SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (C...

By khelielove

778K 20.7K 4.5K

LISTEN... Do you wanna know a big secret? Do you promise not to tell? Let's see... Discover the secr... More

T E A S E R
P R O L O G U E
S.U. 1 Getting Ready
S.U. 2 Finalizing Everything
S.U. 3 The Decision
S.U. 4 Knowing Everyone
S.U. 5 The Top 2
S.U. 6 Marketing Project
S.U. 7 New Faces
S.U. 8 Family Picture
S.U. 9 Kilig for the First Time
S.U.10 The Prince Move
S.U. 11 Jealous Mode
S.U. 12 Rule #1
S.U. 13 Guidance & Dean's Office
S.U. 14 Changes
S.U. 15 Worrying Part
S.U. 16 Marketing Event
S.U. 17 The Winner
S.U. 18 Houston Corporation
S.U. 19 The Truth
S.U. 20 Musical box
S.U. 21 Friends
S.U. 22 Like a candle
S.U. 23 Missing Hailey
S.U. 24 Motor Accident
S.U. 25 The Two Leaders
S.U. 26 John Tino
S.U. 27 First Adventure
S.U. 28 Aphotic Dread, a secret friend
S.U. 29 The Gertler
S.U. 30 Finding the Felon
S.U. 31 Saving the child
S.U. 33 A normal feeling of being a HUMAN
S.U. 34 Back to School
S.U. 35 Christmas for a Cause
S.U. 36 Battle of the Bands
SECRETS
You are INVITED!!!
S.U. 37 Campus Masquerade Ball Party
S.U. 38 Masquerade Dance Party
S.U. 39 Dark Night
S.U. 40 The Life of the Two Leader
S.U. 41 The Unexpected Visitor
S.U. 42 Another Secret
S.U. 43 Unbelievable
S.U. 43 A Traitor or Not?
S.U. 44 The other side
S.U. 45 Who are you?
S.U. 46 Her Heart
Make your VOICE count!
S.U. 47 His Heart
S.U. 48 The Final Plan
S.U. 49 Chen's Family
S.U. 50 Chen's Thanksgiving Party
S.U. 51 A best friends Attack
S.U. 52 The Final Battle
EPILOGUE
Thank YOU!
LIST OF CHARACTERS
Update

S.U. 32 The Boss

7.8K 256 26
By khelielove

CHAPTER 32

JIA WANG'S POV

"Just wait for Jia okay," narinig kong wika ni Caiden bago kami bumaba ng sasakyan. Sinulyapan ko pa muna si My loves bago namin tinungo ang dapat puntahan.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon habang papalapit kami sa pupuntahang bahay. Pinagmasdan namin ang paligid, tahimik naman at halos walang katao tao sa labas. Magkakalayo ang mga tahanan dito kaya kung may mangyayaring hindi maganda, hindi agad makakahingi ng tulong. Kinapa ko ulit ang aking baril sa bulsa, maganda na 'yung sigurado.

Nasa harapan na kami ng bahay, si Caiden naman ay parang balisa.

"Hey, anong problema?" tanong ko sa kanya. 

Humarap kaagad siya sa akin, "Something's wrong."

"Ano? Saan Caiden? May nakita kang kakaiba?"

"None so far but I feel something different. May nagmamasid sa atin."

Pagkasabi niya 'nun, lumingon pa ulit ako sa paligid. Bakit wala akong napapansin? Kahit kailan talaga malakas ang pakiramdam ni Caiden sa mga ganitong bagay.

"Knock first," wika niya sa akin pagkaharap sa pinto. Tsk! Ako na naman. Kumatok ako ng ilang beses bago nakarinig ng footsteps na paparating.

"Sino sila?" rinig namin pagkabukas ng pinto. Humarap kami sa kanya, hindi ko tuloy napigilang matawa sa aking isipan. Isa siyang sirena, trying hard maging babae ang itsura.

"We're from Toys Elite Company. Mag-survey lang kami tungkol sa musical box na nabili niyo noong December 2006 sa Golden Malls. Gusto naming makita kung buo pa ba ito para ma-check ang quality ng produkto tsaka kung kaya bang tumagal ng isang dekada o higit pa. Nagbibigay din kami ng free repair kung sira na ang laruan," mabilis kong tugon.

"Aw pasok kayo mga fafa," malanding tugon nito.

Pumasok na kami sa loob at nagmasid. Bilang na bilang lang ang kanilang kagamitan. Pinaupo niya kami sa sofa at iniwan sandali para kumuha ng maiinom.

"Uminom muna kayo."

Inabot niya ang dalawang baso ng iced tea na punong puno ng yelo. Kumuha agad ako at uminom. Kanina pa kasi ako nauuhaw dahil sa sobrang kaba, agad ko namang naubos ito.

Napatingin ako sa aking tapat, ngayon ko lang napansin na nakatitig pala si Caiden sa inumin. Ano kayang problema niya sa juice?

"Anong klaseng musical box ba mga guwapito?" wika na naman ni sirena.

"It's a square shaped box with a ballerina in the middle," sambit ni Caiden sabay pakita nang larawan ng musical box.

"Ah 'yan ba. Wait a minute ah, I'll just check it upstairs. Do you wanna come?" malanding tugon niya. Natawa naman ako sa reaction ni Caiden, para siyang nandidiri na hindi maipaliwanag.

"Okay I'll come with you," nag-aalinlangang sagot ni Caiden.

"Yo pre ako nalang kaya? Dito kana lang," mabilis kong pigil, sigurado ba siya sa sinasabi niya? Sa pagkakaalam ko ayaw niya sa mga bading.

"No, I can handle his craziness," bulong niya. Crazy? Kung sa bagay mukha nga 'tong baliw. Kasi naman ang itsura pinatong lang ang wig, lagpas ang lipstick at may ibat-bang kulay ng palamuti sa mukha. Teka para pala siyang clown.

Ngumiti ng nakakaloko 'yung bading at unang naglakad papunta sa hagdanan. Tumayo na rin si Caiden at lumapit sa akin, "Check the whole area and be alert." Sumunod na rin siya paakyat.

Tumayo na ako at naglakad papuntang kusina. Walang tao pero hindi nakalusot sa aking paningin ang ilang sachet ng pangpatulog sa ibabaw ng lababo.

"Shit! Naisahan ako, anytime makakatulog na ako. Ang tanga lang! Kaya ba nakatitig si Caiden sa baso dahil napansin niyang may halong iba ang juice?" bulong ko sa aking sarili habang nagdadabog.

Napalingon ako sa may back door nang makarinig ng ingay. Sumilip ako at natanaw ang mga lalaking may dala dalang baril patungo sa bahay na ito.

Ni-lock ko ng mabilisan ang back door at nagtungo sa may hagdanan. Kailangan kong masabihan si Caiden. Malapit palang ako sa may sala ng maaninag ko sa harapang bintana ang mga lalaking papunta na rin dito.

"What the fuck! Bakit ang dami nila!" nasabi ko bigla. Ni-lock ko rin kaagad ang pintuan sa sala para hindi sila makapasok. Nagmadali na akong umakyat ng hagdan para hanapin si Caiden.

Pag-akyat ko bumungad agad sa akin ang madaming kuwarto. Aking binuksan ang unang pinto ngunit wala akong nakitang tao. Paglabas ko naman, narinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto galing sa baba.

"Shit, shit, shit! Nakapasok na sila!" nagmadali lalo akong hanapin sa bawat kuwarto si Caiden at inilabas ang aking baril. Nasa pangatlong kuwarto na ako nang makaramdam ng pagkahilo. Tumatalab na ang pangpatulog na nilagay sa baso namin.

Pinipigilan kong makatulog at pilit paring hinahanap si Caiden ngunit pagpasok ko sa ikaapat na pinto sinalubong ako ng tatlong lalaki at sinimulang suntukin. Lumalaban pa rin ako kahit umiikot na ang aking paningin.

Bigla nilang hinawakan ang aking mga kamay. Sinipa ko sila sa tiyan kahit hindi masyadong malakas. Nanghihina na kasi ako dahil sa sobrang antok. Pagkatingin ko ay hawak na nila ang aking cellphone.

"What's the name of the girl?" narinig kong tanong ng lalaki sa kanyang kasama.

"Hailey Zoe Sandberg," mabilis na sagot nung isa.

"Fvck you! Huwag niyong tawagan si My loves!" sigaw ko sa dalawa.

"Got it! It's my loves kaya pala walang Hailey Zoe sa contact mo!" wika ng lalaki habang nakabungisngis.

Ang tanga ko! Ako talaga ang nagsabi nang hinahanap nila! Hindi maari ito, hindi dapat mapahamak si My loves. Mabilis kong inagaw ang cellphone sa lalaki pero nanlabo na ang aking paningin at bigla na lamang akong napabagsak sa sahig.

Narinig ko pang nagtawanan ang mga lalaki at hinablot ang cellphone sa aking kamay. I'm sorry My loves.

Pagkaraan ng isang oras...

"Jia! Jia! Jia wake up! Asshole wake up!" unti-unti kong naririnig ang pagtawag sa aking pangalan at parang lumilindol dahil yumuyogyog ako. Nagulat ako nang biglang may bumuhos ng malamig na tubig sa aking mukha at katawan.

"Wake up or I'll kill you right now!" narinig kong sabi kaya bigla kong nabuksan ang aking mga mata. Shit si Caiden nga at ginigising ako.

"Enjoying your sleep huh! Let's go!"

Tumayo na ako habang hawak-hawak ang aking ulo. Masakit pa rin ang ulo ko, tumingin ako sa buong kuwarto at nakita ang tatlong lalaki na naliligo sa kanilang mga dugo. Ang bilis talaga ng karma!

Lumabas na kami ng silid at tumambad sa akin ang mga lalaking nakita ko kanina sa labas. Nakahiga na sila ngayon sa sahig, mga sugatan at ang karamihan ay wala ng buhay. Ano bang nangyari? Matagal ba akong nakatulog?

Pagkababa namin, ang kaninang walang kalaman laman na salas ay puno na ngayon. Ang mga lalaki ay magkakapatong sa sahig na puno ng dugo at ang iba naman ay nakakalat sa ibat-ibang parte ng bahay. Mga walang buhay na rin at halos hindi na maaninag ang mga mukha dahil puno ng dugo. Mukhang ulo ang tinarget dito ni Caiden.

Hindi na ako magtataka na nagawa niyang patumbahin ang ganoon karaming kalaban. Kung sa mga gang fights nga kaya niyang patumbahin ang dalawang grupo without our help, dito pa kaya. Kabilib bilib ang husay at bilis ni Caiden lalo na ang malakas niyang pakiramdam sa mga kaaway. 

"Zoe's in trouble," sambit ni Caiden sabay bigay ng cellphone ko. Kinuha ko ito at binasa ang palitan ng text. 

Nakakainis, nakontak talaga nila si My loves at pinapauna sa North Hemilton. Teka North Hemilton?

"Caiden, nasa kapahamakan si My Loves, tara na bilisan natin!" 

"I know."

Oo nga sabi nga niya kanina. Nagmadali na kaming umalis ng bahay at pinuntahan ang lugar kung saan iniwan si My loves.

"Where's my car?" wika ko.

"They told Zoe to use it."

"Utak nila gumagana talaga! Para nga namang hindi tayo makasunod kay My loves agad. Pero may mga bodyguards siya, sana maprotektahan nila si Hailey."

"I doubt."

"Bakit?"

Hindi na ako pinansin ni Caiden, tumakbo siya at pinuntahan ang isang sasakyan na nakaparada sa harapan nung bahay. Ginamit siguro 'yun ng mga lalaking may armas kanina. Sumakay siya at pinaandar 'yung sasakyan.

Patungo na kami sa North Hemilton. Medyo malapit na kami nang makita ko ang sasakyan ng mga bodyguards ni My loves. Huminto kami ni Caiden at nagtanong sa mga taong nagkukumpulan.

"Manong anong nangyari riyan?" tanong ko sabay turo sa sasakyan.

"Nawalan daw ng malay 'yung mga sakay niyan, nasa hospital na sila ngayon."

"Bakit po nawalan ng malay?"

"Dahil daw sa tear gas."

"Ah salamat po manong."

Planadong planado ang bawat pangyayari. Umalis na agad kami at pinasok ang North Hemilton Village.

"Sana safe lang si My loves, mukhang lahat ng bodyguards niya ay nasa hospital."

"I hope so," wika ni Caiden habang hinahanap 'yung address dito sa loob.

Huminto kami sa tapat ng lumang bahay. Nagmadali kaming bumaba ng sasakyan at nilapitan ang pintuan, hindi namin ito mabuksan kaya nagpunta kami sa likuran.

Pagkadating namin sa likod nakita ko ang mga dugo sa lupa, sinundan ko ito at mukhang papunta sa hindi naman kalayuan. Tinawag na ako ni Caiden na pumasok na raw kami sa loob kaya hindi ko na sinundan ang mga patak ng dugo.

Nakabukas naman ang pinto kaya mabilis naming napasok ang bahay. Walang katao-tao sa baba, napansin ulit namin ang mga dugo sa sahig at mukhang papunta ito sa itaas. Sinundan namin ang mga dugo at nakarating kami sa pang anim na kuwarto.

Pagkabukas namin ng kuwarto rinig na rinig ko ang pag-iyak ng isang bata. Tumakbo si Caiden at binuksan ang isang silid na pinanggalingan nito. Bumungad sa amin si My loves na nakahandusay sa sahig. Madami ring dugo sa kanyang paligid kaya hinawakan ko kaagad ang kanyang pulso. Buti naman pumipintig pa ito, binuhat agad siya ni Caiden at kinuha ko naman 'yung batang umiiyak.

Lumabas na kami at nagtungo sa pinakamalapit na hospital.

PAULA'S POV

Hindi na ako nagdalawang isip pa, umalis agad ako pagka-received nang tawag. Na-tracked ko ang fone ni Mam Hailey at kasalukuyang nasa North Hemilton Village siya. Kanina ang daming humahabol sa aking traffic enforcer dahil sa over speeding. Pero wala silang magagawa dahil sadyang mabilis ako kaya hanggang ngayon ay hindi nila ako masundan-sundan.

Napahinto agad ako nang aking makita ang sasakyan ng mga bodyguards ni Mam Hailey, anong nangyari rito?

"Manong what happened?" tanong ko sa isa sa mga nakikiusyoso.

"Nawalan ng malay ang lahat ng lalaking sakay niyan, dinala na sila sa hospital."

"What? Bakit po? Saang hospital?"

"Nakalanghap daw ng tear gas, sa Chengtan Hospital sila dinala."

"Salamat po."

Tear gas? Paano? Kung may hinagis sa kanila pwede naman silang lumabas agad ng sasakyan unless nag-malfunction ang lock ng sasakyan kaya hindi sila nakalabas. Nawalan sila ng malay dahil na-suffocate siguro. 

Nasa loob na ako ng North Hemilton, hinahanap ko na ngayon kung saang banda nasasagap ang signal ng fone ni Mam Hailey. Mukhang malapit na ako sa hinahanap kong lugar. Huminto ako sa tapat ng isang bahay na luma. Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan nang matanaw ko si Caiden na bitbit si Mam Hailey at ang isa pang lalaki na bitbit ang isang bata. I guess 'yun na si Jane Tino. 

Hinintay kong makasakay sila bago ko susundan. Pagkaalis nila napansin ko naman ang isang lalaki sa hindi kalayuan, nakatago sa gilid at nakamasid sa sasakyan. Sakto pala ang pwesto ko, kitang kita ko siya mula rito. Hawak niya ang kanyang leeg na sunod-sunod ang pag-agos ng dugo. Pagkaalis nila Caiden, nagmadali namang tumakbo 'yung lalaki at sumakay sa katapat na sasakyan. 

Mukhang dapat kong sundan ang lalaking ito. Umalis na 'yung lalaki, akala ko susundan niya sina Caiden pero nagkamali ako. Tinahak niya ang ibang daan, sinundan ko lang siya na hinding hindi niya mahahalata. Iba kasi ang aking kutob, mukhang malalaman ko na kung sino ang mastermind.

Nag-aalala pa rin naman ako kay Mam Hailey pero kampante naman akong nasa kamay siya ni Caiden. Kailangan ko lang talagang sundan ang lalaking 'to.

Hindi ako sanay sa mabagal na pagda-drive pero dahil mabagal ang sinusundan ko wala tuloy akong magagawa. Tantsa ko mauubusan na siya ng dugo. Poor guy!

Huminto siya sa tapat ng isang gusaling abandonado. Bumaba na siya at pumasok sa loob nito. Hinintay ko muna siyang tuluyang makapasok bago ako bumaba ng sasakyan.

Naglakad na rin ako patungo roon. Nakita ko 'yung lalaki na pagewang-gewang na kung maglakad. That guy needs a medical treatment; he's losing too much blood. 

Huminto siya sa dulo at pumasok sa isang silid. Wala namang katao tao sa paligid kaya sumilip agad ako sa pintuang pinasukan niya. Isa itong medical clinic, dito na siguro siya magpapagamot. Balak kong pumasok sa loob ngunit nakarinig ako nang ingay mula sa labas. Nagmadali akong nagtago sa gilid, sa may madilim na parte para hindi ako mapansin. Narinig ko naman ang mga taong papasok sa gusali, mukhang madami sila.

"Hindi niya nakuha si Ms. Sandberg boss," narinig kong wika ng isang lalaki. Si Mam Hailey ang tinutukoy nila.

"Ano? Bakit hindi! Anong ginagawa ng ibang kutong lupa!" sigaw nung tinawag na boss.

"Humingi raw ng back-up sa South Hemilton kaya 'yung mga tao sa North Hemilton ay nagpunta roon at isa lang ang naiwang bantay sa North."

"Tanga! Utak langgam talaga kayo! Paanong isa lang ang iniwang bantay sa North gayung si Sandberg ay doon pupunta! Hindi ba kayo nag-iisip! Mga utak basura! Where is he!"

"Nasa clinic po boss."

"Dalhin niyo sa akin ngayon din!" galit na galit na wika ng boss nila. Hindi ko pa lubusang maunawaan ang buong pangyayari pero malinaw na hindi sila nagtagumpay sa plano.

Gustong gusto kong silipin kung sino ang boss dahil pagkakataon ko na ito ngunit hindi maari. Medyo malayo sa puwesto ko ang boss kaya kailangan ko pa talagang lumabas mula rito para lang makita siya. Isa pa hindi ako sigurado kung nakaharap sila sa pwesto ko o nakatalikod. Marami siyang kasamang armadong tauhan na maaaring nakapalibot sa kanya at sa buong gusali. Isang maling kilos ko lang mahuhuli agad ako.

Lumabas mula sa clinic ang sinusundan kong lalaki. Hawak-hawak nila ito sa magkabilang kamay.

"You bullshit! What happened!" sigaw ng boss.

"Boss may baril na dala si Sandberg, natamaan niya ako sa leeg. Wala akong kasamang bubuhat sa kanya, hindi rin ako makakilos dahil nanghihina na ako."

"Hahaha!" napuno ng nakakapangilabot na tawa ang buong gusali.

"Mas inuna mo ang sarili mong kapakanan? Ano bang sinabi ko! Kunin niyo siya hindi ba! Ngayong hindi niyo siya nakuha ano naman ang sinabi kong kapalit?" sabi ng boss, ngunit hindi sumagot 'yung lalaki.

"Magsalita ka!"

"Buhay," nanginginig na tugon ng lalaki.

"Alam mo naman pala, lumapit ka rito."

"Parang awa mo na huwag, gusto ko pang mabuhay."

"Mabuhay? Sa training palang sinabi ko na, kapag hindi kayo naging matagumpay sa misyong ito buhay niyo ang  magiging kapalit. Maliwanag ang usapan sa training bastard!!! Nakakalimutan mo na ba?"

"Patawad, pero sa susunod magiging matagumpay na po kami. Pangako, huwag niyo muna akong patayin. Nagmamakaawa ako."

"Leche awa? Kailan pa ako naawa? Bago palang kami kumuha ng taong sasama rito, sinabi na namin ang gagawin niyo. Pinapili pa namin kayo kung itutuloy niyo o hindi. Kapag tutuloy may tig-isang milyon ang pamilya niyo, kapag hindi pakakawalan ko kayo. Pero tumuloy ka, nakuha mo ang pera tapos ngayon nagmamakaawa ka? Tanga ka talaga! Dakilang tanga!!!"

"Parang awa mo na po. Nagmamakaawa ako."

"Sige pagbibigyan kita, lumapit ka rito."

Nakita ko namang lumapit 'yung lalaki, pero hindi ko na ulit siya natanaw dahil malayo na sa aking puwesto.

"Good lumapit ka nga, pagbibigyan kitang makaranas ng katahimikan!" nakarinig ako ng tatlong putok ng baril.

"Clean the area at sunugin ang buong gusali. Malinaw ang sinabi ko, kapag hindi kayo sumunod at nagtagumpay buhay ang kabayaran!!!" galit na sigaw ng boss.

Hindi familiar ang boses niya pero nakakasiguro akong hindi ito si Mr. Houston. Hindi rin ako sigurado kung si Mr. Gertler 'yun dahil hindi ko pa siya nakausap ng personal. Walang puso ang mastermind, kahit sino kaya niyang idamay at patayin.

Umalis na sila, nakita ko namang nagsikilos na ang mga tauhan sa buong lugar at pinaalis ang mga nurse at doctor sa loob ng clinic. Kailangan ko na ring makaalis dito kung hindi mapapasama ako sa susunugin.

"Sa wakas nakatakas na ako!" sambit ko pagkalabas. Dumaan ako sa bintana at tumalon. Masakit man ang aking mga binti pero worth it naman, hindi ako matutusta sa gusaling 'yun.

Nakasakay na ako sa aking sasakyan at nagpunta sa hospital. 

Nakabantay sina Caiden sa loob ng room ni Mam Hailey. Lumapit sa akin ang isang lalaki na bitbit si Jane Tino kanina.

"Sino ka?" tanong nito at hinarangan ako.

"Oh you don't know me?" tugon ko. Pinaikot ko ang kanyang kamay kaya siya'y napaatras.

"Ang tapang mo ah! Ang lakas ng loob mong pu--," naputol ang sasabihin niya.

"Let her go Jia," wika ni Caiden. Jia pala ah, tinignan ko siya at nilapitan.

"Jia, ang ayoko sa lahat 'yung hinaharangan ako. You don't know me and you can't handle me at my worst!" tinadyakan ko siya at tumalikod. Narinig ko naman siyang napa-aray at akmang susugurin pa ata ako pero mukhang inawat naman siya ng iba nilang kasama.

"I need your explanation. What happened Caiden?" sambit ko pagkalapit kay Caiden.

"She's now fine. Nakatulog lang siya dahil sa chemicals na nalanghap niya."

"Hindi 'yan ang sagot na hinihintay ko! Anong ginawa niyo? Bakit umabot sa ganito? In the first place dapat alam ko 'to. Bakit hindi niyo pinaalam sa akin, alam kong alam na alam mo na ako ang partner niya. Do you know our enemy? What made you think to go in a battle with a weak force!"

Sa sobrang inis ko nasigawan ko tuloy si Caiden. Nag-aalala lang ako kay Mam Hailey lalo na't nasaksihan kong halang ang bituka ng mastermind.

"Sumusobra kanang babae ka ah!" rinig kong sabat ni Jia. Pakielamero talaga!

"Shut up! Huwag kang sasabat sa usapan ng iba!" sigaw ko sa kanya.

"May plano kami Miss, hindi lang namin natantsa na aabot sa ganito," wika naman ng lalaking nakaupo.

"King sabi ng babaeng iyan 'wag daw makikisali sa usapan ng iba!" sambit ni Jia sa lalaking nagsalita.

"Okay may plano kayo, so anong nangyari? Tell me," baling ko kay King. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Mukhang wala akong mapapala kay Caiden dahil nakatitig lang siya kay Mam Hailey at hindi umiimik.

Ikinuwento niya sa akin lahat simula nang nalaman nila ang tungkol sa musical box hanggang sa makarating daw sina Caiden sa North Hemilton. Naputol ang usapan namin nang biglang magising si Jane Tino.

"Jane, how are you? Miss kana ng papa mo," malumanay kong sabi.

"Natatakot po ako," sagot niya at niyakap ako.

"Tutulungan ka namin. Don't worry okay, ligtas kana ngayon. Gusto muna naming malaman ang buong pangyayari. Pwede mo bang maikwento para mapahuli natin ang may gawa nito sayo?" hinawakan ko ang kanyang kamay at pinaupo siya.

Kumuha naman ng tubig si King at inabot kay Jane.

"Opo ate ikukwento ko po," wika ni Jane.

-----------------------------------------------------

Hello! Na-miss ko kayo!

Paula Mour sa media box --->>>

ENJOY READING!!!

Please drop down your comments, hit like and share this story.

Maraming salamat po sa pagsuporta. luv yah!

-Ms. K

Please like my Page:

KhelieLove Stories

https://www.facebook.com/khelielove

My FB accnt:

Khelielove WP

https://www.facebook.com/khelielovesyou

Makipagkulitan at mag-share ng mga opinyon at kung ano-ano pa! Join our FB Group

Skrivena University group

https://www.facebook.com/groups/650045461763267/

Continue Reading

You'll Also Like

35.7K 1.1K 23
Welcome to the new world.
11.1K 1K 53
[ SLOW-UPDATE ] "Let the Light cross your path again, Chosen..." The Secret World Of Magic Continues ... START: January 6, 2021 PUBLISHED: March 5, 2...
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
3M 84.5K 52
Discover a school where you can see magics..