Tame That Beast (Serie De Amo...

By Brave_Feather

6.6K 1.2K 2.9K

Having a wealthy family has it's perks. One of those is confident. When a Cordova became confident, she think... More

TAME THAT BEAST
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 16

110 25 111
By Brave_Feather

Kabanata 16

Pinakamasakit


Muntik na talaga akong sumuko. Kunting-kunti nalang talaga at susuko na ako sa pagkakagusto sa halimaw na si Jared. I really hate him! Masyado syang cold. Kahit sa salita man o sa personalidad nya, talagang malamig siya. Kulang nalang ay thick jacket at feel at Iceland na talaga ako lagi kapag kasama sya. Ayoko nang magkagusto sa katulad nya. Masyadong masakit. Susuko na talaga ako.

Napairap ako sa kawalan. Suminghap ako ng ilang beses bago pumangalumbaba sa sariling desk.

Who am I kidding? Me, myself, and I.

"Oh? Ba't parang ang bigat ng problema mo diyan? What's wrong? Tell me,"

Tinitigan ko si Gian na nasa harap ko nakaupo at nakataas ang kanang kilay.

Itong si Gian... palaging pumupunta sa room namin. Kahit na ang layo ng Business-Ad building sa Fine Arts building ay talagang hindi sya napapagod na puntahan ako. Wala naman syang ginagawa kundi ang makipagdaldalan at magkwento ng kahit na ano kahit na minsan ay tinatanguan ko nalang.



Bumuntong-hininga ako saka nagkibit ng balikat.


"Wala... bumalik ka na nga sa building niyo. Almost one P.M. na oh!" ani ko at ipinakita ang wrist watch.

Inayos nya ang suot-suot na uniporme bago tumayo.

"Tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap."


Hindi na nya ako hinintay na makasagot. Lumabas kaagad sya ng room namin. Sakto namang pumasok si Fern sa kabilang pinto. Kagagaling lang nya sa cafeteria para kumain.


"Nakabusangot na naman 'yang maganda mong mukha, Lancy. Anong problema?" tanong nya at bahagya pang hinawakan ang chin ko.

Ngumuso ako.

"Do I really look like a problematic person now, Fern? Tinanong din ako ni Gian kung ano ang problema ko." mahina kong sabi.

Umupo sya sa tabi ko saka may kinuha sa bulsa nya. Inilahad nya sa akin ang isang piece ng chocolate.

"Hindi naman masyado. Kumain ka muna ng tsokolate baka sakaling masarapan ka at mapangiti din."


Kinuha ko iyong chocolate sa kamay nya saka kaagad na kinain.



Mabilis lumipas ang araw. Magja-january na pero wala paring pinagbago ang takbo ng buhay ko. Hindi ko pa nasasabi kay mommy ang tungkol sa pag-aartista ko. Lagi akong tinatanong ni daddy na kailan ko raw ba sasabihin, sinasagot ko nalang na 'sa tamang oras na'.

Hapon ng biyernes ay kaagad kong kinalabit si Fern na naghihintay ng sundo.


"Mami-miss kita..." malungkot kong sabi saka niyakap sya.


Nang kumalas ako sa yakap ay kinunotan nya ako ng noo at inusisa ang buong mukha ko. Mula noo, leeg at ulo. Inusisa nya rin ng tingin ang buong katawan ko.


"May sakit ka ba?" aniya.

Inirapan ko sya, "Of course not! Mukha ba akong may sakit?" sarkastikong ani ko.

Tumango-tango sya bago nagkibit nf balikat.

"Eh bakit ka nagiging sweet? At bigla-bigla ka nalang nangyayakap tapos sasabihin mong 'mami-miss kita'." ginaya nya pa ang tono ng boses ko kanina.

Hinampas ko ang braso nya.

"Wala!" ani ko.


Magsasalita pa sana ulit sya nang dumating na ang kotse na laging humahatid-sundo sa kanya kaya wala na syang nagawa kundi magpaalam.


"I need to go. 'Wag mong kalimutan tumawag kapag may kailangan ka na kaya kong ibigay or kapag kailangan mo ng kausap. Makikinig ako. Bye!" aniya saka nginitian ako.


Tumango nalang ako at sinundan sya ng tingin hanggang sa makapasok na sya ng kotse.

Sakto namang nakita ko rin si Gian na nakasandal sa sasakyan nya kaya kaagad ko syang sinalubong ng yakap. Mukhang nagulat pa sya sa ginawa ko dahil sa paninigas ng katawan nya. Pero maya-maya ay kumalas na rin ako saka kinurot ko ang cheeks nya.


"Mami-miss kita, Gian Zechler..." mahina kong sabi saka ngumiti.


Gaya ng reaksyon ni Fern ay kumunot rin ang noo nya hanggang sa hinipo nya ang noo ko.


"What's the problem? Are you sick or what?" gulong-gulo na sya.

Umiling-iling ako.

"Wala... mami-miss ko lang talaga ang pagiging makulit mo!" ani ko at kinurot ko uli ang pisngi nya.

"Teka nga, Lancy." tinitigan nya ako ng seryoso, "You're acting weird these days at ngayon ay sasabihin mong mami-miss mo ako... aalis ka ba o magta-transfer?" tanong nya.

Umiling ako, "You'll know soon..." sabi ko saka ngumiti, "By the way, hindi mo na ako kailangan pang ihatid. Dala ko 'yong kotse ko." sabay kindat ko sa kanya.


Hindi ko na hinintay ang sagot nya at kaagad akong tumalikod.

Naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang kunting pagkirot ng dibdib ko.

Grabe! Ang OA ko talaga! Ang tagal pa bago matapos ang second year college life ko pero kung makapagpaalam na ako sa mga malalapit kong kaibigan ay parang bukas na bukas ay hindi na ako papasok.


Pinahiran ko ang mga mata ko bago pa tuluyang magsilabasan ang mga luha ko.

Nakapagdesisyon na talaga ako. Second year college nalang talaga ang huli kong attend sa pag-aaral. Hindi naman totally hindi na talaga ako mag-aaral. I'll get a short course sa USA. Ganun parin... Bachelor of Fine Arts pero ngayon ay talagang major in painting na lang 'yong kukunin ko. Para mas mapadali ang pag-aaral ko. I want to focus on my career as an actress. Kailangang may isakripisyo ako para mapagbutihin nang mas mabuti ang pag-aartista.


Papasok na sana ako sa kotse ko nang makita ang lalaking naka-button down striped shirt habang malamig na nakatingin sa akin.

Ipinilig ko ang ulo bago nag-iwas ng tingin. Binuksan ko na kaagad ang pinto ng driver's seat ko saka pinaharurot rin iyon kaagad.



Saturday night at eleven o'clock when my phone rang. Hindi lang isang beses kundi ilang beses iyon. Kaya kinuha ko iyon nang may inis sa mukha.

Unknown number

Kumunot ang noo ko. Sino 'to? Is it Gian? No, I have his number. Is it Fern? No, I have her number, too. Is it my stalker or some bad human that has an ulterior motive? What?!

Napakagat ako sa labi bago iyon inilagay sa tabi ko.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para makatulog ulit nang mag-ring ulit iyon.


"Hello?!" inis kong bungad nang sinagot ko ang tawag.


Tahimik ang kabilang linya.


"Hello?! Ibababa ko na 'to! Bahala ka nga! Gabing-gabi ay tumatawag ka! Sino ka ba?! Ang famous ko talaga! Saan mo nakuha number ko? Ay, stalker ka nga pala! Ano ba!? Ie-end ko na talaga 'to! By--"


"Lancy..."


Nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan nang dahil sa boses ng caller. Mahina ang boses nya pero alam na alam ko kung sino ang tumatawag.

Napasapo ako sa noo bago inayos ang boses ko.


"H-Hello?" tangna!

Nauutal na naman ako!

"Lancy... ikaw 'yan hindi ba?" narinig ko ang mahinang pagtawa nya sa kabilang linya.

"Jared? Anong nangyayari sa'yo? Nagda-drugs ka ba? Hala! OH MY! Nabaliw ka na?!" napatakip ako sa bibig ko.


Medyo matagal bago sya sumagot.

Hanggang sa marinig ko ang isa sa salitang pinanangarap ko na marinig sa kanya mula noon pa.


"I miss you... pick me up, please..." sweet 'yong boses nya kaya hindi ko napigilan ang mapakagat ng labi.


Damn, Jared! Sige pa! Tell me more! Using your damn sweet voice! Oh my ghad! This is a dream come true! For the first time in history ay tinawagan nya ako at sinabihan pa ng nakakapagpaggiba ng sistema ko lalo.

Ipinilig ko ang ulo bago tumayo.


"Asan ka?" tanong ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya bago sumagot.


"You will really pick me up? Hehehe!" aniya.


Nangisay ako sa kilig dahil sa mahinang pagtawa nya mula sa kabilang linya. Parang tanga na siguro ako dito sa kwarto ko. Sobrang gabi na pero kung makangiti ako ay parang ang aga-aga pa.

Kinalma ko ang sarili ko.


"Yes, I'll pick you up. Pero, hindi mo ba dala ang kotse mo? And where are you? Bakit gabi ka na tumatawag?"


Dahil sa tuwa ko, ngayon lang ako naging curious kung asan sya. Sabi ko na nga ba eh, nakakapaggulo talaga 'to ng sistema.


"I'm at a bar... I can't remember the name..." mahina parin ang boses nya.

Nalaglag ang panga ko nang marinig ang sinabi nya. Darn? Lasing sya? Tapos ako kukuha sa kanya? Saka... sabi raw nila kapag lasing ang isang tao ay nagiging honest. Totoo kaya 'yong mga sinabi nya kanina?

Napakagat uli ako sa pang-ibabang labi ko.

"Send me your real time location, now. Kukunin kita diyan."

Kinuha ko 'yong jacket ko sa cabinet habang hawak-hawak ng isang kamay ko ang cellphone ko.



"Okay... pero, 'wag kang magsuot ng sexy na damit... ayokong makapatay nang wala sa oras..."


Nalaglag ng todo-todo ang panga ko. Umawang ng bonggang-bongga ang labi ko. Nanlaki ang dalawang mata ko. Naghuhuramentado na naman ang buong sistema ko. Ang mga kulisap ko sa tiyan ay sobrang nagwawala dahil sa sobrang kilig na nararamdaman.

"W-What, Jared?"

Gusto kong marinig uli 'yong sinabi nya. Please, Jared... tell me now, beast!

"Hurry up..."

Magsasalita pa sana ako nang naputol na ang tawag. Kaagad kong isinuot ang jacket na nakuha ko saka ang maikling pajama ko ay sinapawan ko ng square pants na kulay peach.

Inayusan ko muna ang sarili ko at pagkatapos kong isintas ang buhok ko ay kaagad akong lumabas ng kwarto.

Dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad. Ayokong mahuli ni mommy. Okay lang si daddy kasi alam kong papayagan nya ako pero si mommy... 'wag na! Baka mabaliw na si Jared kahihintay sa akin.

"Baby..."

Napasapo ako sa dibdib nang marinig ang boses ni daddy na nakatayo sa pintuan ng bahay namin.

Nilapitan ko sya saka nginitian.

"Dad..."

"Where are you going? Gabi na ah?" aniya.

Napakamot ako sa noo ko bago awkward na ngumiti.

"Eh kasi, dad... may project kami ni Fern, iyong kaibigan kong babae. Bukas na deadline eh... Pupunta lang sana ako saglit pero uuwi din ako kaagad." sabay ngiti ko.

Kumunot ang noo ni daddy bago hinawakan ang chin nya.

"No more lies, Lancy. Go on, gawin mo ang gusto mo pero mag-iingat ka lang. Bumalik ka dito nang buo. Without wounds, bruises or any injuries." paalala nya.

Napaismid ako.

"Dad! Ang OA mo! Parang saan naman ako pupunta talaga..." eh kay Jared lang naman.

Tumango si daddy bago tinapik ang ulo ko.

"Come back home... safe." paalala nya ulit.



Mabilis akong nakarating sa Purple Lit bar na si-nend ni Jared sa akin na location. Isa itong bar malapit sa party street kaya hindi ako nahirapang hanapin ang lugar.

Bumaba kaagad ako at inayos ang jacket na suot-suot ko.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bar pero hinarang ako ng bouncer.

"Kuya, I'm already twenty." ani ko.

Tumango naman sya at pinadaan na ako.

Hinanap ko kaagad si Jared sa buong bar. Mahirap sya hanapin kasi nakakahilo ang mga party lights. Dumagdag pa ang ingay ng mga music at sigawan ng mga tao. Masikip din ang lugar kasi marami talagang tao lalo na sa dancefloor. Parang baliw na nga 'yong iba sa kakasayaw at kaka-head banging nila. Ang iba ay intimate dance pa. Hay naku.

Ipinilig ko ang ulo saka hinanap kaagad si Jared.

Dumiretso ako sa counter nang maisip na pwedeng nandoon sya at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko sya doon na nakadantay ang ulo sa counter mismo. May katabi syang mga basong walang laman.

Napataas ang kilay ko nang makita ang isang babaeng lumapit kay Jared at pinaharap ito sa kanya.

Kaagad akong nag-martsa papunta sa kanya saka padabog na inalis ang kamay nya sa baba ni Jared.


"What are you doing?! Get lost!" pagtataboy ko.


Inirapan nya lang ako at umalis din kaagad.

Napatingin ako kay Jared na tulog na tulog. Nakanguso pa ang mapupula ngunit maninipis na labi.


"Ay, ma'am... kayo po ba si Lancy?"


Napatingin ako sa bartender saka tumango.


"Kanina ka pa niyan hinahanap eh." aniya.


Bahagya akong napangiti bago hinawakan ang baba ni Jared. So, you're looking for me? Why, Jared? What for? You miss me?

Umiling-iling ako saka ngumiti bago tinawag ang isang bouncer.

"Pwede po bang patulong?" tanong ko.

Tumango naman kaagad ang bouncer at dali-daling kinarga si Jared. Pagewang-gewang pa nga ang inutosan ko hanggang sa makarating kami sa harap ng kotse ko.

"Thank you..." nakangiti kong sabi at ibinigay sa kanya ang one-thousand.

Tumango naman iyon at sumaludo bago umalis.

Nahirapan pa akong ipasok si Jared sa front seat at sinuotan ko pa ng seatbelt. Hindi talaga gumagalaw. Sobrang lasing nya.

Ano ba problema nito at naglasing?

Sinalubong ako ng security guard ng bahay ni Jared nang makarating kami sa harap ng gate.

Tinulongan nya akong alalayan si JKL hanggang sa makarating kami sa kwarto nya mismo.


"Sige po, ako na po bahala." sabi nya na kaagad kong inilingan.

"Hindi po, ako na. Magbantay nalang po kayo doon sa gate baka may pumasok na hindi kakilala. Sikat pa naman itong si Jared." sabi ko.


Pagkatapos tumango ni manong guard ay lumabas na din sya.

Nakapameywang kong tinitigan si Jared na nakahiga sa kama nya saka sya nilapitan.

Tinanggal ko ang puting sapatos nya na suot-suot pati na ang medyas nya saka iyon inilagay sa baba ng kama. Pagkatapos ay inalis ko ang jacket na suot-suot nya saka iyon inilagay sa ibabaw ng mini cabinet sa tabi ng kama.

Kumuha ako ng comforter sa gilid saka iyon ikinumot sa kanya.


"Lancy!"

Kaagad akong napahawak sa dibdib dahil sa gulat nang bigla syang bumangon at umupo.

Tinitigan nya ako gamit ang mapupungay nyang mga mata saka ako nginitian.


"Come here, please..." aniya at ngumuso.

Lumapit ako sa kanya saka tinaasan sya ng kilay.


"Bakit? Bakit ka ba naglasing? May problema ka ba?" agad kong tanong.

Ngumuso sya at umiling-iling.

"Malaki... ang problema ko..." aniya at ngumiti.

"Ayos ka din, 'no? Nakuha mo pang ngumiti sa kabila ng malaking problema na sinasabi mo?" sarkastiko kong sabi.


Tumango-tango sya bago tinitigan ang wall nya.

Tinignan ko rin iyon. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang malaking picture na nasa picture frame, nakasabit sa wall na kaharap ng kama nya. Isang nakangiting babae na maganda, isang lalaking gwapo na may matang singkit at mapungay gaya ng kay Jared at isang batang lalaki ang naroon.

Kinunotan ko ng noo si Jared.


"Ikaw 'yon?" tanong ko.

Tumango-tango sya at ngumiti.

"Gwapo ko 'di ba?" aniya at ngumisi.


Inirapan ko sya. Nag-iwas ako ng tingin saka napakagat-labi. Yes, Jared! You're too handsome up until now!

Suminghap ako bago tumingin sa kanya. Pero kusang tumigil ang buong katawan ko nang makita ang mapupula nyang taenga at ilong.

Para syang bata habang pinapahiran gamit ang likod ng palad nya ang pisngi na may mga preskong luhang dumadaloy.

Iniwas ko ang paningin ko sabay kagat uli ng labi. Hindi ko alam pero nakikita ko syang umiiyak ay humihina ang katawan ko. Nawawala ang lahat ng lakas ko.

Ipinilig ko ang ulo bago lumapit sa kanya.


"M-Matulog ka na..." ani ko.


Gusto ko mang aluin sya pero hindi ko naman alam ano ang sasabihin ko. Hindi ko nga alam ang dahilan ng pag-iyak nya eh. Hindi ko akalain na makikita ko siyang umiiyak sa harapan ko mismo. Pinangarap ko na ngumiti sya nang abot-taenga kapag magkasama kami pero hindi ko naman pinangarap na makita syang umiiyak. Sobrang... nakakapanghina. Hindi ko alam na umiiyak din pala 'tong beast na 'to.

Inalalayan ko syang humiga na kaagad din naman nyang ginawa. Pagkatapos ay kinumotan ko uli sya.

Ngumiti ako at bumuntong-hininga.

Hindi pa ako nakakahakbang nang maramdaman ko ang yakap nya sa baywang ko. Ramdam na ramdam ko ang braso nya na nakapulupot sa katawan ko kaya halos magwala na naman lahat ng sistema ko. Pulang-pula na siguro ang mukha ko ngayon dahil sa kilig.


Isiniksik nya ang ulo nya sa tiyan ko kaya hinayaan ko nalang sya. Wala naman akong lakas na itulak sya kasi yakap lang naman. If he needs my embrace, I'll embrace him immediately with arms open wide.

Ilang minuto nang nakasubsob ang mukha nya sa tiyan ko bago siya nagsalita.



"Masakit kapag iniwan ka ng sarili mong pamilya..." panimula nya.


Nanatili lang akong tahimik.


"Mas masakit kapag nag-away kayo ng best friend mo..." aniya.


Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya kaya nanatili lang akong tahimik.


"...pero pinakamasakit kapag bigla ka nalang iniwasan ng taong gumugulo ng sistema mo..."

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 1.2K 16
My therapist says I have an obsessive disorder. I say, what could I do when she is so fucking alluring? The last 8 years I helped her achive everyth...
10.7M 248K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 π„π§πžπ¦π’πžπ¬ 𝐭𝐨 π‹π¨π―πžπ«π¬ Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
138K 5.4K 25
Pete smiles even when he's in the face of pain but will his smile remain when in Vegas' memories, Pete doesn't exist?
1.4M 20K 25
Katherine "Kit" Taylor has been making excuses for twelve years, but when she suddenly finds herself with a month free from work and her sister's wed...