Casimiro's Instant First Lady...

By bluekisses

977K 28K 3.1K

It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaak... More

ZBS 1: Casimiro's Instant First Lady
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue

Kabanata 37

10.6K 353 18
By bluekisses

Kabanata 37

Matapos kong malaman na positive ako sa pregnancy dahil sa PT ay in-ultrasound ako ng asawa ni Doctor Romero. Four weeks pregnant daw ako pero wala pang makita sa sonogram. Maaaring masyado  pa raw maaga para makita ang bata kaya babalik pa ako after three weeks. Pero gayun pa man, sa kaalaman na magkaka-anak kami ng asawa ko ay sobrang saya na ng puso ko.

Hindi ko maintindihan ang sinabi sa akin ng OB nung araw na iyon, pero ang pagkakasabi niya ay hindi pa niya nakikitaan ng movement ang dinadala ko. Kaya ipagdasal daw namin na maging maayos ang pinagbubuntis ko.

"'Tart, kaya mo bang pagsabayin ang pagbubuntis at schooling?" Nag-aalalang tanong ng asawa ko. Iba na kasi ang pakiramdam ko lately.

"Kaya ko pa naman, kapag hindi, mag-drop ako ng ibang subjects." Ngumiti ako sa kaniya.

"May gusto ka bang kainin o anuman?" Mula nang malaman niyang buntis ako ay todo alaga at pag-aalala na ang nakita ko sa kaniya, kulang na lang ay hindi na pumasok sa trabaho niya para ibigay sa akin ang mga gugustuhin ko.

"Sweetie, wala naman kaming gusto ni Baby," hinaplos ko ang mukha niya. Tapos kinurot ko ang ilong niya.

"Sana kasing pogi mo ang anak natin." Natawa siya sa sinabi ko.

"You are really sure it's a he?" Nakangiting tanong niya.

Tumango ako sa kaniya. "Yes, sigurado ako." Hinipo niya ang tiyan ko.

"We are waiting for you, our little one." May sinseridad sa tinig niyang kausap sa tiyan ko.

Hindi pa muna namin pinagsabi sa kahit kanino ang pagdadalangtao ko. Lalo't hindi pa malinaw ang nakita sa ultrasound. Sinarili muna naming mag-asawa. Kailangan muna namin bumalik sa OB

At dumating ang araw ng balik namin sa OB. Namamawis ang mga kamay ko at nilalamig.

"Everything will be alright, Tart." Hinalikan niya ang ulo ko at hinawakan ang kamay ko. Sa clinic sa Manila kami pinapunta ni Doctor Romero.

"Good morning Misis Zaragoza." Ready ka na ba?" Tumango ako at ngumiti kay Doctor Romero.

"You are already on your 7th week almost two months." May pinahid siyang malamig sa tiyan ko at ginalaw galaw ang probe roon.

"There, I can see a sac, pero..." tumigil siya at tumingin sa aming mag-asawa. Nasa mata naming mag-asawa ang pag-aalala.

"Ano po, doc?" Hindi mapakaling tanong ng asawa ko.

"It seems empty." Namawis ako sa narinig ko at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng asawa ko sa kamay ko.

"Wait doc, paanong empty?" Naguguluhang tanong niya. Kahit ako ay nalilito.

"Hmm, hindi nagdedevelop ang fetus. Pero minsan nangyayari talaga ito, until such time na biglang may nadedevelop na fetus."

"Doc, may problema po ba sa pinagbubuntis ko?" Pinipigil ko ang maiyak sa tanong ko.

"It could be a blythed ovum or what we called the anembryonic pregnancy, but I won't jump to conclusions yet." Naramdaman ko ang simpatya sa haplos ni Doktora sa kamay ko.

"Again, let's hope to see a developed fetus on your next check-up." Isang ngiti ang ibinigay niya sa amin.

"Continue taking your vitamins, it will help."

Tahimik kaming pareho sa loob ng sasakyan. Magkasama kami pero parang ang layo namin. Walang gustong magsalita.

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Niyakap ko ang sarili ko at tahimik na nagdasal.

Lord parusa mo ba ito sa akin dahil minahal ko ang ex nang ate ko? Bakit naman po kailangang maging komplikado ang pinagbubuntis ko? Bakit kailangan namin itong maranasan?

Hinimas ko ang tiyan ko. "Anak, kung para ka sa amin, makikita ka namin sa susunod na check-up." Kausap ko sa tiyan ko sa pagitan ng paghikibi. "Please, gusto ka namin makita at makasama."

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto, kaya pinahid ko ang luhang nasa mga pisngi ko. Hindi ako gumalaw, maya-maya ay naramdaman ko ang paglubog ng kama at ang masuyong pagyakap sa akin.

"Don't cry...shh...everything will be alright." Pag-aalo niya sa akin. I faced him and cried silently. "If this is for us, he will come to us." Hinagilap niya ang mukha ko at iniharap sa kaniya. "Okay?"

Tumango-tango ako bilang sagot. "Whatever happens, my love for you will be the same." Niyakap niya ako ng mas mahigpit. Sinubsob ko ang sarili ko sa dibdib niya at pilit pinakalma ang sarili.

Sinunod ko ang utos ng doctor, araw-araw ko tine-take ng mga vitamins, nagbasa ako ng mga pregnancy articles na may kinalaman sa blythed ovum, maraming failed pero may iilang nagkaroon ng fetus. Nanalangin na lang akong isa ako sa papalarin na magkaroon ng fetus.

"Anak, sana nandyan ka na." Kausap ko sa sarili kong tiyan.

Nagpatuloy ako sa pag-aaral at sinigurong hindi ko napapabayaan ang sarili ko maging ang mag-ama.

"Hey, my Cassia. Mommy misses you." Yes, Mommy na ang pinatawag ko sa kaniya sa akin. Mas niyakap ko ang pagiging isang totoong ina ni Cassia nang maging mag-asawa kami ng Daddy niya.

"Mommy, I am hungry." Inilapag ko siya sa sahig at pinalakad.

"Okay, wait for Mommy. I'll change clothes, okay?" Tumango-tango siya sa akin.

"That's my girl." Ginulo ko ang iilang hiblang bangs niya.

"Ate Fe, pa-prepare naman po ng snack namin ni Cassia.

"Sige po, Mam." Magalang na sagot ni Ate. "Let's go, Cassia. Wait natin si Mommy mo doon." Inakay na ni Ate Fe si Cassia sa dining area.

Nasa gitna pa lang ako ng hagdan nang mag-ring ang phone ko. Ang asawa ko.

"Hey, Sweetie." Malambing na bungad ko, pagkasagot ko ng video call.

"Are you home, 'tart?" Tumango ako.

"Yes, bihis lang ako at gutom na daw ang anak mo, sinalubong ako pagpasok ko ng bahay." Nakangising kuwento ko. "Ang bilis lumaki ni Cassia. Marami na rin siyang alam gawin." Para akong maiiyak sa isiping napalaki siya ng maayos.

"And that is because of you. Thank you, 'tart." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"You're most welcome." Ngumiti ako sa kaniya. "Magbibihis na ako, see you, later."

"I don't mind watching." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Narinig ko ang malakas na tawa ng asawa ko.

"I'm kidding, I'll watch, touch and kiss you later. Bye." Ngising-ngisi na paalam niya.

"See you later. Bye." Nakangiting paalam ko.

Nagpalit na ako ng pambahay at bumaba na, alas tres pa lang ngayon. Kaya dalawang oras pa bago ang uwi ng asawa ko.

"Mommy's here. Let's eat." Tinabihan ko na si Cassia na ngayon ay nakaupo sa high chair niya.

Fruit slices ang hinain sa amin ni Ate Fe. Kumain na kami habang nakikipagkwentuhan ako sa madaldal na bata.

Matapos ang snack time ay nag-aya na naman ng iba si Cassia.

"Mommy, play...play..."

"Sige, let's wash your hands and face first, okay?" Kausap ko sa kaniya ngumisi siya at tumango-tango.

Mag-ama nga sila, magkamukhang-magkamukha kapag ngumingisi.

Sinamahan ko sa mini playground si Cassia habang ako ay nagbabasa ng lessons. Ni hindi ko namalayan ang oras hanggang sa dumating ang daddy niya. Napatingin ako sa suot kong relong pambisig, 5:30pm.

"Daddy!" Mabilis na tumakbo si Cassia papalapit sa Daddy niya.

"Cassia, careful." Nang magtagpo ang dalawa ay binuhat si Cassia ng Daddy niya.

"Hi there, my princess. I've missed you." Hinalikan niya sa ulo ang anak.

Lumapit ako sa kanila at hinalikan ko sa pisngi ang asawa ko.

"How's my beautiful wife? I've missed you as well." Hinalikan niya ako sa noo.

"I'm good, ayos naman ako. Nakapasok ako sa school at hindi naman ako nahilo ngayon." Sumandig ako sa braso niya. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin at pumasok kami sa loob ng bahay.

Kumain na kami ng hapunan, pinaakyat na namin si Casdia, at kami naman ay naglalad muna saglit sa labas ng bahay.

"Are you sure you are okay?" Umpisa niya. "Does your pregnancy good on you?"

"Okay naman, ang pinagdadasal ko ay maging maayos ang appointment natin sa doctor bukas. Na may makita tayo bukas sa ultrasound." Hindi ko na namalayang pumapatak na pala ang mga luha ko.

"Hindi ko alam kung bakit ganito, pero umaasa ako..." Hindi ko napigilan ang pagkawala ng hikbi sa mga labi ko.

"Whatever happen we will face it together. All I want is your safety and of course your happiness."

"Thank you, sweetheart. I love you." Binigyan ko siya ng smack sa labi.

"I love you more." Hinuli niya ang baba ko iniangat ang mukha ko para magtagpo ang mga mata namin at hinalikan ako sa labi. Sweet and short kiss.

"Let's sleep now, 'tart. Maaga pa tayo bukas." Inalalayan na niya ako papasok sa loob ng bahay at sa pag-akyat sa hagdan.

Nagpalit kami ng pantulog at nahiga sa kama. Niyakap ako ng asawa ko at pakiramdam ko ay nakumpleto ako at nawala ang mga pangamba ko habang nasa bisig niya ako.

***

Maaga kaming umalis kinaumagahan, sa Maynila pa rin kami pinapupunta ni Doktora Romero.

Buong biyahe ay hawak ng asawa ko ang kamay ko. Marahan niya itong pinipisil. Tumingin ako sa mga mata niya. At binigyan niya ako ng pamkalmang ngiti at isinandig ako sa dibdib niya.

"Good morning Misis and Mayor Zaragoza." Iginiya kami papasok ni Doctor Romero sa loob ng klinika niya.

Sinabihan niya na akong maghanda para sa ultrasound. Sinuot ko ang tapi at humiga sa ultrasound area.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Malambing na tanong ng doktora.

"Ayos naman ako, minsan ay nakakaramdam ako ng hilo at pagod." Magalang na sagot ko.

Inumpisahan na niya ang paglagay ng malamig sa tiyan ko at itinapat roon ang probe. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin kaming mag-asawa sa screen.

Nakita namin ang tinatawag na gestational sac. Pero pakiwari ko ay wala pa ring makita. Hindi kumibo ang doktora at ibinaling sa iba't ibang direksyon ang probe. Nag-umpisang mamuo ang mga luha sa mata ko.

"You are already on your sixteenth week..." Bulong niya. "I am really sorry to say, but nothing develops." Bagsak ang balikat na sabi niya.

Nag-umpisang tumulo ang mga luha kong kanina pang gustong kumawala. Niyakap agad ako ng asawa ko.

"Your pregnancy is a blythed ovum or an anembryonic pregnancy." Tinapik ng Doktora ang balikat ko.

Mga ilang minuto din kaming mag-asawa sa ganoong posisiyon bago ako tuluyang kumalma.

"You're okay now?" Mahinang tanong nang asawa ko, habang marahang hinahawi ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko.

Marahan akong tumango at inalalayan niya ako sa pagbaba. Lumakad kami palabas at inakay niya ako papalapit sa lamesa ng doktor.

"I would like to discuss the things we should do. The risk of this kind of pregnancy and such."

Nakinig ako sa pag-uusap nila. Masyado akong emosyonal para mag-react.

"You will need to have a raspa, and I would schedule you tomorrow. Magbibigay ako ngayon ng gamot para sa mas mapadali ang procedure bukas." Paliwanag ng Doctor.

"Again, I am very sorry for the loss. This kind of thing may only occur once in a couple. I know you'll have your baby real soon. Just keep trying."

"Thank you, Doc. We will be back tomorrow." Paalam ng asawa ko.

Sa penthouse rito sa Maynila kami tumuloy. Pinagpahinga ako ng asawa ko. Buong maghapon akong nasa kwarto. Panaka-naka akong umiiyak. Pinipigil ko sa tuwing dumadating ang asawa ko. Pero hindi ko mapigilang hindi magdalamhati sa sana'y anak na namin pero wala.

"I know you are hurting, wala tayong magagawa, we gave our best and prayed hard, but this pregnancy is not really for us." Pagpapakalma sa akin ng asawa ko pero mas umiyak pa ako.

"It's okay to cry. Iiyak mo lang lahat, to ease the pain."

Sa pagsasama namin bilang mag-asawa ito ang unang beses na nakaramdam ako ng sakit pero kahit masakit ay pinipilit kong lumaban dahil hindi ako nag-iisa. Hindi ako iniiwan ng asawa ko at karamay ko siya sa hirap man o ginhawa sa sakit at kagalingan. Gaya ng sinumpaan namin sa araw ng aming kasal.

Hindi para sa amin ang pagbubuntis na ito, pero magkakaroon din kami ng anak sa susunod. Baka hindi pa adya ng Diyos dahil wala pa talaga sa plano namin. I will close this chapter of the book now. At lilipat na sa kasunod na pahina kasama ang asawa ko.

Itutuloy...

~~~
Author's Note:

Hello! Happy New Year!

Alam ko medyo mabigat. Akala ko smooth sailing ang remaining chapters pero gusto ng scene na ito na magpasulat. Kapit tayo sa remaining three chapters plus epilogue.😍

Love lots
~ Leyn 💙

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 23.7K 26
Christine Juarez ended up falling in love with Dock Daomino but the feelings aren't mutual. Christine, thinks that one-sided love is painful. Dahil i...
123K 3.5K 45
How much pain do you have to go through until giving up is okay?
1.9M 49.2K 164
Frankie (Epistolary with narration)
3K 259 29
Clíodhna once lived with the man she thought she'd spend the rest of her life with. Hindi naglaon, naging cold at aloof ang lalaki sa kanya. Later on...