Reina and The Queen of Maligo...

Galing kay LjGoldenpen

127 19 2

"Being betrayed gives more pain than being stolen." Si Reina ay isang Quera o reyna sa kaharian ng Agonia. A... Higit pa

The Map of Alynthi
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Special Chapter
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Epilogue

Chapter 15

0 0 0
Galing kay LjGoldenpen

"Sabi ko na nga ba! May binabalak 'yang punyetang Quera Violeta na 'yan!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia.

Nandito ngayon sina Clea Fortia at Clea Gia ngayon at nakaupo sa upuan rito ngayon sa bilog na mesa. Kasalukuyan silang nag-uusap habang ang ibang mga Clea, mga Cleo pati na rin sina Quero Kenneth at Quera Reina ay inaasikaso pa ang mga bisita.

"'Wag ka munang magbintang, Clea Gia. Lalo't wala kang sapt na ebidensya." Sabi ni Clea Fortia.

"Ewan ko sa inyo! Mga bulag! Bakit kaya kayo pa ang napiling mamumo sa kahariang 'to?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia.

Nag-aalab ang galit sa puso ni Clea Gia habang tumatatak pa rin sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Kasalukuyan niyang binalikan ang mga pangyayari kanina habang masamang nakatitig sa kawlan.

*FLASHBACK*

"Kapayapaan!" Nakangiting pagsigaw ni Quera Violeta saka itinaas ang kopa na may lamang alak.

"Kapayapaan!" Sigaw din naman nina Quera Reina at Quero Kenneth na sinabayan ng lahat saka itinaas rin ang kopa na may lamang alak.

Kaya naman ay agad nang nagsimulang uminom ang lahat nang biglang may sumigaw.

"Tigil!" Sigaw ng kung sino.

Kaya naman ay agad na napahinto ang lahat. Iinumin na sana nila ang alak nang may pumigil sa kanila. Agad na napatingin ang lahat sa pinagmulan ng isang pamilyar na boses.

"Heneral Eugenio." Pagtawag ni Quera Reina habang tila ba punong-puno ng pagtataka ang mata niya.

"'Wag nyong inumin 'yang alak! May lason 'yan ng Amapolla!" Sigaw ni Heneral Eugenio.

"Lason ng Amapolla?"

"Aba! Sinusubukan siguro tayong isahan!"

"Wala talagang maayos na security system ang ating kaharian kahit kailan!"

'Yan ang sigawan ng mga konseho at nagbubulungan naman ang mga ordinaryong mamamayan.

Dahan-dahan namang sabay na napatingin sina Quera Reins at Quero Kenneth kay Quera Violeta. Kaya naman ay agad na nanlaki ang mga mata ni Quera Violeta na para bang halos luluwa na ang kanyang nga mata mula sa kanyang katawan.

Nang tingnan ni Quera Violeta ang mga Clea at mga Cleo ay nakatingin na ito sa kanya ngayon nang may matalim na mga tingin. Nang tingnan naman niya ang kanyang mga Valle ay tila ba nanlalaki rin ang mga mata nito na tila ba hindi na alam ang susunod na gagawin.

"Tangina! Bistado tayo sa ating plano!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Valle Prospheta sa kanyang isip. Tila ba kinakausap niya ang kanyang mga kapwa Valle sa pamamagitan ng isip.

"May taksil dito!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Clea Gia habang nakatingin pa rin nang may mga matatalim na tingin kay Quera Violeta.

Kaya naman ay agad na tumayo si Quera Violeta.

"Totoo nga'ng may taksil dito!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Quera Violeta.

"Paiinumin nyo kami ng alak na may lason?! Ano 'to?! Ibig bang sabihin nito ay hindi kayo tapat sa pakikipagsundo sa Maligouania?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Quera Violeta.

Kaya naman ay agad na tumayo si Quero Kenneth.

"Ipagpaumanhin nyo po, Quera Violeta. Hindi po namin intensyon na lasunin kayo at ang mga bisita. Wala po'ng may gusto sa mga nangyari." Sabi ni Quero Kenneth.

"Oo nga po, Quera Violeta. 'Wag po kayong mag-alala dahil paiimbestigahan po namim ang nangyaring ito. Pananagutin po natin ang tao sa likod ng pangyayaring ito." Sabi rin naman ni Quera Reina na ngayon ay nakatayo na rin.

*END OF FLASHBACK*

Ngayon ay nandito na sina Quera Reina, Quero Kenneth, mga Clea, mga Cleo at si Quera Violeta sa bilog na mesa.

"Humihingi po talaga ako ng tawad, Quera Violeta." Sinserong sabi ni Quera Violeta.

"Siguraduhin nyo lang na sinsero 'yan at hindi na mauulit." Tugon ni Quera Violeta.

"Opo. Pinapangako po namin 'yan, mahal na Quera." Sabi rin naman ni Quero Kenneth.

"Hayaan nyo kaming imbestigahan ang buong pangyayari. Total ay nandito naman sa kaharian si Pinunong Shintou. May kapangyarihan siyang tingnan ang nangyari sa nakaraan." Nakangiting sabi ni Clea Gia habang may matatalim na tingin kay Quera Violeta.

"Oh? May kapangyarihan siya?" Tanong ni Quera Violeta at pagkatapos ay sunod-sunod na napalunok.

"Oo. Oh? Kinabahan ka ata, mahal na Quera?" Nakangiting tanong ni Clea Gia kay Quera Violeta.

"Kinakabahan? Hindi ah! Sa katunayan ay natutuwa nga akobat may kapangyarihan palang gano'n si Pinunong Shintou. Dahil malalaman natin agad kung sino ang salarin." Sabi ni Quera Violeta at pagkatapos ay nagpakawala ng isang pekeng ngiti.

"Valle Harmona. Gumawa ka ng paraan ngayon din!" Sigaw ni Quera Violeta tila ba kinakausap niya si Valle Harmona sa pamamagitan ng kanyang isip.

"Masusunod, mahal na Quera." 'yan ang narinig ni Quera Violeta na sagot ni Valle Harmona sa kanyang isip.

Nandito ngayon si Valle Shanta, Valle Harmona, Valle Sheba at Valle Prospheta ngayon sa loob ng kaharian ng Agonia. Nandito pa rin sila sa malaking espasyo kung saan ay medyo maayos na ang mga tao dahil sa ginawang pagpapakalma nina Quera Reina kanina.

"Anong sabi ng mahal na Quera?" Mahinang pagtatanong ni Valle Sheba kay Valle Harmona.

"Ipinarinig niya sa'kin ang pinag-usapan nila ngayon roonnsa bilog na mesa gamit ang kanyang isip. May pinapagawa siya sa'kin. Diyan lang kayo." Sabi ni Valle Harmona.

Pagkatapos ay agad siyang naglakad palayo sa gawi ng mga Valle. Makalipas ang ilang sandali ay nandito na siya ngayon sa malapit sa labasan ng kaharian kung saan ay wala mastadong mga kawal at tanging ang dalawang kawal lang ang nakabantay dito ngayon.

"Valle Harmona? Saan kayo pupunta? Bawal pa po kayong lumabas dahil isasagawa pa lamang ang imbestigayon." Sabi ng isang kawal.

Sa halip na sagutin ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Valle Harmona. Nang masigurado niyang walang nakakakita sa kanila ay agad niyang tinuro ang kanyang noo gamit ang kanyang hintuturo at gitnang daliri. Pagkatapos ay nang tinuro niya ang kanyang noo gamit ang kanyang kanang kamay ay agad na may lumabas na kulay lila na mga usok sa kanyang ulo at agad na pumasok sa mga mata ng dalawang kawal.

Kaya naman ay agad na napatulala ang dalawang kawal habang tinitingnan siya. Pagkatapos ay agad na umilaw ng kulay lila na ilaw ang mga mata ng dalawang kawal.

"Ngayon ay nasa ilalim na kayo ng aking kapangyarihan. Sundin nyo ang aking sasabihin." Sabi ni Valle Harmona habang itinuturo pa rin ang kanyang noo gamit ang kanyang kanang kamay.

"Tumakbo kayong dalawa patungo kay Quera Reina, nandoon sila ngayon sa bilog na mesa. Sabihin hindi na kailangang magsagawa ng imbestigasyon dahil nalaman na ang salarin. Sabihin nyong saksi kayong dalawa nang maglagay ng lason ng Amapolla ang salarin. At ito ay si Viscus." Nakangiting sabi ni Valle Harmona.

Kaya naman ay agad na tumakbo ang dalawang kawal patungo sa bilog na mesa ng kaharian ng Agonia kung nasaan sina Quera Reina.

Nandito na ngayon ang dalawang kawal sa lugar kung nasaan sina Quera Reina.

"Anong ginagawa nyo rito?" Nakakunot noong tanong ni Clea Usha.

"Mahal na Clea Usha. Hindi na po kailangang mag-imbestiga. Dahil kaming dalawa po ay saksi sa ginawa ng salarin. Nakita namin siyang nilagyan ng lason ng Amapolla ang mga banga na may lamang alak." Sabi ng isang kawal.

"Mabuti! Kung gano'n ay sino ang salarin?" Tanong ni Clea Gia habang nakaukit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Pagkatapos ay tiningnan nang may matalim na tingin si Quera Violeta.

"Si Viscus." Sagot naman ng isa pang kawal.

"Ano?!" Sigaw naman ng lahat.

Agad namang napatingin si Clea Gia kay Quera Violeta muli. Nang magtagpo ang kanilang mga tingin ay agad na nakita ni Clea Gia si Quera Violeta na para bang gulat na gulat sa sinabi ng dalawang kawal.

Kaya naman ay nasapo nalang ni Clea Gia ang kanyang noo.

Agad din namang palihim na napangiti ng isang mala demonyong ngiti si Quera Violeta.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
4.3M 169K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
364K 529 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
29.6K 532 49
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...