Tame That Beast (Serie De Amo...

By Brave_Feather

6.6K 1.2K 2.9K

Having a wealthy family has it's perks. One of those is confident. When a Cordova became confident, she think... More

TAME THAT BEAST
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Last Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 11

116 24 78
By Brave_Feather

Kabanata 11

Sure


Naalimpungatan ako kinabukasan nang maramdaman ang sakit ng ulo. Bumangon ako mula sa kama ko saka pumunta sa banyo ng kwarto ko.

Pagkatapos ay bumalik rin ako kaagad sa pagkakahiga sa kama ko habang hawak-hawak ang ulo.

I can't even remember what happened last night. Kung paano ako nakauwi. Sino ang kumuha sa akin. Nag-taxi ba ako o ano. Anong oras ba akong nakauwi at paano kasi.

Bahagya akong umupo saka isinandal ang likod sa headboard ng kama. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap kaagad ang number ni Marya. Siya nalang ang tatanungin ko.

Medyo matagal bago nya nasagot ang tawag.


"Hello? Marya!" kaagad kong sabi.

"Lancy! Ano ba? Ang aga-aga ay naninigaw ka!" aniya.

Suminghap ako bago nagsalita, "Okay, sorry! I just want to ask kung paano ako nakauwi kagabi."


Darn! I sound so crazy right now! Buhay ko 'to pero iba ang tinatanong ko. Of course! Hindi ko nga maalala kung paano ako nakauwi eh! Kailangan kong magtanong baka ano ang nagawa ko kagabi.


"Seriously, Lancy?" aniya at narinig ko ang pagtawa nya mula sa kabilang linya.

"Marya!" frustrated kong ani.

"Haha! Sorry. Natawa lang ako sa'yo. Anyway, si Jared ang naghatid sa'yo."


Nagpabalik-balik sa isipan ko ang sinabi nya. Si Jared... Jared... Jared... SI JARED ANG NAGHATID SA AKIN?! DARN!

Napalunok ako bago nagsalita.

"M-May g-ginawa ba akong kabaliwan?" tanong ko. Kinakabahan sa isasagot nya.

Sana naman wala! Sana ay normal na sundo lang ang nangyari. Sana wala akong nagawang kahihiyan.

"Uh... wala namang sinabi si Jared. Basta nung tinanong namin sya nang bumalik sya sa bar para kunin ang mga regalo namin sa'yo at ang purse mo ay sinabi nya lang na naihatid ka na raw nya."


Napahinga ako nang malalim dahil sa sagot nya.

Pagkatapos kong makipag-usap ay nagpaalam din ako kaagad kasi may kumakatok sa pinto kaya kailangan ko pang buksan 'yun dahil naka-lock.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si tatay Jun na may dala-dalang tray ng pagkain.

"Good morning, po." ani ko.

Nginitian nya ako saka inilahad iyong tray, "Kumain ka muna, anak saka itong gamot sa gilid ay para sa hangover mo. Medyo madami yata ang nainom mo kagabi." aniya.

Tinanggap ko ang pagkain saka inilapag sa ibabaw ng mini cabinet ko.


"Si Jared po ba talaga ang naghatid sa akin dito?" tanong ko.

Umupo sya sa sofa ng kwarto ko bago tumango.

"Eh... wala po ba akong ginawa kagabi? Wala po bang nangyari?" kinakabahan na naman ako.

Ayokong makuntento sa sinabi ni Marya kasi alam kong hindi iyong ang kabuoan ng detalye sa mga nangyari kagabi kaya kailangan kong magtanong sa iba pa para makasiguro.

"Wala naman siguro kasi buhat-buhat ka nya nang ihatid ka kagabi. Tulog na tulog ka nga. Inihatid ka pa dito sa kwarto mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

What? Pumasok sya sa kwarto ko kagabi?

Suminghap si tatay Jun at tumayo na, "O sige na, anak. Kumain ka na lang at 'wag nang mag-alala. Tanungin mo nalang si Jared mismo. At 'yong mga regalo ay nandun sa guest room. Doon nalang namin inilagay." aniya at lumabas na kaagad ng kwarto ko.

Ikinalma ko nalang ang sarili saka kinain na ang mga pagkain sa tray. Uminom rin ako ng gamot pagkatapos.

Nagbihis lang ako saglit at kaagad ring bumaba para kunin ang mga regalo ko sa guest room sa baba.

Binuksan ko ang pinto nun at bumungad sa akin ang maraming regalo, may rosas at tsokolate pa. Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang malaking naka-wrapper na regalong rektanggulo na manipis.

Nagpatulong ako sa mga maid namin sa paglipat ng mga regalo sa kwarto ko.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos rin. Binuksan ko kaagad ang rectangle na regalo. Napangiti ako nang maluwag nang makita ang isang painting ng mga paru-paru sa isang maraming bulaklak na iba't-iba ang kulay.

Binasa ko ang card sa likod nun saka napangiti.

Dear princess,

            This is your tita Carlota. Happy birthday our dear Lancy Sapphire! I hope you'll enjoy your birthday. I am planning to visit you there, soon. You're nineteen but no boyfriend muna, okay? I hope you like my gift. It's a new painting here in Cebu and it's really really expensive, nevertheless, it's for you so I don't mind the money I had spent. I miss you, princess! See you soon!

                                    From,
Tita Carlota Cordova


Napangiti ako bago ulit tinitigan ang painting. I really love seeing paintings since I was a kid. Iyon din ang dahilan kung bakit Fine Arts ang napili kong kurso sa college dahil gusto kong matutong mag-paint pero wala akong oras masyado kaya kahit sa projects lang ay matuto ako.


Days went passed and fortunately, it's good. Wala pa akong nararanasang problema... as of now.


Sa dumaang mga araw, sobrang ibang pag-iingat ang ginawa ko para lang hindi kami magkita ni Jared. Yes, alam ko na kung ano ang ginawa ko noong gabi ng birthday ko. It's really not that of big deal pero syempre, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Sino ba naman ang magkakaroon ng lakas ng loob na magpakita sa isang tao kung inaya mo syang halikan ka, hindi ba?


The night that I recalled my memories on my birthday was so... breathtaking! Halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano nalang 'pag nagkita kami, ano nalang ang gagawin ko, ano nalang ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang isasagot kaya ito at pilit kong iniiwasan sya. Nihindi na nga ako bumibisita sa agency namin.


I was relieved when I found out that the beast was busy writing new songs and was busy in his own college life, same as me. Kaya medyo nabawasan ang kaba ko na magkita kami.


One sunny day when I suddenly remember that I have a project with my groupmate.

"Jelly! Nakita mo ba sina Wyne, Shade, at Yera?"

Natataranta kong tinanong ang nakita kong classmate ko nung highschool sa ground ng FHU. Itinanong ko kung nakita ba nila ang ka-groupmate ko.

Umiling-iling sya, "Hindi, Lancy, eh..." sagot nya.

Halos takbuhin ko na ang cafeteria namin nang hindi ko makita ang kahit niisa sa mga kagrupo ko.

"Darn!" inis kong sabi nang wala sila sa cafeteria.

Aligaga ako habang tinatahak ang room namin.

Nakita ko pa si Gian kasama ang mga kaibigan nyang naka-jersey uniform at may dala-dalang mga bola.


Hindi ko na nagawang bumati man lang dahil sa kaba. Hindi pwedeng hindi ako makatulong sa project namin! Wala akong score sa Arts subject panigurado! Iyon ang pinakahuli naming project this first year college! Ayokong may bagsak ako kung sakali man! Darn!


Napasabunot ako sa blonde kong buhok dahil sa frustrations. Kung bakit ba kasi ay nakipag-usap pa ako kahapon kay Ms. Bea pagkatapos kong mag-audition. Kaya ayan tuloy at nakalimutan kong tumulong sa project.


"Oh, Lancy! Chill!"

Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Gian dahil sa pagkainis ko sa sarili.

"How can I chill if I did not help in my group's project! Darn this life!" gamit ang Aussie accent ay sinabi ko iyon kay Gian.

Kumunot ang noo nya bago ako hinawakan sa wrist. Kinunotan ko sya ng noo pero nginitian nya lang ako.

"I can help you, I guess... " Aniya.

Kunot-noo ako lalo na nang makarating kami sa harap ng room ng Fine Arts.

Kaagad akong lumapit sa ka-groupmate ko saka kinausap sila. Busy sila sa paglagay ng mga designs sa gilid ng painting naming project. Ang iba naman na groups ay ganun din ang ginagawa. Busy ang lahat sa projects habang ako ay kinakabahan na.


"Wyne! Kanina ko pa kayo hinahanap!" kaagad kong sabi.

Hinarap ako ni Wyne habang itinataas nya ang sariling kilay.

"Bahala ka, Lancy. Hindi namin isinali ang pangalan mo sa project natin." aniya at ngumisi.

Ginulo ko ulit ang sariling buhok saka napakagat sa pang-ibabang labi ko.

"Wyne naman! I can lend my hand on our project! I can give you money! How much? I don't care! Just include me!" inis kong ani.

Napatingin sa akin ang dalawa naming ka-grupo na sina Shade at Yera.

"Yera... please!" sabay hawak ko sa kamay nya.

Itinabig nya iyon saka ngumisi, "Hindi namin kasalanan na hindi nakalista ang pangalan mo sa project natin. Kasalanan mo kasi hindi ka pumunta sa venue kahapon. Edi sana ay nakatulong ka at wala kang problema ngayon." aniya sa tono na parang pinapangaralan ako.

Napairap ako dahil sa sobrang inis.

"Edi fine! 'Wag nyo 'kong isali! Kakausapin ko nalang si Mr. Renaldo!" inis kong sabi at akmang lalabas na sana nang dumating si Mr. Renaldo.

Napalingon naman ako kay Gian na kumaway bago tumakbo paalis. Adviser nila itong prof namin sa Arts kaya baka mapagalitan sya kapag nakita sya sa harap ng room namin.

Ibinaling ko ang tingin sa prof namin na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin at palipat-lipat din sa groupmates ko.

Hanggang sa inihinto nya ang paningin sa akin.

"What's the problem, Ms. Cordova?" ani nito.

"Hindi kasi nila ako pinasali sa project namin, Sir!" ani ko sabay irap kina Wyne.

Tinignan nya ang groupmate ko, "Totoo ba iyon, Ms. Jacinto?" tanong nya kay Shade.

Tinitigan ako ni Shade at umiling kay Sir, "Hindi po! Hindi naman kasi sya tumulong kaya ginawa lang namin ang tama." aniya.

Napairap ako, "Tama? Hindi kayo tama! I told you that I can help you sa pagde-design! I can give you money para sa mga kulang pa. Just write down my name and we'll have no problem here." itinaas ko ang kilay.

Bahagyang lumapit sa akin si Wyne at tinuro-turo ako, "It's not about money, Lancy! It's about effort! Hindi lahat ay nababayaran ng pera. Kailangan mong tumulong pero hindi mo ginawa. Ano ba kasi ang ginawa mo kahapon?" itinaas nya uli ang kilay.


Napakagat ako ng labi. Of course, I don't want to tell her the truth. That I was busy auditioning in BDA! Kasi hindi pa lumalabas ang resulta and I can't tell anyone bago ko pa malaman ang result kung tanggap na ba ako kasi ayokong mapahiya. I dare not to stain my family's name!

Suminghap si Mr. Renaldo bago ako tinignan.

"Ms. Jacinto is right, Ms. Cordova. Everything isn't about money, it's about effort kaya makatarungan ang ginawa nilang hindi pagsali sa'yo."

"What?! Sir! Hindi pwedeng hindi ako kasali! Wala akong grade na makukuha sa'yo o kung meron man ay bagsak. Hindi pwede 'yon, Sir." ani ko.

Tumango-tango si Mr. Renaldo.

"You still have the chance, Ms. Cordova. I can give you a chance and you can't say no." seryoso nyang sabi.

I swallowed hard before I answered, "Yes, Sir! Anything!" ani ko.

Nagtungo sya sa table nya at pinaupo ang ibang kaklase ko habang ako ay pinalapit sa kanya.

"Pumunta ka ng Cebu. Sa Private Art Gallery. May exhibition ang bagong mga artist doon at ang kailangan mong gawin ay documentation at pagkuha ng mga detalye. You should be glad kasi it will serve as your experience nang sa ganun ay alam mo na ang kailangan gawin 'pag nagkaroon rin kayo ng exhibition nyo." aniya.

Tumango ako, "Okay, Sir. I'll do that. Thank you!" ani ko.

Nakabalik na ako sa sariling upuan pero hindi parin makangiti ng kahit tipid na ngiti dahil hindi ko pa alam kung kailan ako pupunta, sino ang isasama ko, o saan banda ang art gallery na sinabi niya.

I sighed.

Nang uwian nya ay nakita ko si Gian na nakasandal sa kotse nyang kulay itim. Bago na naman.

Nilapitan ko kaagad sya saka nginitian ng tipid. Buti ngayon ay kaya ko na.


"Gian... pwede ka ba sa Sabado at Linggo?" tanong ko kaagad.

Kumunot ang noo nya bago tumango, "Yes, I'm free. Bakit?"

"Eh kasi... magpapasama ako sa'yo sa Cebu. Okay lang ba?" tanong ko.

Nginitian nya ako saka walang pagdadalawang-isip na tumango.

"Yes, yes, Lancy! Sure!"

Napangiti ako. Thanks to him, I can breath properly now.

Continue Reading

You'll Also Like

701K 58.7K 33
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
664K 51.3K 34
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
26.6K 1.2K 16
My therapist says I have an obsessive disorder. I say, what could I do when she is so fucking alluring? The last 8 years I helped her achive everyth...
2.6K 111 16
'Ang boring ng life, parang gusto ko na magka-baby' sabi ni Tine na isang Emergency Room nurse sa isang Tertiary Hospital sa United Kingdom. 'I am wa...