Chapter 5

5.1K 136 12
                                    

Nagising ako na medyo masakit ang aking noo.Kinapa ko ito,may band aid na nakalagay.Naksuot na ako ng malaking t-shirt,pero wala akong underwear at bra.

Huminga ako ng malalim.Baka si Damon rin ang nagsuot sa akin.Bumangon na ako at nagpalit ng damit.Mag aalas singko na pala.

Bumaba na ako,balak ko maglakad lakad muna.Nakakapagod, physically and emotionally.Parang gusto ko na lang matulog at hindi na gigising.

Pumunta muna ako ng kusina , nakaramdam ako ng pagkauhaw.

"Mary,"-tawag ni manang.

"Po?"-

Titig na titig si Manang sa akin.

"Anong nangyari sa noo mo?"-

"Ah..eh...nadulas po ako at napadali sa sink"-

"Naku,mag ingat ka,si Sir Damon pala namasyal kasama si Dia,baka maya maya andito na sila"-

Ngumiti lang ako kay Manang.Kumuha na ako ng tubig at ininum na ito.

"Manang mag lakad lakad lang po ako"-

"Huwag masyado magpagabi,alas singko na"-

"Opo"-

Pagkalabas ko ng bahay,ang sarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin.

Gusto ko muna na mapag isa at tahimik na lugar.Pumunta ako sa dulo na medyo malayo sa bahay.Umupo ako sa batuhan.Napangiti ako ng naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha.

Tumayo ako at naglakad lakad pero nagkamali ako pinuntahan,

Nakita ko ang dalawang tao na hubo't hubad na,Si Damon at Dia.

Masakit!

Iyon ang nararamdaman ko,Asawa pa rin niya ako kahit hindi niya ako tinuring na asawa.Pakiramdam ko nagtaksil si Damon sa akin.Hindi niya nirerespito ang pagkababae ko.

Nagulat pa sila nang makita nila ako.Nakangisi si Dia sa akin.Tumalikod na ako at tumakbo palayo.

Nang makalayo na ako,umupo muna ako sa buhangin.Napatingala ako sa kalangitan.

"Bakit niyo ako pinapahirapan?!ano ba ang kasalanan ko?!"-

"Naging mabuting anak naman ako!"-

Napahagulhol ako,bakit nakaramdam ako ng sakit nang nakita ko si Damon at Dia?

Tumayo ako,parang hinihila ang aking paa papunta sa dagat.Lumusong ako ,umabot na sa dibdib ko ang tubig.Napapikit ako habang patuloy lumalakad pa ilalim.Sobrang bigat nag dibdib ko.

Nang umabot na ang tubig sa aking ulo parang narinig ko ang boses ni Mommy.

"Marryyy!".……..

Bigla na lang may humigit sa akin.

Hirap na hirap akong huminga.

Inihiga ako at binigyan ng hangin sa bibig.

Napabangon ako at umubo ng umubo.Inilabas ko ang tubig na nainum ko.Sobrang sakit ng aking lalamunan.

Napatingin ako sa taong nagligtas sa akin.

Si Damon,nagbabaga ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Sana hinayaan mo na lang ako na mamamatay !"-diin na sabi ko sa kanya.

"Bumangon kana diyan at uuwi na tayo!"-

"Ayoko!"-

"Huwag mo akong pilitin ,Mary!"-

Tumayo ako at tumingin sa kanya.

She's With LuciferDove le storie prendono vita. Scoprilo ora