Day 355
Tagalog:
Do'n sa mga burol, ako'y napatingin— sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa. Di niya ako hahayaang mabuwal, siya'y di matutulog, ako'y babantayan.
Mga Awit 121:1-3 MBB05
English:
Psalm 121A song of ascents.
1 I lift up my eyes to the mountains—
where does my help come from?
2 My help comes from the Lord,
the Maker of heaven and earth.
3 He will not let your foot slip—
he who watches over you will not slumber;
Psalm 121: 1-3 NIV
*************
Anuman ang mga kinakaharap nating sitwasyon ngayon makakaasang ang Panginoon ay laging nandyan. Handa Niya tayong tulungan at saklolohan sa panahon ng ating mga pangangailangan. Naririnig Niya ang ating mga dasal at hinaing sa buhay lalo't higit ay sa panahon na kailangang kailangan natin Siya. Hindi natin kayang intindihin o maunawan ng lubos ang hiwaga ng pagkilos Niya sa atin buhay.
Ang mga ninanais nating inaasahan na Kanyang gawin ay higit pa sa rurok ng ating pagkaunawa ang hiwaga ng pagtulong at pagkilos Niya sa ating buhay. Maaring nahihirapan na tayo at gustong manghina at manglupaypay ngunit kung ating ipagkakatiwala sa ating Panginoon na Siyang may lalang ng langit at lupa ang lahat sa ating buhay, makakaasa tayong ang pag-asa sa ating puso ay hindi mawawala.
Bagkus bibigyan Niya tayo ng kapayapaan upang malampasan ang lahat ng ating mga kinakaharap na dusa't hirap. Mawala man ang lahat sa atin ngunit kung tayo ay nagtitiwala sa Kanyang kalooban hindi Niya hahayaan na lubos tayong malugmok bagkus makakaasang ipagkakaloob sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan, higit pa sa ating inaasahan. Kanyang iingatan at gagabayan ang lahat ng sa Kanya ay nagtitiwalang lubusan upang makapamuhay ng may katatagan habang tayo'y nabubuhay sa mundong ito. "Sapagkat kahit kailanman ay hindi natutulog ang ating Panginoon."
#GodBlessUs😇❤
#day355 ❤
#ThankyouLord 🙏
#toGodbetheglory
#keepussafealways
==========================================
Day 356
Tagalog:
"Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Mateo 5:3 MBB05
English:
"God blesses those who are poor and realize their need for him,
for the Kingdom of Heaven is theirs.
Matthew 5:3 NIV
***********
Ang puso ng ating Panginoon ay nasa mga taong walang inaasahan kundi tanging sa Kanya lamang. Anumang hirap ang nararanasan niyang hirap ay hindi siya natitigatig ni nawawalan ng pag-asa sa ating Panginoon. Ang katulad ng taong ito ay may gantimpala mula sa ating Panginoon. Katulad ng kinahinatnan ni Lazaro at ng mayaman:
Ang Lalaking Mayaman at si Lazaro
19 May isang lalaking mayaman. Nakadamit siya ng kulay ube at pinong lino. Namumuhay siya sa karangyaan araw-araw.
20 Mayroon doong isang lalaking dukha na ang pangalan ay Lazaro. Siya ay puno ng galis. Inilagay siya sa tarangkahan ng mayaman. 21 Mahigpit niyang hinangad na mabusog mula sa mga mumong nahulog mula sa hapag-kainan ng mayamang lalaki. Ngunit maging ang mga aso na lumalapit ay humihimod ng kaniyang mga galis.
22 Nangyari nga na ang lalaking dukha ay namatay. Siya ay dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Ang lalaking mayaman ay namatay din at inilibing. 23 Sa Hades siya ay naghihirap. Sa paghihirap niya ay itinanaw niya ang kaniyang paningin. Nakita niya sa malayo si Abraham at si Lazaro na nasa kaniyang piling. 24 Tumawag siya nang malakas: Amang Abraham, kahabagan mo ako. Suguin mo si Lazaro upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig. Ito ay upang mapalamig ang aking dila sapagkat ako ay lubhang nagdurusa sa lagablab ng apoy na ito.
25 Ngunit sinabi ni Abraham: Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo tinanggap mo nang lubos ang mabubuting bagay. Gayundin naman, si Lazaro ay tumanggap ng mga masasamang bagay. Sa ngayon siya ay inaaliw at ikaw ay lubhang nagdurusa. 26 Bukod sa lahat ng mga bagay na ito, sa pagitan namin at sa iyo ay mayroong malaking bangin. Dahil dito, sila na maghahangad na tumawid mula rito patungo sa iyo ay hindi makakatawid. Maging sila na maghahangad tumawid mula riyan patungo sa amin ay hindi makatatawid.
27 Sinabi niya: Kung gayon, hinihiling ko sa iyo ama, na suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama. 28 Ito ay sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki. Suguin mo siya upang magbabala sa kanila nang sa gayon ay huwag silang mapunta sa dakong ito ng pagdurusa.
29 Sinabi ni Abraham sa kaniya: Ang isinulat ni Moises at ng mga propeta ay nasa kanila. Hayaan mong sila ay makinig sa kanila.
30 Sinabi niya: Hindi, amang Abraham, sila ay magsisisi kapag pupunta sa kanila ang isang nagmula sa mga patay.
31 Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.
- Lucas 16:19-31 SND
______________________
Ang buhay natin sa mundong ito ay pansamantala lamang hindi tayo dito panghabangbuhay. Kaya't anumang hirap ang ating danasin basta't sa Panginoon lamang tayo umaasa at nagtitiwalang lubos gayundin ang pagsunod sa Kanyang kalooban hindi tayo mapapahamak bagkus buhay na walang hanggan ang magiging gantimpalang kaloob Niya sa bawat isa sa atin na sa Panginoon lamang umaasa.
#GodBlessUs😇❤
#day356 ❤
#thankyouLord 🙏
#toGodbetheglory
#keepussafealways