Casimiro's Instant First Lady...

By bluekisses

974K 28K 3.1K

It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaak... More

ZBS 1: Casimiro's Instant First Lady
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Epilogue

Kabanata 39

11.6K 418 14
By bluekisses

Kabanata 39

Mabilis na lumipas ang panahon. Sa darating na summer ay last sem ko na. Sa loob ng tatlong taon, kasama ang mga summer ay natapos ko ang units ko para matapos sa kursong Business Management.

Unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko. At malaki ang pasasalamat ko sa asawa ko. Dahil sinuportahan niya ako sa lahat ng iyon. Ni minsan ay hindi niya ako pinigilan para abutin ang mga gustong gawin at una na roon ang makatapos ako. He became my inspiration.

Si Cassia ay apat na taon na. She grew up adorably that made me so proud Momma.

"Ma'am okay po ba sa inyo ang fitting ng gown nin'yo?" Tumingin ako sa nag-aassist sa akin bago sumulyap ulit sa salamin. Isang serpentina cut na fully laced ang suot kong wedding gown. Pa-heart-shape ang tube nito, at mayroon maiksing trail na nakasayad sa lupa.

"Hmm, pwede mo pa bang sikipan kaunti dito sa bewang ko? Parang naluluwagan ako." Pansin kong namayat ako dahil sa puyat ng paggawa ng group thesis namin at ng pag-aasikaso ng kasal namin.

Casi proposed to me, again. He wanted us to have a church wedding in our third year anniversary. Gusto niya raw talaga akong pakasalan sa harap ng Diyos at mga pamilya niya. Our Cassia will be our flower girl.

Gustong-gusto rin kasi ng mga magulang niya at lalo na ni Mamita na makita kaming ikasal sa simbahan.

Kaya kahit madaming gawain dahil patapos ang sem at mag-uumpisa ang summer class ay inasikaso ko pa rin ang mga dapat para sa kasal. May wedding coordinators naman kami, at sila na halos ang kumikilos. Ang mga personal na appointments na lang ang pinupuntahan ko, gaya nitong fitting.

"Kailan ko makukuha ang gown?" Tanong ko habang nagpapa-assist ako sa pagtanggal ng mga butones sa likod. Next week na kasi ang kasal.

"Ma'am, we can deliver it at your residence tomorrow." Mabilis na sagot niya.

"Thank you." Nakangiti kong sagot. "Ang suit ni Mayor, ayos na rin ba?" Pahabol na tanong ko. Suki na kaming mag-asawa rito. Sa tuwing may mga event ay dito na kami nagpapasadya ng mga isusuot. Kaibigan kasi ni Casi ang may-ari nito.

"Yes, Ma'am. Isasabay na po namin sa pagdala sa inyo bukas."

"Oh, thank you, Laly." Lumabas na siya at sinara ang kurtina sa fitting room. Nagpalit na ako ng suot kong pink floral dress kanina. Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay sa nag-aantay na kotse.

Kahit marunong na ako magmaneho ay mas gusto pa rin ng asawa ko na hatid sundo ako ng driver. Mas mainam na raw kasi ang safe ako palagi. Kaya may driver na talaga ako kahit saan ako pumunta.

Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, masasabi kong maraming ups and downs, mga luha, mga halakhak pero mas nangingibabaw ang pagmamahalan. Proud ako na napalaki ko si Cassia, she was four now at sa tuwing tinititigan ko siya ay sobra ang galak ko. Alam ko masaya rin ang Ate ko.

Cassia grew as an active and cheerful kid, her grandparents, uncles and aunts adored her so much. Feeling ko ay singer din si Cassia gaya ko. Sa mga family gathering kasi ay lagi na siyang tumutuntong sa lamesa at kumakanta kahit hindi mo maintindihan ang lyrics ng kinakanta niya. And we found that cute. Just like her, a cute little girl of us.

Natigil ako sa iniisip ko nang mag-ring ang phone ko. Napangiti ako nang makita ang nasa caller ID.

Konsi Calling...

Hindi ko na pinalitan ang pangalan niya sa phone ko. I just like it that way.

"Hey, Sweetie?" Bungad ko nang sumagot ako.

"Hey there, my beautiful wife." Napangiti ako sa bati niya sa akin.

"Binola na naman ako." Tumatawang sabi ko. I heard him chuckled on the other line.

"I'm not." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Pero pinalis ko 'yon at iniba ang usapan.

"Papunta na kami diyan, kagagaling ko lang sa botique. Bukas daw ipapadala ang gown ko kasama ang suit mo."

"That's good." Mabilis na tugon niya. "Okay na rin ang farm kung saan ang reception, I already talked to Rev. Castillo, we can have our seminar this Friday and Saturday."

"Perfect, wala akong pasok sa mga araw na 'yon."

"That's it! I'll wait you here, huh?"

"Sure. See you." In-end ko na ang call at binalik sa bag ko.

Nagbalik bigla ang ala-ala ko sa ginawa ni Casi na proposal.

***

He had a ground breaking ceremony for a public hospital that he will open soon. After the ceremony we went to his parents house. Sa gulat ko ay  bigla nalang siyang lumuhod at may nilabas na singsing na may mas malaking bato sa binigay niya noong una.

"My wife, Aria. Will you marry me again? I want our Cassia to be the flower girl and have my family with us as we bid our vows in front of our maker." He was very serious while he was looking straight on my eyes.

Lahat ng mga kapamilya niya ay nag-cha-chant ng 'yes.' Tumingin ako sa kanila at ngumiti.

"Of course I will marry you kahit ilang ulit pa, Casi." Tumayo na siya at this time hindi na siya nangalay sa pagluhod. Isinuot niya sa kamay ko ang bagong singsing. Naalala ko ang first and epic proposal niya. That we went viral.

"I love you, my Aria." Sa harap ng lahat ay hinalikan niya ako na tinugon ko. Lalong lumakas ang sigawan. Ayaw pa nga niya paawat kaso nahihiya lang ako at tumigil na.

***

"Nandito na po tayo, Ma'am." Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang pagtawag ng driver.

"Thank you." Dinampot ko ang coach na clutch bag na iniregalo sa akin ng asawa ko last birthday ko.

Kahit sabihin na asawa ako ng Mayor ay nanatili pa rin akong simple. Sa pananamit mas madalas na lang ako sumuot ng dress kesa sa jeans, napalitan din ang jeans ng mga casual pants, ang astig kong pormahan ay naging formal. Kasama na rin siguro ng maturity at pagiging first lady ng Mayor.

Kinawayan ko si Melody na ngumiti sa akin bago ako pumasok sa opisina. Siya pa rin ang kinuha ni Casi na sekretarya dahil gamay na nito ang mga trabaho niya.

"Sweetie," mabilis ko siyang nilapitan at kumandong sa kaniya. Wala namang CCTV. Alam na rin ni Melody na bawal magpapasok sa opisina nang walang paalam kapag nandito ako.

Wala naman kaming ginagawang kakaiba pero gusto ng asawa ko ng privacy when it comes to me. Gusto niya lang ako papakin ng halik. Kaya nga natuto na ako gumamit ng mga lipstick na hindi nag-ii-stain at di madaling mabura. My husband loves to kiss me most of the time. Kaya para hindi na hassle. Ayoko rin naman magmukhang bruha na smudge ang lipstick.

"I missed you today, 'tart." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko.

"And I missed you too, uwi na tayo?" Tumayo na ako at hinila ang isang kamay niya, gamit ang isang kamay ko ay kinuha ko ang clutch bag sa lamesa.

Nagpaalam na siya sa staff at sumakay kami sa Land Cruiser na ginagamit niya. Mas humigpit ang mga security at back ups, mula nang naging Mayor siya.

Humilig ako sa braso niya. "How was today? Napagod ka ba?"

"Hmm, I'm okay. Pagkatapos sa school diretso lang ako sa botique, pero I am good. Konti na lang ang ginagawa sa school."

"After wedding we'll go somewhere." Napaayos ako ng upo at bumaling sa kaniya. I know that excitement were written all over my face.

"You'll know soon. You know that I love to surprise you with travels." Totoo naman, marami na kaming napuntahan na dalawa o minsan kasama si Cassia. And all of the locations were always a surprise. Mapa-domestic or international travels.

***

Ngayon ang araw ng kasal namin. Sa tulong ng coordinators ay maayos na nakahanda ang mga kailangan, mula sa church hanggang venue. Wala na akong stress na iisipin.

Dahan-dahan akong bumaba sa bridal car, inalalayan ako ni Sheila—my best friend and maid of honor.

"Ang ganda-ganda mo ngayon." Nakangiting komento niya at inabot sa akin ang mikropono. "Ready ka na?" Tumango-tango ako sa kaniya.

Sa pag-alalay ng wedding coordinator ay pinusisyon na ako sa harap ng pinto ng simbahan.

Sa pagbukas ng pinto ay siya na ring hudyat at pag-tugtog ng piano. Hindi alam ni Casi na kakanta ako sa paglalad ko sa aisle. I am not wearing a veil. Modern ang dating.

"From this moment life has begun
From this moment you are the one
Right beside you is where I belong
From this moment on"

Nag-umpisa na akong humakbang. Walang magulang na maghahatid sa akin sa altar, kaya hindi ko maiwasan ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"From this moment, I have been blessed
I live only, for your happiness
And for your love, I give my last breath
From this moment on"

Nagpatuloy ako sa paglalakad, ang mga mata ko ay nakatutok sa asawa ko. Naririto ang buong pamilya ng asawa ko at mga kabiyak nila. Ilang mga kaibigan, kasamahan ni Casi sa trabaho. At mga sponsors. Narito rin ang Ninong at Ninang namin sa unang kasal namin.

"I give my hand to you with all my heart
I can't wait to live my life with you I can't wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of you"

Tatlong taon na kaming kasal pero nakaka-excite pa rin na makasama siya sa habang buhay.

"From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
From this moment on."

I love this man, and would never regret to be with him. Na maging ama siya ng mga magiging anak namin.

"You're the reason I believe in love
And you're the answer to my prayers from up above
All we need is just the two of us
My dreams came true because of you"

Ready na akong umpisahan ang pamilya namin kasama si Cassia at magiging mga anak namin. Nawala man ang una sana naming anak, pero magkakaroon na kami sa susunod.

"From this moment, as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing, I wouldn't give
From this moment, I will love you
As long as I live from this moment on"

Nasa harap na niya ako at nakita ko ang napakatamis na ngiti niya habang pinapahid niya ang luhang tumulo sa pisngi niya. Kahit ako ay nagpahid ng mga luha.

Nilapitan niya ako at inalalayan paupo sa harap ng altar. Nag-umpisa ang mga seremonyas ng kasal.

Hanggang sa humantong sa exchange of vows. Hawak ko ang phone ko kung saan ko tinype kagabi ang mensahe ko sa kaniya.

"Hello, Sweetie, my Husband, my Daddy, my Boss, my Konsi, my Mayor, my Casi." Ngumiti ako ng matamis.

"Yes, ang dami kong tawag sa'yo. Pero iisa ka lang sa puso." Narinig ko ang hiyawan ng mga tao.

"Gusto ko magpasalamat sa pagmamahal mo mula day one. Sa tatlong taon natin, naging pasensyoso ka at sinuportahan ako sa pag-aaral. You never doubted my skills and you help me pursue my dreams."

"You were always there, lalo noong pinagdaanan natin ang unang dagok ng pagsasama natin. When we had an anembryonic pregnancy. Alam mo kung gaano 'yon kahirap para sa akin. At ganoon din sa iyo. Pero you were very patient and caring, na naging mabilis ang pag-move on natin." Hindi ko naiwasan ang maging emosyunal sa bahaging ito. Huminga ako ng malalim bago nagsalitang muli.

"Now, I am ready to open our next chapter, as I finish my studies, siguro we could have time to have our second baby. Para maging Ate na si Cassia." Narinig ko ang tawanan sa crowd.

"Thank you for everything, I will love you 'till my last breath, Mayor Casimiro Zaragoza Jr." I hugged him tightly.

Siya naman ang nagsalita. Tumawa siya at hinawakan ako sa pisngi.

"Gagayahin kita." Narinig kong nagtawanan ang lahat. "Wala akong originality when it comes to her." Another set of laughters were heard. "My 'Tart, my beautiful Wife, our Mommy, my First lady, my Aria." Huminto siya sa sinasabi. "May nalimot pa ba ako?" Kumamot pa siya sa ulo.

"Oh yes, my Baby and my Queen too. You are my everything." Namula ako sa sinabi niya.

"I want to thank you for taking care of us, me and Cassia. You never complained nor get tired. Loving a busy man and a toddler, nag-aaral ka pa. I salute you." Sumaludo pa nga sa akin kaya natawa ako.

"Kailanman ay hindi ka nagkulang, sobra-sobra ka pa sa amin ni Cassia kaya dapat na tayong madagdagan." Kumindat pa siya. "Sorry, Father." He chuckled and nod at the minister who just laughed and shook his head.

"I'm looking forward to see you every morning and the last one I will see before I close my eyes, until my last breath." He said sincerely. "I will never get tired of looking at you forever."

"I don't know what good deeds I did to the Lord to deserve you." He smiled at me, the sweetest.

"You're my one and only love, forever... My Ariana Reyly Trinidad Zaragoza."

"You may now kiss the bride." Anunsiyo ng officiator. Casi leaned forward, put his hands on my nape pulled me closer, and kissed me.

Today, I married my husband again, on our third year wedding anniversary.

Itutuloy...

Author's Note:

Hello! Isa na lang plus epilogue! Thank you for staying 'till this moment! 😘

Love lots,
~Leyn💙

Continue Reading

You'll Also Like

262K 4.1K 33
Iris Vargas is not your usual good girl. She's young, and wild, and free living in her own cruel world. Until one night she had a hot scene with this...
154K 4.1K 29
Book One Trixie Alexandra Tan is the daughter of a Filipino Chinese businessman and was considered a spoiled rich brat. Bored with her rich and famou...
107K 5.4K 40
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...