Tame That Beast (Serie De Amo...

Від Brave_Feather

6.6K 1.2K 2.9K

Having a wealthy family has it's perks. One of those is confident. When a Cordova became confident, she think... Більше

TAME THAT BEAST
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 13

119 25 67
Від Brave_Feather

Kabanata 13

Sketching Model



Nakasimangot kong tinitigan ang cellphone ko isang araw.

"Damn! Wala man lang text ni-isa?!" inis kong sabi.

Halos malapit na akong maduling dahil sa kakatingin ko sa sariling phone. Naghihintay ako ng text ni Jared kahit paalam o I'm going to miss you man lang pero wala eh. Nakakainis tuloy.

Pupunta kasi sya sa Prague, Czech Republic kasama si Hariah kasi sila raw ang representative ng AU (Andwae University). What's worse? Hindi man lang nya ako sinabihan. Darn! Bakit nga ba nya sasabihin sa akin? Wait! Wala pala syang number ko! At wala rin akong number niya! Haha! Just too great, Lancy!

Sinapo ko ang noo saka umiling-iling. Padabog akong dumiretso sa garahe namin kung saan nadatnan ko si tatay Jun na inaayos ang na-flat na gulong.

"Tay!" tawag ko sabay kaway.


Pinunasan nya ang sariling noo gamit ang puting panyo nya saka ako tinignan.

"Wala lang... Ang boring kasi." matamlay kong sabi.

Umupo sya sa bench ng garahe namin saka tinawanan ako.

"Tay?" kunot-noo kong ani.

"Pasensya na, anak... pero nakakatuwa ka kasi. Ang dami mong gadget doon sa kwarto mo pero nabo-boring ka parin? Si Honeylyn nga ay--"

Kinunotan ko sya ng noo nang bigla syang tumigil sa pagsasalita.


Umupo ako sa tabi nya saka nagkibit-balikat, "Bakit hindi niyo po tinuloy?" tanong ko.

"Pasensya na. Alam kong ayaw mong naririnig ang pangalan ng anak ko." apologetic syang ngumiti.

"Tay! Hindi naman ganun! Okay lang naman na mabanggit nyo si Honeylyn. Hindi nya na naman ako ginugulo. May sarili na kaming buhay." ani ko saka ngumiti.

"Oo nga, ano? Naalala ko nung mga bata pa kayo, nung seventh birthday mo, inimbitahan kasi sila ng daddy mo kaya ayun at 'yon ang una niyong pagkikita pero nag-away kaagad kayo." aniya at natatawa pa.


Napangiti nalang din ako. Naalala ko nga 'yon. Inagaw nya kasi sa akin ang teddy bear na pink na iniregalo sa akin ng tito ko kaya ayun at inaway ko. Inaway nya rin ako pero sa huli ay sya 'yong umiyak. Pinagalitan kasi ni tatay Jun at ng nanay nya. Pagkatapos nung nangyari ay umuwi sila.


"Pero sana ay dumating ang araw na magkaayos kayo at maging kaibigan. Higit na matutuwa ako kapag dumating ang araw na iyon."

Hindi ako nakasagot. Natigilan ako nung sinabi iyon ni tatay Jun. Lahat ng gusto o inuutos ni tatay Jun ay sinusunod ko. Ito lang yata ang mahirap gawin... pero sana ay mangyari nga 'pag dumating ang panahon.

"'Wag ka ring mag-alala dahil may boyfriend na si Honeylyn... hindi na sya mang-aagaw ng anuman sa mga pagmamay-ari mo." aniya.


Tumango-tango ako.

Maya-maya'y nagpaalam na rin siya kasi susunduin nya pa raw si mommy. Hindi dinala ni mommy ang kotse nya kaya kailangan nya si tatay Jun.

Sakto namang papasok ako ng kwarto ko nang tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko na tinignan pa ang caller at sinagot rin kaagad ang tawag.


"Hello?!" medyo inis kong sabi.

"The hell, Miss?!"


Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ng the freaking great Aiden Blake Carlos Devalli.

"Oh? Ba't napatawag ka?!"

Pumasok ako sa kwarto ko at umupo kaagad sa couch.

"I am doing you a favor, okay? Why are you piss now?" Aniya sa kabilang linya at humalakhak pa.

Umirap ako saka humiga.

"Okay, sorry! Anong favor ba iyan? At 'wag kang humingi ng kapalit kasi hindi naman kita inutosan." ani ko.

Mahirap na at baka may hingin pa 'tong Devalli na 'to. Sa panahon ngayon, wala nang libre.

"The twelve noon flight will take off any minute from now. Please go to your respective seats and wear your seatbelts."

Inulit pa iyon ng speaker sa airport–wait?! Airport?!

Napaupo ako sa couch mula sa pagkakahiga bago nagsalita.


"Aiden?! What?! Where are you?! What are you doing there?!" sunod-sunod kong sagot.

Humalakhak ulit sya bago sumagot, "I can't leave my girl with your guy alone, Lancy." aniya.

"Really? Aiden! Thank you, thank you! I probably got insane right now if you didn't call me! OH MY GHAD! You're really crazy over that Hariah! Thanks for your craziness, I can breath properly now." ani ko.

"Oh, yes, Lancy. I really am madly in love with her. She's here. Good bye."


Buti nalang talaga at tumawag sya at sinabi 'yon kundi ay tuluyan na akong galit sa halimaw na Jared na 'yon.




Mabilis lumipas ang panahon. Nang dumating ang summer break ay nagbakasyon lang ako sa Cebu at kung anu-ano ang ginawa ko doon kasama si tita Carlota.


"Eh, ito, kanino 'to? Ang ganda! Sinong gumawa?" tanong ko habang itinuturo ang isang sculpture na hugis ibon.

Hinawakan iyon ni Tiara saka proud na ipinakita at inilapit pa sa akin.


"Ako ang gumawa nito! Sabi nang maganda talaga 'to, eh. Si daddy ay hindi nagagandahan!" aniya at sumimangot pa.


Tinawanan ko lang sya saka naglakad papunta sa harap ng isang sketch na may mukha ng babaeng may mga luha sa pisngi at sa mga mata.


"Ako rin ang gumawa niyan!" proud nyang sabi.

Napatango-tango ako saka tinignan si Tiara.

"Ngayong second year college na ako ay sketching na ang main subject namin... would you mind if you could teach me?" tanong ko at tinaas ang kilay.

Nilapitan nya ako at inakbayan.

"Baliw ka ba? Tinatanong pa ba 'yon? Siyempre naman, couz!" aniya at ngumiti.



True enough, iyon ang madalas naming ginawa nung bakasyon. Minsan painting, minsan sculpting pero kadalasan talaga ay sketching.

May talent talaga si Tiara sa mga arts at kahit hindi nya pa ginagawa ay magaling na sya habang ako ay kailangan ko pang mag-practice nang mag-practice. Kahit na lagi nyang pinupuri ang mga gawa ko ay hindi parin ako kumbinsido.


Nang dumating ulit ang pasukan ay first week palang ay sketching na kaagad ang palagi naming ginagawa.

May art studio room na provided para sa batch namin kaya doon kami palaging pumupunta kapag kailangan na naming mag-sketch. Hindi kami ganoon kadami sa department namin. Siguro ay nasa twenty-three lang kaya masyadong malaki para sa amin ang studio.


"You are going to sketch this penguin for today..." ani ni Ms. Naja na prof namin sa art sub.


Tumango kaming lahat.

This will be the first time that I would sketch for school purposes. I am not confident if my piece would turn great but whatever... I'll just let my hand decide the outcome.

Nagsimula na akong mag-sketch sa kaharap kong malaking sketching pad na katulad ng folded chair kapag folded sya. May stand iyon at medyo may kataasan rin ang upuan namin kaya hindi ako nahihirapan habang ginuguhit iyong malaking picture sa monitor ng flat screen sa harap namin.

Penguin iyon na nakatingin sa malayong parte ng dagat. Nag-iisa lang sya at mahahalatang loner type sya kasi ang nasa malayong mga penguin ay kumpol-kumpol.



"Okay, your time is up. Just leave your piece in there and don't forget to put your name below it. That's all for today, you can go."



Kaagad kong isinabit sa balikat ang sling bag ko saka kaagad na lumabas ng studio na iyon.

Nasa third floor kami ng building ng Business-Ad kaya paniguradong madadaanan namin ang room nina Gian na nasa second floor, kadikit ng main stair.

"Lancy!" medyo tumigil ako sa paglalakad para hintayin si Fern na syang sumisigaw sa pangalan ko.

Yes, that conyo girl from Marya's school before, Fern Silver, transferred here in FHU. Fine Arts din ang kursong kinuha nya kaya magkaklase na kami. Jolly sya at hindi maarte. Mahilig lang mag-conyo kasi English 'yong main language nya mula pagkabata pa. Wala syang half. Actually ay 'yong mukha nya, medyo pang-western kaya maganda sya at maganda rin ang katawan nya.


"Why didn't you hintay me ba? Hinanap kita there sa pag-aakalang andun ka pa but you're here na pala." aniya nang nakasabay na ako sa paglalakad.

"Akala ko ay kay Daryl ka sasabay. Crush mo iyon, hindi ba?" pang-aasar ko.


Nakita kong pumula ang pisngi nya bago naunang humakbang pababa ng hagdanan.


"Heh! 'Wag ka ngang like that, Lancy!" aniya.

Tinawanan ko sya, "You like him, right?"

"Eh... he said na ayaw nya ng conyo kaya I don't have hope na." aniya at sumimangot.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Anong wala? Meron pa! Tigil-tigilan mo na ang pagko-conyo mo nang sa ganun ay magustohan ka. Edi solved!" nakangiti kong sabi.

Bahagya syang sumimangot, "I don't think na magagawa ko what he wants."


Inilingan ko lang sya at nauna na ngang maglakad.

Hindi nga ako nagkamali nang makababa kami ng second floor. Nadatnan ko si Gian na nakasandal sa railings ng building habang katabi ang mga kaibigan nyang naka-civilian lang. Buti pa sya ay naka-uniform.


"Lancy!" tawag nya kaagad.

Nginitian ko sya ng tipid. Kaagad syang naglakad palapit sa akin habang kamot-kamot ang batok nya.

"Kamusta ang sketch mo? Maganda ba?" tanong nya.

Bahagya akong sumimangot, "Hindi ko alam... siguro maganda pero hindi perfect." sabi ko.

Tinaasan nya ako ng kilay saka inakbayan kaya bahagya ko tuloy natulak si Fern na nasa gilid ko at sakto namang dumaan si Daryl kaya siya ang nabangga ng kaibigan ko. Nakita kong pumula ang pisngi niya pero hanggang doon lang ang nakita ko kasi biglang bumulong si Gian sa akin.


"Maganda iyon, panigurado! Sa susunod ay ako naman ang i-sketch mo. Dapat libre! Hindi mo ako pinasama sa Cebu eh! Umasa kaya ako, ouch huh!" aniya at hinawakan pa ang parte kung nasaan ang puso nya.

Tinawanan ko lang sya saka tinulak.

"Alright, Gian! Stop acting there!" sabi ko, natatawa.



I was relieved when I've got a perfect score for my sketch last last week kaya naman nang dumating ang second session namin sa art studio about sketching ay mas confident na ako.

I am confident in everything I do... except for two things.

First, ay ang mga ginagawa ko about arts. I am not confident enough because I am not an artist, sculptor or whatsoever related to arts pero heto ako at naging fine arts student pa.

Second and most importantly, I am not confident in my feelings for the damn beast. Sa lahat-lahat yata ng taong nakilala ko ay sa kanya lang ako may hiya, sa kanya lang ako naiilang, at siyempre, sa kanya lang ako nako-conscious tungkol sa behaviors ko.

Pumasok si Ms. Naja na may ngiti sa labi nya.


"Good afternoon, studs! I am very overwhelmed by your sketches last time. You really were a good art students kaya proud ako sa inyo." aniya at pumalakpak.

Nagtilian ang mga kaklase ko at maging si Fern na katabi ko ay humihiyaw rin. May ilan pang nag-react sa sinabi ng prof.


"Talaga, ma'am! Kami 'to eh"

"Nakakaiyak ka naman, ma'am Naja!"

"Pakain naman diyan, ma'am!"


Tinawanan lang ng prof ang lahat ng mga comments ng mga kaklase ko sa sinabi nya.


"Enough, studs. So, today... I am hoping that you'll do a good job on your sketches. Hindi na penguin o kung ano pa mang mga bagay-bagay diyan sa paligid ang ise-sketch nyo kundi tao na."


Tao na? Totoo? Oh damn! Hindi ko pa alam kung kaya ko bang gumuhit ng totoong tao. 'Yong lagi naming ginuguhit ni Tiara sa Cebu ay mga prutas, gulay, animals at scenery at wala pa akong naguguhit na totoong tao kaya hindi ko alam kung kaya ko ba... o ano.


"Relax, studs... this will serve as your practice... general practice kasi kapag nasa fourth year na kayo, kailangang bihasa na kayo pagdating sa anong klaseng arts diyan kaya 'wag na kayong mag-alala kasi para rin 'to sa inyo." seryosong sabi ng prof.

"Okay, ma'am!" sigaw ni Fern.


Tumango ang prof bago tumingin sa pinto.


"You may come in, Mr. Tuazon."


Napatingin ako kay Ms. Naja nang sabihin nya iyon.


Bumilis ang tibok ng puso ko. Naghuramentado na naman ang mga kulisap sa tiyan ko at halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaba.

Mr. Tuazon? There are lot of Tuazon in the world, right? He is not the only Tuazon here. His family, his relatives, they're Tuazon's! Kaya hindi ako dapat mangamba nang ganito!

But... I wasn't right.

Pagpasok na pagpasok nya ng pinto ay halos mapanganga ako dahil sa sobrang paghanga. He looks so damn sexy in his white fitted t-shirt with black jeans as it's partner and of course, his shoes with the little check mark on the side. He is not looking at me, he is just wandering his eyes in the whole room and what makes me nervous more? His smirk when our eyes met!




"So, meet your model for today's sketching... Jared Keir Leigh Tuazon."

Продовжити читання

Вам також сподобається

Deceitful Heart Від Keszme

Романтика

2.6K 111 16
'Ang boring ng life, parang gusto ko na magka-baby' sabi ni Tine na isang Emergency Room nurse sa isang Tertiary Hospital sa United Kingdom. 'I am wa...
670K 51.7K 34
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
942K 83.9K 39
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
2.1M 127K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...