Chapter 1

332 65 67
                                    

Kabanata 1

Natitipuan



Three... two... one...


"Okay, that's all for today. Class dismiss."


Kaagad kong isinabit sa balikat ko ang shoulder bag bago dali-daling lumabas ng room namin.


"Lancy!" tawag ng isa kong kaklase na lalaki.


Kumaway ito sa akin kaya kinawayan ko rin sya. Pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.


"Nagmamadali ka yata, ah? Sa'n punta mo?" tanong ng isa pang lalaki na schoolmate ko naman. One year ahead sa akin.

"Ah, may bibisitahin lang!" pasigaw kong sagot sa kanya dahil malayo na sya sa akin dahil ang bilis-bilis kong tumakbo.


Nakatingin pa rin sya sa akin at bahagya akong hinabol.


"Hatid na kita! Saan ba?" ani nya nang makasabay na ako sa pagkatakbo.

Apologetic akong ngumiti sa kanya saka sumagot, "Pasensya na, Gian. Nandiyan si Tatay Jun eh. Siya 'yung kasama ko." ani ko.

Nakita kong natigilan sya pero unti-unting tumango bago nya ako nginitian at nagpaalam na kalaunan.

"'Tay Jun! Tara na po," nagmamadali kong sabi at pumasok na ng van namin.

"Basta talaga Biyernes ay nagmamadali ka lagi, ah?"


Tinignan ko ang lalaking sumilip sa bintana ng van namin saka sya inirapan.


"E 'di gayahin mo 'ko." ani ko at nginisihan sya.


Pagkatapos nun ay nagsimula nang magdrive si tatay Jun papunta sa isang school na may pagkalayo rin mula rito sa school na pinapasukan ko.


"Hintayin niyo lang ako, 'tay Jun. 'Wag kayong magsumbong kay daddy, ah?"


Naku 'pag nalaman ni daddy na pumupunta ako sa ibang school ay siguradong papagalitan nya ako. Ayoko nun. Kaya kinukontyaba ko si tatay Jun para hindi magsumbong. Partner-in-crime ko 'yang driver namin eh.

Nang makita ko ang kakilala ko ay kaagad ko itong tinawag.


"Marya!" tawag ko dito.

Lumingon ito sa akin at kaagad akong nginitian.


"Uy, Lancy! May sulat kang dala? I expect na dalawa 'yan kasi hindi ka nakapunta dito nung biyernes eh." ani nya.

Kinuha ko iyong dalawang sobre na kulay pink sa shoulder bag ko at inilahad ito sa kanya na kaagad nyang tinanggap.

"Dalawa 'yan, Marya. Ihulog mo sa locker niya gaya ng lagi mong ginagawa." excited kong sabi.

Tinignan nya iyong mga sobre ko saka inilagay sa handbag nya saka ako nginitian.

"Okay na okay!"


Tumango ako bilang pagsasabi na may tiwala ako sa kanya.

Siya si Marya Diliman. Magkaklase sila ni JKL kaya siya ang lagi kong inuutosan na ilagay ang mga sulat ko sa locker ng crush ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid upang tignan kung nasa paligid ba si JKL. Kapag pumupunta ako dito sa paaralan na pinapasukan nya ay lagi akong naeexcite at nangangamba na baka makita nya ako. Hindi ko alam ang gagawin 'pag nangyari iyon kaya doble ingat ang ginagawa ko.


"Ah, Marya, salamat pero kailangan ko nang umalis. Ihulog mo a?" paninigurado kong sabi.


Tumango-tango naman sya at nag-okay sign. Pagkatapos ay dali-dali akong umalis sa school na iyon.


Tame That Beast (Serie De Amor #1)Where stories live. Discover now