Chapter 18

5.3K 137 25
                                    

Pitong buwan pa lang ang tiyan ko, sobrang nahihirapan na talaga ako.Minsan sa umaga halos hindi na ako makatayo.Buti na lang inaalalayan ako ni Allen o ni manang.

"Manang,saan sila pupunta?"tanong ko kay manang, umalis kase sila Dia,  Allen at Dos.

"Pupunta sa Manila, uuwi naman sila bukas,"ani ni manang.

"Ganoon po ba, maglalakad muna po ako,"lumabas na ako ng bahay at naglakad-lakad sa tabing dagat.

Gusto ko sana magdampot ng mga shells, kaso hindi naman ako makayuko.

Napansin ko na may babaeng naglalakad din.

Si Dra.Luz.

"Dra.Luz?"sigaw ko.

Lumingon naman ito sa akin.Agad itong lumapit sa kinatatayuan ko.

"Hi, Ma'am Mary,"nakangiting bati niya sa akin.

"Mary na lang Doktora,"nakangiting saad ko sa kan'ya.

"Ang laki na ng tiyan mo, kailan nga ulit ang check up mo?"tanong niya sa akin.

"Next week  pa Doktora, oo nga eh, hirap na rin ako gumalaw,"natatawang saad ko sa kan'ya.

"Mary aalis na ako, magkikita naman ulit tayo sa next week,"nakangiting saad ni Dra.

"Sige, ingat ka Doktora,"

Masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya bumalik na ako sa bahay.Habang nagluluto si manang ng tanghalian namin pumunta muna ako sa silid ko.Nasa baba na nilagay ni Dia ang kuwarto ko dahil hindi ko na kaya umakyat sa hagdanan.

After one hour tinawag na ako ni manang para kumain ng tanghalian.

"Gulay ang kainin mo, ang putla mo na,"sermon ni manang sa akin.
Naalala ki tuloy si Mommy, kamusta na kaya si Daddy?

Kausapin ko si Dia na dalawin at tingnan ang kalagayan ni Daddy.

"Manang balik na po ako sa silid ko,"

"Oh sige, magliligpit lang ako,"

Dahan-dahan akong tumayo at lumabas na ng kusina.

"Dos?"

"Hey,"nakangiting saad ni Dos.

"Bakit bumalik ka? Kakaalis niyo lang ah,"

"Hindi ka puwede iwanan na si manang lang ang kasama mo, baka mapano ka at mahihirapan din si manang,"

Napangiti na lang ako.

Malaki ang utang na loob ko kay Dos at Allen.Halos lahat sila na ang gumastos.

"Kumain kana?"tanong ko sa kan'ya.

"Yeah, tapos na, tara maglakad-lakad muna tayo,"

"Wait, kuha lang ako ng jacket,"ani ko kay Dos.

Kumuha ako ng jacket at bumalik  agad.

"Dahan-dahan,"ani ni Dos na hinawakan pa ang kamay ko.

"Ang init na Dos,"reklamo ko.

"Hindi naman, mahangin kaya,"natatawang saad niya.

Pumunta kami sa ilalim ng puno at umupo kami.

"Dalawang buwan na lang manganganak na ako,"

"C-section ang gagawin sa iyo di ba?"tanong ni Dos  sa akin.

"Yeah, next week check up ko ulit kay Doctora Luz,"

"Malapit na lalabas ang apat na makukulit,"nakangising saad ni Dos .

Hindi pa ako nakapag-ultrasound kaya hindi pa namin alam ang gender ng baby's.

She's With LuciferWhere stories live. Discover now