My Guardian Devil

By DyslexicParanoia

374K 25.1K 3.5K

Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan... More

My Guardian Devil
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
KABANATA 67
KABANATA 68
KABANATA 69
KABANATA 70
KABANATA 71
KABANATA 72
KABANATA 73
KABANATA 74
KABANATA 75
KABANATA 76
KABANATA 77
KABANATA 78
KABANATA 79
KABANATA 80
KABANATA 81
KABANATA 82
KABANATA 83
KABANATA 84
KABANATA 85
KABANATA 86
KABANATA 87
KABANATA 88
KABANATA 89
KABANATA 90
KABANATA 91
KABANATA 92
KABANATA 93
KABANATA 94
KABANATA 95
KABANATA 96
KABANATA 97
KABANATA 98
KABANATA 99
KABANATA 100
KABANATA 101
KABANATA 102
KABANATA 103
KABANATA 104
KABANATA 105
KABANATA 106
KABANATA 107
KABANATA 108
KABANATA 109
KABANATA 110
KABANATA 111
KABANATA 112
KABANATA 113
KABANATA 114
KABANATA 115
KABANATA 116
KABANATA 117
KABANATA 118
KABANATA 119
KABANATA 120
KABANATA 121
KABANATA 122
KABANATA 123
KABANATA 124
KABANATA 125
KABANATA 126
KABANATA 127
KABANATA 128
KABANATA 129
KABANATA 130
KABANATA 131
KABANATA 132
KABANATA 133
KABANATA 134
KABANATA 135
KABANATA 136
KABANATA 137
KABANATA 138
KABANATA 139
KABANATA 140
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 46

1.8K 182 13
By DyslexicParanoia

Senda P.O.V.

Nakakainis talaga ang Luis na 'yon. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng mga taong maaaring maging may-ari ng niyugang 'yun eh bakit siya pa? Pero teka...kung sa kanya nga ang niyugang 'yun, ang ibig sabihin ba noo'y taga-San Gabriel din ito?

"Senda!" Pagtawag ng isang babae habang lumalalampas ako sa may batis. Sinuyod ko naman agad ng tingin ang paligid upang hanapin ang pinagmumulan ng tinig na iyon.

"Inay Maria!" Nang makilala ko na kung sino ito. May bitbit itong bayong at isang bilaong walang laman. Marahan itong lumapit sa akin. "Bakit tila yata nakasimangot ka?" natatawa ito sa akin. "May problema ka ba?"

Napabuntong-hininga ako, "namulot po ako ng uyo, niyog at mga bunot sa banda ro'n." Inginuso ko ang direksiyon ng aking pinanggalingan. "Ang kaso nakagalitan ako ng may-ari. Hindi ko naman alam na bawal mamulot doon dahil higit sa isang taon na akong pumupunta sa banda ro'n pero ngayon lamang po may sumita sa akin.

"Ha? Aling niyugan?"

"'Yung naroon po sa kanluran. Yung sumunod na lupain sa rambutanan ni Mang Isko."

Kapansin-pansin ang agarang pamumutla nito. "L-lalaki ba 'yung nakita mo?" tila ninenerbiyos din ang hitsura nito.

"Opo."

"Matangkad?"

"Hahanggang balikat lamang po ako eh kaya opo."

"Kulot ang buhok?"

Napapakunot-noo na ako dahil tila lalong bumabakas sa mukha ni aling Maria ang pag-aalala. "O-opo."

"Magandang lalaki, Mestisuhin at may mangasul-ngasul na mga mata?"

"O-opo. Bakit po?"

Bigla itong nag-antanda, "Susmaryosep! Nagalit kamo sa 'yo? S-sinaktan ka ba niya?" hinawakan ako nito sa braso at sinuri mula ulo hanggang paa.

"Nanita lamang po pero hindi naman po ako sinaktan."

Muli itong nag-antanda, "hay mahabaging langit, salamat naman kung gayun. Pero...wag ka na ulit pupunta ro'n ha? Kung nais mong mamulot, doon ka na lamang pumunta sa niyugan nina Kapitana Hilda. Medyo mas malayo lang iyon mula rito, pero doon hindi bawal dahil ayos lamang kay Kapitana ang pamumulot basta't wag lamang magkakalat, magtatanim at magtatayo ng bahay o ng kahit ano sa lupain niya. Magpasama ka minsan kay Mylene para malaman mo kung nasaan iyon."

"Kapitana? Sino po si Kapitanang Hilda?"

"Ah, si Kapitanang Hilda ang Kapitan del Barrio ng San Antonio, pero meron din siyang lupain dito sa San Gabriel na hindi niya nagagamit kaya ayos lamang sa kanya kung mapapakinabangan ito ng mga taga-rito. Teka, maiba nga tayo, Senda. Maglalako ako sa San Antonio bukas, gusto mo bang sumama?"

"Naku, opo. Sige po sasama po ako."

Ngumiti ito, "tamang-tama, ipakikilala na rin kita Kapitanang Hilda para makapagpaalam ka na rin nang maayos sa kanya, pati na rin sa mga suki ko para maaari ka nang pumaro'n kahit hindi mo ako kasama."

"S-Sige po." Bagaman nakakaramdam ako ng nerbiyos sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Salamat po, Inay Maria. Magkita na lamang po tayo bukas. Saan po ba at anong oras--?" bigla kong naalala na wala ako relo. "Ay, wala po pala akong orasan..."

"Ha? Eh paano mo nalalaman kung anong oras na?"

Nagkibit-balikat lang ako. Gusto ko sanang sabihin na sa sikat ng araw ko lamang ito tinatantiya ngunit mas minabuti ko na lamang na itikom ang bibig ko.

"Hay nakung bata ka, o heto..." napansin kong hinuhubad na nito ang relos mula sa kanyang kaliwang pulso bago nito ito iniabot sa akin. "Sa 'yo na itong relos ko. De baterya nga lang 'yan kaya ikaw na ang bahalang magpalit kapag huminto na. Medyo may katagalan na kasi nang huli kong pinalitan ng baterya nito."

"Naku Inay Maria, 'wag na po."

"Ano ka ba?" ito na ang kumuha sa aking kamay upang ilagay ang kanyang relo sa aking kanang palad. "May isa pa akong relo sa bahay kaya sa 'yo na 'to para naman makarating ka ng ala sais ng umaga impunto sa kanto bukas. Doon na lang tayo magkita."

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ito dahil ito lamang ang tanging paraan upang makarating ako sa tamang oras, "s-sige po. Makakaasa po kayo na darating ako sa oras. Maraming salamat po rito, Inay Maria. Napakabait niyo pong mag-iina sa akin. Hindi ko po ito makakalimutan."

Tinapik ako nito sa kaliwang braso, "walang anuman, Senda. Mabait ka rin naman sa amin. Akala mo ba hindi ko alam na inabutan mo rin si Mylene ng perang pinagbentahan mo ng mga punong-kahoy mo?"

Ngumiti na lamang ako dahil nahihiya na ako sumagot. Hindi naman kasi ako naghihintay ng kapalit sa gagarampot na halagang ibinahagi ko kay Mylene.

Sa pagtingin ko sa relong ibinigay sa akin ni Inay Maria, bigla kong naalala ang kuya ko. Ito kasi ang huling nagbigay sa akin ng isang relo.

Kumusta na kaya siya? At kumusta na rin kaya ang pamangkin ko sa kanya?

***

Lucio's P.O.V.

Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko ang inis na inis na mukha ni Senda. Hindi ko alam kung bakit aliw na aliw akong inisin ito kaya hindi ko namamalayang bitbit ko pa rin ang ngiti sa aking mukha sa pagbalik ko sa aking trono.

"Panginoon," nakayukong pabati sa akin ng punong Ujier. "Nasa labas po ng bulwagan si Patruska. Nais raw po niya kayong makausap."

Lumulutang pa ang isipan ko kaya kumumpas na lamang ako upang patuluyin nito ng bulwagan si Patruska. Agad naman umalis ang punong Ujier upang utusan ang kanyang mga tauhan na pagbuksan ng pintuan si Patruska.

Hindi maipinta ang mukha ni Patruska habang lumalapit ito sa aking harapan. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at namamagang mga mata na tila baga ilang araw na itong umiiyak. Halos humalik na ito sa lupa nang dumako na ito sa aking paanan.

"Anong kailangan mo?"

"Kailangan ko po sana ng kaunti pang palugit, Panginoon. Kung saan-saan na po ako nakarating, ngunit wala po akong mahanap na babaeng may eksaktong katangian na ipinapahanap ninyo sa akin. Parang awa niyo na po, Panginoon, tatlong araw na lamang po kasi ang natitira, at batid ko pong hindi po sapat ang panahon na ito para sa aming paglalakbay upang mahanap namin ang espesyal na babaeng nais niyong makaniig."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

Sandali akong nag-isip, ngunit hindi naman ito malalim, dahil ang totoo'y hindi naman talaga ako seryoso sa ipinapagawa ko kay Patruska. Natipuhan ko lamang naman kasing takutin ito, at wala naman talaga akong balak parusahan ito kung hindi man nito matupad ang iniuutos ko. Ang nais ko lamang talaga ay ang matigil na ang pagpapadala nito ng mga babaeng halos kita na ang kaluluwa sa aking bulwagan.

"Gaano katagal ang hinihingi mong palugit?"

"Tatlong--"

"Tatlong linggo?!" Itinaas ko ang boses ko upang sindakin ito. Nagtagumpay naman ako dahil napapitlag ito sa tinig ko.

"H-hindi po, Panginoon. T-tatlong buwan po sana."

"Tatlong buwan!" Pinandilatan ko na rin ito ng mga mata kaya halos manginig na ito sa takot sa akin.

"P-patawad po, Panginoon. Tulong-tulong na po kami sa paghahanap sa mga bayan-bayan, ngunit nahihirapan pa rin po kami. Balak po naming maglakbay sa mas malalayong lugar, ngunit kailangan po namin ng sapat na panahon."

"Ayoko sa taga ibang lugar!" Sinigawan ko ito.

"Pero, Pangino--"

"Tatlong araw, Patruska! Kapag wala kayong naiharap sa akin, ihanda niyo na ang mga ulo niyo! At dahil sa kapangahasan mong tumawad ng palugit, dadagdagan ko pa ang katangian ng babaeng hinahanap ko. Ang nais ko ay isang babaeng may kulay luntiang mga mata na tulad ng sa mga puting diwata at lambana. Nais ko rin ng mamula-mula ang natural na buhok na eksaktong hanggang balakang ang haba na tulad ng sa isang diyosa. Nais ko ng perpektong balat, walang pilat, walang sugat at pantay ang kutis mula ulo hanggang paa." Inoobserbahan ko ang reaksiyon ni Petruska na tila nais na nitong mawalan ng ulirat. "Nais ko rin ng isang babae na kahit hindi putungan ng korona ay mukhang isang reyna--"

"Sa-sandali p-po Pangi--"

"--at uli-uli na sisingitan mo ako sa aking pagsasalita, mas lalo kong dadagdagan ang problema mo para matapos na rin ang maliligayang araw mo!"

Bigla itong nag-animong isang istatwa na may mas malalang ekspresyon sa kanyang mukha, kumpara sa hitsura nito nang dumating ito kanina.

***

Hinintay ko munang makarating ako sa loob ng aking pribadong silid bago ko pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang pagtawa. Daig ko pa ang baliw na humahalakhak nang halos hindi na makahinga.

Nakakatawa talaga ng hitsura ni Patruska dahil halos maihi na ito nang sinigawan at pinalayas ko ito sa aking harapan.

Ano kayang gagawin nito ngayong mas malala na ang problema niya? Lalo't batid ko naman na napaka imposible na makakita ito ng isang babae na may eksaktong katangian ng perpektong babae sa aking imahinasyon. Sapagkat maging ako, sa kinahaba-haba ng pananatili ko rito sa mundo'y wala pa rin namang nakikita na gayung kagandang babae...

Ang perpektong babae na sa mga panaginip ko lamang talaga umiiral.

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

992K 28.4K 61
Wala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.
26.4K 1.1K 37
(COMPLETED) Hindi naging madali ang pagbabakasyon ni Ayra kasama ang ama sa probinsya,bukod kasi sa malayo ito sa bayan,mahirap ding makasagap ng sig...
241K 5.9K 75
One day can CHANGE everything! SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 2 Sequel Please read the book 1 (Skrivena University) before this :) #Fiction #Mystery #Act...
35.6K 1.7K 25
Highest Rank Achieved #22 in Teen Fiction Category. This story explores the journey of Celestine, the city girl in the province, where he meets Drav...