Chapter 33

95 14 54
                                    

Kabanata 33

Hindi Free

"Next month is the real schedule of your taping kaya kailangan ay magpakulay ka na ng buhok mo. You are a pure-Filipino in this movie and you are just living as a simple girl. Kapag Pinay, black 'yong buhok. Hindi ka naman nakatira malapit sa dagat sa role mo kaya walang eksplanasyon kung hindi ka magpapakulay."

Kinuha ko 'yong tubig na inilalahad ni Honeylyn saka iyon ininom.

"You know how much I love my blonde hair but if it's for the movie, then, okay. Just make sure that the hair dye is original o kahit hindi basta iyong safe. I don't want my hair to get damages." ani ko at humalukipkip.

"Okay, sasamahan kita next week sa salon para sigurado." sabi n'ya na ikinatango ko na lang, "Pwede ka nang umuwi kapag wala ka nang gagawin. Susunduin ko pa si Cloud sa school nila." aniya at umakyat na ng hagdanan.

Tumayo ako bago dumiretso sa garden nila kung saan nadatnan ko si Aling Losing na dinidiligan ang mga halaman.


"Uuwi ka na ba?" bungad n'ya saka inilagay ang water sprinkler sa gilid.

Tumango ako, "Opo, eh. Magpapahinga po muna ako sa bahay." magalang kong sabi.

Tumango rin naman s'ya.

"Oh, sige. Balik ka dito sa susunod para makapagluto naman ako ng masarap na pagkain." saka s'ya ngumiti.

"Yes, po. Ikamusta n'yo na lang po ako kay baby Cloud."

"Ay, naku, hija! 'Wag mong hahayaang marinig ka ng batang 'yon na tinatawag mo pa rin s'yang 'baby'! Ayaw na ayaw n'ya nang gano'n."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Aling Losing. Maya-maya ay napagdesisyonan ko nang umuwi pero nasa gate pa lang ako nang madatnan ko ang isang bata na may kasamang lalaking naka-white button-down shirt at naka-itim na pantalon.

Napataas ang kilay ko nang kaagad akong kawayan ng lalaki.

"Hi, babe!" sigaw n'ya.

Inirapan ko lang s'ya bago nilapitan si Cloud na nakakunot ang noo.

"Baby Cloud!" masaya kong sambit nang makalapit na.

Medyo napaatras ako nang mas lumapit pa s'ya sa akin. Oo nga pala! Ayaw n'ya palang tinatawag na baby! Akala ko ay aawayin n'ya ako o ano pero nagulat na lang ako nang yumakap s'ya bigla sa akin.

Niyakap ko rin s'ya pabalik.

Hindi gaya no'n na seven years old lang s'ya at medyo maliit pa. Ngayon naman ay nasa twelve na ata s'ya at medyo tumangkad na s'ya kaya taga-baywang ko na s'ya.

"Parang anak, ah!"

Sinamaan ko agad ng tingin si Vernon nang umepal s'ya bigla pero inirapan n'ya lang din ako. Umiling na lang ako bago kumalas sa yakap ni Cloud.

Medyo nag-bend ako ng kaunti bago kinurot sa ilong si Cloud.

"Ang laki-laki mo na, baby Cloud, ah! At syempre... sobrang gwapo na!" nanggigigil kong sambit.

Napatigil naman ako nang mag-bend rin si Vernon at inilapit ang mukha sa kamay ko.

"Baby-hin mo rin ako, please..." aniya pero imbis na kurutin ko rin ang ilong n'ya ay sinampal ko ang mukha n'ya.

Hindi naman malakas ang pagkakasampal ko pero talagang nag-iinarte lang. Hinaplos-haplos n'ya ang pisngi n'ya kaya napailing ako at nagkibit-balikat bago tumayo nang tuwid.

Tame That Beast (Serie De Amor #1)Where stories live. Discover now