Behind the Spotlight (COMPLET...

Galing kay GoddesssXLove

95.8K 3.3K 491

Living under the spotlight is never easy. Your world become other people's world. With all the busy schedules... Higit pa

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2: Flashback Chapter
CHAPTER 3: Flashback Chapter
CHAPTER 4: Flashback Chapter
CHAPTER 5: Flashback Chapter
CHAPTER 6: Flashback Chapter
CHAPTER 7: Flashback Chapter
CHAPTER 8: Last Flashback Chapter
CHAPTER 9: Back to Reality
CHAPTER 10: Normal Day
CHAPTER 11: XO
CHAPTER 12: Something New
CHAPTER 13: The Neighbor
CHAPTER 14: Joy and Sweetness
CHAPTER 15: Speculations All Over
CHAPTER 16: Weird Feelings
CHAPTER 17: Awkward
CHAPTER 18: His Kindness - Challenge
CHAPTER 19: An Act of Kindness
CHAPTER 20: Getting to Know Him
CHAPTER 21: Kilig - What An Awkward Situation
CHAPTER 22: The FJ or Former Jowa
CHAPTER 23: Meet the Cerezos
CHAPTER 24: Is This Love?
CHAPTER 25: His Act
CHAPTER 26: The Heart Want What It Wants
CHAPTER 27: I Care
CHAPTER 28: Sweetest Song
CHAPTER 29: Dilemma
CHAPTER 30: Ferries Wheel
CHAPTER 31: Seloso
CHAPTER 32: Scream For Me
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 1)
CHAPTER 33: Love Me Harder (Part 2)
CHAPTER 35: To The Rescue
CHAPTER 36: Here I Am - Fight
CHAPTER 37: He Found Love
CHAPTER 38: Broken Hearted Girl
CHAPTER 39: Haunted
CHAPTER 40: Truth
CHAPTER 41: Burdens
CHAPTER 42: Paano Ba Ang Magmahal
CHAPTER 43: Played Love
CHAPTER 44: All is Well
CHAPTER 45: Crazy In Love
CHAPTER 46: Decisions
CHAPTER 47: Missing You
CHAPTER 48: Biggest Heart break
CHAPTER 49: Emotions
CHAPTER 50: Someone's Always Saying Goodbye - Finale
EPILOGUE
ABANGAN - NEW STORY

CHAPTER 34: Bring Me To Life

1.3K 52 5
Galing kay GoddesssXLove

CHAPTER 34

Jasmuel's P.O.V.

Matiwasay ang aking paglalakad patungo sa classroom namin. Ang aga ko. Hehe. I'm one hour early kahit pa galing ako sa puyatan na taping kagabi. And yes, tapos na ang Foundation Week. Tapos na ang kasiyahan at balik na sa reyalidad.

Nakasuksok ang magkabilang earphones ko sa tenga at busy sa pakikinig ng mga kanta nang makaramdam ako ng vibration mula sa aking phone.

And... it's a text from Jacob.

'Jas can I see you at the pool area now? May sasabihin lang ako.'

Gumuhit ang ngiti sa labi ko at tumaliwas ng direksyon. Bumaba ulit ng building at pumunta sa may pool area. Pagpasok ko doon ay walang tao.

"Hello??"

Naglakad ako papasok at naghanap ng mga tao. Nakita ko ang pool at naisipan kong umemote. Lumapit ako at doon sa mismong gilid naglakad. Ibinaba ko muna ang bag ko sa isang umupuan at saka naglakad.

"Jacob??"

"Jac-" Sumabit ang suot kong sapatos sa isang butas at nawala ang balanse ko.

"AAHHHH!" Isang napakalakas na tili ang napakawalan ko bago ako nahulog ng tuluyan sa pool.

Jacob's P.O.V.

Nagmamadali akong naglalakad papunta sa pool area dahil baka nandoon na si Jas. Nakipag-agawan pa kasi ako sa parking dahil may isang lalake na hindi marunong magpark.

When I enter the pool area, naibagsak ko agad ang bag ko at tumalon sa pool.

Si Jas! He's drowning!

I grab him as soon I saw him and lifted him up and put him in the poolside. Inihiga ko siya and my heart is beating fast. I've never been this nervous since Jas' allergy attack.

"Jas? Jas wake up!" tinatapik ko ang pisngi niya to wake him up. Pero hindi siya magigising dito so I put my hands on his chest and started pumping it.

Mukhang walang nangyayari. I have one last option to do, give him CPR.

Without doubts, I parted his lips and put mine on top and started sucking the water out. This is not the second time our lips touch but I felt a different feeling now-scared. Scared of losing him.

In a few moments, he started coughing and I move out and there he throws all the water out and cries. I hugged him as he cries.

"Akala ko mamamatay na ako." Iyak niya.

"It's okay, you're safe now." I said to comfort him.

He moves his head to face me. "Maraming salamat talaga Jacob ha." I just smile and nod and continue to hug him.

We went to the locker room and give him a towel to cover up. He's still wet and we're still waiting for his driver to come.

"Are feeling okay now?" I ask him.

"Yeah, thank you." He answers.

"Jacob..." He calls my name and I stare at him.

His hair is wet, his clothes are wet and he looks little scared pa rin kahit pa naka-ahon na siya sa pool. I'm feeling guilty dahil ako ang nagpapunta sa kanya dito sa pool area.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"

I bite my lips. Gosh, Jacob why are you being nuts? Bakit hindi mo masabi? Should I tell him? Should I tell him I'm feeling something special towards him?

This is not the perfect place and moment man.

"Uh..." Bago pa man ako sumagot ay may kumatok sa pinto.

Jas' driver went inside and give Jas his clothes.

"Salamat ho Mang Ben. Hintayin niyo na lang ho ako sa kotse. Ihahatid ko na lang ito doon." Malumanay na sabi ni Jas at pumasok na sa isa sa mga shower cubicle.

Pumasok na rin sa kabilang cubicle to change new clothes. Mabuti na lang at may dala akong damit kung hindi uuwi akong nakahubo. Ilang saglit lang akong nagbihis at nagpatayo kaya lumabas na rin ako at doon na sa mga bleachers naupo.

After minutes, someone entered the area while I am playing with my phone and still, waiting for Jas to finish.

Migo, my fellow competitor on the last pageant enters. He looks at me as I take a glance on him too. Pumasok siya at lumapit sa akin.

"Pare." Bati niya na sinagot ko ng tango.

"Mukhang napapadalas na ata ang usap-usapan tungkol sa inyo ni Jas ah." Maangas niyang pagkakasabi.

"Ano bang balak mo sa kanya?" napataas na ang boses niya kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko.

"Why do you care??" Maangas ko din na pagkakasabi.

He is about to push me when the locker room's door opens. Sabay kaming napatingin kay Jas na nagpupunas pa ng buhok gamit ang towel na pinahiram ko sa kanya kanina.

"Uy. Anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong niya at lumapit sa amin.

"Wala. Nag-uusap lang." Migo shifts his arrogant face into a smiley one. "Kumusta ka na Jas? Anong ginagawa mo dito?" He adds.

"Kanina kasi umiral 'tong katangahan ko. Natapilok ako at nahulog sa pool. Buti na lang dumating agad 'tong si Jacob at niligtas niya ako." He sits beside me and combs his hair.

"Talaga? So knight in shining armor pala itong si Mr. SFUA natin eh." The bastard said. Napupuno na ako dito. Ano bang gusto nitong palabasin.

Inilapag na ni Jas ang towel sa bleachers at tumayo. "Ano naman ginagawa mo dito?" He asks Migo.

"Nakita ko kasi itong si Jacob and I decided to walk-in and congratulate him. Hindi ko pa kasi siya nababati sa pagkapanalo niya." Liar.

"Ohhh. So, mauna na kami? May klase pa kasi ako at super late na ako." Jas said and hold my wrist.

"Bye Migo!" He said bye cheerfully and I'm carried away dahil hinila niya ako palabas.

I make sure that I take my one last glance on that asshole before we leave the premises.

***

Jasmuel's P.O.V.

After class ay dumiretso na ako dito sa taping. It's another overnight taping. Kinakabisado ko na ang mga linya ko dito sa tent at nakapagpalit na rin ng costume. Hindi ko na rin masyado inalala 'yung nangyaring pagkakalunod kanina.

Para ano mas inaalala ko ngayon? 'Yung pag-CPR sa akin ni Jacob kanina.

Oo, nasa panganib ang buhay ko kanina. Na pwede kong ikamatay 'yung pagkalunod na iyon pero nandyan ang superhero ko para iligtas ako. He doesn't even mind kung magdadampi ang mga labi namin, maligtas lang ako.

Kahit pa mukha akong natrauma kanina, ngiting-ngiti naman ang puso ko. Kahit pa nu'ng naliligo ako kanina, doon ako nakangiti ng todo. Ito ang una naming 'kiss'. Shall I consider him as my first kiss? Eh I didn't feel naman na may romance 'yun. For my safety 'yun.

Pero sige na nga, first kiss ko na siya. Ahee.

"Jas, take na daw." Sumingit ang boses ng staff na tumawag sakin.

Nagde-day dreaming pa ako eh. Lumabas na ako ng tent at nagtungo sa may park na pagkukuhaan namin. May mga fans pa na nanunuod ng shooting na binigyan ko ng isang malupit na ngiti at kaway dahil kanina pa sila nandito.

Si Keith ang ka-eksena ko at may mga ekstra kaming kasama para pamparami ng tao.

Inapproach ko na ang direktor namin at si Keith na nag-uusap.

"Okay, ganito gagawin niyo Keith at Jas. Titingin kayo sa camera one natin tas shift to the left tas maglalakad papunta doon sa may gitna ng park..." Mahaba pa ang sinabi ng direktor at nirehearse namin ang eksena.

Pati nga si Migo ay nandidito rin. Hindi ko lang siya magawang kausapin dahil kailangan na rin namin na matapos agad at ilang eksena pa ang kukunan.

"Ready na tayo?! Five... four... three... two... one... Action!" Sigaw ng direktor at nagsimula nang rumolyo ang mga kamera.

Matapos ang isa't kalahating oras ay natapos kami sa unang tatlong eksena. Break daw muna kaya nagpaalam na muna ako na doon na muna ako sa tent at magbabasa ng script.

Pagpasok ko sa loob ay may isang mama na nakatalikod, kinakausap si Ate Roda.

"Ay, ayan na siya." Nakita ako ni Ate Roda at tinuro.

Nagulat lang ako kung sino ang lalakeng kausap niya dahil hindi ko naman akalain na pupunta siya dito sa location namin.

Humarap ito sa akin at ngumiti nang makita ako.

"Jacob!" Bati ko sa kanya at lumapit.

"Hey!" Sabi naman niya.

"Anong ginagawa mo dito? Buti nakapasok ka." Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Your Ate Roda knows me." Sagot niya. Tinignan ko si Ate Roda na ngumingiti-ngiti.

"Anyway, kumain ka na ba? I brought some food baka kasi hindi ka pa kumakain." Sabi niya at itinuro ang mga dalang take-out mula sa KFC na nasa lamesa.

"Hindi pa nga eh. Buti na lang nagdala ka." Sabi ko naman at nagtungo doon sa lamesa. Kumuha ako ng isang styro at binuksan. Umalingasaw ang amoy ng bagong prito na manok sa buong tent. Ang bango-bango.

Limang styro ang nandito at mukhang pakakainin niya ang team ko ha.

"Bakit ang dami nito?"

"I bought it for your team." Sagot nito. Tama nga ako.

"Thank you, papa." Baklang-bakla na sabi ng hair stylist, make-up artist at stylist ko.

"Oh, ayan mga bakla lumapang na muna kayo." I gesture them the food at nagmadali naman silang nag-agawan.

Nilapitan ko si Jacob na noo'y nakatayo lamang at pinapanood ang mga nagkakagulong bakla.

"Pasensya na ha, ganito talaga kami kapag nasa tent lang. Puro kasi kami bakla." Paumanhin ko sa kanya.

"It's okay. Harmless naman sila." Nakangiting kumento niya.

"Uy, salamat ulit sa pagligtas mo sakin ha? Kung hindi sa'yo baka inaayusan na ako sa St. Peter ngayon." Lungkutan kong arte sa kanya sabay kagat sa manok.

"Don't say that. It was destined for you to live dahil marami ka pang gagawin. Marami ka pang pasasayahin na mga tao." Sabi niya.

I'm here to live to have babies with you. Echos! Kung pwede lang eh 'no.

"Oh eh, kumain ka na ba? Hindi ka naman bumili ng para sa iyo."

"I already ate. Nagpunta ako dito to make sure na okay ka na."

"Ano ka ba, okay na okay na ako. Kung hindi dahil sa mga labi mo hindi ako mabubuhay ulit." Bibong kong sagot pero natigil naman ako sa mga huling sinabi ko.

Shit. Sa mga labi niya? Oh no. Baka isipin niya na iniisip ko 'yung ginawang paglapat ng labi niya sa labi ko at hinid 'yung pagligtas niya sa akin.

Humarap ako dito at agad na dumipensa. "H-hindi. Ang ibig kong sabihin ay-"

"No, it's true. Without me sucking your mouth, baka nga minemake-upan ka na sa St. Peter ngayon." He said jokingly. Medyo namula ako doon kaya slight yumuko ako.

"SUCKING?!" Sabay-sabay na sabi ng mga bakla kaya napatingin kami ni Jacob sa kanila.

"Sinong nagsuck?!" Nanlalaking mata na sabi ng hair stylist ko.

"Paano sinuck?!" Sabi naman ng stylist ko.

"At magaling bang sumuck?!" sabi naman ng make-up artist ko.

"TSE!" Pinanlakihan ko sila ng mata at pinaghahampas. "Walang sucking na ganap! Kayo mga chismosa kayo lumafang na nga lang kayo d'yan hindi 'yung nakikinig pa kayo sa usapan ng iba!"

"Madam masabi na 'yan ide-demanda na kita." Umaarte sabi ng hair stylist ko kaya binatukan ko.

"Demanda? Sige anong kaso?" Sarkastiko kong tanong.

Sandali itong nag-isip na kahit pa wala naman siyang iniisip.

"Concubinage?" hindi siguradong sabi niya kaya nakatikim nanaman siya ng batok sa akin.

"Concubinage?! Wala naman akong asawa tas ide-demanda mo na ako ng concubinage?! Kaloka ka." Napapa-awang kong sabi.

"Sorry na 'te."

"Sorry? Wala ng magagawa sorry mo." Sumeryoso kong sabi.

Nilapitan ako nito at tinangkang hawakan sa braso pero iniwas ko ito.

"Ati naman. Sigi na. Prinds na tayo ulit."

Kunwari sandali pa ako nag-isip pero ngumiti ako sa kanya. "Okay."

"Yey!"

Nagtatalon ang bakla at 'yung dalawa naman ang bumatok sa kanya. Nagreklamo ang bakla kaya lumabas pero hanggang papalabas ay nagbabangayan sila. Lagot sila pag narinig sila ni direk. Hahaha.

Napansin ko naman si Jacob na malaki ang ngiti sa labi.

"Tawang-tawa ka 'no? Ganyan kami magbiruan dito sa set kaya gusto ko rin laging nandidito kasi ang saya-saya namin lagi." Pahayag ko at naupo na sa artista chair ko.

"Magkakasing-edad lang kayo?"

"Hindi. Mas matatanda sila sakin pero kung makaarte kami kanina akala mo magkaka-edad lang kami."

Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Keith na hindi agad tumuloy nang makita kaming dalawa ng kasama ko.

"Keith!" Sabi ko.

"J-Jas..." Parang naasiwang nakatingin ito kay Jacob na may blangkong tingin lang sa kanya.

"Oo nga pala, Keith, si Jacob. Jacob, si Keith." Pagpapakilala ko sa dalawa.

Hindi nag-aalis ng tingin ang isa't isa at una nang nag-abot ng kamay si Jacob.

"Jacob."

"Keith, pare." Nagkamay ang dalawa pero nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan ng dalawa.

Tumagal ng kaunti ng pagkakahawak nila ng kamay at mukhang mahigpit. Bakit kaya? Magkakilala na kaya sila dati pa?

"Sabi ni direk kukunan na raw tayo tapos ay pack-up na." Sa akin naman bumaling ng tingin si Keith.

"Gan'un ba? Tatapusin ko lang 'tong kinakain ko." Bumalik na ako sa inuupuan ko kasabay ng paglabas ni Keith ng tent.

Binilisan ko ang pag ngasab ng pagkain ko at tumayo na ulit.

"Gusto mong manood sa labas?" Sumagot na lamang ng tango si Jacob at sabay na kaming lumabas ng tent.

Sakto namang paglabas namin ay nakasalabong namin si Migo.

"Oy!" Tawag pansin ko sa kanya.

Tumingin ito sa akin at tumango. Nilipat naman niya ang paningin sa kasama ko at tila nag-iba ang timpla ng mukha nito.

"Jas nasaan ka na! Magte-take na tayo!"

Ayon, tinatawag na ako ng direktor namin.

"Mauna na ako ha. Tinawag na ako eh." Paalam ko sa dalawang lalake na nasa ahrap at likod ko at iniwan na sila.

Buong taping ay nasa labas lang siya, katabi ng P.A. ko na nanunuod habang kinukunan ako. Natapos ang taping alas-tres na ng madaling araw. Hindi ko nga alam kung may klase pa 'tong si Jacob at nandidito nakikipagpuyatan.

Hindi ko siya mahanap matapos ang take. Wala rin siya sa loob ng tent.

Naaninag ko ang likod nito na tila may kinakausap sa may madilim na parte ng park at seryoso ata ang pag-uusap nila. Lalapitan ko na sana kaso may humawak sa braso ko.

"Jas magbihis ka na." Si Ate Roda lang pala.

Jacob's P.O.V.

"What your problem, man?!" ingus ko dito sa lalakeng humila sa akin dito sa madamong lugar na ito.

"Ikaw ang problema ko!" Sagot niya.

"What about me? Anong ginawa ko sayo?!"

"Anong ginagawa mo dito sa taping? Ha?" Maangas na sagot ni Migo.

"For the second time, why do you care??!"

Mabilis na lumipad sa ere ang kamao niya na mabilis ko ring nasalag.

"Pare, ano bang problema mo?!" I ask him.

"Layuan mo na si Jas!"

"Bakit ko lalayuan si Jas?!"

"Dahil kilala ko ang mga kagaya mo. Magaling manloko ng mga tao!"

How dare this guy! He did even judge me even if he didn't know me well?! F! I can feel myself turning red because of anger.

"Pare, ayos ka din 'no. Anong problema mo kung malapit ako kay Jas?! Ha?!"

"DAHIL-"

"Hoy anong nangyayari d'yan?!" A man's voice suddenly appears from my back.

Pareho kaming natigilan nang lumapit na ang staff.

"Pack-up na ho tayo. Kayong mga talent doon na kayo at nagbibigayan na ng bayad." Pinaalis kami ng staff.

Kahit pa magkabila kami ng dinaanan ay hindi pa rin maalis ang sama ng tinginan naming dalawa. What does he mean, na may gusto din siya kay Jas? If so, I'm wishing him all the good luck in life.

______

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
9.9K 547 35
"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet...
3.2K 427 31
H O M O P H O B E. That's me. I mean, that WAS me---until my biggest and lamest competitor started meddling with my life to the fullest extent! What'...
66K 3.9K 62
[ My Kitten Tutor BOOK 1 : Between Us - E D I T I N G ] **** Ang isang baklang kuting na papasukin ang mundo ng kolehiyo, Kit Ten Perez, ay gagawin a...