Crown 2: Fall Into Me

Por RoviMochizuki

115K 3.6K 154

Highest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol n... Más

Fall Into Me
Chapter One √
Chapter Two √
Chapter Three √
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
A Minute For Silence
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty (Finale)
Mochi's Note

Chapter Seven

3.6K 122 21
Por RoviMochizuki

KINABUKASAN ay maaga kaming pinatawag ng principal sa kanyang opisina. Mabilis akong kumilos para mag-ayos.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at sa building ng Diamonds patungo sa building kung saan ang Principal's Office.

Paliko na ako sa hallway nang magkasabay kami ni Ronald. Galing itong kabilang wing ng building. Nagkangitian kami at nagkuwentuhan tungkol sa nangyari kagabi, sa mga hula ni Madame Elvira na tinawanan lang namin.

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng Principal's Office. Binuksan ito ni Ronald at naunang pumasok. Sumunod naman agad ako rito. Nabungaran ko sina Trevor, Naoya at ang principal na naghihintay sa amin. Naupo kami ni Ronald sa mga bakanteng upuan.

"Kaya ko kayo pinatawag dito e, para sabihin na ang Spades ang tatayong Student's Council sa taong ito." Tumingin ang principal kay Trevor. "At bilang Ace ng Spades, I want you to tour a transferee around. Darating siya mamaya kaya gusto ko na ikaw ang bahala sa kanya. Make him feel welcomed."

"Sir," sagot ni Trevor, halata sa mukha nito ang pagtutol sa sinabi ng principal. "Hindi po ba pwedeng ibang tao na lang o kaya ay hayaan na lang natin siyang maglibot mag-isa?"

Disappointment crept into me. Hindi ko inaasahan ang sagot nito na para bang hindi ito isang Ace.

Napapalatak ang principal sa sinabi ni Trevor at napailing. "Fine. I'll have someone to tour him." Mataman itong tumingin sa huli. "I'm disappointed of you, Mr. Villafuerte."

Biglang napatuwid ang upo ni Trevor at napayuko.

D-in-ismiss na rin kaagad naman ng principal. Lumabas ako ng opisina nito at dumiretso sa cafeteria, not minding about the other Aces. Bumili lang ako ng isang mangkok ng champorado para sa almusal ko. Dumiretso ako sa isang table na nasa gilid, malayo sa usual na inuupuan ng maraming tao.

Tahimik akong nakain habang nakikinig sa mga usapan ng mga tao sa paligid ko. At mabilis nga siguro ang balita dahil alam na agad ng lahat ang tungkol sa transferee na darating mamaya. Napabuntong-hininga na lang ako.

Pagkatapos kumain ay tumingin ako sa relos ko. I found out na seven A.M. palang. Nine A.M. pa ang pasok ko.

Dahil sa wala akong magawa e, naisipan kong maglakad-lakad habang nag-iisip - nag-iisip kung paano pagbabatiin sina Horen at Mikel. Magkaaway pa ri kasi iyong dalawa.

Alam kong hindi lang ito dahil sa hindi pagpayag ni Horen na pumunta sa arcade. It is something deep, something important. Because if it isn't, hindi hahantong sa ganito ang lahat. Hindi hahantong sa hindi pagpapansinan at pag-iiwasan nila.

Gusto ko silang magkaayos. Sila kasi ang naging kaibigan ko dito sa Crown. Kahit na ilang linggo ko palang kaming magkakakilala, tinuturing ko na silang matalik na kaibigan, lalo na si Horen na ang tingin ko ay nakakabata kong kapatid.

"'Yan ba iyong transferee?" rinig kong tanong ng isang babae sa kasama nito.

"'Yan na nga siguro," sagot naman ng isa.

Nagpalinga-linga ako at napagtanto kong nasa malapit na pala ako sa gate. Tiningnan ko iyong tinutukoy nilang transferee. Brown ang mga buhok nito, may kaliitan ang mga mata, matangos ang ilong, may kanipisan ang mga labi at ang pinaka-cute sa kanya, ang may katabaan niyang pisngi.

Napangiti naman ako. Ganyan din ako noong bago ako e. Halata kasi sa mukha nito ang ayaw na pumasok. Para bang labag sa loob nito ang lumipat sa Crown.

Maya-maya pa ay lumitaw si Trevor galing sa labas ng gate. Mukhang galing sa labas ang kumag. May hawak pa itong plastic bag na may logo ng isang sikat na fast food chain.

Nagsimulang magtitili ang mga kababaihan sa paligid at sinisigaw ang ngalan ni kumag. Nagmukha siyang artista dahil sa mga inaasta ng mga schoolmate namin. Kung makatili, wagas. Nabubulabog ang mga tutuli ko.

People nowadays, I thought and rolled my eyes.

Napatingin ako sa gawi ng transferee. Nakayuko ito at pailalim na nakatingin sa likod, wari'y nagtataka sa komosyong nagaganap sa loob ng Crown. Siguro ngayon napagtanto na niyang isang malaking mental hospital ang Crown.

Napanganga naman ako ng bahagya nang mabangga ito. Nabuwal ito at babagsak na sana sa matigas at malamig na semento nang tumakbo si Trevor papunta rito at sinalo ito.

Ang kaninang pag-aalala ko sa bagong estudyante ng Crown ay nawala at napalitan ng kung anong damdaming hindi ko mapangalanan. Damdaming ayokong maramdaman.

DAHIL sa nararamdaman ko ay agad din akong tumalikod at tumakbo.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko noon nang may narinig akong ingay. Parang mga nabagsak na kung ano. At dahil laging curious si ako, ch-in-eck ko kung anong komosyon ang nangyayari sa labas. Nakita ko mula sa pinto ko ang papalayong si Mikel galing sa kwarto nila ni Horen na dala ang mga gamit niya.

At alam kong may hindi na naman magandang nangyari.

Nang mawala na si Mikel ay agad akong pumunta kay Horen. Pagkarating ko sa kwarto nito ay nanlumo ako at nakaramdam ng awa at sakit.

Dahil ayon si Horen, nakaluhod at humahagulgol ng iyak.

"H-Horen," may alinlangan kong tawag ko sa pangalan nito.

Nag-angat ito ng tingin at nang makita ako ay agad itong nagpunas ng luha. Pilit itong ngumiti sa akin at nanghihinang tumayo.

"O? A-anong ginagawa mo dito, Jhay?" tanong nito habang pilit inaayos ang gumagaralgal nitong boses.

"Anong problema? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko dito.

"Naku! Wala iyon! Nag-iinarte lang ako." Then he faked a laugh.

"You know what, Ren?" sabi ko rito habang matamang nakatingin sa mga mata nito. "Yoy can tell anything. I'm your friend."

Napakagat-labi ito at yumuko bago tumakbo sa akin. Yumakap ito sa akin at saka sa balikat ko umiyak. Niyakap ko rin ito at marahang hinaplos ang likod nito.

Nasasaktan ako para sa kanya. Dahil ito ang masayahing si Horen, umiiyak sa mga bisig ko.

"A-ang sakit, Jhay. Ang sakit e," sabi nito sa akin na para bang nagsusumbong.

"Shh. Tama na," pagpapatahan ko sa kanya. "Kung masakit na, let go."

"Pero hindi ganoon kadali e, Jhay. Masakit e. Sobrang sakit na hindi ko alam kung paano ako nabubuhay ngayong mga oras na 'to." Medyo humiwalay na ito sa akin. "Para akong nasagasaan ng tren. Nagkalasog-lasog ang katawan ko. Pero ang masakit sa lahat e, heto ako at buhay pa rin na para bang sinadya para maramdaman ko 'to."

Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang ito ilabas ang mga himutok nito. Umupo kami sa kama nito at doon nito ikinuwento lahat sa akin.

Nagsimula daw ang lahat nang hindi sinasadyang makita nila sa mall ni Mikel si Sophia, girlfriend noon ni Mikel na walang pormal na paghihiwalay. Nagkumustahan ang dalawa, nagkuwentuhan at tawanan na parang walang nangyari pag-iwan ni Sophia kay Mikel. Pero mas nagulat daw siya nang halikan ng babae si Mikel sa labi. Simula noon ay nagbago na daw nagbago raw pakikitungo ni Mikel kay Horen. Parang naging isang ordinaryong kaibigan na lang daw siya. Hindi na rin mabitawan ng lalaki ang cellphone nito at maya-maya may kausap. Kinonpronta na niya ito pero wala siyang nakuhang sagot.

Dumating ang oras na may nalaman siyang tungkol sa dalawa. Iyon ay kinagabihan noong pumunta kami ng amusement park. Hindi pala hinabol ni Mikel si Horen. Sa katunayan raw ay bumalik si Horen nang mapagtantong ang immature ng naging asal niya. Pero nakita niya si Mikel na pasakay ng taxi at parang nagmamadali. Nagkaroon siya ng kutob at sumakay rin ng taxi para sundan si Mikel. Ilang minuto lang ay bumaba na ito. Nang makababa raw siya sa taxi ay parang nanlaki ang ulo niya sa nakita. Nasa tapat sila ng motel. Agad niyang sinundan si Mikel at nakita niya itong nag-check in. Nag-check in din siya para masundan ito. Doon niya nalaman na si Sophia pala ang kakatagpuin nito. Halos ibato na raw niya ang mga gamit sa motel nang marinig niya ang mga ungol nito habang siya nasa labas ng kwarto ng mga ito.

At ngayon nga, iniwan na siya ni Mikel dahil kay Sophia.

"Jhay, ang sakit e. All I do was love him. Hindi ko akalaing ito pala ang kapalit, tinapon ako na parang basura."

Hindi ako sumagot dito. Nanatili lang akong tahimik.

"I don't get it," pagpapatuloy nito. "What is 'good' in goodbye? May masaya ba sa pag-alis ng mga tao? May masaya ba kapag iniwan ka na?"

Muli, hindi ko ito sinagot. Umiyak lang ng umiyak si Horen sa balikat ko. Ako naman ay hinahaplos ang likod nito at pinapatahan. Naramdaman ko na lang bigla na nakatulog na pala ito. Maayos ko itong inihiga sa kama niya at kinumutan bago umalis sa kwarto nito.

Gusto ko sanang kausapin si Mikel pero alam kong hindi ito ang tamang oras. Baka may masabi lang akong masakit.

Bigla ko naalalda ang sinabi ni Horen kanina lang.

What is 'good' in goodbye? May masaya ba sa pag-alis ng mga tao? May masaya ba kapag iniwan ka na?

I smiled bitterly at myself. Gusto ko rin malaman ang sagot sa tanong ni Horen. Dahil gusto kong maging masaya sa pag-iwan sa amin ng babaeng dapat ay tinatawag kong Mama.

Seguir leyendo

También te gustarán

2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
672K 24K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.4K 132 9
Countryside Romance [BXB] Written by IthinkJaimenlove Status: ON GOING Date Started: 12 | 23 | 2023 Date Finish: 00 | 00 | 0000 Countryside Romance (...