Chapter 9

4.9K 134 16
                                    

Napamulat ako bigla,nang nakarinig ako ng sigaw sa labas.Gabi na pala,hindi ko naman namalayan ang oras.Dahan dahan akong bumangon.Pumunta muna ako ng banyo para mag half bath.Sobrang pawisan ako ng nagising ako.Pagkatapos ko mag half bath, kumuha ako ng malaking t-shirt at short.Lumabas na ako agad sa silid.

Nagulat ako nang makita ko si Damon,nandito na pala siya.

Nakatingin ito sa akin,may isang lalaki na nasa tabi niya,katulad ni Damon napaka guwapo rin nito.

"Umuwi kana Dos,bawal ka dito makitulog"-seryosong sabi ni Damon sa lalaking Dos ang tawag niya.

"Bawal ba ang istorbo?"-nakangising sagot ni Dos.
Pero masama lang siya tiningnan ni Damon.

"Hi,Miss"-bati sa akin ni Dos.

"H-He-"-Hindi ko na itinuloy ang sasabihin nang sobrang sama ng tingin sa akin ni Damon.

Humalakhak naman si Dos.

"Okay,uuwi na ako Bro,bye Miss"-

Tumango na lang ako.

Nang makaalis na si Dos,humarap si Damon sa akin.

"Sino ang pumunta dito sa bahay ng gabi ?"-

Kinabahan ako,akala ko na shut down ni Dia ang CCTV.

"W-wala,kung may pumunta dito,nakita sana ng tauhan mo"-mahinang saad ko.

"Yes,hindi siya nakita sa CCTV pero may sekretong CCTV ako kinabit dito!"-

Napaatras ako.

"D-Damon wala naman talaga eh,"-

"Okay,sabi mo iyan,pero kapag nalaman ko kung sino, papatayin ko siya sa harap mo!"-

Namutla ako.Kinuyom ko ang aking dalawang kamay.

"Bakit ang dali lang sa iyo ang pumatay?!patayin mo na rin ako!"-sigaw ko sa kanya.

Blangkong mukha lang ito nakatingin sa akin.

"Lumipat kana sa kuwarto ko,doon kana matutulog"-ani niya na tumalikod na ito pero ito,

"Ngayon na,pumunta kana ngayon sa silid ko"-umakyat na ito sa taas.

Kailangan ko muna sundin ang lahat ng gusto niya,

Umakyat na ako sa taas, pagpasok ko sa silid niya,wala siya, napatingin ako sa banyo, naliligo ito.

Umupo muna ako sa Kama.Maya maya lang lumabas na si Damon.Nakatapi lang ito ng tuwalya.Napaiwas ako nang magkasalubong ang aming tingin.

"D-Damon , puwedi ko bang dalawin ang lamay ni Mommy,gusto ko siya makita kahit sandali lang"-mangiyak ngiyak na sabi ko.

Tumingin ito sa akin.

"Pasasamahan kita sa tauhan ko bukas"-

Bigla akong napatayo at lumapit sa kanya,

"Papayagan mo ako?"-

"Yes,pero saglit lang"-

Dahil sa sobrang saya ko, niyakap ko ito.

"Thank you ,Damon!"-Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya.

"Kahit sandali lang okay lang sa akin,"-umiiyak na sabi ko.

Narinig kong Napabuntonghininga ito.

"Huwag mo lang sirain ang tiwala ko sa iyo, Mary,alam mo Kung paano ako magalit"-

Umangat ang ulo ko, nagkasalubong ang mga mata namin.Bakit sa likod ng pagka malupit niya, nakikita ko pa rin na may puso pa rin siya.

Dahan dahan kong nilapit ang ang aking labi sa labi niya.Marahan ko siyang hinalikan, pinikit ko ang aking mga mata habang hinahalikan ko siya.

She's With LuciferWhere stories live. Discover now