Tame That Beast (Serie De Amo...

By Brave_Feather

6.6K 1.2K 2.9K

Having a wealthy family has it's perks. One of those is confident. When a Cordova became confident, she think... More

TAME THAT BEAST
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 33

97 14 54
By Brave_Feather

Kabanata 33

Hindi Free

"Next month is the real schedule of your taping kaya kailangan ay magpakulay ka na ng buhok mo. You are a pure-Filipino in this movie and you are just living as a simple girl. Kapag Pinay, black 'yong buhok. Hindi ka naman nakatira malapit sa dagat sa role mo kaya walang eksplanasyon kung hindi ka magpapakulay."

Kinuha ko 'yong tubig na inilalahad ni Honeylyn saka iyon ininom.

"You know how much I love my blonde hair but if it's for the movie, then, okay. Just make sure that the hair dye is original o kahit hindi basta iyong safe. I don't want my hair to get damages." ani ko at humalukipkip.

"Okay, sasamahan kita next week sa salon para sigurado." sabi n'ya na ikinatango ko na lang, "Pwede ka nang umuwi kapag wala ka nang gagawin. Susunduin ko pa si Cloud sa school nila." aniya at umakyat na ng hagdanan.

Tumayo ako bago dumiretso sa garden nila kung saan nadatnan ko si Aling Losing na dinidiligan ang mga halaman.


"Uuwi ka na ba?" bungad n'ya saka inilagay ang water sprinkler sa gilid.

Tumango ako, "Opo, eh. Magpapahinga po muna ako sa bahay." magalang kong sabi.

Tumango rin naman s'ya.

"Oh, sige. Balik ka dito sa susunod para makapagluto naman ako ng masarap na pagkain." saka s'ya ngumiti.

"Yes, po. Ikamusta n'yo na lang po ako kay baby Cloud."

"Ay, naku, hija! 'Wag mong hahayaang marinig ka ng batang 'yon na tinatawag mo pa rin s'yang 'baby'! Ayaw na ayaw n'ya nang gano'n."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Aling Losing. Maya-maya ay napagdesisyonan ko nang umuwi pero nasa gate pa lang ako nang madatnan ko ang isang bata na may kasamang lalaking naka-white button-down shirt at naka-itim na pantalon.

Napataas ang kilay ko nang kaagad akong kawayan ng lalaki.

"Hi, babe!" sigaw n'ya.

Inirapan ko lang s'ya bago nilapitan si Cloud na nakakunot ang noo.

"Baby Cloud!" masaya kong sambit nang makalapit na.

Medyo napaatras ako nang mas lumapit pa s'ya sa akin. Oo nga pala! Ayaw n'ya palang tinatawag na baby! Akala ko ay aawayin n'ya ako o ano pero nagulat na lang ako nang yumakap s'ya bigla sa akin.

Niyakap ko rin s'ya pabalik.

Hindi gaya no'n na seven years old lang s'ya at medyo maliit pa. Ngayon naman ay nasa twelve na ata s'ya at medyo tumangkad na s'ya kaya taga-baywang ko na s'ya.

"Parang anak, ah!"

Sinamaan ko agad ng tingin si Vernon nang umepal s'ya bigla pero inirapan n'ya lang din ako. Umiling na lang ako bago kumalas sa yakap ni Cloud.

Medyo nag-bend ako ng kaunti bago kinurot sa ilong si Cloud.

"Ang laki-laki mo na, baby Cloud, ah! At syempre... sobrang gwapo na!" nanggigigil kong sambit.

Napatigil naman ako nang mag-bend rin si Vernon at inilapit ang mukha sa kamay ko.

"Baby-hin mo rin ako, please..." aniya pero imbis na kurutin ko rin ang ilong n'ya ay sinampal ko ang mukha n'ya.

Hindi naman malakas ang pagkakasampal ko pero talagang nag-iinarte lang. Hinaplos-haplos n'ya ang pisngi n'ya kaya napailing ako at nagkibit-balikat bago tumayo nang tuwid.

"Ate Sapphire..."

Binalingan ko naman ng tingin si Cloud nang hawakan n'ya ang kamay ko.

"Hmm?" mahina kong sambit.

"Pwede po ba kitang ligawan?"

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi n'ya. Napansin ko rin ang pag-iba ng ekspresyon ni Vernon. Kung kanina ay natutuwa s'ya, ngayon naman ay sumeryoso bigla.

Tumikhim na lang ako bago pinisil ang kamay ni Cloud na nakahawak nang mahigpit sa kamay ko.

"Bawal, eh. My daddy won't allow me to have a boyfriend, yet." sagot ko.

Sumimangot naman si Cloud bago binitawan ang kamay ko. Napaawang ang labi ko nang padabog s'yang naglakad sa gilid ko. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa yinakap n'ya si Aling Losing na nabigla. Napailing na lang ako bago kinuha sa sling bag ko ang car keys.

"Won't allow raw... Pero, ako? Pwede naman, 'di ba?"

Binuksan ko na lang ang pintuan ng driver's seat bago s'ya sinimangutan.

"Kahit sino... hindi pwede." seryoso kong sambit bago pinaharurot nang mabilis ang kotse ko.


Ilang oras rin akong nakapagpahinga sa bahay namin at saktong alas-sais ng gabi ako nagising. Nag-half bath lang ako at pagkatapos ay napili ko ang crimson red fitted-dress na medyo maikli sa akin na pinaresan ko lang ng  silver stilletos.

Tikom lang ang labi ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa lugar na siguradong mare-relax ako.

Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ang lumipas mula nang ilabas ng agency ko ang teaser photo sa movie na GOWY. Nag-trending kaagad iyon nang lumabas at isang araw ay nagising na lang ako na trending na rin ang Jancy loveteam. I'm not dumb para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin no'n kasi noon pa lang ay gusto ko nang mabuo ang fanbase na 'yan.

But, time changed, even my feelings changed. Natabunan kaagad ang news tungkol sa movie sa lahat ng social media platforms nang may i-post ang isang dummy account sa twitter na picture. It's Jared and his so-called bestfriend, Hariah Morrison. I was hurt, yeah, kaya na rin ako nag-leave ng isang linggo para makapagpahinga kaya may araw ako sa paggala-gala.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng mini beach resort na itinayo, bago lang. It's a private beach resort, so, I was relieved when Marya told me that they're the owner. Today's the opening party and 'yong mga kaibigan lang n'ya ang inimbita n'ya.

Malayo pa lang ay sinalubong na n'ya ako ng isang malawak na ngiti.

"Lancy, dear!" Aniya na nag-tunog tita saglit.

Nagbeso kami saglit at marami pa s'ya ikinuwento habang tinatahak namin ang daan papunta sa beach house.

"Oh, mamaya na ah! Mag-eentertain muna ako ng mga bisita do'n sa labas. Paparating na rin eh!" aniya at tumalikod na pero maya-maya ay binalingan ulit ako ng tingin, "Inuman tayo mamaya! May mga pogi akong inimbita!" pahabol n'ya pa.

Umayos ako ng pagkakaupo ko sa couch ng beach house nila saka ako tumingin sa paligid.

Dirty-white colored ang kabuoan ng bahay, sliding doors ang entrance at exit. Transparent ang beach house kasi glass-walled lahat ng parte kaya makikita mo talaga ang labas at ang mga tao. Makikita mo rin ang mga swimming pools na child-size at giant-size pati na ang kaharap na beach.

Madilim na ang kalangitan pero ang liwanag pa rin ng lugar dala ng maraming mini lights na nakasabit sa mga puno at sa tanim sa gilid.

Napatingin ako sa sliding door nang bumukas iyon. Limang lalaki at tatlong babae ang pumasok. Umupo kaaagad sila sa katapat kong couch. Lalabas na lang sana ako para hindi ma-awkwardan nang pumasok si Marya at tinabihan kaagad ako.

"'Wag KJ. Ayan na oh, limang lalaki na ang inimbita ko tsaka mga pogi at macho. Pumili ka na. Kalimutan mo na si Jared. May kahalikan naman 'yong iba kaya bahala na s'ya." bungad n'ya.

Bahagya ko s'yang siniko para tigilan na n'ya ang pangrereto at pang-aasar n'ya sa akon. Baka marinig pa kami ng mga kasama namin.

"Eyysus... Move-on move-on din, ah!" dugtong n'ya pa.

Humalukipkip ako at nagkibit-balikat.

"I've moved on." pagsisinungaling ko na lang.

Tinaasan n'ya ako ng kilay na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Sinimangutan ko na lang s'ya bago tumayo at lumapit sa malaking glass table na maraming wines at champagnes saka kumuha ng dalawang baso ng wine doon.

Nang makabalik na ako sa pagkakaupo ay ibinigay ko sa kan'ya ang isang kopitang may wine.

"Cheers for my achievement?" sabay taas ko ng baso.

Umiling-iling s'ya at nakipag-cheers, "Achievement raw eh hindi pa naman nakaka-move on. Kung sabagay, kung katulad lang naman ni Jared kapogi ang gusto ko, hindi rin ako makakapag-move on. Ako na ang gagawa ng paraan." aniya at uminom sa wine.

I made a face bago uminom sa wine. Inilapag ko iyon sa mini table sa harapan bago ako naglakad papunta sa isa sa limang lalaking pumasok kanina. May mga girlfriend kasi iyong tatlo. 'Yong isa namang lalaki ay parang hindi approachable. Ang sama kung makatingin, eh.

"Hi!" bati ko sa lalaki at naupo sa tabi n'ya.

Mukhang nagulat pa s'ya dahil sa biglaang pagtabi at pagka-usap ko sa kan'ya pero kalaunan ay ngumiti rin sa akin.

"Hi," sabay kamot n'ya sa batok.

Natawa naman ako sa inakto n'ya bago ko pabirong hinampas ang braso n'ya.

"Come on. Don't be shy." sabi ko.

Kumamot uli s'ya sa batok n'ya bago ngumiti.

"Oh, sorry. I was just... You know, starstruck." aniya na ikinatawa ko.

He's fun to be with kaya naman ilang minuto ang lumipas ay tumayo ako saka kumuha ng dalawang baso at kinuha ko rin iyong dalawang bote ng wine.

"Drink?" tanong ko at ipinakita ang basong nasalinan ko na ng wine.

Tinanggap n'ya iyon at ininom kaagad. Humalukipkip s'ya bago ulit nagsalin.

"Hindi ba magagalit boyfriend mo na iinom ka kasama ang ibang lalaki?"

Humalakhak ako sa tanong n'yang iyon, "I don't have a boyfriend!" sabi ko.

Bahagyang tumaas ang kilay n'ya.

"How about that singer? The male lead of GOWY? Hindi ba ay boyfriend mo 'yon? That's what I've read in the articles and in the news."

Tumawa ulit ako, "Hell, no! I wouldn't make him my boyfriend! Hindi pa nga kami ay may kahalikan na s'yang iba. What's more, 'di ba? You know, cheaters are always gonna be cheaters." I said, with the tone of bitterness.

Mukhang napasarap ang kwentuhan naming iyon kasi hindi ko na namalayan na ang dami na pala ng nainom ko kaya nakakaramdam na rin ako ng kaunting pagkahilo. Kaunti pa lang naman kaya uminom pa ako nang uminom habang nag-uusap pa kami ni Jeff. He's Jeff. He's not just handsome, he is also fun to be with, and I can't deny that he has this 'charms'.

Nang maramdaman kong nahihilo na talaga ako ay binitbit ko na iyong cellphone ko bago tumayo.

"I need to go home. Nice to meet you, Jeff." wala sa sariling sambit ko at lumapit na kay Marya na busy sa pakikipag-usap doon sa lalaking masama ang tingin kanina.

"Oh? Uuwi ka na?" gulat n'yang tanong.

"Oo, mag-e-eleven na rin kasi baka pagalitan ako ni Mom." sabi ko.

Kumunot ang noo ko nang dinampot n'ya rin ang purse n'ya sa gilid bago binuksan iyon. Pinanood ko lang s'ya sa ginagawa hanggang sa inilabas n'ya ang susi ng sasakyan n'ya.

"Ihahatid na kita."

Kaagad naman akong umiling-iling pero mali ata ang ginawa ko kasi naramdaman ko na naman ang pagkahilo. Hinawakan ko ang sentido ko at hinilot iyon.

"No, no... I can manage." agap ko.

Bumagsak ang balikat n'ya at ibinalik ang susi sa purse n'ya.

"Sigurado ka?"

Tumango na ako. Nagpaalam muna ako sa ibang kasama namin sa beach house na iyon bago paika-ikang naglakad palabas.

"Shit!" mura ko nang malapit na akong matisod sa gilid ng pool.

Tumawa ako nang marealize kung ano sana ang nangyari kapag hindi ko napigilan ang pagbagsak ko. Siguro ay nalunod na ako sa swimming pool. Ang lalim pa naman ng giant-size!

Laking tuwa nang makarating sa harapan ng kotse ko. Tumawa ako bago hinanap sa purse ang susi ng sasakyan ko. Kumunot ang noo ko nang ilang minuto ang lumipas ay hindi ko makapa ang susi sa loob kaya napasandal na lang ako sa kotse ko.

Halos hindi ko na madilat ang mga mata ko pero nakita ko ang paparating na kotse. Nilakihan ko ang mga mata para matignan ang kulay ng sasakyan na iyon nang masilaw lang ako sa ilaw no'n kaya humalukipkip na lang ako at tumawa.

"Paano na kaya ako makakauwi nito?" sabay tawa ko ulit.

Pinukpok ko ang ulo ng mahina nang ma-realize na para pala akong tangang nakasandal sa sasakyan ko.

Binuksan ko ulit ang purse ko at hinanap ulit ang susi ng sasakyan pero katulad kanina ay hindi ko pa rin makapa.

Napasinghap ako nang may humablot ng purse ko kaya pinanliitan ko ng mata ang humablot no'n.

"Hey! That's my pwerse!" lasing kong saad at inabot ang kamay ko para mahablot iyon sa kamay n'ya pero itinaas n'ya iyon at may hinalungkat doon.

Nanliit ang mga mata ko nang makita ang susi ko sa kamay n'ya.

"Bakit na sa 'yo 'yan?!" singhal ko at tumalon para mahablot iyon sa kan'ya pero tumingkayad s'ya kaya failed.

Napatuwid ako ng tayo nang hawakan n'ya ang kamay ko. Hindi na ako nakapalag nang mabilis n'ya akong naipasok sa front seat ng kotse n'ya. Nagsuot ako ng seatbelt kahit na sobrang namumungay na ng mga mata ko.

"You're drunk." Iyon ang sabi n'ya nang makapasok na sa kotse n'ya.

Tinitigan ko s'ya bago nagkibit-balikat, "I am not. I'm just tipsy." utas ko.

Isinuot n'ya ang seatbelt ng seat n'ya bago tumingin sa daanan. Ilang segundo pa ay inilipat n'ya rin ang tingin sa akin kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

"What's the difference?" aniya.

Umirap ako sa hangin, "Tipsy is slightly lasing, while, drunk is lasing na lasing. Gets mo na, kuya?" sarkastiko kong saad.

Kinunotan n'ya ako ng noo bago pinaandar ang sasakyan.

"Damn raisons." bulong n'ya.

Tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak namin ang daan pauwi ng bahay. Pansin ko rin ang pagsulyap n'ya sa akin habang nagda-drive. Wala na akong lakas na tingnan pa siya at tanungin kung bakit s'ya tingin nang tingin sa akin. I just want to sleep.

"Just sleep if you want to. Gigisingin na lang kita mamaya."

Napatingin ako sa kan'ya nang sabihin n'ya iyon. Kumurap-kurap ako bago ngumiti.

"Okay, babe!" wala sa sariling sambit ko bago ko pinikit ang mga mata.


"Babe... babe..."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata nang maramdaman ang mahinang pag-alog sa akin sa balikat ni Jared.

Hinawakan ko kaagad ang labi ko para pahiran kung may laway man o ano pero buti na lang ay wala kaya napahinga ako ng maluwag dahil doon pero nang ma-realize ang narinig ko kanina ay pinanliitan ko ng mata si Jared.

"Babe? You just called me 'babe', right?" tanong ko kaagad.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-igting ng panga n'ya bago ako pinitik sa noo.

"You're still dreaming. Matulog ka na sa kwarto mo nang magising ka sa katotohanan."

Napairap ako sa hangin bago tinanggal ang seatbelt sa katawan.

"Tsk. 'Yong kotse ko, paano na 'yon?" change topic na lang tayo.

Lumayo s'ya sa akin at sumandal sa seat n'ya. Nagkibit-balikat s'ya bago kinuha ang isang tumbler sa likod ng sasakyan at inihagis iyon sa akin. Buti na lang ay nasalo ko.

"May lason ba 'to o gayuma?" paninigurado ko at tinaasan s'ya ng kilay.

Nang-igting na naman ang panga n'ya bago ako sinagot.

"I don't need that, do I? I knew you're already in love with me." mayabang n'yang sambit.

I mockingly laughed bago ininom iyong laman ng tumbler na tubig pala.

"Edi hindi." bulong ko.

"Anyway, are you free next week, thursday night?"

Muntik na akong masamid sa pagkakainom ko nang bigla n'ya iyong sabihin. Isinara ko ang tumbler nang matapos ako sa pag-inom bago siya sinamaan ng tingin.

"Pwede ba... kung mang-aaya ka ng date, 'wag biglaan! Paano kung kumakain ako, edi nabulonan na ako? Paano kung may bitbit akong mabibigat na gamit, edi natapilok na ako? Paano kung-"

"Am I asking you for a date?" he cut me.

Umirap ako bago inihagis sa kan'ya ang tumbler. Shit! This was so embarrassing! Bakit naman kasi 'yon agad ang conclusion ko?! Shit! Oo nga pala, bakit n'ya ako yayayain ng date kung may kahalikan s'yang iba? Bakit hindi ko naisip 'yon? I'm still drunk!


"Hindi! Hindi ako free!" singhal ko at padabog na lumabas ng kotse n'ya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 28.8K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
2K 52 6
You are part of the Wishbone family you. And one day your mother Emma decided to take the family to a monster costume party. and you and your fmily...
26.5K 1.2K 16
My therapist says I have an obsessive disorder. I say, what could I do when she is so fucking alluring? The last 8 years I helped her achive everyth...
758 144 61
Zyn's journey continues. He has left the safety of school to set out to find the remaining legendary dragons. With hm he has taken his loyal friends...