She's With Lucifer

By rosejhilcay

206K 4.9K 492

He already paid me. Kinuha niya lahat ang kayamanan ng pamilya ko. Masaya siya kapag nakikita niya na lugmok... More

Mary Flor Fernando
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2
Season 2 (2nd Generation)
SEASON 2 (ASSASSIN'S TRAINED)
SEASON 2 (Physical Training)

Chapter 6

5.1K 138 13
By rosejhilcay

Napabalikwas ako ng bangon, nakaramdam ako ng pananakit ng katawan at ulo.Medyo may sinat ako.Napabuntonghininga ako,wala kasi sa tabi ko so Damon.Ang huling naalala ko tumabi ito sa pagtulog sa akin.

Ayoko ko umasa na naging mabait na siya.Bumangon na ako,muntik na ako matumba dahil nangangatog ang aking tuhod.Nagpalit muna ako ng damit at bumaba na.

Patay ang ilaw sa sala pero nakabukas naman sa kusina.Pagpasok ko ng kusina may narinig akong nag uusap , lumapit ako at nakita ko si Damon at Dia,may mga alak sa kanilang harapan.Napatigil ako nang nagsalita si Dia.

"Anong plano mo kay Mary?"-
tanong niya kay Damon habang panay ang halik niya sa labi at leeg ng asawa ko.

Parang biglang sumikip ang dibdib ko.Ayoko ko siyang mahalin, pero bakit ang sakit? Nasasaktan ako.

Lalo nanikip ang dibdib ko sa sagot ni Damon.

"Kapag nakuha ko na ang gusto ko sa kanya,"

Mapait akong ngumiti,lahat pala na pinakita niya kanina,kasama pa rin ba sa plano niya?

"Kaya naman kita bigyan ng anak Damon eh,mahalin mo lang ako,"-
Ani ni Dia na nkakandong na ito kay Damon.

"Gusto ko masaktan si Mary,alam ko na kapag nasa akin ang anak namin lalo siyang masasaktan!"-
Sabi ni Damon na hinapit si Dia at naghahalikan na sila.

Tumalikod na ako.

Pinaglalaruan niya ako!

Mapakla akong napatawa.

Sasabayan kita sa laro mo Damon!Sasabay ako sa agos!Sakaling mabuntis ako,at okay na ang Daddy ko ,doon na kita iiwanan!

Hayaan muna kitang saktan ako pero gaganti ako nang mas malupit pa sa ginawa mo sa akin!

Inayos ko muna ulit ang aking sarili at bumalik sa kusina.

Naghahalikan pa rin ang mga ito.Patuloy pa rin sila gumagawa ng kahayupan.Dumaan ako sa kanilang harap.Nagulat pa silang dalawa ng nasa harap na nila ako.

"Pasensiya na kung naistorbo ko kayo, nagugutom kasi ako"-mahinang saad ko.

Nakatitig si Damon sa akin.Tumalikod na ako at naghanap ng makakain sa ref.May nakita akong slice cake.Kumuha ako ng plato at nag lagay ng dalawang slice ng cake.naglagay rin ako ng gatas sa baso.

Umupo ako sa harap ng dalawa.Hindi ko ipapakita sa kanilang dalawa na mahina ako.

"Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo Dia,nakaupo ka sa kandungan ng lalaki sa harap ng asawa niya?"-tanong ko na nakatingin dito habang ngumunguya.

Humalakhak naman si Dia ng pagkalakas.

"Asawa ba ang turing sa iyo?"-nakangising tanong niya sa akin .

Napalunok naman ako.

Hindi na ako umimik,tinapos ko na ang aking pagkain.Hinugasan ko rin ang pinagkainan ko.

"Babe ,samahan mo ako bukas sa bayan ha"-ani ni Dia.Napapikit na lang ako.

Kung aalis sila bukas,aalis ako at uuwi ng Manila.Kailangan ko puntahan sila Mommy at Daddy.

"Sure"-sagot naman ni Damon.

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanila.

"P-Puwedi ba akong sumama?"-kailangan ko kunin ang loob ni Damon.Kailangan makabalik agad ako sa Manila.

Titig na titig si Damon sa akin.Parang binabasa niya ang isip ko.

"You stay here!"-diin na sagot ni Damon.

Kinagat ko ang aking ibabang labi.

Ito na ang pagkakataon ko na umalis bukas.Gustong gusto ko makausap sila Mommy,marami akong gustong tanungin.

Yumuko ako habang naglalakad palabas ng kusina.Dali dali akong pumunta sa silid namin,Inayos ko lahat ang aking mga gamit.Buti na lang dala dala ko rin ang aking pera.

Agad ako ng pumunta sa kama at humiga nang marinig ko ang mga yapak papunta dito sa silid.Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Damon.

Napaiwas ako ng tingin ,ayoko ko makita ni Damon na tensiyonado ako,baka makahalata siya.

"Babalik na tayo sa Manila sa isang araw dahil pupunta ako ng US,huwag na huwag ka tatakas Mary"-diin na sabi niya sa akin.

Aalis siya?Ibig sabihin hindi ko na kailangan umalis bukas,

"H-hindi,a-alam ko naman na matatagpuan mo pa rin ako"-kinakabahan kong sabi .

"Good"-

"Damon?"-

Humarap ulit ito sa akin,nakaupo kasi ito sa lamesa na maliit at may ginawa sa kanyang laptop.

"I remembered earlier that before I went to sleep,sabi mo may pag uusapan tayo"-

"Wala ,Kalimutan mo na iyon"-

Napabuntonghininga ako.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Nakatayo ako sa kanyang harap.

"P-Puwedi ba na mag simula tayo b-bilang mag asawa?"-

Umangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin.

"No,si Mariel lang ang babaeng ituturing kong asawa"-

Kinagat ko ang aking ibabang labi . Mapait akong ngumiti at Tumatango tango sa kanya.

"P-pasensiya na, lalabas lang ako,kukuha lang ako ng tubig"-

Tumalikod na agad ako at lumabas ng silid,nag sibagsakan ang aking mga luha,

No!hindi puwedi na mahalin ko siya! Kailangan pigilan ko ang aking nararamdaman.

Sa labas na ako dumiretso,Umupo ako sa upuan na kahoy.Ang ganda ng kalangitan.Ang ganda ng pagkislap ng mga bituin.Napangiti ako, parang si Damon ,sobrang lapit niya pero ang hirap abutin.

"Alam mo,lahat ng kamalasan nasa iyo na"-

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Dia.Naninigarilyo ito at ngumunguya ng chewing gum.

Nakatingin ito sa akin na nakangisi.

"Ayoko sa lahat ay mga martir,nagpapaapi,at ikaw isa ka na doon"-

Hindi pa rin ako umiimik.

"Si Mariel,mabait siya at palaban,nakilala ko siya sa University kung saan pumasok kami sa Military, sabay kaming pumasok sa Black Mafia,alam mo kung ano iyon?"-

Napatingin ako sa kanya, nakangisi na naman ito.

"Alam mo ba ang mga Assassin's?"-

Tumango na lang ako.

"Doon namin nakilala or doon ni Mariel nakilala si Damon,nagkagustuhan at iyon na nga nagmahalan,pero nagbago ang lahat nang biglang pagkawala ni Mariel"-

Huminga muna ako ng malalim.

"B-bakit mo ito sinasabi sa akin?"-

"Dahil isa ka sa dahilan kung bakit nagpakamatay si Mariel,pilit siya ipinapakasal ni Felip Fernando sa lalaking kasosyo nito sa negosyo,na dapat ikaw ang magpapakasal pero sinabi mo kay Felip na si Mariel na lang"-

"Nagkamali kayo,wala akong kinalaman,nasa ibang bansa ako at nag aaral ng Medisina!"-galit na sabi ko kay Dia .

"Alam ko,alam mo ba na duda ako na baka buhay pa siya,noong natagpuan ang kotse niya sa bangin at malapit ito sa dagat,isipin mo dapat nasa loob lang ito ng kotse pero wala na ang katawan niya,pero natagpuan ang kanyang mga suot sa dagat,"-

Nanlalaki naman ang mga mata ko.

"Galit si Mariel sa iyo Mary, Dahil noon sinasabi niya sa akin na mas mahal daw ng kanyang mga magulang ang ampon kaysa sa kanya"-

Napayuko ako,sa edad kong bente siyete,ngayon ko lang nalaman na ampon ako.Ang tagal na panahon na tinago sa akin.

"Bakit mo ito lahat sinasabi sa akin?"-mahinang sabi ko.

"Lahat na nakita mo kanina na ginagawa ko kay Damon ay palabas ko lang,"-

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"S-sino ka?"-

"Tatakas ka sa kanya, tutulungan kita makaalis"-hinawakan ni Dia ang aking balikat at direstong nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi puwedi,hawak niya ang mga magulang ko!nasa ospital pa si Daddy,baka kung anong gawin niya kay Daddy at Mommy!"-

"Hindi mo sila totoong mga magulang! Bakit ka nagtitiis na saktan ka niya!"-

Tumayo ako.Malalim kong tiningnan si Dia.

"S-Sino ka ba talaga?bakit mo ako tinutulungan?!"-

"Mas maigi na ganito lang ang pagkakilala mo sa akin,"-
May dinukot ito sa kanyang bulsa,inabot niya sa akin ang isang calling card.

Kinuha ko ito.Maria Dianne Cole.

"Pag bumalik na kayo sa Manila kapag sinaktan ka ulit niya,tawagan mo ako, tutulungan kita ,kahit alam ko na mapapatay ako ni Damon"-

Nakita ko sa mga mata niya na parang may luha.

"Pigilan mo ang nararamdaman mo sa kanya,dahil hindi niya masuklian iyan,sagad ang galit niya sa iyo!"-

Agad itong tumalikod pero tinawag ko ito.

"Dia?"-

Humarap ito sa akin,pero nakita ko na may luha ito sa kanyang pisngi.

Lumapit ako dito.

"Bakit mo ito ginagawa?anong dahilan?"-

"Basta, nasa paligid mo lang ako,ang gawin mo lang ,dapat mo kunin ang loob ni Damon,mag ingat ka"-

Nakatingin lang ako kay Dia habang papasok sa loob ng bahay.

Tinago ko ang kanyang calling card sa aking bulsa.Bumalik na ako sa loob,dumaan muna ako sa kusina at uminum ng tubig.

Umakyat na ako sa taas, naabutan ko sa Damon na titig na titig ito sa kanyang cellphone.

Lumingon ito sa akin,nang pumasok ako.

"Bakit ang tagal mo bumalik?"-bungad niya sa akin..

"Nagpahangin muna ako sa labas,"-mahinang sagot ko.

Humiga na ako sa kama.Hindi mawala sa isip ko ang mga mata ni Dia,umiiyak ito.

"D-Damon?"-

"Bakit?"-

"S-Saan at Paano kayo nagkakilala ni D-Dia?"-

"Why are you asking about her?"-

"W-wala"-

Tumagilid ako ng higa.

Pinatay na ni Damon ang ilaw at binuhay ang lampshade sa tabi niya.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama.Humarap ako sa kanya.

Nakapikit na ito.Sobrang guwapo niya talaga,

"Don't stare at me"-

Nanlalaki naman ang mga mata ko.Alam niya na tinitigan ko siya?

"D-Damon, puwedi bang bigyan mo ako ng puwang sa puso mo? Puwedi bang tama na ang paghihiganti mo?H-hirap na hirap na ako,gusto ko nang makita sila Mommy"-

Nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin.

"Keep our agreement, you will be free then,Huwag na huwag ka magkamali na tumakas,dahil kahit saan ka mag tago makikita pa rin kita"-

Tumalikod ulit sa kanya,habang nakapikit ang aking mga mata ,nag silabasan na naman ang mga luha ko.

Tama si Dia, Hindi dapat mahulog ang loob ko sa kanya, Kailangan ko gawin ay kunin ang kanyang loob,

Gagawin ko ang lahat para mapaibig ko siya!





Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
109K 3.8K 34
"Bili mo ako niyan." "Tumigil ka!" Shit! Ako na ang nahihiya sa tindera ng grocery store. "Bakit ayaw mo ako ibili, candy lang naman!" galit na saad...