Chapter 16

108 25 111
                                    

Kabanata 16

Pinakamasakit


Muntik na talaga akong sumuko. Kunting-kunti nalang talaga at susuko na ako sa pagkakagusto sa halimaw na si Jared. I really hate him! Masyado syang cold. Kahit sa salita man o sa personalidad nya, talagang malamig siya. Kulang nalang ay thick jacket at feel at Iceland na talaga ako lagi kapag kasama sya. Ayoko nang magkagusto sa katulad nya. Masyadong masakit. Susuko na talaga ako.

Napairap ako sa kawalan. Suminghap ako ng ilang beses bago pumangalumbaba sa sariling desk.

Who am I kidding? Me, myself, and I.

"Oh? Ba't parang ang bigat ng problema mo diyan? What's wrong? Tell me,"

Tinitigan ko si Gian na nasa harap ko nakaupo at nakataas ang kanang kilay.

Itong si Gian... palaging pumupunta sa room namin. Kahit na ang layo ng Business-Ad building sa Fine Arts building ay talagang hindi sya napapagod na puntahan ako. Wala naman syang ginagawa kundi ang makipagdaldalan at magkwento ng kahit na ano kahit na minsan ay tinatanguan ko nalang.



Bumuntong-hininga ako saka nagkibit ng balikat.


"Wala... bumalik ka na nga sa building niyo. Almost one P.M. na oh!" ani ko at ipinakita ang wrist watch.

Inayos nya ang suot-suot na uniporme bago tumayo.

"Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap."


Hindi na nya ako hinintay na makasagot. Lumabas kaagad sya ng room namin. Sakto namang pumasok si Fern sa kabilang pinto. Kagagaling lang nya sa cafeteria para kumain.


"Nakabusangot na naman 'yang maganda mong mukha, Lancy. Anong problema?" tanong nya at bahagya pang hinawakan ang chin ko.

Ngumuso ako.

"Do I really look like a problematic person now, Fern? Tinanong din ako ni Gian kung ano ang problema ko." mahina kong sabi.

Umupo sya sa tabi ko saka may kinuha sa bulsa nya. Inilahad nya sa akin ang isang piece ng chocolate.

"Hindi naman masyado. Kumain ka muna ng tsokolate baka sakaling masarapan ka at mapangiti din."


Kinuha ko iyong chocolate sa kamay nya saka kaagad na kinain.



Mabilis lumipas ang araw. Magja-january na pero wala paring pinagbago ang takbo ng buhay ko. Hindi ko pa nasasabi kay mommy ang tungkol sa pag-aartista ko. Lagi akong tinatanong ni daddy na kailan ko raw ba sasabihin, sinasagot ko nalang na 'sa tamang oras na'.

Hapon ng biyernes ay kaagad kong kinalabit si Fern na naghihintay ng sundo.


"Mami-miss kita..." malungkot kong sabi saka niyakap sya.


Nang kumalas ako sa yakap ay kinunotan nya ako ng noo at inusisa ang buong mukha ko. Mula noo, leeg at ulo. Inusisa nya rin ng tingin ang buong katawan ko.


"May sakit ka ba?" aniya.

Inirapan ko sya, "Of course not! Mukha ba akong may sakit?" sarkastikong ani ko.

Tumango-tango sya bago nagkibit nf balikat.

"Eh bakit ka nagiging sweet? At bigla-bigla ka nalang nangyayakap tapos sasabihin mong 'mami-miss kita'." ginaya nya pa ang tono ng boses ko kanina.

Hinampas ko ang braso nya.

"Wala!" ani ko.


Magsasalita pa sana ulit sya nang dumating na ang kotse na laging humahatid-sundo sa kanya kaya wala na syang nagawa kundi magpaalam.


Tame That Beast (Serie De Amor #1)Where stories live. Discover now