Tame That Beast (Serie De Amo...

By Brave_Feather

6.6K 1.2K 2.9K

Having a wealthy family has it's perks. One of those is confident. When a Cordova became confident, she think... More

TAME THAT BEAST
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 31

100 16 49
By Brave_Feather

Kabanata 31

Friend

Nanlumo ako nang makita ang isang babaeng nakahandusay na ngayon sa sahig. Gutay-gutay na ang dress na suot-suot sa upper part. Halos hindi ko na siya makilala dulot ng mga pasa sa mukha niya at mayroon din sa braso. Magulo na rin ang buhok niya.

"Lysian!" sigaw ko at kaagad siyang nilapitan.

Nakapikit ang mga mata niya at tila hinang-hina na. Parang pumutok rin ang labi niya dahil namamaga na. Tinampal-tampal ko ang pisngi niya nang mahina upang magising siya.

"Lysian! Wake up!" sigaw ko sa kan'ya.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang gumalaw siya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Nang makita niya ako ay kaagad n'yang sinubokan na makaupo man lang pero hindi niya magawa.

"Dahan-dahan lang..." mahina kong sambit at tinulongan siyang umupo.

Hinawakan ko ang braso niya para makagalaw at nang makaupo na siya at pinasandal ko siya sa wall ng kwarto.

Walang mga couch, sofa, kama, o kahit na anong mga gamit dito sa loob ng kwarto. Tanging plain red lang ang lahat ng kulay at tanging dingding lang ang pwedeng masandalan.

"W-What are y-you d-doing h-here..." nanghihina niyang utas.

Tumayo ako at hinubad ang suot-suot na denim jacket. Buti na lang at naka-jacket ako ngayon. Nang maihubad ko na iyon ay kaagad ko iyong ibinalot sa katawan niya.

Ang tanging natitirang saplot na lang sa akin ay fitted-sando na kulay puti at comfortable jeans na kulay black.

Nagpilit ng ngiti si Lysian bago nagsalita.

"T-Thank y-you..." nanghihina pa rin siya.

Umiling ako, "Sshh... Don't force yourself to talk. Ang dami mong pasa-I mean, you have bruises and wounds." ani ko at ngumiti.

Napaayos ako sa tayo nang marinig na bumukas ang pintuan.

Itinaas ko ang kilay ko bago binalingan ng tingin ang lalaking mid-30's na pumasok. Naka-office suit ito at nakapamulsa sa slacks niya. Kahit na nanginginig ako dala ng takot kung ano man ang gawin niya sa akin ay nakuha ko pang mamulsa at ngumisi.

"You are really something, Mr. Trinidad." nakangising sambit ko.

May pumasok na isang lalaking may takip ang buong mukha na may dala-dalang isang monoblock chair. Inilapag niya iyon sa kinatatayuan ni Mr. Trinidad bago lumabas. Napairap ako sa hangin nang umupo agad s'ya doon.

"What do you need? Ano ang kailangan mo na kailangan mo pang gawin 'to? You dare hit my friend! You're evil! Well, I'm not startled... Rumors were definitely right. You are really a jerk and a nympho guy. You should rot in hell!" inis kong sigaw.

I don't know if I said something wrong or what na maging dahilan para tumawa s'ya nang malakas. Napairap ulit ako.

"You're a total lunatic. I don't know how you've managed your trash company to reach the top list... Well, maybe because you manipulated everything. You've used your force and oh, I forgot, you are also ferocious towards your calendar girl models." sabay paikot ko ng mga mata.

Imbes na mainsulto siya sa sinabi ko ay tumawa ulit siya nang tumawa. Nagkibit-balikat na lang ako habang pinagmamasdan siyang nababaliw. I have never expected that I would witness such a show.

Nang humupa na ang tawa niya ay pumalakpak siya. Hindi ko alam kung para saan iyon pero nang pumasok ang mga tauhan niya ay naintindihan ko na. That's it? The signal?

Tumayo si Mr. Trinidad nang maibigay na sa kan'ya ng isa n'yang tauhan ang isang clear folder na pamilyar sa akin. The contract.

"Don't you dare!" banta ko nang humakbang siya palapit sa akin.

Tumigil rin naman siya kaagad sabay taas ng mga kamay niya sa ere.

"Okay, fine, fine. I'll stay here. Read this," sabay hagis niya sa paanan ko ng clear folder.

Hindi ko iyon kinuha. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay. Anong tingin niya sa akin? Uto-uto? Ghad! Kahit kailan ay hindi pa ako nagpauto sa kahit na sino! Let alone him!

Napansin ko ang pang-iigting ng panga niya sabay taas niya ng kilay at pumalakpak ulit. Napaatras ako nang pumasok na naman ang dalawang tauhan niya na nakatakip ang mga mukha. Nakaramdam ako ng kaba nang makitang dumiretso sila kung nasaan si Lysian.

"Let go of her!" inis kong sigaw sa kanila nang hawakan nila si Lysian sa magkabilang-braso.

Hindi sila nakinig. Patuloy lang nilang hinawakan ang kaibigan ko hanggang sa naglabas ng baril ang isang tauhan na nakahawak kay Lysian. Napakagat ako sa labi ko at sinamaan ng tingin si Mr. Trinidad na tuwang-tuwa sa nangyayari.

"Ano ba talagang problema mo?! Bakit ako 'yong gusto mong kuhanin bilang calendar girl of the year? Dinamay mo pa ang kaibigan ko! Huh?! Bakit hindi 'yong ibang artista o modelo? Marami naman diyang malakas ang karisma! Maraming sexy! Maraming magaganda! Marami diyan! Bakit ako pa? Kung ayaw ko, ayoko ko talaga! Hindi ako napipilit!" nanggagalaiti kong sigaw.

Umupo uli siya sa monoblock na inuupoan niya kanina saka nagkibit ng balikat.

"Ang dami mong satsat. Pero okay lang naman. Maganda ka at syempre," napayakap ako sa sarili ko nang tingnan niya ang katawan ko, "...masarap." aniya at humalakhak.

Inis na inis kong kinuha ang clear folder sa paanan ko at ibabato na sana iyon sa kan'ya nang magsalita ulit siya.

"Isa lang naman ang gusto-este, dalawa pala. Be the calendar girl of the year and be my girlfriend... Or else, pasasabugin ko ang ulo n'yang kaibigan mo." aniya.

Sa totoo lang, gusto ko nang tumakbo dahil sa takot pero hindi ko iyon pinansin. I can't act coward here. No one can force me in something. Hindi ako papayag na magtagumpay 'yang manyakis na 'yan.

"Fine!" ani ko at binuksan ang clear folder.

Kinuha ko sa gilid ng folder ang gel pen saka dumiretso sa last page ng kontrata.

Ngumisi ako, "Oh! Kainin mo!" sabay bato ko sa kan'ya no'n pabalik.

Nasalo niya iyon pero hindi kaagad tinignan.

"Are you sure that you don't want to read the terms and conditions first?" nakangising sambit niya.

Nagtaas ako ng kilay at namaywang, "Well, it's not necessary, right?" sabay paikot ko ng mga mata.

Tinapunan ko ng tingin ang mga tauhan na nakahawak kay Lysian saka sila sinamaan ng tingin.

"Tapos na, hindi ba? I already signed the contract! Layuan niyo na ang kaibigan ko!" inis kong sambit.

Sumunod naman kaagad sila at inalalayan pa nilang umupo ulit ang kaibigan kong nanghihina pa rin. Napailing ako habang sinusundan sila ng tingin na makalabas ng pinto. Mga jackass!

"Pinagloloko mo ba ako, Lancy?"

Kaagad kong tinapunan ng tingin si Mr. Trinidad na mariing nakatingin sa akin. Halos mapunit na ang kontratang hawak-hawak n'ya dahil sa panggagalaiti. Hindi ko iyon pinansin.

I mockingly laughed, "Laughing my ass off, Mr. Trinidad!" sabay tawa ko.

Tuluyan na niyang napunit ang kontrata. Isa-isa n'ya iyong tinapon sa gilid niya sabay tingin sa akin. Gamit ang nakakamatay n'yang titig.

"Ang akala ko ba ay pinirmahan mo na? Why did you put a big 'NO' above your name?!" inis niyang utas.

Kinunot ko ang noo ko, "Oh? May problema ka ba sa signature ko, Mr. Trinidad? That's my signature! Bakit gan'yan ka kung makapag-react?" sabay tawa ko ulit.

Humakbang siya palapit sa akin kaya umatras ako. Ramdam na ramdam ko na ang sobrang pangangamba sa anuman ang kaya n'yang gawin sa akin pero in some case, I'm sure that I won't die here. With the help of my best friend... Gian.

Nang dalawang hakbang na lang ang layo niya sa akin ay inilabas ko ang cellphone ko sa purse. Ipinakita ko iyon sa kan'ya saka nginusoan s'ya.

"Oww... How sad, Mr. Trinidad. My friend will arrive any minute from now... with... the cops." ani ko at ngumisi.

Hindi man lang siya natinag. Humakbang pa siya palapit sa akin at nang akmang hahawakan na niya ako ay bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang isang lalaking naka-leather jacket na pinaresan ng white t-shirt na fit sa katawan niya na pinaresan n'ya ng black jeans at simpleng puting rubber shoes na may malaking tsek sa gilid. Kasabay ng pagtagpo ng mga tingin namin ay s'yang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nagkagat ako ng labi bago nag-iwas ng tingin.

"Lancy!"

Kaagad kong tinignan si Gian na kakarating lang. Nasa likuran siya ni Jared na namumula ang tainga at leeg.

Kumunot ang noo ko nang kaagad niyang sinugod si Mr. Trinidad ng malakas na suntok. Humilata naman agad ito sa sahig sabay hawak nito sa sariling labi.

Bumaling ng tingin sa akin si Jared at nagkagat siya ng labi bago hinubad ang leather jacket na suot-suot n'ya.

Ibinalot n'ya iyon sa katawan ko sabay haplos niya sa buhok ko. Napakagat naman ako sa labi nang maramdaman ang mga paru-paro na nagwawala na naman sa loob ng tiyan ko.

"Are you alright?" aniya na mahahalatang nag-aalala nga.

Tumango ako at inayos ang jacket n'ya sa pagkakasuot sa katawan ko.

"Bakit ka kasi pumunta nang mag-isa dito?!" mula sa nag-aalala ay naging galit ang boses n'ya kaya napatungo ako.

"Mr. Tuazon, you're scaring my girlfriend. You shouldn't do-"

Hindi hinayaan ni Jared na matapos si Mr. Trinidad sa kan'yang sinasabi. Sinuntok niya ulit ito at akmang susugurin ulit nang nagsidatingan ang mga pulis at pinigilan na siya.

"TANGINA MO!" sigaw niya kay Mr. Trinidad na dinampot na ng kapulisan.

Lalapit na sana siya sa akin nang biglang tumakbo si Lysian papunta sa kan'ya at niyakap kaagad s'ya nito nang mahigpit.

Nag-iwas ako ng tingin sabay kagat sa pang-ibabang labi ko. Damn! Nihindi man lang siya nagalit na niyakap siya ni Lysian. Ako sana 'yong kayakap n'ya ngayon eh. Hindi sana si Lysian.

"Lancy!" kaagad akong niyakap ni Gian nang mahigpit at pagkatapos no'n ay hinawakan n'ya ang magkabilang-balikat ko, "Are you okay? May sugat ka ba? Hinawakan ka ba ng lalaking 'yon o sinaktan? Ano pa ang ginawa sa'yo no'n at bubugbugin ko talaga-"

Napangiti ako sabay tampal sa braso niya.

"Ang OA mo! Okay lang ako. Hahayaan ko bang may humawak sa akin? Kilala mo ako... Hindi ako nagpapaapak sa kahit na sino." sabay ngiti ko ulit.

Huminga naman nang maluwas si Gian bago kinurot ang cheeks ko. Sinulyapan ko si Jared na yakap-yakap pa rin ni Lysian. Hindi siya yumayakap pabalik at nasa akin lang ang tingin n'ya. Madilim ang mga mata n'ya at hindi ko alam kung ano na naman ang nasa isip n'ya. Mysterious talaga siya kahit kailan.

Sumabay ako kay Gian pauwi. Panay pa rin ang tingin n'ya sa mga braso ko habang nagda-drive siya. Kada-minuto siguro ay sampung beses niya akong sinusulyapan. Napailing na lang ako dahil sa akto niya.

"Gusto mo bang mamasyal muna?" mahinang sambit n'ya habang nagda-drive.

Tumango ako at ngumiti.

Ilang minuto ang lumipas ay huminto ang sasakyan n'ya sa harap ng dagat kaya kaagad akong bumaba doon at sumalubong sa akin ang preskong hangin ng kadiliman.

Ngumiti ako at nauna nang maglakad-lakad sa dalampasigan. Naririnig ko naman ang yapak n'ya sa likuran ko.

Tinignan ko s'ya at nginitian.

"Thank you kasi sinagot mo ang tawag ko sa 'yo kanina. Maaasahan ka talaga." sabi ko at umangkla sa braso niya.

Napakamot s'ya sa batok sabay ngiti.

"Basta ikaw..." aniya.

Bahagya kong tinampal ang braso n'ya saka humagikgik.

"Eyysus! Corny mo!" ani ko at nauna na sa kaniyang maglakad.

Ilang minuto ng katahimikan ang namuo sa pagitan namin. Umupo ako sa buhangin. Umupo rin naman s'ya sa tabi ko. Tumingala ako sabay ngiti at tinitigan ang mga bituin at buwan na s'yang nagbibigay-ilaw sa kapaligiran.

"Lancy... Gusto mo bang malaman kung ano dapat ang sasabihin ko sa 'yo no'ng birthday ko?"

Napatingin ako sa kan'ya at napawi ang mga ngiti sa labi.

Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingala rin siya sa kalangitan kaya tumingala ulit ako.

"Alam ko, sinabi ni tita Yvonna. Sorry kasi nagsinungaling ako sa 'yo na masakit ang ulo ko at kailangan ko nang umuwi. Gusto ko lang naman na hindi ka mapahiya sa harap ng mga bisita mo. Alam ko ang kahalagahan ng dignidad kaya ayokong mawala iyon sa 'yo kung sakaling napahiya nga kita. Sorry," sabi ko.

Bumuntong-hininga siya.

"Actually, you did the right thing kasi kung nangyari man iyon... mapipilitan kang payagan ako na manligaw sa 'yo... mapipilitan kang maging mabait sa akin kahit na hindi mo naman gustong manligaw ako sa 'yo. Thank you for doing the right thing... Gusto ko lang sabihin na hindi nagbago ang nararamdaman ko sa 'yo, mula noon hanggang ngayon ay mahal pa rin kita..."

"Gian-" hindi niya ako pinatapos.

"It's okay, Lancy. It's better na kaibigan na lang talaga tayo. Mas maganda iyon. Hindi tayo maiilang sa isa't-isa... Hindi tayo mag-aaway. Don't worry, kilala mo naman ako... Ayokong napipilitan ka. Gusto kong masaya ka sa ginagawa mo o sa desisyon mo at alam ko kung sino ang taong makakapagpasaya sa 'yo."

Tumigil siya saglit at tinitigan ako. Namumuo na ang mga luha sa mga mata ko dahil sa lahat ng sinabi n'ya.

"Alam mo... Mahal ka ni Jared. Sobra. Alam ko ang mga tingin n'ya sa 'yo. Ang mga klase ng tingin na iyon ay naranasan ko na rin kaya sigurado akong mahal ka niya. Sinugod n'ya ako kanina sa bahay namin. Tinanong n'ya ako kung nasaan ka na. Hinahanap ka na raw ng lahat... ng agency mo, ng mommy at daddy mo, ng HK, lahat... Hinahanap ka pero alam kong siya ang pinakanangamba. Nang tumawag ka sa akin ay papaalis na sana siya no'n pero tinawag ko s'ya... Sabay kaming nakinig sa lahat simula una pa lang. Halatang-halata na sobra ang pag-aalala niya sa 'yo. Galit na galit rin s'ya kay Mr. Trinidad nang sabihin nitong 'at syempre masarap'... Muntik na niyang ihagis ang cellphone ko pero pinilit n'yang kumalma. Simula sapul, nag-aalala na s'ya sa 'yo. Full speed na nga siyang nag-drive papunta sa address ng bahay ni Mr. Trinidad kaya nauna siya sa akin ng dating... Okay na ako, Lancy. Handa na ako na mag-move on sa 'yo kung s'ya naman ang karapat-dapat, noon pa lang."

Nagsiunahan sa pagbagsak mula sa mga mata ko ang mga luha dahil sa lahat ng sinabi ni Gian. Ramdam na ramdam ko ang sobrang kasiyahan nang sabihin niya iyon lahat. Tears of joy na rin ang mga luha kong iyon.

Ngumiti ako at yinakap nang mahigpit si Gian.



"Thank you, Gian... For everything... You made me really happy... You are indeed my best friend..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 28.8K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
2K 52 6
You are part of the Wishbone family you. And one day your mother Emma decided to take the family to a monster costume party. and you and your fmily...
1.4M 20K 25
Katherine "Kit" Taylor has been making excuses for twelve years, but when she suddenly finds herself with a month free from work and her sister's wed...
2.1M 126K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...