Romancing the Nanny

By jennaration

6.3M 77.5K 6.1K

[COMPLETED] When the handsome shipping magnate Kier Falcon hired Helga Diaz to be his twins' temporary Nanny... More

RTN
Author's Note
Chapter 6 - Meet the Falcon's
Chapter 7 - Meet the Falcon's 2
If Only
Sweet child of mine
River Falcon
Rivals
Crossing the line
Not the right time
Crazy in love
Wife..what?
Date
Romancing 101
Rights
Lunch
Phone Call
Dinner
Hugs and Kisses
Who is she?
Sundo
Meet the past
Things to tell
face to face
Going home
Panic
Wrong timing
End-point
Four years later
Amanpulo
First night, First Date
Meet the Falcon's part 3
Another day, another date
Epilogue
Epilogue 2: as told by Kier
Bonus: 4 years ago as told by Kier
Bonus: 4 years later as told by Kier

Revenge

114K 2.3K 182
By jennaration

Helga's POV

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" tanong ni Kier. Kasalukuyan siyang nagdi-drive patungo sa townhouse namin ni ate Olga. Ihahatid muna daw niya ako bago sila dumiretso sa Taguig --- kung saan sila nakatira ng mga bata. Nilingon ko muna ang kambal na mahimbing na natutulog sa likuran bago ko siya sinagot.

I rest my head on his shoulder. "Pagod lang siguro ako." sagot ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko.

"Kung may problema ka, you can tell me."

Umiling ako. "Wala. Kailangan ko lang talaga ng tulog."

"Alright. Nagugutom ka ba? Gusto mo dumaan tayo sa drive thru?"

"I'm still full. Thank you." sagot ko. Kumain rin naman kami sa airport kanina. Napaangat ako ng mukha nang may maalala akong itanong. "Nga pala, bakit hindi ka na lang nagpasundo sa driver niyo?" tanong ko. Actually, hindi ko alam kung may family driver ba sila o wala. In-assume ko na lang na meron since lahat ng boss ko dati ay meron. Kasi nga may mga bata sila na kailangang sunduin sa school. Ang asisstant niyang lalake ang nagdala sa aiport nitong sinasakyan namin. I wonder kung may separate car ba na sinakyan yung assistant niya. Bigla na lang kasi itong umalis.

"I fired him." simpleng sagot niya. Napaupo ako ng maayos pero nakahawak pa rin ang kamay niya sa isa kong kamay.

"Bakit naman?" curious na tanong ko.

Tumingin siya saglit sa akin bago itinuon ulit sa daan ang atensyon niya.

"Hmm... He lied to me. Isa sa pinaka-ayaw ko sa isang tao ang sinungaling. Iyon ang klase ng mga taong hindi dapat pa pinapanatili sa buhay ko." seryosong sagot niya.Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Parang kidlat na tumama sa akin ang kanyang mga salita. "I'm a businessman,Helga. There's no room for unworthy people." he said it na parang may pinapatamaan siya. O baka naman imagination ko lamang iyon.

"Ah...ahm oo nga." napipilitang sang-ayon ko. "Nakahanap ka na ba ng bago?" paglilihis ko sa usapan.

Umiling siya. "Nagpapahanap na ako. Ako muna maghahatid sa mga bata sa school bukas habang wala pa akong nahahanap." Pasukan na kasi last week pa kaya lang bukas pa papasok ang mga bata. I assumed na pinagpaalam na sila sa school na hindi muna sila makakapasok.

"That's good. Anong oras ba ang labas ng mga bata? Para ako na lang ang susundo sa kanila." suhestyon ko. Paniguradong magiging busy si Kier bukas dahil sa mga naiwan niyang trabaho.

Hindi ito umimik.

"Babe?" untag ko.

"I have no clue." sagot niya.

Sinapok ko ito kahit na nagmamaneho siya. "KIER FALCON!" hindi makapaniwalang sabi ko. Medyo pabulong iyon dahil ayokong magising ang kambal.

"Babe, alam mo naman na masyado akong busy sa work tapos --"

"Busy? If you really care about your kids, you will find time." sagot ko. I just hate the fact that there are parents who aren't hands on with their kids. Naiinis ako dahil ayokong magaya sa akin ang mga bata na malayo ang loob sa mga magulang.

Hindi na siya sumagot bagkus ay ini-plug niya ang kanyang wireless headphone at may kinausap ito sa kanyang cellphone.

"Hi Ana. How are you? Anong oras ang labas ng mga bata bukas?"

"Yes. I am asking you."

"Okay thanks."

Ibinalik na niya sa bulsa ang cellphone.

"She said its at 12 noon." he answered while looking at me apologetically. I just rolled my eyes. Hindi naman ako galit. Naiinis lang ako sa kanya.

"Huwag naman sana puro trabaho na lang ang atupagin mo,Kier. " sabi ko. Tinaggal niya ang headphone at ipinatong ito sa headboard.

"I know, babe." Hinawakan niya ang isa kong kamay at tsaka ito dinampian ng halik.

"Nakabalik na ba si Ana?"

"Hindi pa. Next week pa ang balik niya." simpleng sagot niya.

"Eh sino mag-aalaga sa mga bata?"

"Madami naman kaming katiwala sa bahay." liningon niya ako pero ibinalik niya ulit ang tingin sa daan. "What is your agenda for tomorrow?"

"Dadaan lang ako sa office bukas para mag-report."

"Should I pick you up tomorrow?"

"Huwag na! May sasakyan naman ako. Tsaka maaabala lang kita alam ko naman na madami kang aasikasuhin bukas."

Lumingon ako sa labas at nakita kong papasok na ito sa subdivision papuntang townhouse namin.

"I can cancel my meetings for you, babe." deretsahang sabi niya.

Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"That's a no for me. Masyadong abala na iyon sa'yo. At tsaka kaya ko naman po."

"Alright. If that's what you want. But call me when you need anything." sabi niya habang ipinaparada ang sasakyan sa tapat ng townhouse namin.

"I will."i assured him.

Bumaba ito ng sasakyan at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Nang makababa ako ay siya na rin ang kumuha ng luggage ko sa compartment ng kanyang Range Rover.

"Hindi na kita iimbitahin sa loob dahil ayoko naman maistorbo ang tulog ng mga bata." sabi ko pagkakababa niya ng lugagge ko sa akin tabi. Hindi kasi namin obviously pwedeng iwan ang mga bata sa sasakyan.

Hinapit niya ako sa aking baywang. Pumulupot ang dalawa kong kamay sa kanyang batok.

"I understand. I miss you already."

Natawa ako. "Magkasama pa tayo, miss mo na agad ako?"

"I will always miss you kaya get use to it, Miss Diaz."

Nag-make face ako para pigilin ang kilig ko. "If you say so, Mr. Falcon. Oh sige na para makatulog na rin ng maayos ang kambal. Call me when you get home" nakangiting sabi ko.

Hinalikan niya muna ako sa akin noo bago ako binigyan ng malalim na halik sa labi. Kung hindi ko lang ito kinurot sa tagiliran ay hindi na titigil. Nakabusangot tuloy ang mukha.

Natatawa na lang ako sa mukha niya.

"I love you," i said sweetly before hugging him tightly.

"I love you too." sagot niya. "Akala ko ba aalis na ako? EH ang higpit ng yakap mo. Ikaw ata ang sobrang makaka-miss sa akin." pang-aasar niya.

Hinawakan ko siya sa kanyang braso. Umirap ako kunwari sabay tawa.

"Loko ka talaga. Alis na nga!" pagtataboy.

Mabilis niya akong hinalikan muli sa labi bago siya tumalikod.

"Ingat sa pagda-drive,babe." habol na bilin ko.

Kumindat lang siya sa akin.

Habang pinapanood ang paglayo ng sasakyan nila ay bumalik sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni ate Olga noong nasa Palawan pa lang ako. Na siyang bumabagabag sa akin hanggang ngayon.

"Hi ate. Napatawag ka?" tanong ko kay Ate Olga. I'm in the middle of playing with the twins when she called me. iniwan ko muna sila doon at dumiretso ako sa kusina.

"I'm good. Ikaw kamusta ka dyan? Mukhang hindi mo na ako maalalang balitaan. Dati naman ah palagi kang nagkwekwento sa akin." nasa tono nito ang pagtatampo. Dati rati kasi ay madalas ko itong tawagan kahit nasa trabaho ako. Kapag wala akong ginagawa ay tinatawagan ko siya. I was really preoccupied this past few days kaya nakalimutan ko siyang kontakin man lang.

Medyo nilakasan ko ang volume ng cellphone ko dahil hindi ko sya masyadong marinig. Wala naman makakarinig sa amin dito.

"Sus! Huwag ka na magtampo.  I have good news pala." excited kong sabi.

"What?" excited rin na tanong niya.

"I'm in a relationship." kinikilig na anunsiyo ko. "After five long years ate, may boyfriend na ulit ako. Sabi ko kasi sa'yo eh may pag-asa pa ako," natatawang dugtong ko. Imbes na marinig kong tili niya or tawa man lang ay nanatili itong tahimik sa kabilang linya.

"Ate? Are you still there?" takang tanong ko.

"With who?" malamig na tanong niya. Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang tono ng pananalita niya.

"Kier." simpleng sagot ko.

"Hiwalayan mo siya, Helga," sinabi niya iyon ng may diin.

"Ate naman! Mahal ko siya." sagot ko kahit naguguluhan ako sa sinabi niya. Kapag nagkaka-boyfriend ako dati madali naman niyang matanggap.

"Mahal? Ni wala pa ngang isang buwan kayong magkakilala! How can you be sure that it is love?" katwiran niya. Tuluyan nang nawala ang magandang mood ko kanina.

"Ate wala naman yun sa tagal namin na magkakilala. At tsaka you already met him. He is a nice guy." may inis kong katwiran. Akala ko pa naman ay matutuwa siya sa balita ko yun pala hindi naman niya ako susuportahan sa desisyong ginawa ko.

"He is a married man."

"Widower."pagtatama ko.

"Hindi mo siya lubos na kilala."

"Ate boyfriend ko pa lang siya hindi pa naman kami magpapakasal. OA ni ate!" Pilit kong pinasigla ang boses para nasa tonong pabiro ang sinabi ko. Pero mukhang hindi naman natuwa ang kausap ko.

Narinig kong bumuntong-hininga siya.

"Nahanap ko na siya." biglang sabi niya.Ilang segundo kong pinag-isipan kung sinong 'siya' ang tinutukoy niya. At nang mapagtanto ko kung sino ay kusang kumuyom ang kamao ko.

"Eh di mabuti! Pwede ko na siyang singilin sa pagsira niya sa buhay ko" sagot ko. Kahit matagal na iyon nangyari, mananatili pa rin itong nakakatatak sa isipan ko.

"Hindi mo na kailangang maghiganti."

"Bakit?" takang tanong ko.

"She died..." she paused. "almost five years ago." mahinang dugtong niya.

"Hindi ito maaari. Ganun-ganun na lang? Mapupunta na lang sa wala ang mga pinaghirapan ko. Hindi ako makakapayag." galit na sagot ko. Halos maubos lahat ng pera ko noon para lang may pambayad ako sa imbestigador. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung sino ang babae niya. At magmula noon, ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko siya at pagbabayarin sa lahat ng sama ng loob na idinulot niya sa akin.

"Maybe this is the time to stop, Helga. Kalimutan mo na ang lahat." suhestiyon ni ate.

"Kalimutan? Ikaw ang mas nakakaalam kong gaano ako ka-miserable noon, ate!" tumaas na ang boses ko dahil sa galit. Napasuklay ako sa buhok sa sobrang gigil.

"Alam ko iyon at hindi kita pipigilan kung iyan ang makakapag-patahimik sa iyo. Mas mabuti nga siguro na manatili ka sa piling ni Kier kung gusto mong maghiganti." napipilitang sang-ayon niya sa kagustuhan ko. Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.

"What do you mean? Kanina lang ay gusto mong maghiwalay kami."

"I still do but he is useful to you. You want revenge, right? Kier is the answer."

"I still don't get it." nagsalin ako ng tubig sa plastic na baso at uminom doon.Ngunit nabitawan ko ang baso dahil sa sumunod na sinabi niya.

"Johanna Falcon. Siya ang babaeng matagal mo nang hinahanap."  parang bombang sumabog iyon sa harapan ko. Bigla akong pinanlamigan ng kamay.

"It can't be. YOU'RE LYING? Of all people, it was Johana?" i said in disgust.

"Tanggapin mo ang katotohanan. This is the reason why I don't like him for you. Maaalala mo lang ang babaeng iyon dahil kay Kier. Mas lalo mo lang kakamuhian ang mundo. If you still want to push through your plans, I won't be a hindrance. But after that, I want you to be out of Kier's life. You want revenge, then accept the consequences! Or we can go back to what I wanted all along --- stop this," paliwanag niya.

Napasandal ako sa kitchen counter. What should I do? I don't want to hurt Kier. I love him so much. Hindi ko siya kayang gamitin para lang matahimik ako. Gusto kong saktan lahat ng mahal sa buhay ng babaeng iyon ngunit hindi ko magagawa iyon dahil napamahal na rin sila sa akin.  Mas masasaktan si Kier kapag nalaman niya ito. Bakit ako pinaglalaruan ng tadhana?

"Bakit mo ako hinayaang mapunta sa ganitong sitwasyon ate? Akala ko ba kakampi kita?" naiiyak na tanong ko.

Ilang segundo ang pinalipas niya bago siya sumagot.

"Im sorry. Huli na nang malaman ko ang lahat. Kung sinabi lang nina Pap---" i cut her off.

"Papa? Alam nila na si Johana ang hinahanap ko? Kailan pa?"  gulat na tanong ko.

"Matagal na. I swear Helga, nitong  nakaraan ko lang din nalaman."

"At wala kang balak sabihin sa akin ganun ba?" i asked in a cold tone. "Ginawa niyo akong tanga. Ngayon, hulog na hulog na ako kay Kier tsaka niyo lang sasabihin sa akin?"

"Helga, hindi sa ganun. Magpapaliwanag ako!" pagsusumamo niya.

"Tapatin mo nga ako ate. Bakit niyo ito ginagawa sa akin? Ganun ba kadali mabilog ang ulo ko?" i paused. "Kung sabagay ako ang palaging walang alam. Ako yung palaging huli sa balita."  punong-puno ng hinanakit ang tono ko. Hindi ko alam pero sadya na lang tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko nadaya ako sa isang laro. At wala na akong magawa kung umiyak na lamang.

"Helga, nahirapan akong sabihin sa'yo ang lahat. Lalo pa at ang amo ay ang mismong asawa ni Johana. Baka kung ano ang maisipan mong gawin. Ayokong bumalik ka sa dati. So i agreed with Papa na huwag muna sabihin sa'yo pero hindi kaya ng konsensya ko. Kaya sinuway ko ang kagustuhan nina Papa at tinawagan kita." malumanay na paliwanag niya. Naririnig ko rin ang mumunting hikbi niya.

"Akala ko tayo ang magkakampi, ate!" mahinang sabi ko. Iyon lang at tinapos ko na ang tawag.

----------------------------------------------------------------

A/N

I'm Backkkk hahahahaa. Pasensya na po --- na-traffic yung mga scenes. Loves, if you want to add me in FB pls inbox me para ma-accept ko. Hindi po ako nag-aacept agad ng FR ng walang mutual friends so if you're a reader of mine ---  message mo ako at accept ko agad. Kung mahanap niyo ako sa FB hihiii...

I miss you all xoxo

Dedic Question: Ano ang pangalan ng kasalukuyang bagyo sa Pinas?

FB Group: Jennarationers

FB Page: Jennaration Stories

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 660 47
He is a totally hardheaded, A pain in the ass. What he wants, he get. Panglimang lipat niya na sa ibang paaralan. Hanggang sa magsawa na ang kaniyan...
2.7M 40K 40
Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbatibong babae. Kaya naman nang sabihan siya...
2M 39.5K 67
WARNING: R-18 [COMPLETED] Adrien Lorenzo. My boss and my F Buddy. Everything is running smoothly in my fairytale F buddy story until Adrien's father...
11.9M 203K 38
STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contains wrong grammars and R18 scenes. Some ch...