Shadow In My Heart [Book 2 of...

By Kkabyulism

648K 12.2K 2.5K

"Loving him was never that easy, forgetting him was like trying to bury myself in darkness, but I want the pa... More

Prologue
Chapter 1 ✔
Chapter 2 ✔
Chapter 3 ✔
Chapter 4 ✔
Chapter 5 ✔
Chapter 6 ✔
Chapter 7 ✔
Chapter 8 ✔
Chapter 9 ✔
Chapter 10 ✔
Chapter 11✔
Chapter 12 ✔
Chapter 13 ✔
Chapter 14 ✔
Chapter 15 ✔
Chapter 16 ✔
Chapter 17 ✔
Chapter 18 ✔
Chapter 19 ✔
Chapter 20 ✔
Chapter 21 ✔
Chapter 22 ✔
Chapter 23 ✔
Chapter 24 ✔
Chapter 25 ✔
Chapter 26 ✔
Chapter 27✔
Chapter 28✔
Chapter 29 ✔
Chapter 30✔
Chapter 31✔
Chapter 32 ✔
Chapter 33✔
Chapter 34 ✔
Chapter 35✔
Chapter 36✔
Chapter 37✔
Chapter 38✔
Chapter 39 ✔
Chapter 40✔
Chapter 41✔
Last Chapter
Lost In Love (Special Chapter!)

Epilogue ✔

17.9K 440 124
By Kkabyulism

**

Note: You can now read the Special Chapter.
Kindly check my 'About Me' section for more information.
--

EPILOGUE!

Napatakbo ng mabilis ang binata na si Kevin para saluhin ang natumbang dalaga na si Hazelle pero huli na sya, nakahilata na to sa sahig at kitang namumutla ito.

"H-hime!" Agad din na sumigaw si Saiyuki at lumapit sa kapatid nya na nakahiga sa sahig.

"Mama." Lumuhod ang bata na minahal ng todo ni Hazelle, hinawakan nya ito sa kamay at tumulo ang luha. "Mama, wake up." Inalog nya ng konti ang dalaga. "Mama.. Wake up, please?"

Sa gaanong senaryo sila naabutan ng iba nilang kaibigan at napasinghap sa nakita nila.

"CALL THE AMBULANCE! NOW!" Nagpapanic na sigaw nila Saiyuki agad naman silang tumawag ng ambulansya.

"You.. You can't do this to us." Umiiling na sabi ni Tiara. "Hazelle. Please..."

Binuhat ni Kevin ang babaeng mahal nya at niyakap ito.

"Kyou, wake up, please?" Nagmamakaawa nyang bulong. "Please, you can't leave like this." Sabi pa ni Kevin. Halos maubusan ng hininga ang binata sa nakikita nya, hindi nya matanggap na wala na ang babaeng minamahal nya ngayon, ang babaeng inalayan nya ng pagmamahal nya.

Wala nang ibang umiimik sakanila, tahimik ang lahat at umiiyak. Hinawakan ni Kevin ang kamay ni nakipagholding hands sya dito pero nalaglag lang yung kamay nya.

Umiiling si Kevin at sinubsob nya ang muka nya sa leeg ng namatay na si Hazelle.

"Kyou please! I'm begging you! Wake up, please. You can't leave me like this! Kyou!" Sigaw ni Kevin. Tumulo na ang mga luha nya, pinagtitinginan sila ng mga tao pero wala silang pakelam. Hindi nya inaasahan to, alam nyang aalis na ang dalaga, alam nyang iiwan sya nito, pero hindi nya inaasahan na ngayon na yun, balak pa naman nyang sumunod sa dalaga at alagaan to bago tuluyang umalis, pero hindi sya pinagbigyan ng tadhana, kinuha na nila si Hazelle at iniwan na sila.

"Kevin, tama na." Inaawat sya ng matalik nyang kaibigan nyang si Seb pero hindi sya umiimik.

"Promise me, kahit wala ako, aalagaan mo ang sarili mo at gagawin mo na ang tama, gagawin mo na ang gusto mo. Promise me Kevin."

"I promise."

"Gagawin mo na ang mga bagay na alam mong sasaya ka, wag ka na maging tanga ulit."

Sinabi mo sakin na hanapin ko ang kaligayahan ko. Kyou, hawak ko ngayon ang kaligayan ko. Kyou, ikaw ang kaligayan ko. Ito ang sinasabi ni Kevin sa dalaga sa isipan nya.

"Kevin, pare, tama na." This time tumabi si Charles kay Kevin at tinapik ito sa balikat.

"Ganito ba? Ganito ba yung sakit na naramdaman ni Kyou ng makita nya si Vincent na patay na? Ganito ba kasakit yun?" Bulong nya.

"Kevin.."

"Kyou, wake up, please, baby, wake up. Princess, open your eyes! Please!" Hindi nila maawat si Kevin at pilit na inaalog ng mahina si Hazelle.

Si Hazelle na minahal ng lahat, ang babaeng brutal at walang ginawa kundi ang manakit, ang babaeng mahalaga sa lahat ng nakapaligid sakanya.

Ngayon ay wala na.

"Baby please, you can't leave me here!" Nasuntok ni Kevin ang sahig hindi nya kaya ang nakikita nya.

"PRINCESS! PLEASE! DAMN IT! OPEN YOUR EYES! YOU CAN'T LEAVE ME!!! YOU CAN'T! FCK IT! BABY PLEASE! Stop joking around! It isn't funny anymore." Sabi pa ni Kevin, itinayo sya nila Seb pero nagpupumiglas sya at lumuhod ulit sa tabi ni Hazelle, hinawakan nya ang muka nito at tinitigan. Ang muka na maamo, ang muka na kinahuhumalingan nya, ang muka ng babaeng mahal nya. Ang muka ng prinsesa nya.

"KYOU!" Halatang-halata ang sakit sa boses nya, kahit kelan hindi nya ginusto na makita ang babaeng mahal nya sa ganitong sitwasyon. Kahit kelan hindi nya hiniling na magkaganito.

"Kevin.."

"PAPA!!!" Sigaw ni Jewel tsaka sya tumakbo palapit kay Kevin, yayakapin sana nya si Kevin pero agad syang kinarga ni Jill at tinakpan ang mga mata.

"Your mama is gone Jewel." Sabi ni Jill.

"She's gone." Parang nag-echo kay Kevin yung sinabi nyang yun. Hindi sya makapaniwala sa nangyayari. Hindi nya to matanggap.

"Hindi!" Sigaw ni Ybel, halos pumiyok siya. Umiiling sya, niyakap sya ng mahigpit ni Seb, hinahampas nya ng mahina ang dibdib ni Sebastian, ang kanyang asawa.

"She can't leave me, my best friend. She can't be dead!" Sigaw nya. Hinimas lang ni Seb ang ulo ng asawa nya, pinapatahan nya ito pero hindi nya magawa dahil kahit sya, umiiyak na sya, hindi nila lubos maisip na ganito ang mangyayari.

"Protect my best friend Seb, she's stubborn, we both know it. Thank you for being there for me. Haaay, ano bang gagawin ko kung walang Sebastian Castillo na napadpad sa buhay ko? Buti na lang may matino pa kong kaibigan na lalaki."

"Haze..." Humigpit lalo ang yakap ni Sebastian kay Ybel dahil naalala nya ang huling paguusap nila noon, hindi nya inaakala na nagpapaalam na pala ang kaibigan nya noon.

"HINDI!" Sigaw nila.

"Bakit.. bakit.. bakit sya aalis? Akala ko ba.. akala ko ba.. hindi! Hindi! Hindi aalis ang kaibigan ko! Hazelle please!" Sigaw ni Ybel sa kaibigan nyang nakahimlay sa sahig.

"Hazelle." Halos matumba si Bea pero nasalo sya ni Charles.

"Bea.." Tawag ni Charles kay Bea dahil nakapako lang ang tingin nito kay Hazelle at tulo ng tulo ang luha, wala syang sinasabi pero iyak lang sya ng iyak. "Bea..." Tawag ulit ni Charles, natatakot sya baka kung ano ang mangyari sa asawa nya, ilang araw na tong stressed at hindi nagsasalita sa kahit anong bagay.

"She left.." Halos wala ng boses ang lumabas kay Bea, nadurog ang puso ni Charles ng marinig nya ang boses ng asawa nya, ngayon lang ito nagsalita at ramdam na ramdam nya ang sakit sa asawa nya, alam nya kung gaano kamahal ni Bea si Hazelle. Niyakap nya to at inilayo kay Hazelle, pero pilit na lumilingon ang asawa nya para tignan ang kaibigan.

"Adik talaga yang asawa mo Charlie, ano bang problema nyan sa mundo? Ayos naman ako ah! Tss, Charles, mahal na mahal kita! Ahaha! Salamat sa lahat ah, wag mong iiwan si Bea ha, alam mo namang napaka-fragile nyan, wag na wag kang mambababae ah, promise me! Hindi mo iiwan ang bestfriend ko."

"Stupid Hazelle." Bulong ni Charles, hindi nya namalayan na tumutulo na rin ang luha nya. Tinitigan nya si Bea na iyak lang ng iyak at nakatingin kay Kevin at Hazelle. Agad na napatingin sya kay Tiara na nagpupumilit kumawala sa yakap ni Kekel, gustung-gusto nyang yakapin si Hazelle pero pinipigilan sya ni Kekel.

"Damn it Kel! Let me go!" Sigaw ni Tiara.

"Hoy babaeng Tiara! Alam mong hindi nambabae si Kekel, bakit mo pinahirapan ng ganun?"

"Kasi nasaktan ako."

"Eh siraulo ka talaga."

"Kasi naman."

"Sorry, dahil sakin nagawa ni Kekel yung bagay na yun, kakaiba rin takbo ng isip ni Michael ah! Wahaha! Best wishes Tiara, Aalis na ko bukas papuntang Japan, hindi ko na makikita mga magiging anak nyo, please lang ha! Wag mong turuan ng kaartehan at kayabangan ang mga magiging anak mo, maawa ka!"

"Hazelle." Napaluhod na lang si Tiara at umiyak ng umiyak dun habang yakap yakap sya ng asawa nya na humihikbi rin. "Bakit ka umalis? Di ba pwedeng mag-stay ka na lang dito? Bakit ba atat na atat kang makasama si Vincent ha? Iniwan mo agad kami, Hazelle naman eh."

Bigla nyang naalala yung mga bagay na pinagdaanan nila simula pagkabata pa lang.

"Kulang na ang barkada Hazelle, kulang.. na." Napaupo na lang sya at tinitigan si Hazelle na yakap yakap ni Kevin, umiiling sya pero wala na syang magagawa pa.

"She's happy now Tiara." Bulong ni Kekel sakanya, nang silipin nya ito, nakangiti sya pero may luha ring tumutulo.

Nakarinig sila ng tunog ng ambulansya, dumating ang mga nurse at inihiwalay si Kevin kay Hazelle, dun lang nila napagmasdan ang itsura ni Hazelle.

Isang babaeng mukang anghel na mahimbing na natutulog.

Napuno ng iyakan ang ospital nang inanunsyo ng doctor na wala na nga talaga ang kaibigan nila.

"Hazelle! Baby?! Saiyuki! Where's my baby?! Saiyuki-" Niyakap sya ni Saiyuki at pinatahan.

"She's gone Ma." Sagot nya sa nanay nya, hindi nya alam kung ano ba talaga ang mararamdaman nya, matutuwa, malulungkot o maghihinagpis.

"NO! THIS CANNOT BE! She just called me and... and....." Itinulak sya ni Mrs. Suzumiya at tumakbo sa doctor, pero halos manlumo sya sa nakita nya. Isang babaeng mahimbing na natutulog at namumutla.

"HAZELLE! BABY!!! NOOO! You just said that you love me and accepted me! You just said that we will start a new life! How.. How... Why did you leave your mom like this?" Niyakap nya ang anak nyang nakahiga sa kama.

Masakit para sa lahat na makita nila na nagkakaganun ang nanay nila Hazelle.

"Nasan?! Nasan si Sato?! Anong kalokohan na wala na siya?!" May isa pang babae na tumatakbo papalapit sakanila at halos matumba ng makita nya ang pinsan nya na minsan nyang naging karibal sa lalaking minahal nya.

"Sopphie." Tawag nila.

Lahat ng kaibigan ni Hazelle nakasandal lang at umiiyak, hindi nila maintindihan ang nangyayari, walang may gustong magsalita pero wala silang humpay sa pagiyak.

Kahit sila Sebastian na ginustong manahimik sa gitna ng gulo, ngayon lang sila umiyak ng ganito.

"SATO! BAKIT MO KAMI INIWAN?! BRUHA KA TALAGA!" Sigaw ni Sopphie, nanginginig sya at hindi malaman ang gagawin. "Bakit? Bakit?!" Sigaw nya. Naninikip na ang dibdib nya. "Hindi makatarungan 'to." Sabi pa nya. "Hindi." Napaupo sya sa sahig at parang batang inagawan ng candy.

"HAZELLE?!" Isang babae pa ang humahangos papunta sakanila. Ang kapatid ng asawa nya kasama si Darwin.

"Oh My God!" Nailagay na lang nya ang kamay nya sa bibig nya, niyakap sya ni Darwin at pinatahan.

"Calm down." Bulong nya sa kapatid nya pero panay ang iling nito.

"First love never dies."

"Kalokohan yan Kyou?"

"Come to think of it! First love ko ang kapatid mo, grabe lang diba?"

"Oo, sinampal mo pa sakin."

"Heh! Wag ka ngang magulo."

"Minsan naiisip ko, bakit ba hindi mo ko minahal? Pero yung dalawang kapatid ko minahal mo, ang unfair mo ha!"

"Dahil sinaktan mo kapatid ko! Hmmp! Pero nakakatawa no? Sinaktan ko kayong tatlo ng di ko alam."

"Sadista ka kasi."

"Naisip ko dati, paano kung hindi nagkabati si Kevin at Johnny?"

"Cut that crap Kyou, magkaaway na sila hindi ka pa nabubuhay sa mundo. Are you really going?"

"Oo eh, alagaan mo si Sandra ah."

"Kyou.."

"Ang hirap panoorin ng taong mahal mo na nageeffort para sa ibang tao, alalayan mo si Sandra."

"Kahit di mo sabihin yan, gagawin ko."

"Wala akong nagawa para ayusin yung gulo nila."

"Wala kang kinalaman sa gulo na yun Kyoubayashi, desisyon ni Kath at Raphael yun."

"Kilala ko si Kath, kahit anong mangyari, hindi nya pipiliin si Raphael."

"Agawin ko kaya si Kath?"

"Siraulo! Wag ka na ngang makigulo!" Tumawa ang dalaga at tinitigan si Darwin.

"Sorry, sorry for hurting you, if only I know, it won't end this way."

"Kyou, stop saying sorry, it's not your fault." Niyakap ni Darwin si Hazelle na ngayon ay umiiyak.

"I want to stay and solve their problems, but I can't, alam ko na yung pakiramdam ni Johnny, kahit gusto nyang mag-stay sa tabi ko, hindi nya nagawa."

"Kyou.."

"Kahit na gusto nya kong alalayan, hindi nya magawa, kahit na gusto nyang.. kahit na anong pilit nya, wala nang magagawa."

"Bakit ikaw pa Kyou?" Itinago ni Darwin ang muka nya sa leeg ni Hazelle dahil naramdaman nyang tutulo na ang luha nya.

"Darwin.."

"Bakit ikaw pa yung kailangan makaranas ng ganito?"

"I love you Darwin, you're one of my friend. Of course I will love you, sorry for everything. I'm so sorry. Alagaan mo ang sarili mo ha, sana mahanap mo na yung babaeng nakatdhana sayo. Thank you Darwin.. Goodbye."

Hindi alam ni Darwin na double meaning ang pamamalaam ni Hazelle ng gabing iyon, hindi nya alam kung ano na ba talaga ang totoo sa hindi, parang kelan lang sobrang saya nila dahil nakilala na nya ang totoong tatay nya at nagkabati na si Sandra tsaka ang tatay nila, pero agad na nabawi yun.

Punung-puno ng hinagpis ang kwartong yun, mga taong nakapalibot sa kama ng babaeng nakahimlay. Ang babaeng puro hinagpis ang naranasan sa mundong 'to, ang babaeng pinilit maging malakas.

"Kyou.." Tumingin si Darwin kay Kevin na nakasandal sa pader at nakatingala habang tumutulo ang luha nya. Paulit-ulit nyang tinatawag ang dalaga pero hindi sumasagot. Nakita nyang unti-unting napaupo si Kevin at yumuko na lang dun habang umiiyak.

Gaano ba kasakit kay Kevin na makita ang mahal nya nawala? Isa sya sa pilit na gumawa ng paraan para magtagal to sa mundo, isa sya sa mga taong sinakripisyo ang lahat para sakanya pero iniwan lang din sya.

"Why did you leave me Kyou?" Lumapit si Ybel at Bea kay Kevin tsaka nila to niyakap, alam nila ang nararamdaman ni Kevin, sobrang sakit nito sakanya.

"Kevin.." Tawag ni Ybel, pinunasan nito ang muka ni Kevin na punung-puno ng luha, bakas na bakas sa muka nya ang sakit.

"Stay strong." Sabi pa ni Ybel. Punung-puno ng iyakan ang kwarto na yun. Walang kahit na sino ang nakakaalam na aalis agad-agad ang kaibigan nila.

"Ang galing mo talaga magtago Hazelle, kahit kami hindi naming nahalata to. Bakit ang galing mo maglihim samin?" Halos pumiyok na si Kath habang sinasabi yun.

"I'm sorry."

"Ilang beses ka ba magso-sorry Hazelle?"

"Kung naging malakas lang ako, hindi mo kailangan magdusa."

"I'm fine Hazelle, as long as you're happy, I'm fine."

"Kath.."

"I'm sorry, I'm really really sorry. I don't what to say anymore, grabe ang pasakit na binigay ko sa buhay mo, hindi ko na alam gagawin ko."

"Hazelle, I'm fine, makita lang kitang ayos, nababawi yun lahat ng sakit. Makita ko lang na malakas ka, nawawala lahat ng sakit. You're forgiven Hazelle. I love you."

Lumapit si Saiyuki kay Kath at niyakap to.

"Yuki..." Tawag nito sa kapatid nya.

"I know Kath, I know." Yumakap sya kay Yuki dahil pakiramdam nya kahit anong oras matutumba na sya.

"Alam mo bang nagkausap kami? Sabi nya alagaan kita ang laki raw ng kasalanan namin sayo." Kwento ni Saiyuki.

"Hazelle."

"We can't do anything now, she left us." Halos wala na ring boses ang lumabas kay Saiyuki. Minahal nya ng todo ang kapatid nya, kaya nga nakagawa sya ng mga bagay na pinagsisisihan nya, mahal na mahal nya to at makita nyang nakahiga to ng walang buhay parang gusto na rin nyang mamatay.

"You have your family, love them. Don't you dare hurt them! I'm telling you!"

"Ilang beses mo ng sinabi sakin yan!"

"Wag na wag mong ipaparamdam kay Jewel yung naramdaman ko Kuya, never."

"Mama!" Tawag ni Jewel sa tita nya, lumabas si Jill kasama si Jewel at dun sya umiyak ng umiyak.

"Kahit kelan hindi kita natulungan Hazelle, kahit kelan wala akong nagawa para sayo, binuwis mo ang kalayaan mo nun para samin ni Yuki, pero hindi ako nakagawa ng paraan para matulungan ka. Bakit hindi mo hinayaan na makabayad muna ko bago ka umalis? Hazellle!" Umiyak sya ng umiyak sa labas hanggang sa maramdaman nyang tinapik sya ng Step-dad nila Yuki.

"Calm down." Sabi sakanya niyo.

"Daddy." Tawag nya dito. Kinarga ni Carlos si Jewel at tinitigan ito.

"Stop crying Jewel, your mama will get mad at us." Sabi nya sa bata.

"But Mama is gone." Sabi ni Jewel.

"She's not, she's here." Tinuro ni Carlos ang kaliwang dibdib nya at dibdib ni Jewel. "Nandito lang ang mama mo, kahit anong mangyari." Sabi nito.

"Mama is in my heart?" Tanong ni Jewel, tumango si Carlos.

"Always." Ngumiti ito pero tumulo rin ang luha. "Wag ka ng umiyak Jillaine, kasi kung nagsisisi ka, ano pa ko? Eh wala rin naman akong nagawang matino sa buhay ng batang yun. Pero nagawa nyang patawarin ako."

"Daddy.."

"Sana nga ako na lang yung sinisisi nya sa pagkamatay ni Jun, dahil hindi ko kayang makita na sinisisi nya ang sarili nya, alam mo ba nung namatay yung anak namin ni Hannah dahil sa pagkakalaglag nito sa hagdan, nasaktan ako, yun pala yung pakiramdam ni Jun noon nung tinago ko si Kath sakanya."

"I didn't know that story." Sabi ni Jill. Ibinigay ni Carlos si Jewel kay Jill.

"Tanging si Hazelle lang ang nakakaalam nito, pero tinago nya. Siraulong bata. Napakabait ni Hazelle, siguro nga karma sakin na namatay yung anak ko kahit na hindi ko pa to nahahawakan. Pero makakasama na sya ni Hazelle sa taas." Naglakad na paalis si Carlos.

"Daddy, hindi mo sya titignan?" Tanong ni Jill, umiling lang si Carlos.

"Hindi ko kaya Jill, dahil lalo lang tatatak sa isip ko na kahit kelan, wala akong ginawa para maligtas sya." Yun ang huling sinabi ni Carlos bago sya umalis.

Inalis ni Jewel yung mga luha ng nanay nya na si Jill.

"Mommy, stop crying, I will cry again." Sabi nya, ngumiti si Jill sa anak. Tinitigan nya to.

"Kamukang-kamuka mo ang mama mo Jewel." Niyakap nya ang anak nya at dun kinulong lahat ng iyak nya.

"I just want to see everyone's smile!"

Parang lahat sila naalala ang sinabi ni Hazelle na yun, lalo silang umiyak at hindi matanggap ang nangyari.

Ang babaeng ilang taon nilang pinrotektahan, ang babaeng ilang taon nilang inalagaan at minahal ng higit pa sa buhay nila, tuluyan na silang iniwan. Ang babaeng happy-go-lucky at walang ginawa kundi ang tawanan ang mga kamalian nila, ang babaeng tumulong sa lahat para maging masaya, ngayon wala na.

Ang babaeng ginawa lahat para sumaya silang lahat, ang babaeng pinilit nilang buhayin at pinigilan sa paglisan ng mundo, ngayon wala na talaga sya.

"I can't believe this." Iyon ang tanging nasa isip nilang lahat, sino nga ba ang magiisip na mawawala sakanila ang babaeng tinulungan sila maging masaya.

Ang babaeng tumulong sakanila, kahit kelan hindi nila to natulungan maging masaya, nakadagdag lang sila sa sakit na nararamdaman nito. Ang babaeng minahal sila ng higit pa sa buhay nya, ngayon ay wala na talaga.

Ang babaeng si Hazelle 'Kyoubayashi' Maries Sato, ngayon ay nasa alaala na lang.

**

"A best friend that for me is like a sister, A very unique best friend, ibang-iba ang ugali nya nung bata sya hanggang sa tumanda sya, dati napaka-cheerful nya pero dumating sa punto na halos di na sya marunong ngumiti, She's living in peace now, she's in heaven now with her soulmate. Naisip ko dati, bakit kailangan nilang mawala? Bakit kailangan nilang iwanan kami? Then now, I finally realized, naging dependent kami masyado sakanilang dalawa, masyado kaming nasanay na nandyan sila samin, tinuruan lang nila kami na tumayo sa sarili naming mga paa." Pumiyok yung boses nang nagsasalita sa unahan. "Tapos na ang paghihirap nilang dalawa, tapos na ang pagsubok sakanilang dalawa, tapos na ang misyon nila, kaya nila kami nilisan. Hazelle, Vincent. I love you both, I hope you're together now. Sasapakin ko kayo kapag hanggang dyan nagaaway kayo, Hazelle and Vincent, kahit kelan hindi ko makakalimutan ang mga tinuro nyo samin, hinding-hindi namin makakalimutan kung paano kayo magmahal. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan. See you there, may susunod pa tayong buhay, I wish na magkakasama pa tayong lahat. I love you both..... I miss you."

Bumaba si Bea sa stage at pinunasan ang luha nya, sya lang ang may lakas ng loob na magsalita sa unahan kaya sya lang ang nakagawa ng Eulogy. Ngayon ang libing ng kaibigan nilang si Hazelle, lahat sila natanggap lahat ang nangyari.

Mahirap man para sakanila, pero kailangan nilang tanggapin na wala na ang babaeng nagpahirap at nagpasaya sakanila.

Kahit sino hindi ginusto na dito magtapos ang istorya nang dalawang taong nakaranas ng sobrang paghihirap sa buhay, kahit sino hindi naisip na pwedeng magkaganito ang istorya nila, kahit sila rin naman. Hindi rin nila ginusto to, pero tinanggap nila pareho ang tadhana nila.

Ang pares na nagmamahalan, ang pares na lumaban pero natalo, ang pares na hanggang sa huli ay hindi sumuko, ang pares na iniidolo ng lahat, dahil para sakanila, wala nang ibang mas mahalaga pa hangga't nakikita nilang masaya lahat ng nasa paligid nila kahit na nasasaktan sila. Kung tutuusin, mahirap nang makahanap ng taong ganun, pero nandito ang istory ng dalawang tao para magturo satin kung paano mag-let go sa mga bagay na dapat ng bitawan. Kung paano tanggapin ang mga nangyayari, kahit kelan hindi nila inisip na magpakasarili.

Maraming nagtatanong, bakit nga ba sa ganito natatapos ang istorya nilang dalawa? Bakit hindi sila naging masaya katulad ng iba? Bakit puro pahirap ang nangyari sa buhay nila?

Isa lang 'tong patunay na kahit hindi sila nagkatuluyan dito sa lupa, magkasama naman sila sa taas. Mahirap man tanggapin ang nangyari, bakit hindi na lang natin tanggapin kagaya ng pagtanggap nila? Isa itong istorya na maraming bagay na gustong ituro, istorya nilang dalawa na magulo hanggang sa huli.

Katulad din nila tayo, marami ring pagsubok na lalabas sa buhay natin, nasa satin yun kung paano labanan, nasa satin yun kung paano kumapit.

Hazelle at Vincent, ang pares na tumatak sa isip ng lahat, ang pares na minahal ng lahat. Ang pares na ngayon ay magkasama na at kahit kelan hindi na magkakahiwalay pa.

Kapag ang tadhana na ang nakipaglaro, talo ka talaga.

Pero hangga't may pananampalataya ka at patuloy kang umaasa at lumalaban. Maari ka ring MANALO.

Game over sa simula, pero diba kapag nag-game over ka? Mag re-retry ka na lang ulit, but this time, mananalo ka na dahil alam mo na kung sino talaga ang kalaban mo at kung paano tatalunin yun.

Promises were made to be broken, yan ang napatunayan sa istoryang ito, maraming pangako ang napako, maraming nasaktan dahil sa pangako, pero gaya nga ng sabi ni Vincent John Shin, maniniwala ka sa pangako ng isang tao dahil sa may tiwala ka dito. Ilang beses na ba tayong naniwala sa pangako pero nasaktan lang tayo? Ilang tao na ba ang nangako pero hindi tinupad. Ilang beses na ba tayong naloko pero bakit patuloy parin tayong naniniwala? Gaya ni Hazelle Kyoubayashi Maries Sato, tao lang tayo at madaling magtiwala sa mga sinasabi satin, tao lang tayo at madaling masaktan. Bakit hindi natin gayahin si Hazelle sa pagiging matatag nya sa buhay?

"Hindi sa lahat ng pagkakataon, magiging masaya ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuntento ka sa kung ano ang meron ka. Hindi porque sinabi sayo na soulmate kayo, magiging kayo. Pero wag kang susuko, dahil malay mo, manalo ka sa laro nyo ng tadhana."

Sabi pa nila, bakit hindi na lang kalimutan ni Kyou si Johnny? Paano nga ba kalimutan ang lalaking nakasama mo sa lahat ng paghihirap mo? Paano nga ba kalimutan ang taong nagturo sayo kung papaano magmahal at magpaka-tatag sa lahat ng bagay? Paano nga ba kalimutan ang taong nag-stay lang sa tabi mo hanggang sa makalimutan mo lahat ng sakit?

Ang akala ng lahat sa FIXED MARRIAGE nagsimula ang lahat, ang akala ng lahat dun sila unang nagkatagpo, pero hindi. Dahil ang FIXED MARRIAGE ang naging tulay para magkasama muli silang dalawa, para maramdaman nila ang pagmamahal na matagal na nilang inaasam. Ang sabi nila, dahil sa FIXED MARRIAGE gumugulo ang lahat, nagkakasira ang lahat, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ganun. Sa kwentong ito, FIXED MARRIAGE ang nagturo satin na magpakatatag na kahit anong bigat ng problema ang dumating sa buhay natin, palaging may aalalay sayo at hindi ka iiwan. Sa Fixed Marriage nagsimula ang lahat ng paghihirap nilang lahat, pero doon din sila naging masaya. There's no love if there is no AGONY.

This is how their story ended.

Not a typical story, but they put learning in our hearts and minds.

Ngayon, masasabi mo ba na TRAGIC ENDING parin ang LOVE STORY nilang dalawa? Kung nagkasama rin naman sila sa pangalawang buhay nila pagtapos ng nangyari sakanila? Ang akala ng lahat, natalo sila sa laro nila pagitan ng tadhana, pero tadhana ang natalo dahil sa pananampalataya ng dalawa.

--

"Bilisan mo! Daliii!" Sigaw ng isang babae sa isang pang dalaga na nagmamadali palabas ng bahay nila.

"Ito na nga oh! Palabas na! Kasi naman eh!" Sigaw ng isang babae.

"Sa tuwing napapanaginipan mo yung lalaking yun! Lagi tayong nale-late!" Reklamo ulit nya.

"Wag kang magulo! Soulmate ko ata yun eh! Parang kilala ko na sya, basta ganun! Yung boses at mata nya, kilalang-kilala ko."

"Bahala ka dyan! Mauuna na ko, nandun na sila Tiara eh, ang bagal-bagal mo talaga Maries!" Sigaw ng isang babae tsaka sya nauna sa pagalis.

"O-oy! Teka! Ano ba yan!" Reklamo ni Maries. Kinuha nya yung bag nya sa sala at sinuot ang doll shoes nya, tumakbo na sya, walking distance lang ang school kaya naman tinakbo na nya, may nakita syang lalaki na nakasandal sa pader at nakayuko. Lalagpasan sana nya 'to, pero..

"Nice to see you, Kyou." Lumingon si Maries at sinalubong ang tingin nung lalaki.

'The voice, the eyes. I've known them for so long.' Sabi ni Maries sa isip nya.

"Johnny."

"I've waited for you, my princess, you're here now."

**

Private po ang Special Chapter~ Punta na lang po kayo sa profile ko. Nandun po sa "ABOUT ME" yung link. Salamat :)

Continue Reading

You'll Also Like

37.3K 1.5K 64
SYNOPSIS: Hiyal is a type of girl who makes her own life simple and normal. Para sa kanya, nasa kamay lang din nating mga tao kung paano tatanggalin...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
46K 705 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
106K 4.9K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...