Chapter 8

4.8K 135 10
                                    

Pangatlong araw ko na nakakulong sa bahay.Pinagod ko na lang ang sarili ko sa paglilinis ng bawat sulok ng Mansion.Kahit saan ako pumunta sa sulok ng bahay may CCTV ito.

Halos hindi na ako kumakain, nakaramdam din ako ng paghihilo.Nandito ako ngayon sa likod ng Mansion,na nakahiga sa duyan.Pero abala ang mata ko kung saang puwedi ako makatakas,pero bigo pa rin ako.Sobrang taas ng pader at panay ang ikot ng tauhan ni Damon.Kahit nga nakahiga ako sa Duyan may nag babantay pa rin sa akin.

Pagabi na naman,Nakakapagod na! Pumasok na ako sa loob at kumain , Kailangan ko ng lakas at para na rin sa sarili ko.

Pagkatapos ko kumain,umakyat ako sa taas, pumunta ako sa balkonahe.Tanaw ko kung gaano kalawak ang paligid ng Mansion ni Damon.Malabong makatakas talaga ako.

Hanggang tanaw lang ako at umaasa na may pupunta at tutulungan ako.Mag aalas diyes na ng gabi pero nandito pa rin ako nakaupo sa balkonahe.

Pabalik na ako sa silid ko nang may nakita ako ng isang tao na naka black suit,sisigaw sana ako dahil sa takot pero agad niya tinakpan ang bibig ko.

"Shhh.. ako ito si Dia"-mahinang bulong niya.

Nagulat ako.

Si Dia?!

Agad ko itong dinala sa silid ko.Nilock ko ang pinto.

"Dia!"-Humahagulhol ako ng iyak.

"Tulungan mo ako!"-

"Relax,okay,aalis din ako,30 minutes lang ang tagal ng pag off ng CCTV, maraming bantay!"-

"Dia, Kailangan ko makalabas dito!"-patuloy na pag iyak ko sa kanya.

"Kung magaling ka umakyat sa pader makakatakas ka, pero delikado ,kapag makita ako ng tauhan ni Damon,madadali ako"-

"Anong gagawin ko!"-.

"Mary,basta babalikan ulit kita,sa ngayon Kailangan ko muna mag plano okay,bantay sarado ka ,naka monitor lahat ang galaw mo,hinack ko lang saglit ang mga CCTV at maya maya active na naman ulit ito"-

"Babalikan mo ako? pangako mo iyan di ba?!"-hilam na ng luha ang mukha ko.

"Oo,babalik ako, hindi rin kita puwedi bigyan ng cellphone baka ma detect ka at kapag nalaman ni Damon,baka sasaktan ka niya"-

Napaupo ako sa kama.

"Obsessed si Damon sa iyo,hindi lang ang anak ang gusto niya sa iyo pati ikaw,sakyan mo muna ang laro niya,at mag iingat ka,Mary,"-

"A-Ayoko ko na dito"-

"Matalino at tuso si Damon,isa siyang Mafia,kahit kaibigan niya ako kaya niya akong patayin,puwera lang ang dalawang babae na kinatatakutan niya,si Black Lutos at Z,hihingi ako ng tulong,hahanapin ko sila, hintayin mo ako dito"-nakita kong lumuluha si Dia.

Umiiyak na Tumatango ako sa kanya.

"Aalis na ako,hindi ako puwedi magtagal"-agad niya itong sinuot ang maskarang itim.Sobrang bilis ng galaw ni Dia.Naalala ko pala na Sinabi niya na isa siyang Assassin.

Humiga na ako at nakatulala na nakatingin sa kisame.Dahil sa sobrang pag iyak ko ,nahila na agad ako ng antok.

Tinanghali na ako ng gising, sobrang sama ng pakiramdam ko.Pinilit kong bumangon at pumunta ng banyo.Napatingin ako sa gilid ng banyo may maliit na Kamera.Kahit sa banyo nilagyan rin niya ng CCTV,kinuha ko ang bote ng shampoo at hinampas ang kamera,sinira ko ito.

Dumiretso na akong naligo dahil nakaramdam na ako ng init at lagkit sa aking katawan.Pagkatapos ko mag bihis , lumabas na ako.Nadatnan ko ang isang tauhan ni Damon na sobrang tangkad nito at halatang maskulado ang katawan.

She's With LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon