit alam ni Elle? Kanino galing?" Hindi ko na mapigilan na mag-usisa.

Kung sinoman kasi yung informant ni Elle, dapat lang na may mga pruweba iyon. Hindi pwede na basta na lang ito maninira. Masyadong malakas at mahirap banggain ang mga Montello. Saksakan ng yaman yung angkan na yon ni Kaylee.

"Sa Mommy ni Elle." kaswal na sagot ni Harrice. "Nalaman na kasi ni Tita Grant yung tungkol sa fifty million na hiniram mo sakin. She investigated on it kung saan mo ginastos. Syempre wala naman matatago sa Mom mo kaya nalaman nya panigurado yung involvement ni Kaylee. Malamang kinumpronta non ni Tita Grant si Tita Leigh dahil sa kagagahan ng anak nya."

"Harrice." saway ko dito.

"What?" inangatan lang ako nito ng kilay. "Totoo naman, Is. Nakakainis kasi sa totoo lang. Sarap lasunin nyan ni Kaylee."

I choose to just ignore that sarcasm.

"Paano naman nakarating sa Mommy ni Elle yan kung si Tita Leigh naman yung kinumpronta ni Mom?"

"Aba, ewan ko na. Ayun lang alam ko. Baka nag-usap-usap na sila. Alam mo naman yung magulang natin, alam na alam ang tsismis na nangyayari sa bawat pamilya ng isa't isa. Sigur-" eksaheradong suminghap pa si Harrice.

Sandali itong tumigil kaya natuon dito yung atensyon ko.

"Bakit? Ituloy mo. Pabitin ka na naman." naiirita na ako.

Napahawak si Harrice sa tyan nito. "Wait, Is. Nagugutom na pala ako. Kakain nga muna ako. Crappy cakes! Sabi ko nga pala kay Elle mangunguha lang ako ng pagkain. Nalibang na naman ako. Nakakagutom pa naman maging tsismosa."

Hindi ko tuloy malaman kung tatawa o mapapasimangot ako. Puro pagkain lang talaga ang pinoproblema nito.

Bago ko pa maisatinig yung pang-inis ko dito ay inunahan na ako nito.

"If I were you, hahanapin ko na kung nasaan si Tris ngayon, Is. Malay mo binabakuran na ngayon yon ni Kaylee. Alalahanin mo na nasa bakuran tayo ngayon ng mga Montello." sabi pa nito na akala mo nananakot. "Hindi ko sinasabing matakot ka, pero parang ganoon na nga."

At ako naman ay natatakot na napatayo na din.

No one can take Tris away from me again.

I had been once contented to watch Tris from afar, being adored by many, being loved by a lot. I was once happy to just watch her live her life.

Until I felt how it was to be wanted by her. To be craved.

That's still not enough, Tris. You promised me. Sabi ko naman sayo, mahirap akong pangakuan. I'll held you liable for it.

"Eris." tawag pa ni Harrice na pinagmamasdan lang ako.

"What?"

"You're wrong." She said in a serious tone. "If it's hard for other people to accept us because of the bad rumors about our family, and it's even harder for you to trust outside people's good intention towards you when they do," She paused, waiting for me to catch up. "It's even harder for Tris to be always doubted when she's genuinely giving her heart. Trust her. It's even painful when no one's trying to hear you out."

Trust a zombie. Trust someone who has the power to break and play me in her palm.

"Trust Tris, Serina. Hindi lahat sasaktan ka lang. You deserve it. You deserve to receive the love you're freely giving away. The kind of love that's rare. But not impossible."

*****

Continue Reading

You'll Also Like

862K 8.3K 22
Carina Nuñez story. #tagalog #maturecontent #spg18 #erotic June 2022
2M 79.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
525K 29.1K 43
At some point in my life, I choose to let go of her. And not because I stopped loving her, but because I had reached the point that I was drained and...