Chapter 23

5K 143 14
                                    

Pakiramdam ko, lahat ng kamalasan na sa akin na.

Nawalan ng mga magulang.

Nagkasakit ang dalawang anak ko.

Hindi ko alam kung kakayanin ko po.Parang gusto kong sumuko.

Nanginginig ang kamay  ko habang pinipirmahan ang waiver.

"Magdasal ka lang Mary, sana kakayanin ni baby Quatro ang surgery,"malungkot na saad ni Dra.Cindy.

Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa ICU kung saan nandoon si Alas.

Napahagulhol ako nang nakita ko ang sitwasyon ni Uno.Ang daming nakakabit na aparato.

"M-Mary?"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin.

Si Dos.

Agad akong lumapit at yumakap sa kan'ya.

"Magpakatatag ka, malalampasan din natin ito,"ani ni Dos na panay ang hagod sa likod ko.

"Hindi ko kakayanin kapag isa sa kanila ang mawawala, hindi ko lalo kakayanin kapag pareho sila mawala sa akin, parang mababaliw na ako Dos! Hindi ko na alam ang gagawin ko!"

"Ginagawa na namin ang lahat, nasa ibang bansa si Javi, naghahanap ng heart donor, kahit billion ang halaga bibilhin natin,"

"Kailan? Kailan pa makakarating? Tanging ang makina na lang ang tumulong kay Alas!"natatarantang saad ko sa kan'ya.

Nanghihina akong umupo sa sahig.

"S-si Quatro, p-paano kung h-hindi niya kakayanin ang s-surgery? Dos mamamatay din ako, sila lang mayroon ako, sila lang nagbibigay buhay sa a-akin,"mahinang saad ko, halos wala na akong mailuha.

Lumuhod si Dos sa harap ko.

"Look at me, Mary please! Kapag ganiyan ka, lalong manghihina sila, tatagan mo ang iyong sarili! Isipin mo may Dos at Tres pa naghihintay sa iyo,"diin na sabi niya.

Napatingin ako sa mata ni Dos. Ang kulay berdeng mga mata niya.Kahit kailan hindi niya kami iniwan.Sila ni Allen.

"Kinaya natin noong nag fifty-fifty si Alas, ngayon kakayanin ulit natin, malakas si Alas at Quatro, hindi ka nila iiwan,"mahinang saad niya.

Napapikit na lang ako.Tama si Dos, malalakas at matapang ang Quads ko.Tumayo ako at pumasok sa loob ng ICU.Sinuot ko muna ang hospital gown at mask.Lumapit ako kay Alas.Hinawakan ko ang kan'yang maliit na kamay.

"Sabi mo h-hindi mo iiwanan si M-mommy, kayanin mo baby Alas, okay? N-naghahanap na sila ng b-bagong heart mo,"ipit na boses na saad ko.

"Malulungkot ang mga kambal mo, dapat maging okay ka rin, kase si Quatro lumalaban rin siya, dapat ganoon ka din,"sumubsob ako sa gilid ni Alas at doon ko pinakawalan ag luhang kanina ko pang pinipigilan.

"M-maaawa kayo kay M-mommy, h-huwag niyo ko iiwanan, baby Alas! Di ba sabi mo you want a complete family, ito na, nandito na si Daddy, kumpleto na tayo!"

"Dra.Fernando?"

Napalingon ako sa pinto.Ang nurse na nagbabantay kay baby Alas.

"Dra, pumunta daw kayo sa operating room,"malungkot na saad ng nurse.

Napatayo ako bigla.

Agad akong tumakbo sa operating room.

Diyos ko!

Bigyan mo naman ng chance na mabuhay ang mga anak ko, please another chance!

Agad ako sinalubong ng isa pang Doctor na kasama sa operating room.

She's With LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon