Chapter 27

4.7K 129 6
                                    

Nine months.Siyam na buwan nang comatose si Alas.

"Doc?"

Napalingon ako sa nurse.

"A-anong oras daw po ninyo ipapatanggal ang mga aparato ni baby  Alas?"

"Mamaya na, hinihintay ko lang ang kapatid ko,"mahinang sabi ko.

Masakit.

Pero kailangan na bitawan.

God knows, lahat ginawa ko na.Lahat ginawa ko, pero lalo lang nanghihina at lumala ang kalagayan ng anak ko.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na hindi tumitigil sa pagdaloy.

Lumapit ako kay baby Alas.Pinatanggal ko na ang tubo na nakasalpak sa bibig niya.Halos buong katawan na niya namamaga.Parang piniliga ang puso ko.

"A-Alas, why baby?"napahagulhol ako habang hinahaplos ang kan'yang pisngi.

"I-I'm sorry, I'm so sorry! Alam kong pagod kana, alam kong hirap na hirap kana,"

"P-papahingain na kita.Baby? Mahal na maha ka ni Mommy, mahal na mahal ka ng mga kakambal mo,"

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak ko.

Siyam na buwan.Hindi pa rin nagpaparamdam si Damon.Nakaramdam ako ng galit sa kan'ya.

Hinalikan ko sa noo si baby Alas.

"Hindi ka mawawala.Habang buhay ka nasa puso namin.Anak, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, kayong apat,"

Yakap-yakap ko si Alas nang narinig ko ang boses ni Dia.

"Ate?"

Humarap ako sa kan'ya.

Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.Humagulhol ito ng iyak.

"Ikaw na ang bahala, sa chapel lang ako,"nanghihinang saad ko kay Dia.

Pakiramdam ko sobrang gaan ng aking paa.Tumalikod na ako at iniwan kay Dia ang pagtanggal ng mga aparato sa katawan ni Alas.

Wala sa sariling pumunta ako sa chapel.

Pagkapasok ko sa Chapel, nakatingin lang ako sa unahan.

"Maraming nagpapakamatay dahil ayaw na nilang mabuhay, dahil gusto lang nila! Bakit ang anak ko, lumalaban siya dahil gusto niya pang mabuhay, b-bakit ayaw mo siyang bigyan ng pangalawang pagkakataong mabuhay!"

Napaupo ako sa sahig.

"Bakit ang Anak ko pa!"

"Bakit ganitong pagsubok ang ibinigay mo sa akin!"

"Ano ba ang kasalanan ko!"nagsisigaw na saad ko habang nakatingin sa rebolto na naka-pako sa krus.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakaupo sa sahig.Alam kong wala na si Alas.Alam kong tapos na tanggalin ang mga aparato sa katawan niya.

Ayaw ko makita ang anak ko na walang buhay! Hindi ko kakayanin.

Nanghihinang napatayo ako.

Ano pa silbi ng buhay ko.Gusto ko rin magpakamatay! Hindi ko kaya na wala na ang anak ko.

Alas!

Kahit nanghihina ako, patakbo akong bumalik sa ICU.

Sana hindi pa tinanggal ang aparato na naka connect sa puso ni Alas.Hindi ko pa pala kaya!

Nakasalubong ko ang isang  nurse.

"Nurse, nakalabas na ba sa ICU si baby  Alas ko?"

"Hindi pa Doktora,"

She's With LuciferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon