The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 32: Internal Battle

511K 15.1K 3.3K
By iDangs

Chapter 32

Warren's POV

"And Warren Evans for three! Bam! Solid, Captain! Sana navideohan ko 'yun kanina tapos ia-upload ko sa Youtube."

"Tigilan mo nga ako, Migs. Practice lang 'yun."

"Practice nga pero a practice game is still a game! Hindi mo kasi nakita 'yung ginawa mo, Captain!"

"Pabayaan mo na 'yan, Warren. Alam mo namang fanboy mo 'yang si Migs."

Naglalakad kami papuntang cafeteria habang nagbibiruan ang teammates ko at inaalaska si Migs. Kulang na lang magdaganan sila sa gitna ng corridor. I'm really glad to have teammates like them.

Malapit na kami sa cafeteria nang mapansin namin na halos lahat nang nadadaanan namin, kahit anong grupo man, ay nagbubulungan. Ano na naman ang bagong drama ng mga taong 'to?

"Ayos! May bagong issue na naman ata." Pinagdikit pa ng isa kong teammate ang palad niya at kulang na lang ay kuminang ang mata niya.

"Huwag kang chismoso," batok naman sa kaniya ng isa. "Tara na lang sa loob at gutom na gutom na ko."

Pagdating namin sa loob ay agad hinanap ng mata ko kung nasaan sila. Automatic na 'to. Magbuhat nang umalis sila sa mga grupo nila at magsamasama sa isang lamesa, lagi ko na lang silang hinahanap sa tuwing break time o lunch. Titingnan ko lang sila sa kabilang lamesa tapos maiinggit minsan kapag nagtatawanan na sila.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang lamesa nila. Apat. Apat lang sila dati pero ngayon lima na.

"Hunter," bulong ko at napakunot ang noo.

"Ano 'yun, captain? May sinasabi ka ba?" tanong ni Migs pero napailing na lang ako at pumila.

Nang makaupo na kami sa usual table namin, hindi ko mapigilan mapatingin sa pwesto nila. Ewan. Ang gulo. Parang dapat nandoon ako pero tama lang din naman na nandito ako sa pwesto ko ngayon. Hindi ko alam. Ewan.

Tapos ngayon dumagdag pa sa kanila si Hunter. Ako dapat ang nandu'n. Ako ang kaibigan nila. Ako ang bestfriend nila. Pero bakit siya ang nasa pwesto ko?

"Warren.."

"Hmm?"

"Tinatanong ka ni Migs."

"Ha?"

Pinangliitan niya ako ng mata kaya sinamaan ko siya ng tingin, "What?"

May sasabihin sana siya kaya lang tumunog na ang warning bell. Napatingin ulit ako sa lamesa nila Nate at nakitang nagmamadali na silang umalis. Nauna si Hunter at hindi man lang sila hinintay at sumunod na ang iba.

"Uy, captain. Bilisan mo na pagkain. Malelate na tayo."

Tulad nga ng sabi ng teammates ko, nagmadali na ako at nang matapos ay pumunta agad sa classroom.

Inabutan kong nagkakagulo ang mga kaklase ko pagdating ko. Nang tanungin namin ang isa sa kateammate namin na naunang pumuntang classroom kung bakit nagkakagulo ang classmates namin, sinabi lang niya na wala raw teachers sa afternoon class kaya free kaming gawin ang gusto namin basta huwag lang lumabas ng classroom.

Ilang minuto palang kaming nakakulong sa classroom nang nakaramdam na ako ng pagkainip kaya tiningnan ko ang mga tao sa paligid.

Tulad ng dati, may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan ang bawat grupo. Kung iisipin mo parang wala namang nagbago magbuhat nu'ng umalis sila Piper. Excpet lang siguro sa ngayon ay magkakasama sila.

Napatingin ako sa gawi nila at tulad kanina sa lunch, magkakasama na naman sila.

Kahit bawal lumabas ay lumabas ako ng classroom. Nagpunta ako sa may malapit sa pool at humiga sa bleachers. Ilang minuto lang nang may tumabi sa akin. Si Tamara.

"Bawal lumabas 'di ba?" tanong niya pa.

Napangiti ako at napailing, "Bawal nga. Ikaw, bakit nandito ka?"

"I'm a rule breaker."

"I'm not."

"I know."

Wala na ulit sa amin ang nagsalita.

Kung ikukumpara sa iba, hindi kami masyadong close ni Tamara. Mas madalas niya kasing nakakausap at nakakasama 'yung tatlo pero sa iilang beses na nakakapag-usap kami, masasabi kong mabuti siyang tao.

"Am I doing the right thing?" bigla ko na lang naitanong.

"Do you think you're doing the right thing?"

"Hindi ko alam. Nakapag-usap na kami ni Hailey tungkol dito dati kaya lang kapag kasi nakikita ko sila.. kayo.. na magkasama parang.. parang - "

"Gusto mong nandoon ka rin."

Tumango ako nang siya na ang nagtapos ng sasabihin ko.

"So anong pumipigil sa 'yo para mapunta ka kung nasaan sila?"

"Basketball. Teammates. Loyalty."

"Hmm. Mahirap nga 'yan," tatango tango niyang sabi. "Pero ganu'n naman talaga 'di ba?"

"Ang ano?"

"You can't have everything that you want. Pinili mo ang basketball 'di ba? Ayun na ang choice mo. Pero hindi naman ibig sabihin nu'n na tinalikuran mo na rin ang pagkakaibigan niyo nila Nate. Kaibigan mo pa rin sila at kaibigan ka pa rin nila."

"Ewan ko. Magulo."

"Ikaw lang naman ang nagpapagulo," sabay tapik niya sa akin. "Minsan talaga kailangan mong mamili."

Nang hindi na ako nagsalita ay tumayo na siya at nagpaalam, "Sige na. Babalik na ako sa room. Bibili lang talaga dapat ako kaya lang nakita kita dito e. Sige, una na ko."

Sumandal ako at tumingala. Ako nga lang. Ako nga lang ang nagpapagulo.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Migs na mukhang papunta rin sa canteen kaya lang nang makita niya akong nakatambay mag-isa ay kumaway siya at lumapit.

"Loner ka, captain."

Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang ang tubig.

"May itatanong ako, captain, pero huwag kang magagalit ha."

"Ano?"

"Magpromise ka muna na hindi ka magagalit at hindi mo ko pagpupush-up-in ng ilang daang beses."

"Ano nga 'yun?"

"Hindi ka naman nagpromise e."

"Kapag ako nainis mo, pag - "

"Joke lang. Magtatanong na nga," sabi niya sabay tawa. "Bakit palagi kang nakatingin sa table nu'ng dating mga leaders kapag recess at lunch?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya pero nagtuloy tuloy lang siya.

"Sino ba ang type mo sa mga 'yun? Alam mo, captain, crush ko nga du'n 'yung transferee sa klase niyo. Ang cool niya kasi una pa lang hindi na siya pumili ng grupo tapos ang ganda ganda niya pa. Maganda rin si Piper kaya lang natatakot ako sa kaniya. Baka supladahan lang ako nu'n. Isa pa, parang may iba raw sa kanila ni Hunter. Pinag-uusapan kasi kanina 'yun sa classroom namin. Paano raw nagbubulungan daw sila kaninang lunch. Tapos alam mo si Hailey, mukha naman siyang maganda basta tanggalin lang 'yung salamin niya saka magsuklay lang siya. Ikaw, captain, sinong type mo du'n?"

"Ang daldal mo," seryosong sabi ko sa kaniya.

Napakamot naman siya sa ulo niya at natawa, "Likas na 'to. Pero hindi mo naman sinagot tanong ko. Bakit ka nga laging nakatingin sa kanila at sino crush mo du'n?"

"H'wag kang pakialamero."

"Nagtatanong lang naman. Sungit mo naman, captain."

Hindi ko ulit siya pinansin at tumingin lang sa pool. Hindi na rin naman siya nagsalita ulit pero hindi rin siya umaalis.

Napabuntong hininga ako kaya naramdaman kong napatingin siya sa akin.

"They're my bestfriends."

"Weh?"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napataas naman siya ng kamay, "Joke lang. Pero seryoso? Bestfriend mo sila?"

"Yeah."

"Wow. Hanep. Posible pala 'yun. Teka. Kaya ba palagi kang nakatingin sa kanila? Kasi minsan gusto mong lumipat sa table nila?"

"Yeah."

"Kaya pala! Bestfriend talaga kayong lahat?"

"Hindi. Kaming apat lang nila Piper, Hailey at Nate. Si Tamara bago lang 'yun pero tinuturing na rin na parte ng barkada."

"Si Hunter?"

Umiling lang ako bilang sagot.

"Pero.. kasama siya - ha?"

"We're not friends."

"Nandu'n din siya ha? Hindi naman kumakain sa cafeteria 'yun. Tapos kanina kumain siya du'n. Nakaupo pa nga siya sa.." Napahinto siya at saka tumango tango, "Ah. Gets ko na. Hindi mo siya kaibigan. Kaibigan niya sila Piper."

Saglit ulit kaming natahimik hanggang sa nagsalita na naman siya, "Minsan ba naisip mong umalis na lang din ng grupo?"

"Madalas," sagot ko na nagpatango sa kaniya. "Kaya lang ayoko kayong iwan. Isa pa, masaya ako kapag nagbabasketball ako."

"Pero masaya ka rin kapag kasama mo sila."

"Oo."

"Ang hirap niyan, captain. Kung ako lang masusunod, okay lang sa akin na wala ng rule. Kapag kasi ganu'n, pwedeng makausap mo 'yung mga kaibigan mo nang hindi umaalis ng team. Isa pa, mukha naman silang mababait. Mukha naman masaya sila. Saka ang galing nga e. Kasi nagawa nilang umalis ng grupo nila at suwayin ang rule para lang makapagsamasama."

Napatango ako sa sinabi niya. Tama siya. Nagawang talikuran ng mga kaibigan ko ang grupo nila para maging magkakasama. Pero ako.. hindi ko magawa. Pakiramdamo ko tuloy iniiwan ko na naman sila sa pangalawang pagkakataon.

"Saka kapag nawala ang rule, makakausap na natin ang ibang grupo at ibang babae. Nakakabagot na sa grupo natin e. Puro lalaki. Kapag kumakausap tayo ng babae patago pa. Hirap hirap kaya nu'n."

Napailing at natawa na lang ako sa sinabi ni Migs. Baliw talaga ang isang 'to. Ayun pala talaga ang goal niya. Makipag-isap sa mga babae.

***

Hailey's POV

"Kanina nasa may pool area si Warren. Nakahiga lang sa bleachers. Parang may problema," sabi ni Tamara nang makabalik na siya galing sa cafeteria.

"Kinausap mo?" Piper asked.

"Oo. Nahihirapan ata siya sa sitwasyon niya. Gusto niyang sumama sa 'tin kaya lang hindi niya siguro maiwan ang basketball."

"Hindi naman niya kailangan mamili. Last year na natin sa highschool. Tama lang na piliin niya ang basketball. Tayo.. hindi naman tayo mawawala sa kaniya. Pwede naman niya tayong balikan kahit kailan. Ang basketball.. pwedeng mawala at mahirap ng balikan. Lalo na na magcocollege na tayo," Nate said.

I see. Hindi pa rin talaga okay si Warren. Sana kasi hindi na niya masyadong isipin na hindi niya kami nakakasama. After naman ng klase, kapag nasa bahay na kami, magkakasama na rin kami. Iniistress lang niya ang sarili niya. Magfocus na lang siya sa basketball at malapit na ang game nila.

"Have you talked to him na?" Piper asked me.

Tumango ako. Kaya lang 'yung pag-uusap naman namin dati parang wala lang din nangyari. He's still worrying.

"Maybe it's an internal battle na lang? He'll figure out what to do on his own. Let's just make him feel na we're here for him. We're not going anymore and we'll always support him no matter what."

Nang mag-uwian na ay pinauna ko na sila Piper umuwi. Dumiretsyo ako ng mall para magpunta sa bookstore at bumili ng bagong libro. Natapos ko na kasi 'yung librong binabasa ko at ayoko pang basahin 'yung ibang nakatambak sa shelf ko.

Nang makalabas na ako sa bookstore ay may nakabunggo ako. At kung minamalas ka nga naman.. sa dinamirami ng pwedeng makabunggo si Elle pa at ang mga alagad niya.

"Oh. It's the nerd."

Napairap na lang ako at lalagpas na sana nang magsalita ulit siya. "Bakit loner ka? Narealize na ba ng so-called friends mo that ang boring mo?"

"Baka kasi hindi lang ako kagaya mo na hindi kayang mabuhay ng walang nakabuntot sa 'yo."

"Or maybe.. sadyang wala lang gustong sumama sa 'yo."

Nagtawanan ang mga kasama niya at magsasalita palang sana ako nang may umakbay sa akin.

"I'm with her," Warren said.

Nanlaki ang mata ni Elle at saka siya tinuro, "This is against the - "

"The rule? Sige, magsumbong ka. Anong magagawa ng sumbong mo kung nasa labas naman kami ng school?"

"How dare - "

"May respeto ako sa mga babae. Kaya kung kaya mo, umarte ka naman na karapatdapat kang respetuhin," sabi pa ni Warren at saka ako hinila palayo kila Elle.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
350K 753 2
THE PLAYBOY'S GIRL. Written by: jpinky18 All rights reserved. Copyright © 2016 -- He's a Heartbreaker. He always making fun the feelings of others. ...
116K 8.7K 76
And so? An epistolary.