The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 30: Badtrip

492K 15K 7.3K
By iDangs

Hailey's POV

"Alam niyo may nakalimutan na tayong gawin."

Napatingin kami kay Nate na ngayon ay nguya lang ng nguya. Manong ubusin muna niya 'yung kinakain niya bago magsalita. Wala namang nagmamadali sa kaniya.

"'Yung classroom," walang emosyon na sabi ni Tamara at saka uminom.

Napapalo si Nate sa lamesa at itinaas ang kamay niya na para bang nakikipag high five kay Tamara, "Nakuha mo!"

Ilang segundo na ay hindi pa rin siya inaapiran ni Tamara kaya siya na mismo ang nakipag-apir sa sarili niya.

"Nakuha mo, Nate. You're awesome."

Napatikom ako ng bibig at pilit pinipigil ang tawa ko. Minsan talaga parang baliw na 'tong si Nate. Sabi nila Tita Zoe malamang daw napaglihian niya si Daddy kaya naging ganiyan si Nate. Maluwag ang turnilyo.

“Kung sakaling nakalimutan niyo.. kung sakali lang naman.. may deadline tayo diyan. At kung sakaling nakalimutan niyo ang date ngayon.. kung sakali lang ulit ha.. sa isang linggo na ang deadline.”

“Kung sakaling hindi ka marunong tumantsya.. kung sakali lang din naman.. kayang matapos ang classroom na ‘yun ng tatlong oras,” sagot ni Tamara kay Nate. “General cleaning at ibabalik na lang naman ang upuan. Madali na ‘yun.”

“This Saturday?”

“Bukas.”

“Sabado na kaya bukas.”

“Oo nga. This Saturday. Bukas.”

Napailing ako sa usapan ni Tamara at Nate at napatingin kay Piper na mukhang pigil na pigil ang tawa. Nang magkatinginan kaming dalawa ay bigla na lang kaming natawa parehas. Masyadong magulo ang usapan ng dalawang ‘to.

Napahinto lang ako sa pagtawa nang makita ko ang paparating na bruhilda. Si Elle. Simula palang talaga hindi ko na gusto ‘to. Nu’ng una nga lang, naiinis ako sa kaniya dahil close sila ni Piper at hindi pa kami okay ni Piper noon. Pero nu’ng nagtagal, ayoko talaga sa kaniya kasi feeling kontrabida siya sa isang movie.

Akala ko lalagpasan niya lang talaga kami pero bigla na lang siyang nagsalita nang makalagpas na siya sa amin ng kaunti.

“There are some people na makakapal lang talaga ang mukha. ‘Yung hindi naman na belong pero pinagsisiksikan pa rin ang mga sarili nila. If I were them, babalik ako sa kaniya kaniyang groups nila. I’ll accept pa rin naman ‘yung isa kapag bumalik siya. She could be our errand girl or something. Right, girls? ”

Kahit nakatalikod ako sa kanila, ramdam ko ang tanguan nila. May ilan pa na nagtatawanan.

Napairap ako at balak na sanang sumagot ni Tamara pero hindi natuloy nang tumawa si Piper.

“Don’t mind her. She craves for attention. H’wag niyong bigyan. She’ll get annoyed.”

“Pipes, ano bang ginawa mo sa bruhildang ‘yun at parang galit na galit sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.

Nagtaas ng kamay si Nate na parang magrerecite lang kaya tinanguan ko siya. “Galit ata ‘yun sa lahat ng taong hindi sumusunod sa kaniya. Hindi lang kay Pipes.”

“I don’t even know what her problem is. I thought she’ll stop bugging us nu’ng umalis ako sa group. Obviously hindi pa rin pala.”

“Ganito kasi ‘yan..” Napatingin kaming tatlo kay Tamara at hinihintay ang kasunod niyang sasabihin, “Si Elle, gustong maging reyna. Ang Kingdom High ang feeling niyang kingdom niya talaga. Kaya lang hindi niya magawang magreyna reynahan kasi may ibang reyna pa ang nasa trono. Si Piper. Kaya she dethroned Piper using her brainwashing technique. Magaling e. Kaya ngayon siya na ang reyna. Bilang reyna, gusto niyang mapanatili ang nakagawian sa Kingdom niya. Gusto niyang manatili ang rule. Kasi once mawala ang rule – “

“Mawawala na rin ang kapangyarihan niya?” dugtong ko sa sinabi ni Tamara.

Tumango naman siya at ngumiti, “Oras na mangyari ‘yun, para saan pa at pinaalis niya sa pwesto si Piper? Dahil wala tayong group, especially kayo na umalis ng grupo niyo considering na kayo ang leaders, may possibility na may sumunod sa yapak natin. Kapag may sumunod na isa, may susunod pa at susunod pa at susunod pa.”

“At oras na sumunod ang karamihan at mawala ang rule, mawawala rin si Elle sa trono niya. Kapag nangyari ‘yun, ‘yung fame na dati niya pa gustong makuha, tuluyan na ngang mawawala sa kaniya. Dahil oras na mawala ang rule..”

“Pantay pantay na ang lahat,” sabay na sagot ni Nate at Piper.

Napatahimik kaming lahat at parang may kaniya kaniyang iniisip.

Kung mawawala ang rule.. mas maganda nga ‘yun para hindi na magfeeling ‘yung bruhilda. Kaya lang kaya ba mahandle ang students once mawala ang rule?

“Mukhang maganda ‘yun,” sabi ni Nate at saka sumandal at nag-unat. “Kapag wala na ang rule, pwedeng makausap ko na ulit ang ex-groupmates ko at maipakilala sa inyo. Kapag nakilala na nila kayo malamang mag-iiba na ang tingin nila sa inyo.”

“Tingin nila sa amin?” tanong ni Tamara. “Ano bang tingin nila sa amin?”

“Ikaw? Weird. Parang may sariling mundo. Parang kapag nadikit sila sa ‘yo, makakaranas sila ng karate moves mo. Na mas pipilin nila ang masikip at mainit na lugar na wala ka, kaysa sa maluwag at malamig na lugar na kasama ka. Ikaw naman Hailey, seryoso sa buhay. Masungit. Boring. Na mas pipiliin nilang kausapin ang mga langgam kaysa sa ‘yo. Si Pipes naman maarte. Walang laman ang bag bukod sa make-up, pabango, phone, wallet. Baka maski ballpen hindi ka nagdadala. At ‘yung bag mo, baka parang utak mo lang. Walang laman kundi pampaganda.”

Napatitig ako kay Nate hanggang sa tuluyan na ngang mag sink in ang lahat ng sinabi niya.

“Wow.” Wala na akong masabi bukod sa wow.

“Ang harsh,” manghanga sagot ni Tamara.

“You could’ve lied, you know. You’re so honest,” sagot naman ni Piper pero sa aming tatlo, siya ang mukhang pinakawalang pakialam sa narinig kay Nate. “Honestly, I don’t mind what others think about me. They’ve been judging me ever since and I knew it long ago. Sana lang dinahandahan mo. These two here isn’t used to those kind of judgment.” Natatawa niya pang sabi kay Nate.

Pero seryoso.. ganu’n ang tingin nila sa akin? Na mas okay pa kaysa sa akin ang langgam? Wow. Just.. wow.

“Sorry. Mabuti na rin na alam niyo.”

Napabuntong hininga si Tamara at napasandal, “Thanks sa pagsabi. Ayan na rin lang naman ang iniisip nila, wala na tayong magagawa. Hayaan na lang natin.”

“I guess,” I agreed. Unti-unti akong napangiti at napailing. “I love proving people wrong.”

***

Hunter’s POV

Tanginang buhay ‘to.

Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ‘yung bato na nasa harapan ko.

“Ouch.”

Napailing ako nang marinig ko ‘yung boses nu’ng babaeng maingay. Badtrip na nga ako dito darating pa siya. Baka mas mabadtrip pa ako.

“Sorry ha,” sarkastiko niyang sabi.

Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Anong sorry sorry pinagsasabi nito? Bahala nga siya sa buhay niya.

Kinapa ko ang bulsa ko at mukha namang may iilan pa akong barya. Bibili na lang ako ng yosi. Kailangan ko ng yosi.

“Hey! Where are you going?” tanong niya.

Hindi ko siya pinansin pero tanong pa rin siya ng tanong. Dahil sa nakakarindi na, sinamaan ko siya ng tingin at sumagot, “Yosi.”

Sobrang badtrip talaga. Kailangan ko ng yosi pampawala ng badtrip.

Nakakailang hakbang palang ako nang may biglang kumurot sa tagiliran ko. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa babaeng maingay na ‘to.

“Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya pero sa halip na matakot at umatras ay sinamaan niya pa ako ng tingin. May tama ba sa ulo ang babaeng ‘to?

“Don’t smoke. You’ll pollute the place.”

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretsyo pa rin. Polluted na ang lugar na ‘to magyosi man ako o hindi. Polluted na ang lahat ng lugar dito maski ang utak ng mga tao.

“Sungit. Sungit. Damn that rock. It’s so small pero nakakableed pa rin,” bulong niya pa. “That jerk can’t even say sorry.”

Binalikan ko siya ng tingin at nakitang nakaupo na siya sa damuhan at hinahawakan ang binti niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay sinamaan niya ako ng bigla ng tingin. May sapi ba ‘to?

“What are you looking at?”

Napatingin ako sa binti niya kasi tinitingnan niya ‘yun kanina. Kaya naman pala. May galos.

“Laki laki mo na nadadapa ka pa?”

“What? Sinong nadapa? You’re out of your mind. Diyan ka na nga.”

Binunggo niya pa ako at nilagpasan. Ano na namang problema nu’n? Ang gulo talaga ng utak ng babaeng ‘yun minsan.

Ah.. Teka. Hindi kaya tumama sa kaniya ‘yung sinipa kong bato kanina? Kaya ba siya .. Hay nako.

Nagpunta ako sa may tindahan at bumili. Pagbalik ko sa mga classroom, nakaupo lang ‘yung lima sa sahig at mukhang mga nagkwekwentuhan.

Nagdirediretsyo ako sa babaeng maingay at hinagis sa kaniya ang binili ko.

“What’s with you?” irita niyang tanong.

Sa halip na sumagot ay bumalik na lang ako sa likod ng classrooms. Sa may mga puno.

Badtrip lang. Wala na akong yosi.

Matutulog sana ako kaya lang nagpuntahan ‘yung lima sa may lugar ko at nag-ingay.

“Hoy, Hunter! Natapos na tayo at lahat dito sa parusa hindi mo pa rin kami kinakausap. May galit ka ba sa amin?” tanong nu’ng lalaking maluwag ang turnilyo.

Hindi ko siya sinagot at nahiga na lang sa may damuhan. Mukha namang wala na rin silang balak manggulo at nagkwentuhan na lang sila sa isang tabi.

“I know you’re not sleeping. Thanks sa band-aid though it’s really your fault why I got that bruise.”

Mukhang walang balak ang mundo na patulugin ako ngayon.

Wala na akong nagawa kaya naupo na lang ako at sumandal sa may puno.

“Wala akong balak magsorry.”

“I know.”

Umupo siya sa tabi ko pero hindi nagsalita.

Hindi ko alam kung ano ang trip ng babaeng ‘to at palagi na lang akong ginugulo at kinakausap. Oo, nalaman niyang nagpaparttime ako at nagpanggap na wala na siyang alam pagkatapos. Ayun na ‘yun. Anong akala niya, close na kami?

“Ano bang trip mo sa buhay?” tanong ko sa kaniya.

“None?” kibit balikat niyang sagot. “You’re a mystery, Hunter.”

“Am I?”

Hindi siya sumagot pero ilang segundo lang ay bigla siyang humarap sa akin. Wala man lang pasintabi kaya nagulat ako ng kaunti.

“Why are you so irritated kanina?”

“Pakialam mo ba?”

“I’m a curious lady.”

“Obviously.”

“So bakit nga?”

Hindi ko siya pinanansin pero kinulit kulit niya pa rin ako at hinila ang mangas ng damit ko. Sa sobrang kulit niya, wala na rin akong nagawa kundi sabihin ang dahilan ko.

“Tinanggal ako sa trabaho. Now, shut up.”

That made her shut her mouth.

“Why are you even working?”

“Why are you even asking?”

“I told you curious akong tao,” sagot pa niya at saka ako tintigan at tinaasan ng kilay. “You’re not poor. I can feel it.”

“Just shut up.”

“I can’t – “

Napahinto ang sinasabi niya nang lapitan kami nu’ng jock. “Hey, Pipes. Bili kaming pagkain. Sama ka ba?” Masyadong halata ang lalaking ‘to. Halatang may gusto dito sa isa.

“Okay,” sabi ng babaeng maingay.

Since badtrip ako sa pagkakatanggal sa akin sa trabaho at kailangan ko nang kaunting entertainment, hinawakan ko sa may pulso ang babaeng maingay at pinigilan sa pagtayo.

“Nag-uusap pa kami,” sabi ko sa jock at napangisi.

“Sasama na dapat siya kung hindi mo lang pinigilan.”

“Makakabili naman kayo kahit hindi niyo siya kasama.”

“Sinasama namin siya para makabili rin siya ng pagkain niya.”

“Kapag ba hindi siya sumama hindi niyo siya ibibili?”

“Ano bang problema mo?”

Mas lalo akong napangisi dahil halatang naiirita na ang isang ‘to.

“Ikaw, anong problema mo?”

Sinamaan niya ako ng tingin at kung akala niya magpapatalo ako sa kaniya, asa pa siya.

“Uhh, guys.. I’ll – “

“Warren,” tawag nu’ng nerd pero hindi siya pinansin nu’ng jock.

“Bakit hindi ka makasagot?” tanong ko pa sa kaniya.

“Cut it out, guys.”

Naramdaman ko pa ang pagdating nu’ng bestfriend nitong maingay at ‘yung isa pang tahimik.

“Anong nangyayari dito?”

Nginisian ko ‘yung jock at bahagyang itinagilid ang ulo ko, “Bakit nagagalit ka? Big deal ba na hindi mo siya isama at hayaang maiwan dito kasama ko?”

“Warren, tara na.” Hila nu’ng nerd sa kaniya. Sumunod naman sa kanila ‘yung isang babae.

Naiwan ako kasama ‘yung magbestfriend.

Napasandal ako sa may puno at nag-unat. Ang saya talagang manira ng araw ng ibang tao.

“What the hell is wrong with you?” Inis na tanong niya at saka inis din na umalis.

“Minsan ka na lang magsalita hindi pa nakakatuwa,” sabi ng bestfriend niya at umalis din.

Now, badtrip na kaming lahat. Kasalanan ko pero wala akong pakialam. Sanay naman na akong gumawa ng gulo.

Continue Reading

You'll Also Like

35.3M 1.1M 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin a...
8.7M 310K 58
"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*
36.4K 2.6K 69
Their story's like a labyrinth, there are many twists and turns. Sometimes they think that this is the end but it will just turn out like any other t...
13.7M 479K 42
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow