Chapter 10

5.3K 144 11
                                    

Nakatulugan ko ang pag iyak, pagkagising ko bukas na ang pinto.Bumangon na ako , nakaramdam ako ng gutom.Lumabas na ako ng silid at pumunta ng kusina.Nagtingin tingin lang ako ng makakain sa ref.Tinatamad na ako magluto.

Napalingon ako ng may pumasok,si Damon.Hindi ko ito pinapansin.

Sinarado ko na ang ref at kumuha na lang ng cup noodles.

"I'll cook,huwag muna buksan iyan"-saad ni Damon,kinuha niya sa akin ang cup noodles at ibinalik sa cabinet.
Hindi pa rin ako umiimik.Hinayaan ko siyang magluto,habang nakaupo lang ako.

Narinig kong Napabuntonghininga ito.

"I'm sorry"-

Napatingin ako dito.

"You pissed me off, You disappoint me,"-

Napayuko na lang ako,ayoko magsalita.

Maya maya lang narinig ko ang ingay ng mantika, umangat ang ulo ko, nakatalikod na ito sa akin.

Naamoy ko ang ginising bawang at sibuyas, pakiramdam ko parang susuka ako sa amoy,agad akong tumakbo sa lababo.

Duwal ako ng duwal ako, Lumapit si Damon na nagtataka.Kumuha ito ng Tubig at binigay sa akin.Panay haplos din niya sa likod ko.

Napakapit tuloy ako sa damit niya.

"Are you okay?"-tanong niya .

Tumango lang ako,

"Are you pregnant?"-

Bigla ako nanigas.

Tumingin ako dito, sobrang lalim ang tingin niya sa akin,

"I said,are you pregnant?"-

"D-Damon"-

"Yes?"-

Tumango ako,kahit magsinungaling ako hindi rin ito maniniwala.

"Kailan mo pa nalaman na buntis ka?"-seryosong tanong niya sa akin.

"K-kahapon lang,"-

Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang mukha ko,

"D-Damon!"-

Nagtataka itong tumingin sa akin.

"N-Nasusunog na ang -"-

"Shit!Shit!"-

Dali dali naman niya pinatay ang kalan.

"Fuck! nakalimutan ko !"-

Lumapit ako sa kawali,parang gusto ko amuyin ang sunog na bawang at sibuyas.

"Itatapon ko na iyan,gigisa ulit ako"-ani ni Damon sa akin.

"H-Huwag na,okay lang kahit sunog"-

"Sunog na iyan,gigisa lang ako ng panibagong"-

"Huwag mo na itapon,okay lang kahit sunog"-napakagat ako ng ibabang labi ko.

"Okay, Hindi ko itatapon"-

Nakaramdam naman ako ng saya.Umupo ulit ako at ipinagpatuloy naman ni Damon ang pagluluto.

Kumuha ito ng karne ng baboy sa ref.Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya.Pilit ko pinipigilan ang nararamdaman ko pero nabigo pa rin ako.Umiwas ako ng tingin ng magkasalubong ang aming mga mata.

"Pupunta tayo sa isang araw sa hospital, kailangan mo mag pa check up"-

Hindi ako umimik.Humarap ito sa akin.

"Huwag sana maulit ang ginawa mo kanina,ayoko saktan kita,lalo na buntis ka ngayon"-

Napayuko na lang ako.

She's With LuciferWo Geschichten leben. Entdecke jetzt