365 Days || Bible Verses (202...

By MajecThoughts

8.8K 424 21

Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thought... More

Day 1 & 2
Day 3 & 4
Day 5 & 6
Day 7 & 8
Day 9 & 10
Day 11 & 12
Day 13 & 14
Day 15 & 16
Day 17 & 18
Day 19 & 20
Day 21 & 22
Day 23 & 24
Day 25 & 26
Day 27 & 28
Day 29 & 30
Day 31 & 32
Day 33 & 34
Day 35 & 36
Day 37 & 38
Day 39 & 40
Day 41 & 42
Day 43 & 44
Day 45 & 46
Day 47 & 48
Day 49 & 50
Day 51 & 52
Day 53 & 54
Day 55 & 56
Day 57 & 58
Day 59 & 60
Day 61 & 62
Day 63 & 64
Day 65 & 66
Day 67 & 68
Day 69 & 70
Day 71 & 72
Day 73 & 74
Day 75 & 76
Day 77 & 78
Day 79 & 80
Day 81 & 82
Day 83 & 84
Day 85 & 86
Day 87 & 88
Day 89 & 90
Day 91 & 92
Day 93 & 94
Day 95 & 96
Day 97 & 98
Day 99 & 100
Day 101 &102
Day 103 & 104
Day 105 & 106
Day 107 & 108
Day 109 & 110
Day 111 & 112
Day 113 & 114
Day 115 & 116
Day 117 & 118
Day 119 & 120
Day 121 & 122
Day 123 &124
Day 125 & 126
Day 127 & 128
Day 129 & 130
Day 131 & 132
Day 133 & 134
Day 135 & 136
Day 137 & 138
Day 139 & 140
Day 141 & 142
Day 143 & 144
Day 145 &146
Day 147 & 148
Day 149 & 150
Day 151 & 152
Day 153 & 154
Day 155 & 156
Day 157 & 158
Day 159 & 160
Day 161 & 162
Day 163 & 164
Day 165 & 166
Day 167 & 168
Day 169 & 170
Day 171 & 172
Day 173 & 174
Day 175 & 176
Day 177 & 178
Day 179 & 180
Day 181 & 182
Day 183 & 184
Day 185 & 186
Day 187 & 188
Day 189 & 190
Day 191 &192
Day 193 & 194
Day 195 & 196
Day 197 & 198
Day 199 & 200
Day 201 & 202
Day 203 & 204
Day 205 & 206
Day 207 & 208
Day 209 & 210
Day 211 & 212
Day 213 & Day 214
Day 215 & 216
Day 217 & 218
Day 219 &220
Day 221 & 222
Day 223 & 224
Day 225 & 226
Day 227 & 228
Day 229 & 230
Day 231 & 232
Day 233 & 234
Day 235 &236
Day 237 & 238
Day 239 & 240
Day 241 & 242
Day 243 & 244
Day 245 & 246
Day 247 & 248
Day 249 & 250
Day 251 & 252
Day 253 & 254
Day 255 & 256
Day 257 & 258
Day 259 & 260
Day 261 & 262
Day 263 & 264
Day 267 & 268
Day 265 & 266
Day 269 & 270
Day 271 & 272
Day 273 & 274
Day 275 & 276
Day 277 & 278
Day 279 & 280
Day 283 & 284
Day 281 & 282
Day 287 & 288
Day 289 & 290
Day 291 & 292
Day 293 & 294
Day 295 & 296
Day 297 & Day 298
Day 299 & Day 300
Day 301 & Day 302
Day 303 & 304
Day 305 & 306
Day 307 & 308
Day 309 & 310
Day 311 & 312
Day 313 & 314
Day 315 & 316
Day 317 & 318
Day 319 & 320
Day 321 & 322
Day 323 & 324
Day 325 & 326
Day 327 & 328
Day 329 & 330
Day 331 & 332
Day 333 & 334
Day 335 &336
Day 337 & 338
Day 339 & 340
Day 341 & 342
Day 343 & 344
Day 345 & 346
Day 347 & 348
Day 349 & 350
Day 351 & 352
Day 353 & 354
Day 355 & 356
Day 357 & 358
Day 359 & 360
Day 361 & 362
Day 363 & 364
Day 365

Day 285 & 286

24 0 0
By MajecThoughts

Day 285

Tagalog:

Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal. Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, "Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon." 

Mga Taga-Roma 12:17‭-‬19 MBB05



English:

17 Do not repay anyone evil for evil. Be careful to do what is right in the eyes of everyone. 18 If it is possible, as far as it depends on you, live at peace with everyone. 19 Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "It is mine to avenge; I will repay,"[] says the Lord

Romans 12:17-19



*********

Mahirap para sa ating mga tao ang magpatawad at kalimutan ang lahat ng mga nagawa sa atin na masama ng ating kapwa. Masakit at mahirap tanggapin, ang poot ay namumutawi sa kaibuturan ng ating puso na kadalasan ay nag-uugat sa paghihiganti. Ngunit sa huli ang paghihiganti ba o pagkimkim ng sama ng loob ang sagot sa lahat ng ginawa sa ating masama ng ating kapwa?

Makakatulog ba tayo ng matiwasay at mapayapa kung tayo ay nagbabalak ng paghihiganti sa ating kapwa? Mabibigyan ba natin ng kaluguran ang ating sarili kung matupad man ang ating mga planong paghihiganti? Kaya't sa huli sarili lamang natin ang ating sinasaktan at pinahihirapan. Ating ipaubaya sa ating Panginoon ang lahat ng ating mga naranasang hirap o dusa sa ating kapwa.

Ating ipagpasa-Diyos ang lahat ng galit, sama ng loob at paghihiganti sa ating kapwa. Ang Diyos ay hindi natutulog sa lahat ng ating mga pinagdadaanan.Kanyang tutulungan at pagpapalain ang sa Kanya'y ipinauubaya ang lahat. 

Sa Kanya na natin isuko ang lahat ng mga bigat at dalahin natin sa ating kapwa at ang Diyos na ang Siyang bahalang magpasya sa lahat ng mga nakagawa sa atin ng masama.


#GodBlessUs😇❤

#day285 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways


====================================


Day 286

Tagalog:

Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan. 

Mga Kawikaan 19:11 MBB05



English:

A person's wisdom yields patience;
it is to one's glory to overlook an offense.

Proverbs 19:11 NIV




*********

Ang kahinahunan sa anumang sitwasyon ay nagpapakita ng katalinuhan ng tao. Iniisp niyang mabuti ang kanyang sasabihin at pinanatiling mahinahon sa kabila ng gulo ay nagpapayapa ng mga kaisipan ng taong nakapaligid.

Karangalang maituturing ang taong mapagpatawad sa kabila ng mga ginawang masama sa kanya. Ang pagpapatawad ay madaling sabihin ngunit napakahirap gawin. Ngunit kung bubuksan lamang natin ang ating mga puso sa pagpapatawad, malalaman natin na napakasarap palang mabuhay na walang kinkimkim na galit o hinanakit man sa ating puso. 

Pagpapalaing lubusan ng Panginoon ang mga taong marunong magpatawad sa kabila ng mga nagawang kasalanan sa kanya ng kanyang kapwa. Lagi nating tatandaan na hindi makapagpapataas ng ating sarili ang hindi marunong magpatawad.

Maliit man o malaki ang nagawang kasalanan, humingi man ng tawad o hindi ang mga nakagawa nito sa atin, patawarin pa rin natin sila. Ang Diyos na Siyang nakakakita ng lahat ang magbibigay karangalan at pagpapala sa atin, ayon sa ating mga gawa.


#GodBlessUs😇❤

#day286 ❤

#toGodbetheglory

#keepussafealways

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 124K 49
In wattys2018. Spiritual+Romance. Ranking 2 in spiritual (4 March 2018) He's bold. She's shy. He's full of confidence. She's outspoken. He's a workah...
715K 47.3K 39
[Highest ranking: #1 in Spiritual on 15/8/18] ••• • In which a girl saved a boy's life in the most unexpected of circumstances • She drank water. He...
5.5K 348 11
كاتبة مبتدئة أول رواية لي واتمّنى ان تنّال إلى اعجابكم كُتِبت بقلم الكاتبة:جنى الفيصل✍🏻
570K 28.7K 58
❝ You are a Lair, Professor! ❞ I said as I slapped him across the face. He grabbed my hand and pulled me to him. ❝ No student of mine may disrespect...