Chapter 36

111 9 49
                                    

Warning: SPG. Read at your own risk.

—————————————————

Kabanata 36

Ang Suite



Kinabukasan ay nagising ako nang maramdaman ang mainit na liwanag ng araw na dumadampi sa pisngi ko.

Dumapo ang paningin ko sa buong silid nang ma-realize na wala ako sa kwarto ko. Isa lang naman ang alam kong kwarto na may kaharap na malaking picture sa harap ng kama and... it's Jared's room.

"Wait, tito..."

Napatingin ako sa pintuan nang pumasok doon si Jared na naka-white sleeveless shirt at naka-itim na shorts at may cellphone sa tainga niya.

Umupo ako sa kama nang maglakad siya palapit sa akin.

"Sino?" mahina kong tanong.

Inilahad niya ang cellphone niya sa akin at kaagad ko naman iyong tinanggap. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ng caller sa cellphone niya. 'Tito Nickel' ang naka-register. Hindi ko napigilan ang mangamba nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.


"Is she still asleep, Jared? Kung tulog pa siya ay 'wag mo munang gisingin. Tatawagan ko na lang siya mamaya. I'm sure her mother will scold her right away." seryosong sabi ni Dad.

I swallowed hard before I talked, "Dad... It's me," utas ko, nangangamba.

Narinig kong suminghap siya mula sa kabilang linya at naging triple ang kaba ko nang marinig ang takong na naglalakad papalapit.


"Sapphire! Who gave you the permission to sneak out late at night!? Your father and I, didn't taught you to sleep over in someone else's house! Lalong-lalo nang sa bahay ng lalaki!--Honey, calm down--No, Nickel Jay! Umuwi ka agad, Lancy or else!" sabay putol ng kabilang linya.


Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago sinamaan ng tingin si Jared. Tumayo ako mula pagkakaupo sa kama niya saka siya hinampas sa dibdib n'ya.


"Why didn't you woke me up?!" inis kong singhal sa kaniya.

Kinuha niya ang cellphone niya sa kamay ko bago ako pinagkibitan ng balikat.


"You're peacefully sleeping beside me, Miss. I woke you up. It's not my fault if you don't want to wake up. Besides, you're holding my hand tight last night." malamig niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay bago nagkibit-balikat.

"Hindi kita hinawakan ah! Kapal mo!" singhal ko kahit na totoo naman ang sinabi niya.


Inalagaan ko kaya siya kagabi. Pinunasan ko ang buong mukha niya pati na mga braso't kamay. Nilagyan ko rin ng bimpo ang noo niya para hindi siya lagnatin. Pagkatapos no'n ay umupo ako sa tabi niya habang siya ay natutulog na nang mahimbing sa sofa. Saka hindi ko naman kasalanan na ayaw niyang pakawalan ang kamay ko. Siya kaya ang humawak no'n.

Narinig ko ang pagtunog ng labi niya hanggang sa nakita ko ang multo ng ngiti doon.

"Let's not fight. Kailangan mo munang kumain and then, ihahatid kita pauwi." aniya at hinila na ako palabas ng kwarto niya.

Hindi na ako nagprotesta at sumunod na lang sa kan'ya. Hanggang sa makababa kami ng hagdan ay naamoy ko agad ang bacon at pritong itlog. Napangiti ako nang makarating na kami sa dining area. Hindi nga ako nagkamali kasi may mga pagkaing nakahain na sa mesa niya gaya ng itlog, bacon, at pork ham saka kanin.


Tame That Beast (Serie De Amor #1)Where stories live. Discover now