Day 293
Tagalog:
Kasama rin doon ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo. Hirap na hirap na siya sa sakit na iyon, at marami nang doktor ang sumuri sa kanya. Naubos na ang kanyang ari-arian sa pagpapagamot ngunit hindi pa rin siya gumagaling. Sa halip, lalo pang lumala ang kanyang karamdaman. Nabalitaan niya ang tungkol kay Jesus kaya't nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Jesus, at hinipo ang damit nito, sapagkat iniisip niyang: "mahipo ko lang ang kanyang damit, gagaling na ako." Agad ngang tumigil ang kanyang pagdurugo at naramdaman niyang magaling na siya. Naramdaman naman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya't bumaling siya agad sa mga tao at nagtanong, "Sino ang humipo sa aking damit?" Sumagot ang kanyang mga alagad, "Nakikita po ninyong napakaraming nagsisiksikan sa paligid ninyo, bakit pa ninyo itinatanong kung sino ang humipo sa damit ninyo?" Subalit patuloy na lumingun-lingon si Jesus sa paghahanap sa kung sinong humipo sa damit niya. Palibhasa'y alam ng babae ang nangyari, siya'y nanginginig sa takot na lumapit kay Jesus, nagpatirapa, at ipinagtapat ang buong katotohanan. Subalit sinabi sa kanya ni Jesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na at ipanatag mo ang iyong kalooban. Ikaw ay magaling na."
Marcos 5:25-34 MBB05
English:
25 And a woman was there who had been subject to bleeding for twelve years. 26 She had suffered a great deal under the care of many doctors and had spent all she had, yet instead of getting better she grew worse. 27 When she heard about Jesus, she came up behind him in the crowd and touched his cloak, 28 because she thought, "If I just touch his clothes, I will be healed." 29 Immediately her bleeding stopped and she felt in her body that she was freed from her suffering.
30 At once Jesus realized that power had gone out from him. He turned around in the crowd and asked, "Who touched my clothes?"
31 "You see the people crowding against you," his disciples answered, "and yet you can ask, 'Who touched me?' "
32 But Jesus kept looking around to see who had done it. 33 Then the woman, knowing what had happened to her, came and fell at his feet and, trembling with fear, told him the whole truth. 34 He said to her, "Daughter, your faith has healed you. Go in peace and be freed from your suffering."
Mark 5:25-34 NIV
*************
Lahat ng mga dumaranas ngayon ng sakit sa banig karamdaman ay bibigyang kagalingan ng ating Panginoong Hesus, kung tayo lamang ay magtitiwala at mananalig sa Kanya ng buong puso't lubusan. Katulad ng babaeng dinurugo sa mahabang panahon ay binigyan ng kagalingan ng ating Panginoong Hesus sapagkat nanalig Siya sa kapangyarihang meron ang ating Panginoong Hesus.
Kaya't kung sinuman ang mga dumaranas ngayon ng karamdaman at sa tingin natin ay wala ng kagalingan, tayo ay lumapit sa Panginoong Hesus. Buong puso nating pagkatiwalaan at huwag pagduduhan ang kakayahan ng ating Panginoong Hesus. Sapagkat lahat ng mga imposibleng bagay na maaring mangyari sa atin ay kaya Niyang gawing posible. Magtiwala at manalig tayo sa Kanyang kapangyarihan. Hindi Niya tayo pababayaan, pagalingin Niya tayo at panunumbalikin ang ating kalakasan.
#GodBlessUs😇❤
#day293 ❤
#toGodbetheglory
#keepussafealways
=========================================
Day 294
Tagalog:
Narinig ito ni Jesus kaya't siya ang sumagot, "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid."
Marcos 2:17 MBB05
************
Kung ang mga doktor ay mga manggagamot ng mga may sakit at hindi sa mga malulusog ang pangangatawan gayundin naman ang ating Panginoong Hesus naparito Siya para sa ating lahat na mga makasalanan. Naparito Siya upang ituwid ng landas ng mga naliligaw ng landas at namumuhay sa mga baluktot na pamumuhay. Mga taong nalululong sa mga masasamang gawin at mga gumagawa ng mga hindi nakakalugod sa harapan ng ating Panginoon.
Patas ang Kanyang pagmamahal sa bawat isa sa atin. Lahat tayo ay binibigyan Niya ng pagkakataon na magbago at matuwid ang lahat ng ating mga kasalanan. Kahit tayo pa ang maituturing na pinakamasa at pinakamakasalanan kung tayo'y lalapit at buong pusong hihingi ng tawad sa ating Panginoong Hesus tayo'y Kanyang patatawarin.
Lahat tayo ay pwedeng magbago, lahat pwedeng makamtan ang kaligtasang kaloob ng Diyos sa bawat isa sa atin. Hindi madamot ang Panginoon sa mga taong isinusuko ang kanilang buhay sa Kanyang harapan. Kaya't lagi nating tandaan kung ikaw o ako man ay makasalanan ay hindi natin kaya ang mabuhay ng wala ang Panginoong Hesus.
Hindi pa nawa maging huli sa atin ang tanggapin at kilalanin Siya bilang isang Panginoong makapangyarihan sa lahat at tagapagligtas. Sa Panginoong Hesus lamang natin makakamtan ang pag-ibig na tunay, kapag tayo ay sasakanya hindi tayo mapapahamak ni maliligaw man. Ibang ligaya at kapayapaan ang kaloob Niya sa Kanyang mga anak na lumalapit sa Kanya.
Kaya Niyang pagalingin ang lahat ng may karamdaman at alisin ang dilim na bumabalot sa ating karumihan. Bibigyan Niya ng liwanag ng pag-asa ang lahat, magtiwala at maniwala lamang tayo sa ating Panginoong Hesus, Siya'y tunay na dakila't banal, tapat at napakabuti, binibigyan ng pagkakatong magbago at pinapatawad sa mga kasalan kahit hindi tayo karapatdapat sa Kanyang habag at awa.
#GodBlessUs😇❤
#day294 ❤
#toGodbetheglory
#keepussafealways