Reina and The Queen of Maligo...

By LjGoldenpen

127 19 2

"Being betrayed gives more pain than being stolen." Si Reina ay isang Quera o reyna sa kaharian ng Agonia. A... More

The Map of Alynthi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Special Chapter
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue

Chapter 29

3 0 0
By LjGoldenpen


Nandito ngayon ang mga Maligon sa kanilang kaharian, ang kaharian ng Maligouania. Nasa napakaaliwalas na parte ng kaharian sina Quera Violeta, Quera Nnahja, Valle Shanta, Valle Harmona, Valle Sheba, Valle Prospheta at ang kanilang mga sundalo.

"Ito na ang pinakahuling digmaan sa mundo ng Alynthi! Dahil tayo na ang magwawagi sa digmaang ito!" sigaw ni Quera Violeta saka agad na sumilay sa kanyang labi ang isang ngiti.

"Ngayon ay tutungo tayo sa isla na kinalalagyan ng dating kaharian ng Yuconia at Mephonia! Doon gaganapin nag huling digmaan! Magsihanda!" sigaw ni Valle Prospheeta.

Nasa ibabaw silang mga Valle at ang dalawang Quera. Habang nakatingin naman sa kanila ang mga sundalo na nasa baba nila. Bale parang nasa isang entablado ang mga Valle at ang dalawang Quera.

"Magsihanda dahil ito na ang digmaan na mahihirapan ang mga Agonian na maitatala sa buong kasaysayan ng mundo ng Alynthi!" sigaw ni Valle Sheba.

"Tama! Dahil may isang kaaway sila na batid kong ikakagulat ng mga Agonian!" sigaw ni Valle Shanta saka agad na umukit sa kanya ang isang mala demonyong ngiti.

"Dahil napakalakas ng ating pangalawang quera na si Quera Nnahja! Tiyak na ito na ang pinakasayang digmaan na gaganapin sa buong kasaysayan ng mundo ng Alynthi!" sigaw ni Valle Prospheta saka agad na nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

"Tama! Diba, Quera Nnahja?" tanong ni Quera Violeta kay Nnahja.

"Tama." Sagot din naman ni Quera Nnahja saka agad na gumuhit ang isang mala demony ngiti sa kanyang labi.

Nandito ngayon ang mga Agonian sa kanilang kaharian, ang kaharian ng Agonia. Nakahanda na ang kanilang mga sundalo sa labas ng kanilang kaharian at kahit na anumang oras ay lalakad na ito at sasakay ng sasakyang pandagat kasabay ng mga clea, mga cleo at ang kanilang quero at quera.

Kasalukuyang nandito sina Clea Gia, Clea Heya, Clea Fortia, Clea Usha at Quera Reina sa veranda dito sa kanilang kaharian. Nakalinga sila ngayon sa kalangitan na sinisikatan ng araw. Ngunit kahit na tinititigan nila ang kalangitan ay may isang kakatuwang pangyayari na hindi nakatakas sa kanilang mga mata.

"Maagang sumikat ang dalawang buwan. Hindi kaya may ipinapahiwatig ito?" tanong ni Clea Usha habang nakatingin pa rin sa buwan.

"Oo. Tila alam ng buwan na may digmaang magaganap kaya maaga itong lumitaw sa kalangitan." Sabi ni Clea Heya.

"Ito lamang ba ang ipinapahiwatig nito? O mayro'n pang iba?" tanong ni Clea Gia saka agad na tiningnan ang kapwa niya mga Clea.

Kaya naman ay namalayan nalang nilang nagkatinginan nalang sila at nangingibabaw sa kanila ang isang nakabibinging katahimikan.

"Mga Clea." Tawag ng kung sino.

Sabay silang napatingin sa lugar kung saan nanggaling ang isang napakapamilyar na boses. Agad din naman nilang nakita si Cleo Deo kasama sina Cleo Ion, Cleo Marius at Cleo Blake.

"Oras na para tayong lahat ay lumisan. Oras na para pumunta sa isla na dating pinagtitirikan ng kaharian ng Mephonia at Yuconia. Isang pag-uutos mula sa Quera at Quero." Sabi ni Cleo Deo. Mababakas mo sa mukha nito ang pagiging seryoso.

Tumango naman ang mga clea saka agad na lumapit sa mga cleo at yumaon na.

Makalipas ang ilang oras ay nandito na ngayon ang mga Agonian at Maligon sa isla ng Mephonia at Yuconia. Kasama ng dalawang kaharian ang kanilang mga iilang batalyon ng mga sundalo.

May mga sasakyang panghimpapawid ang bawat kaharian na siyang tumitira ng mga apoy at nagpapasabog ng mga nasa ibaba nito.

Kahit medyo may kalayuan nag kanilang kinatatayuan ay damang dama ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang kaharian.

Narito ngayon ang mga Agonian kasama rin ang kanilang iilang mga batalyon. Nasa pinakaharap ngayon sina Quera Reina, Quero Kenneth, ang mga clea at mga cleo.

"Ang iilang mga batalyon ng Maligouania ay pinamumunuan ng kanilang apat na mga Valle." Sabi ni Clea Fortia.

"Ang isang batalyon ng mga Maligon na siyang pinamumunuan ng kanilang Valle na nagagawang pahintuin, pabilisin at pabagalin ang oras. Nagagawang kumilos ng mas mabilis pa sa hangin na si Valle Sheba." Dagdag ni Clea Fortia.

"Ang isang batalyon naman ay pinamumunuan ng kanilang Valle na nagagawang makipaglaban gamit ang sariling katawan at walang kahit na anumang sandata. Ito ang pinakamatalino sa lahat na Valle. Kung sakaling matapon ang kanyang spear na ginagamit ay nagagawa niya pa ring lumaban gamit ang galawang ahas at kasing alerto rin ito ng ahas. Si Valle Prospheta." Sabi ni Clea Gia.

"Ang isa pang batalyon ay pinamumunuan ng kanilang Valle na nagagawang ipasailalim sa isang hipnotismo ang kahit na sinuman. Nagagawa nitong utusan ang kahit na sino at kahit na gaano pa ka dami ang kanyang uutusan ay kayang kaya niya ito. Nagagawa niyang ipasailalim sa kanyang kapangyarihan ang napakaraming mga tao at pewdeng pwede siyang makabuo ng kulto. Si Valle Harmona." Sabi ni Clea Heya.

"Ang panghuling batalyon naman ng mga Maligon ay pinamumunuan ng kanilang Valle Shanta. Ang Valle na pinakabata sa lahat na mga Valle na naitala sa buong kasaysayan ng mundo ng Alynthi. Bagama't hindi natin siya dapat mamaliitin dahil batid naman nating lahat na hindi siya magiging Valle sa napakamura niyang edad kung hindi siya malakas. Siya ang pinakabata ngunit siya ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat ng mga Valle. Dahil nagagawa niyang magdulot ng isang artipisyal na sakit sa buong katawan ng kahit na sinuman sa pamamagitan lang ng kanyang titig. Kahit na ang iyong buto ay nagagawa nitong pagalawin. Ito ay si Valle Shanta." Sabi ni Clea Usha.

"T-Teka, b-ba't wala si Quera Violeta?" nauutal at nakakunot noong tanong ni Quera Reina. Bakas na bakas sa kanyang mga mata ang matinding kuryosidad.

Kitang kita mula sa kanilang kinatatayuan ngayon ang apat na batalyon ng mga Maligon. May apat rin na batalyon ang  Agonia.

Kitang kita ng mga Agonian ang dalawang batalyon sa kaliwang banda kung saan ay nakatayo ang namumuno na sina Valle Sheba at Valle Prospheta. Habang sa bandang kaliwa naman ay nakita rin nila ang dalawa pang batalyon ng mga Maligon kung saan ay nasa harap ang namumuno na sina Valle Harmona at Valle Shanta.

Nasa kaliwa at kanang banda ang mga batalyon atang mga Valle habang nanatiling bakante ang gitnang bahagi nito.

"Mukhang handang handa na ang mga Agonian." Sabi ni Valle Prospheta.

"Ngunit mayroon silang isang hindi napaghandaan." Sabi ni Valle Harmona saka agad na tumingon sa gitnang bahagi.

Tumingin rin naman si Valle Shanta sa gitnang bahagi. Sumunod naman niyon sina Valle Sheba at Valle Prospheta. Ang mga Valle ay nakaukit na ngayon sa kanilang mga labi ang isang mala demonyong ngiti.

Nang makita ng mga Agonian na sabay-sabay na napatingin ang mga Valle sa gitnang bahagi na bakante ay agad na napakunot ang kanilang mga noo.

Hindi nagtagal ay agad silang may nakita na dalawang nakacloak na kulay itim. Naglalakad ito ngayon sa gitna ng kanilang hukbo. Agad namang pilit na tinanaw nina Quera Reina ang dalawang naglalakad na may suot na kulay itim na cloak.

Hindi nagtagal ay agad din namang nakarating sa harap ang dalawang nakasuot ng kulay itim na cloak. Sabay nitong tinanggal ang hood sa pagkakatakip sa ulo.

Agad namang nasilayan nina Quera Reina si Quera Violeta. Nakatingin ito sa kanila ngayon habang nakaguhit sa labi ang isang mala demonyong ngiti.

Kaya naman ay napakunot ng noo si Quero Kenneth. Nagkatinginan sina ng mga Clea, mga Cleo at ni Quera Reina. Ngunit agad din naman nilang muling tiningnan ang gawi kung nasaan ang dalawang nakasuot ng kulay itim na cloak.

"Bakit nakaitim na cloak din ang isa? Ngunit siya ay may takip sa kanyang mukha at tanging buhok, noo, kilay at mga mata lang niya ang nakikita." Sabi ni Clea Usha.

"Nakaitim siya na cloak hindi kagaya ng mga Valle na nakakulay lila na cloak. So maaaring siya ay isa ring quera." Sabi ni Clea Heya.

"Ngunit sino naman siya?" nakakunot noong tanong ni Clea Fortia saka agad na tiningnan ang kapwa niya mga Clea.

"Kung sino man siya ay hindi na 'yon kailangan. Ang mahalaga ay alam nating siya ay isang kaaway." Sabi ni Clea Gia.

Nakatingin pa rin sila ngayon sa gawi kung nasaan ang mga Maligon.

"Kung gano'n ay dapat nalang nating hintayin ang hudyat ng digmaan." Sabi ni Quera Reina saka agad na inayos ang sarili at ang kanyang espada na para bang handang handa na sa digmaan.

"Hinding hindi ko hahayaang may gumalaw sa Quero Kenneth ko. Kahit na langaw ay hindi ko hahayaang makakadapo sa kanya. Siya ang lakas ng kaharian at... l-lakas ko." Sabi ni Quera Reina sa kanyan isip.

"Maaari mo nang tanggalin ang nakatakip sa iyong mukha, mahal na quera." Nakangiting sabi ni Quera Violeta saka agad na mas lumapad pa ang isang mala demonyong ngiti na nakaukit sa kanyang labi.

Dahan-dahan rin naman itong tinanggal ni Quera Nnahja.

Nang masilayan ng lahat ang wangis ni Quera Nnahja ay agad na nanlaki ang mga mata ng lahat na Agonian. Nanlalaki ngayon ang kanilang mga mata na para bang halos luluwa na ang kanilang mga mata mula sa kanilang katawan. Kung pwede pa lang itong mahulog sa lupa ay nahulog na ito.

Agad na nagkatinginan ang mga Clea, mga Cleo, si Quero Kenneth at Quera Reina. Ngunit agad na napakunot ng noo si Quera Reina dahil ang lahat ay nakatingin sa kanya ngayon.

Kaya naman ay pilit niyang inaninag ang wangis ng kasama ngayon nina Quera Violeta. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at pinagpawisan siya kaagad sa kanyang noo.

"I-Ina?" nauutal na tanong ni Quera Reina habang nakatingin sa wangis ng kasama ni Quera Violeta. Namalayan nalang ni Quera Reina na tumulo na pala ang kanayng mga luha.

"D-Do they make me choose between Kenneth and my mother?" nauutal na tanong ni Quera Reina sa kanyang sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
35K 627 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...