Chapter 6

141 36 50
                                    

Kabanata 6

Falling hard


"I will be fetching you on Monday, Lancy. Sorry to disappoint you..."

For the nth time, inulit ko na naman sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Jared nung biyernes.

I swear! I'm gonna go mad right now! Masyadong nakakapagpaggiba ng sistema ang sinabi nyang iyon sa akin!

Like, bakit nya ako susunduin? Ayaw nya ba na sunduin ako ni Gian o ng kung sino man? Bakit? Nagseselos ba sya? Damn! Selos? Niwala nga iyong pake sa akin eh! Selos pa kaya? Siguro ay naaapakan lang ang ego nya kaya nya iyon sinabi.


Tumango-tango ako bago huminga nang malalim.

I'm not gonna lie. Namulat nalang ako isang araw na gusto ko na si Jared. My reason is because he's cold, passionate, mysterious, and an unreadable beast. Why did I called him a beast? Because he is indeed a beast! Halimaw lang ang nakakapaggiba ng sistema ng isang tao. Halimaw lang ang nakakapagpabuhay ng mga namatay na mga kulisap at iyon ay ang nagagawa nya palagi.


True enough. Nang dumating ang lunes ng hapon ay nalaglag ang panga ko nang makita sya na nakasandal sa pulang Toyota nya. May shades sa mata at nakasuot ng stripe longsleeve na maraming butones. Nasa bulsa ng kanyang jeans ang mga kamay nya.

Halos hindi ko na napigilan ang malaglag ang panga habang pinagmamasdan ang kabuoan nya. Am I not dreaming? Really?!


Napatikhim ako nang bigla nyang tinanggal ang shades sa mata saka ako kinunotan ng noo.

Unti-unti akong lumapit sa kanya saka nginitian ko sya.


"Ang aga yata ng sundo ko?" ani ko, natatawa.

"Stop." malamig nyang sabi.


Napairap nalang ako bago pumasok sa kotse nya. Kakatapos ko lang magsuot ng seatbelt ay kaagad rin syang pumasok sa sasakyan saka pinaharurot rin agad-agad ang kotse nya.

Huminto ang sasakyan nya saglit dahil medyo traffic din.


I sighed bago tumingin sa kanya, "Sundo lang ba talaga ang kaya mong ibigay sa'kin?" ani ko.

Sinulyapan nya ako saglit at kaagad ding ibinalik ang tingin sa kalsada, "That's all I can give." malamig nyang sagot.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi, "Kahit dinner lang?"


Oo, desperada ako. Dinner lang naman eh. Walang masama doon saka... I'm not asking too much, right?


Kumuyom ang panga nya bago ako sinagot, "You tell me first... why did you stop writing love letters for me?"


Nag-iwas ako ng tingin. Darn! Umingit ang pisngi ko dahil sa sinabi nyang iyon! Nabubuhay na naman ang mga kulisap sa tiyan at hindi ko na alam kung paano ko sila mapipigilan!

Tama sya. Huminto na talaga ako sa paggawa ng love letter sa kanya magmula nung maging substitute ako sa volleyball sa team nina Marya. Hindi ko alam ano ang dahilan pero huminto na lang ako ng kusa. Maybe I was disappointed? Because he doesn't read my letters. He just read Honeylyn's letters and that... hurts.

Suminghap ako.

"Hindi ka na naman nag-aaral kaya wala na akong rason pa para bigyan ka nun saka... hindi mo naman binabasa." ani ko.

Tinitigan ko nalang ang mga nadadaanang gusali mula sa labas ng bintana ng kotse. Hindi na traffic kaya umandar na ulit ang kotse.

"Binabasa ko. Hindi ko lang tinatapos." sagot nya.

Tame That Beast (Serie De Amor #1)Where stories live. Discover now