Shadow In My Heart [Book 2 of...

By Kkabyulism

648K 12.2K 2.5K

"Loving him was never that easy, forgetting him was like trying to bury myself in darkness, but I want the pa... More

Prologue
Chapter 1 ✔
Chapter 2 ✔
Chapter 3 ✔
Chapter 4 ✔
Chapter 5 ✔
Chapter 6 ✔
Chapter 7 ✔
Chapter 8 ✔
Chapter 9 ✔
Chapter 10 ✔
Chapter 11✔
Chapter 12 ✔
Chapter 13 ✔
Chapter 14 ✔
Chapter 15 ✔
Chapter 16 ✔
Chapter 17 ✔
Chapter 18 ✔
Chapter 19 ✔
Chapter 20 ✔
Chapter 21 ✔
Chapter 22 ✔
Chapter 23 ✔
Chapter 24 ✔
Chapter 25 ✔
Chapter 26 ✔
Chapter 27✔
Chapter 28✔
Chapter 29 ✔
Chapter 30✔
Chapter 31✔
Chapter 32 ✔
Chapter 33✔
Chapter 34 ✔
Chapter 35✔
Chapter 36✔
Chapter 37✔
Chapter 38✔
Chapter 39 ✔
Chapter 40✔
Chapter 41✔
Epilogue ✔
Lost In Love (Special Chapter!)

Last Chapter

14.4K 336 90
By Kkabyulism

Kinuha ko yung isang picture at tinitigan yun.

Isang batang lalaki na nakaakbay sa batang Hazelle, habang nakasign ng "V" ang lalaki.

Johnny..

**

**FRAGMENTS OF MY MEMORY**

"Bea! Dali na kasi! Samahan mo na ko." Sigaw ko sakanya.

"Hazelle, alam mong bawal akong lumabas ng pamamahay na 'to, hindi ba?" Tanong nya sakin, hindi na ko pinapansin, nagbabasa lang sya ng libro! Ang bata-bata pa nya pero nagbabasa na sya!

"Pero kapag si Charles ang nagaaya sayo, sumasama ka kagad! Hmmp!" Sigaw ko, nakita kong namula ang magkabilang pisngi nya. Aha!

"Hindi ah!!" Sigaw nya.

"Ang sama mo! Crush mo sya no? Pinagpapalit mo ang bff mo sa crush m-"

"Hindi ko sya crush! Ok? Fine! Tara na, pero saglit lang tayo ha!" Sigaw nya, tumalon-talon ako sa kama nya at pumapalakpak sa sobrang tuwa.

~~

"O! Ito na sya! Kabaliwan mong Vincent ka, pati ako nadadamay!" Sigaw ni Bea tsaka sya nagmartsa paalis sa harapan naming dalawa.

"Thank you Trixie!" Sigaw ng isang lalaking nasa harapan ko ngayon, humarap sya sakin at ngumiti. "Hi." Bati nya sakin.

"Bakit ba bigla-bigla kang nagpapasya na pumu-"

"Magrereklamo ka pa eh gusto mo naman! Tara na, may ipapakita ako sayo, bawal magreklamo." Sabi nya agad sakin, tsaka nya ko hinatak palayo.

Bata palang pilyo na sya, bata palang epal na sya sa buhay ko, bata palang mayabang na sya. Bata palang..

Nagkagusto na ko sakanya.

Isa akong prinsesa sa tingin ng ibang tao, kinaiinggitan nila ko ng todo, pero hindi nila naisip na mas gugustuhin ko pang mamuhay sa simpleng pamamaraan lang, yung kumpleto kayong kakain tuwing may nakahain na sa mesa, yung sama-sama kayong tatawa. Sa tuwing may event sa school, nandyan ang mga magulang mo para suportahan ka, pero wala sila, that's why I hate my life.

Kung tutuusin nga, mas madalas ko pang makasama tong lalaki na to kesa sakanila, sakanya ko nahanap yung aruga na hinahanap ko sa isang pamilya, nagkakaintindihan kami dahil pareho kaming ganito ang dinadanas.

"Alam mo ba kung bakit nagkagusto si Bea kay Charles?" Napabalik ako sa katinuan ng magtanong sya at nakita kong nakatayo kami sa gilid ng tulay.

"Kalalaking tao mo ang daldal mo." Sabi ko.

"Hoy! Hindi ah! Bakit si Charles?" Tanong nya sakin.

"Si Charles makulit, pero ikaw nilalabas mo sikreto ng isang tao. Bad habit." Sabi ko sakanya. Binitawan nya yung kamay ko na pahagis.

"Panira ka ng atmosphere! Alam mo ba yun?!" Reklamo nya at kita sakanya na naiinis sya.

"Naks! May pa-atmosphere, atmosphere ka na dyan ha!" Sabi ko.

"Aish, Jinjja!" Tinignan ko sya. Lalaking maamo ang muka, bakit nga ba kami magkakilala nito? Bakit ba kami magkasama nito?

Hindi ko sya kaklase o kahit na schoolmate man lang.

"Pikon! Bakit hindi ka lumipat sa school namin kapag highschool na tayo, para naman maging magkaklase tayo." Sabi ko.

"Ayoko nga dun!" Sabi nya.

"Ang arte mo!" Sabi ko, hindi na kami umiimik, Grade 6 student lang kami, pero bakit kung umasta kami parang ang tatanda na namin.

"I like you." Napatingin ako sakanya.

"Ha?"

"I said I like you." Sabi nya ng hindi tumitingin sakin.

"What?"

"Stupid like Trixie!" Sigaw nya, natawa ko sa expression nya.

"Ang kapal mo! Hindi ako stupid! Teka nga, bakit ba Trixie?" Tanong ko.

"BeaTRICE." Sagot nya.

"Ang layo naman ng Trice sa Trixie." Sabi ko.

"Pareho na yun! Unique kaya yun, kapag narinig nya yung Trixie, alam nyang ako yung tumatawag sakanya nun, just like you.. Kyou." Sabi nya.

"I told you, call me Hazelle, you know that I hate my Japanese name." Sabi ko.

"Then.. Let me make you love it." Then he flashed his sweetest smile.

His smile that made my heart skips a beat, pwede ba to? Sya ang first love ko, puppy love, that's what you call it.

"Kyou." Iniharap nya ko sakanya at ngumiti pero seryoso yung muka nya.

"What now?!" Sigaw ko.

"Aishiteru." Sabi nya.

"Johnny.." Tawag ko sakanya, ngumiti sya tsaka nya ko binatukan ng mahina.

"Dapat I love you too, bobo mo talaga." Sabi nya.

"Bakit kung magsalita ka parang mawawala ka?" Tanong ko.

"Nag-confessed lang mawawala agad? Seriously Kyou, gaano kababa IQ mo?" Tanong nya.

"Ang landi mo." Sabi ko na lang sakanya. Wala akong mahanap na ibang salita eh.

"Remember this Kyou." Tumingin ulit ako sakanya. "Papakasalan kita pag nag-eighteen ka na." Sabi nya.

"Ha? Paano kung hindi ikaw ang mahal ko?" Kumunot yung noo nya at lalong sumeryoso.

"May iba ka bang gusto?" Tanong nya.

"I don't know." Sagot ko.

"Then I'll make you fall in love with me." He said it with full of confidence. "I'll marry you someday, I'm not asking for your permission, I'll do what I want para wala ka ng kawala sakin! Ikaw lang ang mamahalin ko, promise."

~~

"Hazelle!" Sigaw nila Ybel sakin tumingin ako sakanila habang pumapasok sila sa classroom.

"Po?" Tanong ko.

"Si Bea, iyak ng iyak, anong nangyayari dun?" Tanong nila. Tumingin ako kay Charles.

"Inasar mo nanaman ba sya?" Tanong ko.

"Hala! Hindi ah! Nagulat nga kami biglang umiyak eh, nababaliw na talaga yun." Sabi nya, tumayo ako sa upuan ko at lumapit kay Bea na nakayuko at humahagulgol.

"Bea." Tawag ko, iniangat nya yung muka nya at kitang-kita na kanina pa sya umiiyak.

"Haze, si Vincent." Sabi nya.

"Vincent? Diba yun yung madalas kausapin si Bea? Anong nangyari? Resbakan na ba yan?" Tanong ni Kekel, siraulo talaga.

"Anong nangyari kay Johnny?" Tanong ko. Kumunot yung noo nila.

"Sabi ni Bea, Vincent, hindi Johnny, nababaliw ka na ba Hazelle?" Tanong ni Ybel.

"Heh! Shut up! Bea, ano?" Tanong ko, kumunot yung noo ni Bea at tinitigan ako.

"Hindi mo ba alam?" Tanong nya.

"Ang alin?" Clueless kong tanong.

"Na pumunta si Vincent ng America, and he will live there for good."

With that parang gumuho ang mundo ko.

"U-umalis sya?" Tanong ko.

"Hindi ba nya sinabi sayo kahapon? Magkasama kayo kahapon ah." Sabi nya na iiyak nanaman.

"Wala syang sinabi." Napailing ako sa narinig ko, wala syang ginawa kahapon kundi ang mangasar at mantrip, ni hindi nya binabanggit sakin ang tungkol sa pag-alis nya!

"Nakaalis na sya, sabi ko ihahatid ko sya kahit sa airport, pero ayaw nya! Ang sama-sama nyang tao! I hate him! I hate him!" Umiyak nanaman ng malakas si Bea.

"Nangiwan sya?" Tanong ko. Tumango si Bea at niyakap ako. Walang luhang lumalabas sa muka ko pero grabe ang sakit.

Wala na ang bestfriend ko.

**

I remember now. Naalala ko na ang lahat. Yung unang beses na sumakay ako sa motor nya nung muli kaming magkita, kung saan kami nag-stay nun at sinabi nya sakin na samahan ko sya kahit saan sya magpunta, dun kami huling nagkita bago nya ko tuluyang iwanan dito at tumira sa America.

Dahil sa pangungulila ko dati kay Johnny, pinilit ko si Kevin na tawagin akong Kyou. Pinilit ko dati na kay Kevin lumapit dahil magkapareho sila ng ugali, at dahil dun, minahal ko sya.

Sinungaling na talaga si Johnny dati palang!

"Ako lang ang mamahalin nya, eh ano si Sopphie?" Sumandal ako sa bench at tinignan yung mga picture namin nung bata kami. Bata palang pala, tinali na nya ko sakanya.

"Dahil akala nya dati patay ka na." Nagulat ako sa nagsalita, lumabas si Raph at Bea.

"P-patay?" Tanong ko, ngumiti si Raph.

"Oo, nalaman nya na sumabog yung kotse dati at namatay si Tito Jun, nalaman nyang nandun ka sa kotse na yun, pumunta sya sa Japan a year after that tragedy, dahil nalaman din nya na nandun sila Saiyuki, pero halos mamatay sya ng nalaman nyang hindi ka kasama dun." Sabi ni Bea.

"Pero nandito ako sa Pilipinas nun!" Sabi ko.

"Nakilala niya si Sopphie pagkabalik nya sa America. Remember nung nag-stay si Sopphie sa America para makalayo sa Mama mo?At diba sinabi ko sayo na magkaugali kayo ni Sopphie, nagkagusto sya kay Sopphie, minahal nya yun but not as much as he loves you." Dagdag ni Raphael. "Pero nagkagulo sila ni Sopphie nun, hindi ko na maalala kung bakit." Kwento pa nya.

"Months after that, pumunta na sya dito sa Pilipinas, magmu-move on daw sya, nag-aral sya nun pero home study lang. Ilang taon syang parang tanga nun, minsan nga gusto ko na syang upakan at ibato para matauhan." Natatawa ni Raph na parang naalala nya si Johnny.

"He decided to contact me again, nagkausap kami ni Vincent nun Hazelle, pero di kita binanggit ever since sakanya, dahil nga nawala yung alaala mo at alam kong masasaktan sya ng todo, pero one time nadulas ako sakanya. Naikwento kita bigla sakanya." Sabi ni Bea, nag-teary eyed sya.

"Pero nasaktan din sya kagad, sabi sakin ni Vincent nun, mas gugustuhin pa raw nya na namatay ka na kesa malaman nya na magiging in-laws kayong dalawa." Sabi ni Raph.

"Totoo ba mga pinagsasabi nyo?! Bakit, bakit..." Umiiling ako, ilang taong nagdusa si Johnny ng dahil sakin.

"Mukha ba kaming manloloko Hazelle? Sa tingin mo ba scripted lahat ng sinasabi namin?" Nagtatampo na tanong ni Bea.

"Kaya kung mapapansin mo, simula nung nagkasama kayo, hindi na sya humiwalay sayo, Hazelle, lahat ng ginagawa nya sayo nun, pilit nyang pinapaalala sayo lahat, pero napakakulit mo at hindi mo naalala, alam mo ba kung ano pa yung masakit sakanya? Yung nalaman nyang in love ka sa kapatid nya na kinakamuhian nya." Sabi pa ni Raph, lumapit si Raph sakin at niyakap.

"My bestfriend loves you so much, to the point that he can sacrifice his life for you, ang sinabi nya sakin nun." His voice broke. "Sana daw hindi na kayo nagkita ulit dahil iiwan ka nya ulit, pero masaya sya, sobrang saya nya, alam mo bang sa haba-haba ng pinagsamahan namin, dun ko lang sya nakitang tumawa ng malakas at sobrang saya ng muka nya."

"Ang dahilan nya kung bakit pinalayo ka nya nung nalaman nyang malapit na sya mamatay, Hazelle, same reason kung bakit hindi nya sinabi sayo dati na aalis sya papuntang America." This time si Bea na ang nagsasalita. "Ayaw nyang makitang umiiyak ka, ayaw nyang makitang nasasaktan ka, dahil baka hindi nya kayaning umalis kahit kailangan, dahil baka magsisi sya sa lahat ng bagay dahil nakikita nyang sobrang nasasaktan yung taong mahal na mahal nya."

**

After that conversation, naalala ko na ang lahat, kung anu-anong kagagahan ang ginagawa ko dati kasama sya at kung paano sya kalimutan nun.

Akala ko kasi dati hindi na sya babalik.

Destiny..

Minsan kakampi mo ang tadhana, minsan naman kaaway mo.

Look how our story ended.

Hindi kami magkasama, sobrang daming nangyari. Nakakapagod din pala.

"Hime.." Nagaalangan na lumapit si Kuya sakin, natawa ko sakanya.

"Para kang tanga kuya." Sabi ko. Nagulat sya at ngumiti tsaka sumigaw.

"Baliw ka ba?! Malay ko ba kung pagtutulakan mo nanaman ako!" Sigaw nya, niyakap ko sya ng mahigpit.

"I'm sorry Kuya, I missed you so much."Sabi ko.

"Hime.." Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at nakita ang sakit sa mga mata nya.

"Baka! I told you I'm sorry then-"

"Why are you being like this?" Tanong nya. I just shrugged.

"Gotta go! Pupuntahan ko pa si Tiara!" Sigaw ko tsaka ako umalis, nitong mga huling araw, wala akong ginawa kundi ang gumala ng gumala, pinapagalitan na nga ko ni Tita Beth pero ngumingiti lang ako sakanya.

"Si Tiara?" Tanong ko sa mga katulong sa bahay nya.

"Nasa kwarto po." Sagot nung isa, agad akong tumakbo papunta dun at inihagis sakanya ang isang envelope.

"Ouch! Ano ba Hazelle!" Sigaw nya sakin.

"Marry him." Sabi ko.

"HAZELLE! Ilang beses ko bang sasabihin na-"

"Kaya mo bang makita na sa iba sya ikakasal?" Tanong ko, iniwas nya yung tingin nya sakin.

"Hindi ganun kadali ang lahat Haze." Sabi nya.

"Mahal mo pa ba sya?" Tanong ko.

"Damn it! Oo naman!" Sigaw nya.

"Then marry him."

"HAZELLE!" Sigaw nya ulit ngumiti lang ako sakanya.

"Don't make it hard for the all of us Tiara, kalimutan mo ang nangyari, magpakasal na kayo." Sabi ko.

"Bakit ba atat na atat kang ikasal kami!" sigaw nya ulit.

"Gusto ko lang kayong ikasal bago ako umalis, masama?!"

"Aalis?" Tanong nya, tumango ako sakanya.

"Titira ako sa Japan, alam mo naman kapag busy ako, hindi nyo na ko makikita, kaya gusto kong makita kayong ikasal." Sabi ko.

"Hazelle naman eh." Sabi nya.

"Gusto mo bang magaya sakin?" Tanong ko, alam na nya ang ibig sabihin nun, natahimik sya at umiling.

"WAG KA NANG MAARTE! DAMN IT! MARRY HIM TOMORROW AT EXACT 10:30 AM!" Sigaw ko.

"Ibig sabihin, kahit magkaaway kami, pinapamigay nyo na yung invitation?" Tanong nya, ngumiti lang ako bilang sagot.

"MEANIE!" Sigaw nya..

Maraming nagtatanong, ang weird ko raw ngayon, natatawa lang ako kapag tinatanong nila yun.

I just want to be happy, gusto kong masaksihan lahat ng magagandang event sa buhay nila bago ako tuluyang umalis.

Nanganak si Ybel ng babae at sabi nila, ako raw ang magpangalan.

Kanari Castillo, yan ang pangalan na binigay ko, Isang Japanese name. Ngumiti ng todo si Ybel dahil nagandahan sya sa pangalan. Simple lang, ang ibig sabihin ng Kanari ay 'cute/pretty'. Isang Japanese word.

Hindi pa nagkakabalikan si Kevin at Katherine, alam kong kasalanan ko yun.

"Happy birthday Johnny." Bati ko sakanya, magiisang taon na pala simula nung hindi ko sya maalala.

December 6, 2012. Nakalimutan kita. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero siguro way na ng Diyos yun para maka-buwelo ako sa ganitong pangyayari.

"Madame, tara na po." Tumayo na ko at sumakay sa kotse, ngayon na pala ko aalis, Iiwan ko na ang lahat dito. Babauin ko ang mga magagandang alaala.

*NAIA Airport.*

"Ate." Tawag ko kay Kath, nalaman kong kapatid ko si Kath, no. I remember. Nagalit ako sakanya dati, kasi bukambibig sya ni Daddy. Naiinis ako sakanya dati nun. Nagagalit ako sakanya dati, nagseselos ako. Tss, saaming dalawa pala, ako ang unang nakaalam. Kinwento nya sakin yung panahon na naalala nya, nainis din daw sya sakin nun kasi dahil sakin hindi nya nakasama ang totoong daddy nya, kaya pala ganun na lang yung galit nya sakin nung nakita nyang naghahalikan kami ni Kevin.

Ang kwento ng buhay namin dugtong-dugtong. Small world nga.

"Stop it Hazelle! YOU'RE GIVING ME-" I hugged her tight.

"Thank you." Bulong ko. "Thank you, I love you my long lost sister." Bulong ko sakanya, naramdaman kong humigpit yung yakap nya sakin.

"Aalis ka na ba talaga? Iiwan mo na kami?" Tanong nya.

"S-sa Japan lang ako." Sagot ko, yumakap pa sya ng mas mahigpit na parang sinasabi na alam na nya.

"Hazelle.." Umiiyak nanaman sya. "Don't." Sabi nya.

"Bye." I kissed her on her cheeks.

"Sorry for ruining your marriage, can you marry him now?" Tanong ko, hindi sya sumagot sa sinabi ko at napatingin kami kay Raphael.

Hindi ko naayos ang namamagitan saming apat, hindi ko naayos dahil hindi ko rin alam kung paano, hindi ko alam kung paano.

"Hazelle." Sabi ni Raph. "Don't worry, maayos din ang lahat habang wala ka, fresh pa kasi." Sabi ni Raphael, ngumiti ako at tumango.

"Are you really going now?" Tanong ni Kevin, ngayon na lang sya nakipagusap sakin.

"Obvious ba?" Pinilit kong wag umiyak.

"Kyou.."

"I'll miss you all." Sabi ko, tinawag na ang flight ko. Aalis na dapat ako pero hinawakan ako ni Kevin.

"I'll miss you." Sabi nya, ngumiti ako sakanya.

Hindi naman talaga sa Japan ang punta ko eh, pupunta ko sa asawa ko.

"Haaaay~ Hazelle! Bakit ba hindi ka na lang ditto mag-stay! Yung business nyo na lang dito ang asikasuhin mo!" Sigaw nila.

"Nandito na si Sandra, si Kevin si Darwin, ano pang papel ko dito? AHAHAH!" Tumawa ako, si Bea nakatitig lang sakin.

Sabi sakin ni Tita Beth, ilang araw daw stressed si Bea bago raw ako makaalala. Dahil may nalaman sya sa katawan ko.

Meron akong hindi maipaliwanag na sakit, hinanap nya kung anong klaseng sakit ang meron ako, pero nabigo siya, pinakonsulta rin nya sa American Doctor pero nabigo sila. Hindi ako nalulungkot dahil siguro nga oras ko na. Epekto raw to ng mga nangyari sakin dati, sa sobrang depression daw na nangyari sakin nung elementary pa lang ako, sa sobrang pagiisip ko raw nun, mga side effects ng mga nangyari at gamot na ginamit sakin, hindi na kinakaya ng katawan ko.

Nararamdaman ko na naman eh, anytime pwede na kong mag-collapsed, pwedeng paglakad ko patalikod sakanila, pwedeng pagsakay ko ng eroplano, pwedeng pagbaba ko ng eroplano, pwedeng dito na mismo.

Once na nagbreak down ang katawan ko, ibig sabihin. Tapos na. Iiwan ko na silang lahat.

"Bye-bye." Sabi ko. Nanunuod sila sakin kaya nag-pout ako.

"Lumayas na kayo, ayokong umalis nang nandito pa kayo." Sabi ko sakanila, tumawa silang lahat. Pinanood at pinakinggan ko silang lahat.

Mahal na mahal ko ang mga taong 'to, sa susunod ko bang buhay, kasama ko pa sila? Sana Oo.

"Umalis ka na." Sabi nila.

"Umalis na kayo! Dalii!" Sigaw ko rin. Napailing na lang sila at naglakad palayo sakin, palabas na sila ng airport, tumulo na yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Huminga ako ng malalim bago ako tumalikod at nagsimulang maglakad.

Sa pagtalikod kong yun, naalala ko lahat, kung paano ko sila pinahalagahan at kung paano nila ko minahal, sino nga ba ang magtitiis sa ugali kong 'to? Napakasama kong tao nung highschool ako na nadala ko hanggang college ako, puro kabaliwan ang mga ginagawa namin.

Sino nga ba ang magiisip na hahantong ang lahat sa ganito? Hahantong sa pagkakataon na kailangan na naming iwanan kung ano ang meron kami dati? Minsan naiisip ko, kung hindi ba umalis si Vincent, magkakaganito ba lahat? Minsan naiisip ko, kung hindi ko ba inako yung fixed marriage na para kay Kuya, magkakaganito ba kaming lahat?

"MAMA!" Sigaw ng isang bata, ngumiti ako sakanya, kasama ko sila ni Kuya sa Japan.

Princess Jewel Anne Sato, ang prinsesa na papalit sa posisyon ko. Ang babae na magtutuloy ng mga kwentong naiwan ko. Ang batang nabuo dahil sa pagiging martyr ko, kung iisipin, maraming magagandang nangyari ang kaso, nangingibabaw ang sakit at paghihirap naming lahat.

Sino nga ba ang magiisip na ang dating masayang barkada, ngayon ay punung-puno ng hinagpis, ang dating barkada na akala ay walang makakasira, ngayon sira-sira na. Ang dating barkada na walang ginawa kundi ang tumawa buong araw kapag magkakasama, ngayon ay puro iyak na lang.

Sino nga ba ang magiisip na dito matatapos ang kwento ng buhay ko? Sino ba ang may gusto na maging ganito ang ending ng buhay ko?

Ngayon alam ko na kung bakit mas pinili ni Ariel na maglaho na lang kasama ang bula kesa ipaglaban nya si Prince Erick, dahil kahit kelan hindi pwedeng maging sila. May pinagkaiba kami ni Ariel, ako lumaban ako, pero nawala sya sakin. Sya hindi sya lumaban kaya siya ang nawala.

Pareho kami ni Ariel na walang happy ending. Pareho kami na kahit kelan hindi namin makakasama ang taong minamahal namin.

Hahayaan kong hindi kami magkasama ni Johnny ngayon, pero sisiguraduhin ko na sa susunod naming buhay..

KAMI NA HANGGANG HULI.

May isang tumatak sa isip ko tpagtapos ng mga nangyari na to.

'LOVING HIM WAS NEVER THAT EASY, but still, I chose to love him with all my life.' Kaya hindi ako nagsisisi na minahal ko sya ng todo.

"KYOU!!" Ang boses na yun, kilalang-kilala ko. Boses yun ng lalaking mahal ko, pero hindi kami pwedeng magsama. Ang boses na yun ang huli kong narinig sa mundong 'to bago ako mawala.

Ako si Hazelle 'Kyoubayashi' Sato-Shin, at dito nagtatapos ang istorya ng buhay ko.

**

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
381K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...