Aeipathy

By hannarie_21

401K 27.3K 11.8K

I looked helplessly, trying to search something aside the hunger-filled lust in the eyes of the rich filthy p... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue
Extras

Chapter 11

8K 634 256
By hannarie_21

Tris

"Kelangan ko ng paunang bayad."

Napalingon ako kay Eris na nasa passenger seat ng sasakyan ko. Kakahinto ko lang sa tapat ng hindi kalakihan na bahay.

Pagkatapos kasi namin kumain ay nagpahatid ito dito sa inuupahan daw nitong bahay. Malayo sa inaasahan ko na kilalang mga condominium sa Metro. It's just one of a standard subdivision na halos wala pang katao-tao sa sobrang tahimik.

"Aren't you suppose to say, Thank you, Tris?"

Umangat yung kilay ni Eris. Natanggal na nito yung seatbelt nito at mataman na nakatitig sakin. "Ang sabi ko kailangan ko ng paunang bayad sa pagpayag ko na tanggapin itong singsing mo."

Naiilang naman na nag-iwas ako ng tingin dito. Pati titig nito nakakapaso na. Pakiramdam ko ay naengkanto yata ako. Siguro ay pinakulam ako ng babaeng ito.

"At bakit naman ako magbabayad sayo? Ikaw na nga itong nilibre ko ng lunch at inihatid pauwi?"

Bumuntong-hininga ito. "Bakit napakaslow mo?"

"Ano bang pinagsasabi mo dy-"

"Shut up!"

In a swift move, she's already sitting on my lap as my seat has been adjusted to give me more of my leg room.

I was damn shocked. How can she move that fast?

"Better." Ngumiti si Eris habang yung mga kamay ay ipinatong sa balikat ko. "Gusto ko sa first time natin ganito pwesto ko ha?"

"What? Umalis ka nga dyan, unggoy!" Feeling ko nagkukulay kamatis na ako sa sobrang pagkapahiya sa ginagawa nito.

Imbes na umalis ay mas lalo pa nitong idinikit yung katawan nito sakin. "Woy, kailangan ko ng down payment. I should know what I signed up for."

"You're not yet signing up for anything. Thank goodness! Magmamadre na lang pala ako. Letse ka! Alis!"

Tumawa lang ng malakas si Eris. Halatang aliw na aliw sa reaksyon ko.

"Chill, Tris. Nakadamit pa ko. Saka ka na magdesisyon ng ganyan pag wala na akong suot. Baka puro mura na lang ang mabigkas mo. O baka nga makalimutan mo na marunong ka pa magsalita. I wonder what kind of sound you can make." panunukso pa nito.

Ako tuloy yung nahihiya sa mga pinagsasasabi niya. "Bastos!"

"What? Ako ba ang nauna? Pinatulan lang naman kita."

"You're giving away innuendos. I'm not stupid. Saka bakit ka ba dito umuupo? Wala kang upuan, girl?"

"Puro agiw talaga yang utak mo. Parang hihingi lang naman ako ulit ng masarap na kiss bago ako matulog."

"Gago! Huwag mo akong utuin. Sa lahat ng palabas, hindi nakakaantok yung halik!"

Mas lalo itong natawa. Hindi ko naman alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Totoo naman na walang ganoon. Tyansing lang talaga itong hinayupak na babaeng unggoy na 'to.

"Tabi sabi!"

"Tabi sayo?" Nanunuksong pang-aasar pa nito. "Gaano katabi ba ang gusto mo?"

Sa sobrang inis ay hinawakan ko ito sa magkabilang bewang para maibalibag na lang paalis sa prenteng pagkakaupo sa kandungan ko. Kaso tila naman nanigas yung mga kamay ko sa pagkakahawak doon nang idikit nito yung bibig nito sa leeg ko.

"Got you busted." mahinang bulong nito. "Just stay put, okay? I am just affirming books and theories. This is for our own discovery. So relax."

Mas lalo yata akong natulos sa pagkakaupo ng yumakap sa leeg ko yung mga braso nito habang masuyong pinadadaan nito ng labi yung parteng iyon ng leeg ko. Malapit sa pang-ibabang bahagi ng tainga.

"You smell so nice."

Lalo yata akong hindi makahinga sa kaba at halo-halong pakiramdam.

Napapikit ako sa sensasyon na pinaparamdam sakin ni Eris. This is all familiar and foreign at the same time to me. Obviously, not a first time that someone did this. But the exact feeling is way much different.

I remember that when I was in early years of college, I've tried doing body shots. Pero pagkatapos niyon ay ilang ulit akong nagsuka at sinamaan ng pakiramdam. Pakiramdam ko diring diri ako. Nakailang ligo pa nga ako pagkatapos.

Pero ngayon, the feeling is so different. I just feel euphoric. Something that I can only achieve after stealing some meds from my mother's laboratory and stash of medicines.

Gumala yung labi nito sa kahabaan ng leeg ko paakyat sa panga. Bago kusang bumaba ulit na para bang may hinahanap. Lumipat sa kabilang parte. Kung kanina ay nasa kaliwa, ngayon ay sa kanan naman.

I let out a low whimper when she fully kissed the back of my right ear as her tongue trails it after that kiss. "Got your weakest spot."

"S-Stop it.."

I cursed inwardly for an nth time today. Bakit ba nabubulol ako sa bubwit na 'to?

"Why, Tris?" she trails her fingers on my collarbone. "Why are you afraid of me?"

Damn it. I'm not afraid of you. I'm afraid of what I am becoming when I am with you. This is pure madness. Unforgivable insanity!

"Is it because I am not one of the standard women you're dating?"

"Pandak ka kasi." Umingos ako. Agad ko din naman iyong pinagsisihan dahil mas lalo kong nasamyo yung nakakahalina nitong amoy. Nakakaakit.

What the heck is the brand of her perfume?

"I'm within the standard height of a Filipina." pagtatanggol nito sa sarili. "Hindi ko kasalanan na higante ka. Aren't you wondering if you have a bone defect? Baka may gigantism ka tapos di mo pa lang nadidiscover."

I had to stop myself from smiling at that witty banter.

"Pandak ka lang talaga."

Umismid ito bago ako sinamaan ng tingin. "Eh, ano ngayon? Niluluhuran mo naman."

"Kapal mo! Isang beses ko lang gagawin yon. Hindi na mauulit."

"Oh?" Malanding pinadaan nito ng daliri yung lalamunan ko. Napalunok tuloy ako sa pagkagulat. "Lagi kita paluluhurin no. Wala akong plano na palaging tumingala sayo. Abot kamay lang kaya kita."

"Bakit naman ako luluhod sayo? Santo ka ba? Mukha ka bang rebulto?"

Akala ko ay sasakalin ako nito. Ayun pala ay inabot lang nito yung pisngi ko at masuyong hinaplos gamit yung likod ng palad nito.

"Rebulto lang ba ang sinasamba mo? Di bale, tuturuan kita." Ngumiti pa ito habang kumikislap yung mga mata.

I didn't know why that thing made me blush. Dama ko yung pag-akyat ng dugo sa pisngi ko.

"Umalis ka na nga dyan. Letse ka talagang bubwit k-"

Isinubsob nito yung mukha nito sa leeg ko at sinamyo yung natural kong amoy. "Cuddling and this proximity feels nice. Weird."

Damn right. It feels so nice that's its becoming so scary. Because nice things end when you're already accustomed into it. When you are so used to it.

"Gago ka. Tarsier ka ba? Bitawan mo nga ako!" pagsusungit ko dito.

"Ang sungit mo."

"Masungit talaga ko. Tabi!"

"Nakatabi na nga ako sayo. Anong klaseng tabi pa ba ang gusto mo?"

Nakagat ko yung pang-ibabang labi ko nang idiin nito yung katawan nito sakin. Yung ilong nito ay ikiniskis pa nito sa pisngi ko.

Fudge! No, Tris. Calm down.

Hindi ko gusto yung pakiramdam na para bang nagdidiwang lahat ng kaloob-looban ko. Na nagugustuhan ko yung ginagawa ng bruhildang pandak na 'to.

I remember the phrase that Grandpa is always saying about us, cold as ice but in the right hands we melt.

No, Tris. She isn't the right one. Si Eris yan. Alam na alam mo yung likaw ng bituka ng babaeng yan. Imposible na sya yung The One mo. Si Elle lang iyon! Si Elle lang!

"Pag di ka umalis dyan sa ibabaw ko, ibabalibag kita!" Galit nang sita ko dito. Ayoko ng pakiramdam na ipinaparamdam sakin ng unggoy na 'to.

Pati sarili ko hindi ko na maintindihan. Para na akong wala sa sarili kong katawan. Yung utak at katawan ko nagsisimula na magtalo.

Hindi tama 'to. Anong karapatan nito na guluhin yung isip ko?

Napasimangot naman si Eris. Nagdadabog na umalis sa ibabaw ko at bumalik sa upuan nito kanina.

"Ang ingay ingay mo. Ganyan ka ba talaga kaingay pag nilalambing ka? Ang hirap hirap mo naman pasayahin."

Napaawang naman yung mga labi ko. What the heck is she saying? Don't tell me may script kami dito?

"Hindi ko naman sinabi na lambingin at pasayahin mo 'ko. That's romantic, idiot. For a cynical one, you surely knows how to be extremely romantic."

Mas lalo itong napasimangot. "You know what's wrong with you, Tris? Lagi kang in denial. You want it too. See how your body reacts when I'm beside you. Damahin mo lang. Labanan mo. Dahil pag nakahanap na ako ng bagong kalaro, hindi na kita kukulitin. Mabulok ka sana."

Padarag na binuksan nito yung pinto sa side nito.

"Thanks for driving me home anyway. Pero negra ka pa din!" halos labas sa ilong na sabi pa ni Eris habang hinahablot yung bag nito.

She still has manners left, alright. Kahit pala naiinis na ito ay hindi pa din nito nakakalimutan magpasalamat sa paghatid ko dito.

"Anong oras kita susunduin bukas?" Tanong ko bago pa ito makababa ng tuluyan.

Napatigil ito sa pagbaba ng paa sa labas ng pintuan. "What for?"

"Dinner." I made a Tsk sound. "Hindi ba at binanggit ko na sayo na kailangan mong pumunta sa amin para makilala yung grandparents ko? They'll be arriving tomorrow morning. Sa amin ka magdidinner bukas."

"Says who? Spokesperson kita? Ikaw na din nagdesisyon?" nagsalubong yung mga kilay nito. Parang kanina lang ay hindi ako nito nilalandi.

"Look, Eris." Huminga ako ng malalim. I'm older than her. And obviously I am more mature. Kung may masusunod man sa aming dalawa, I won't let it to be her. She should listen to me.

Nang makasigurado na nasa akin na yung atensyon nito ay saka ako nagpatuloy sa pagsasalita.

"Let's set this clear. You don't want any romantic relationship with me and I am not in love with you."

Nang akmang magrerebut ito ay inangat ko yung kamay ko para patigilin ito.

"If you want this to work, do as I say. I know what's good for you. My mother doesn't like you because of your last name. I'll try to make her change her mind about you. Wala na din kasi kaming choice. Ikaw na lang ang last option ko. If I had any choice, I won't be here in the first place."

"Does it make you feel all high and mighty after thinking such?" Humikab pa si Eris sa harapan ko.

Bumalik na naman yung normal na walang kislap nitong mga mata.

"Look, Tris. I am just here beside you because I want to. Not because you say so."

Calm. Detached. Cold. Distant.

She leaned forward, just enough to make me hitch my breath.

"See that? Felt that?"

I could no longer understand the words she's saying as I get lost at the depths of her eyes.

"That's the force that's making me stay here with you, Tris. We're feeling the same." Hinawakan nito yung pisngi ko.

Kusang bumaba yung mga mata ko sa mga labi nito na bahagyang nakaawang.

Am I anticipating a kiss from her?

"You want me to kiss you?" nilapit pa nito ng husto yung mukha nito na halos gahibla na lang yung lapit naming dalawa.

Parang pati paghinga ko ay nahihinga na din nito sa sobrang lapit. At sigurado ako na kung gagalaw lang ako ng kaunti ay magdadaiti na yung mga labi naming dalawa.

"Ask for it, Tris." She moistened her lips using her tongue. Parang namamagneto yung mata ko na napapasunod ng tingin dito.

I took a deep breath.

If I ask Eris to kiss me, she'll start thinking she's the upper hand between us. That's something I won't allow to happen.

So without further thinking, I move my lips forward to claim hers.

And when our lips touched, we both groaned in unison.

She's right. We both wanted this.

When Eris moves her lips, mimicking the movements of my lips, I felt the sudden surge of strange emotions that made me close my eyes.

I feel the earth below me melt away. Time stops tickling. Everyone stops moving. I only feel. And when her tongue grazes me, that sets me on fire. This is Eris' magic. Her signature kiss that's making me lose my mind.

For the first time, I wanted more. I didn't know what I wanted, all I knew is that it was dangerous, and that I should be contented with what I had, but I knew that this emptiness inside me is now beginning to ache.

I want Eris.

I no longer know which part of me wants her more. Whether it's my lips that crave hers, pressed against mine. Or my skin that's starving for her fingers.

She's transfixing me into another version of myself. Into the multiverse of madness.

"T-Tris.." Eris whispers as she's gasping out of breath when she stopped kissing me back.

Itinulak pa ako nito ng bahagya nang akmang aabutin ko ulit yung mga labi nito.

I stare at her eyes. She's mirroring the same intensity. Probably reflecting the same havoc I'm currently in.

Napasandal ako sa kinauupuan ko. I can no longer contain those words that's making me insane.

"For the first time, I did want more. I know that it's dangerous. I know that I should be contented with what I already had. But the emptiness inside me now began to ache. I want to unveil your secrets with my own mouth." I said, still dazed from that mind-blowing kiss.

Narinig ko yung marahang pagtawa ni Eris. Hanggang sa tuluyan iyong maging halakhak.

I don't know what's with it that made me smile too. Whenever I am with her, it's like I'm becoming an another person. I'm starting to like it.

"That's a good start." tumigil sa pagtawa si Eris at saka nakangiting tumango. "And Tris?"

"Hmm?"

"Out of all the curves in your body, your smile is the prettiest. Please smile often. It suits you. Nakakalimutan ko ng kaunti na Negra ka."

That made me smile. A wide one.

"Hindi ko nakakalimutan na pandak ka kahit na ngumiti ka pa." for the first time, I cracked a joke at her.

That made her laugh. A kind of laugh that's encouraging me to laugh too.

At the least moment I expect, she caught me by surprise. As we sit here together inside my car, I saw how beautiful Eris is.

Incredibly beautiful.

******

Continue Reading

You'll Also Like

37.5K 2.5K 16
What we have is just now. As long as she loves me. As long as she wants to be with me. As long as there is 'we'. I love her! But the rainbow is not...
1.3M 51.3K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
241K 17.6K 36
Hansen Sisters Series (HSS) 3: West Date started: July 16, 2017 Date completed: August 19, 2021 ** Ang Wattpad writer na si Nishi_Ishin ang ideal guy...
403K 28.1K 46
"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."