Chapter 23

107 20 103
                                    

Kabanata 23

Still him

"Nakapag-usap na ba kayo ni Jared kahapon, baby?"

Kinagat ko ang steak na kinakain bago umiling.

Nandito kami sa condo unit ko kasama si mommy at tita. Gusto nga sana nilang sa restaurant na lang kumain pero nagpumilit ako na dito na lang sa condo ko. Si mommy at tita ang nagluto ng mga Western foods kasi sila ang may alam. Kahit na si dad ang kapatid ni tita ay mas close sila ni mommy.

"Why? I gave you time to talked about things you must know pero... You haven't talk yet?" kunot-noong ani ni daddy.

Suminghap ako, "Hindi na lang ako nagtanong, baka hindi niya rin sabihin." ani ko at uminom ng tubig.

Sabay kaming napatingin ni dad kay mommy nang bigla itong tumikhim. Naabutan ko ang nakataas nitong kilay.

"Why is it important that our daughter and that singer must talk? It's his private life. He isn't part of this family, so, we must not talk about him." pormal na sabi ni mommy na ginamit na naman ang Aussie accent niya.

Napatingin na lang ako kay daddy at ngumiti ng tipid.

Yeah, I guess... Hindi ko na dapat pang tanungin si Jared kung bakit siya lumipat sa Norway. Maybe it's really because of his ill grandmother, so... that's it. Iyon na lang ang iisipin ko. Besides, narinig ko kay dad kanina na nag-aaral pa rin naman siya kaya okay na 'yon. At least ay may diploma siya.

Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng palabas sa isang sikat na channel dito sa America. Kasalukuyan nitong fine-feature ang tungkol sa nalalapit na world of art competition.

"Your painting is really good, Lancy kaya hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin ako na hindi ikaw ang nanalo." ani tita na bahagyang pinisil ang palad ko.

Ngumiti ako at umiling.

"Lysian deserves it naman, tita. Her painting is truly a masterpiece. Let's just be happy about it." ani ko na lang at nanood ulit ng TV.

"Okay, pero nilalamig ka ba? Bakit balot na balot 'yang leeg mo?" kuryos niyang tanong na nakapagpakaba sa 'kin.

Darn! Nag-effort pa ako na magsuot ng maroon turtle neck jacket para lang matakpan ang tatlong hickeys na iniwan ni Jared sa leeg ko! That beast!

Napatingin naman ako kay daddy at mommy na biglang tumabi sa akin kaya wala nang nagawa si tita kundi ang lumipat sa kabilang sofa. Tinitigan ko siya at bahagyang sumimangot. Ngumiti lang siya at nagkibit-balikat.


"Our dear daughter have really changed into a better version of her, Nickel Jay. I am so proud..." ani mommy at hinaplos ang buhok ko.

"How can you say that I've changed, mom?" ani ko at nagugulohan.

I know that I've became more prim and proper than before but I want to hear it from her and my father. They're the reason why I want to change into a better me. They're my inspiration... and I want to be like them.

"It's because you're not that spoiled brat from before... You became prim as me and proper like your father." aniya at ngumiti.

Sumiksik ako sa braso ni dad at niyakap rin si mommy.

"It's because of you two, Dad and Mom... I want to be like you." ani ko at ngumiti.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni daddy bago yinakap si mommy nang mahigpit. Naiipit na ako sa gitna nilang dalawa pero wala akong pakialam. I am happy that I have a family like them... and I hope this will last forever.

Tame That Beast (Serie De Amor #1)Where stories live. Discover now